Tale 17
Tale 17
This is War!
~Charm~
[Welcome students of Aurum Magique University! Today we are celebrating our school's 157th Founding Anniversary!] boom ng isang boses mula sa mga nakapalibot na floating speakers sa buong school ngayong araw.. Nakarinig din kami ng masayang hiyawan mula sa labas.. May mga sinabi pang muli ang boses pero nabaling na sa mga kaibigan ko ang aking atensyon..
"I can't believe we are actually doing this.." kinakabahang saad ni Javen habang nakaupo kami dito sa waiting area ng venue kung saan gaganapin ang Game of Storms.
"Don't worry we will survive this.." determinadong sagot ni Flay
[This is DJ Harvin at your service. Hello and welcome to the Game of Storms!!]
Sobrang lakas ng hiyawan sa labas.. Hindi ko mapigilang kabahan..
"Little girls, are you freshmen?? Are you sure you want to join the game??" tanong ng isang babae na nakablack from head to toe.
"You can still back out you know." Saad ng kasama nito na naka-gray
"Thanks for your concern, but we have to do this." Sagot ni Flay habang naka-cross arms.
Natawa yung dalawang babae. Muka naman silang mabait. "Aww. Ang cute nyo. Pero mapanganib itong game, baka masaktan lang kayo.." saad nung naka-black
"Correct. May next year pa naman. Wala pa kayong sapat na training. You should back out for now.." dagdag nung naka-gray.
"Like I said, we have to do this." Paninindigan ni Flay
"Wait? Kayo ba yung kahapon?? Yung sa cafeteria??" tanong nung naka-gray
Proud na tumango si Flay..
"Ah. I get it. Pero masyado itong delikado. Your friend can prove herself in a different way.." saad nung naka-black
"A chance like this might never come again.. Besides I believe in Charm. I believe in my team, they are my friends. Alam kong kaya namin toh.." Tugon ni Flay
Napabuntong hininga yung dalawang babae.. "Mukang buo na talaga ang loob nyo. Well good luck. Wag sana kayong masaktan ng sobra sa game mamaya.." saad nila
"Thank you.'' Sabi ni Flay
"They have a point. Plus I'm not your friend. Kaya bakit ipinalista mo rin ang pangalan ko sa team nyo..?" komento at tanong ni August
Yes, sa tatlong araw na wala ako dito sa school naging kaibigan na nina Flay si August..
"Awww.. Shy si August.. Friends na tayo.. Tsaka kulang kami ng isang member eh.. Hihi.." nakangiting sagot ni Flay
Napabuntong hininga si August.. Then tumingin ito sakin.. "Hey ikaw. I heard you're weak. Don't drag us down in the games." Saad nito sakin
Napatango na lang ako.. Mukang hindi nya ko gusto..
"August hindi weak si Charm.." depensa sakin ni Flay
Tumango si August pero mukang hindi ito kumbinsido..
"Flay kung wag na nga lang kaya tayong sumali?? Hindi ka ba natatakot sa mangyayari?? Paano kung masaktan lang tayo sa laro.." saad ni Javen
"Ang nega mo masyado.. Wag kang mag-alala, talented tayo at malalakas.. Tsaka sayang yung prize.. I heard aside sa cash may magical items na makukuha ang mga mananalo.. Gaya ng isang rare jem or magic potion na kayang makagamot ng kahit na anong karamdaman.. Hindi ka ba interesado Javen? Gusto mong maging witch doctor diba??" –Flay
"Umaasa ka ba talagang mananalo tayo laban sa mga senior??" hindi makapaniwalang tanong ni Javen
"Wait? Magic potion??" interesado kong tanong..
"Yep! Magic potion, sabi ng source ko rare daw ang potion nay un. Kaya daw nung makagamot ng kahit na anong karamdaman.. Pero second prize lang yun.. Yung first prize na rare jem ang mas interesante kasi—" pinutol ko ang sasabihin ni Flay
"Kailangan nating maging second place.." saad ko.. Kung makukuha ko yung potion nay un, maaaring mas mapabilis ang recovery ni Mom..
"Seryoso ka ba Charm?? Kailangan nating makapasok sa final round kung gusto mong maging second place.." nag-aalalang saad ni Javen..
"At tsaka bakit second place lang?? Kung magse-set ka ng goal dapat first place agad!" dagdag naman ni Flay
"Oh? Sya yun? Yung kahihiyan sa department natin?"
"Ang lakas naman ng loob nyang sumali dito sa game. Gusto nya bang mapahiya pa lalo??"
"Don't tell me lahat ng ka-batchmate nating witches in training ay ka-level nya?? Mukang hindi tayo mahihirapan kung sila ang makakalaban natin mamaya.."
"And what are they wearing?? Do they think this is a fashion show?? Pffft.. Immatures.."
Napatingin kami dun sa grupo ng mga babae sa kabilang upuan.. Grabe sila makapag-usap.. At pati ba naman outfit namin kailangan nilang laitin?? Lahat kasi ng mga nandito, mga damit na madaling ikilos at ilaban ang suot, pero kaming lima pinagsuot ni Flay ng matching Lolita dresses.. Sabi nya kasi kailangan naming manatiling maganda kahit nasa gitna ng laban..
"Sino naman kayo??" tanong ni Flay dun sa mga babae
"Oh hello fellow freshmen!" bati nung isa with a plastic smile.
"Wizards in training kami.." dagdag nung isa pa
"Oh? Mga classmates kayo ni President??" usisa ni Flay
"Yes. Are you one of her fan girls?? Let's be friends. Kung gusto mo, we can help you meet up with him.." nakangiting sagot nila.. Nakakairita yung ngiti nila. Kaibigan ba sila ni Arren?? Close ba sila sa balahurang yun??
"Ah, no need for that. We already met him, we are friends with his girlfriend so of course we already met him before.." sagot ni Flay with an innocent smile..
Napanganga yung mga babae.. "G-girlfriend??" hindi makapaniwalang tanong nila
"Oh? Hindi nyo alam? Akala ko pa naman close kayo??" tila nagulat na tanong ni Flay..
Girlfriend?? Ni Arren??
"For real??" hindi makapaniwala nilang tanong
Hindi sila sinagot ni Flay.
"Girls, tara na. Magsisimula na yung game.." saad nya at nakita kong tumayo na sina Roma kaya sumunod na din ako.
Muntik na akong mapaniwala ni Flay. Nakalimutan kong magaling nga pala syang umarte.. Nabiktima nya na ako noon... -.-
"She's not serious right? Sinabi nya lang siguro yun para asarin tayo.."
"Yeah. Impusibleng acquainted sila kay President Gavriil. Tayo nga na classmates nya nahihirapang i-approach sya. Sila pa kaya na fan girls lang..? He's too perfect to be friends with the likes of those people. He's our prince after all.."
Nag-umpisa na ding lumabas ang iba kasunod namin..
[Magsisimula na ang game! Are you all excited??] dinig naming announce nung DJ.
Nagkaroon muli ng masaya at malakas na hiyawan..
[This year is indead pretty exciting. Three teams competing today is coming from the School of Martial Arts and Weaponry. Eight teams from the College of Science and Black Arts. And of course, fourteen teams from the Department of Crafts and Magic. And to make things even more thrilling, there are actually freshmen participants this year!]
Noong makarating kami sa arena sinalubong kami ng hiyawan at cheer ng mga tao.. Gaganapin ang game dito sa isang coliseum-style na venue.. Nasa gitna kami ng napakaraming manonood ngayon.. Lahat ba sila estudyante nitong school??
May naganap na pagsabog mula sa magkabilang gilid ng arena at nagpaulan iyon ng confetti na nakadagdag sa excitement ng mga manonood..
[Ohoho~ Look at that! Mukang excited na rin ang ating mga kalahok! Isa sa grupo ng mga first year ngayong taon ay mula sa COSBA!! Pakinggan natin ang cheer ng mga taga-suporta nila!!]
Muling nag-cheer ang mga tao..
Noong makita ko ang grupo ng mga freshmen na tinutukoy nung DJ, nagtaka ako kung bakit pamilyar sila.. Tumingin sila sa direksyon namin nina Flay at masayang ngumiti at kumaway..
Eh?? Wait hindi ba sina Louie yun?? Yung bestfriend ni Flay. Kasama nito si Franc— Franciss? France?? err, basta si Fran.. May isa pa na pamilyar..? Ahh!!! Yung lalaking nakabungguan ko nung araw na muntik na kaming magkita ni Kuya Grey, yung lalaking weirdo na hanggang balikat ang blond na buhok. Kaibigan sya nina Louie?? Tapos may dalawa pa na hindi ko kilala..
[At syempre pakinggan din natin ang cheer ng DCM para sa dalawang freshmen team mula sa department nila na kalahok ngayong taon!!]
Nag-cheer ulit ang mga tao.. Pero hindi na ito kasing lakas nung kanina..
[Whoa! Isa sa grupo ng mga freshmen ang may unique na kasuotan. Matching Lolita Dresses!! Magiging kasing ganda kaya ng kasuotan nila ang magiging laban nila mamaya?? Abangan natin ito!]
Natawa ang mga manonood sa sinabi ng DJ... Napasimangot kaming lima.. Pinagkakatuwaan ba nila kami??
[Jokes aside, gusto nyo na bang simulan natin ang game??!]
Nag-cheer ang mga tao..
[Oh? I can't hear you?? Gusto nyo na bang simulan ang game??]
Umalingawngaw ang malakas na cheer ng mga manonod..
[Ang first round ng laro ay ang War. Maglalaban-laban ang dalawamput limang teams hanggang sa apat na team na lang ang matitirang nakatayo. Ang apat na matitirang team ang syang makakapasok sa second round. Walang rules ang round na ito. You can use any weapons, tools, or magic. You cannot take your opponent's life. But you are free to smash them, hurt them, or break them. The magic infirmary will fix them after the game. So go all out. This is a war afterall.]
Ramdam ang excitement sa mga manonood. Pero tension ang namamayani dito sa loob ng arena.
[To officially start the game, let's have our Headmaster to the center stage.]
Nagpalakpakan at hiyawan ang mga manonood noong tumayo si Headmaster Fridd mula sa kanyang pwesto sa pinakamataas na bahagi ng coliseum.. Ngumiti sya noong makarating sya sa gitna ng platform..
"Students of Aurum Magique University, today we are celebrating the founding anniversary of our school. And today we will witness the proud students who will show the product of their hardwork and patience! Today I want you to be inspired! Follow their lead. Be proud that you are a student of this school! And with that in mind, let us officially start the Game of Storms!!"
Kasabay ng mga salitang yun ni Headmaster Fridd, may lumitaw na force field na bumalot sa arena..
The game have started.
Pero walang gumalaw..
Namayani ang tension maging sa mga manonood..
Nakita kong bumunot ng espada ang isa sa mga kalaban namin, at sa isang iglap lang ay nagkagulo sa loob ng arena kasabay ng pagbalik ng masayang hiyawan ng mga manonood..
"Wow. It's kinda intense.." komento ni Flay
"Instense?? This is crazy!!!" react ni Javen
May sumugod saming isang lalaki na may hawak na dalawang espada.. Isang roundhouse kick lang mula kay Roma ang kinailangan para ma-knock out ang lalaki..
Nanatili kaming nakatayo lang sa pwesto namin.. May ilan na pinupuntirya kami, pero lahat sila hindi makalampas sa depensa ni Roma.. She's using Enhancing magic kaya hindi pangkaraniwan ang lakas ng mga pag-atake nya at para din syang kidlat sa sobrang bilis.. May naalala akong anime character mula sa Earth. Yung babae sa anime na Magi, hindi ko maalala kung sino sya since mahina ako sa pangalan. Pero para syang si Roma sa mga oras na toh.
May mga nagpapalitan ng atake. May mga maliliit na pagsabog sa paligid. Mayroon namang ilan na physical strength ang ginagamit, may hawak silang mga armas or magical tools kaya kahit may magic ang kalaban nila ay hindi masasabing one-sided ang laban..
Ahm? Ito na ba yung game na sinasabi nila?? I admit it's lively, pero hindi lang ito ang inaasahan ko.
[Nagiging intense na ang laban! One of the sorcerer participant is engaging on a one on one with an alchemist! And holy shizzz!! Nakita nyo ba yun?? It seems the alchemist dude have the upper arm!]
[Sa sobrang intense ng nangyayaring labanan kumakapal na ang alikabok sa gitna ng arena! Isa sa mga Alchemist ang nagpakawala ng isang wind technique! Can you believe that? That dude is hella talented to pull that off! May munting ipo-ipo sa gitna ng arena!]
Ang kapal nga ng alikabok. Ang sakit sa mata.. Pero kumpara sa na-experience kong laban against a real sorcerer last time, this game is nothing.
Nakita kong may ilang tipak ng bato na lumilipad sa direksyon namin..
Bago pa ko nakapag-cast ng repeling magic, may bumanggang ice shards sa mga bato at sumabog ang mga ito.. Magic ni August..
[Whoa! Whoa! Whoa! And look at that! Magic versus magic. Mukang freshmen versus freshmen ang mangyayaring laban!! Sino kaya ang matitirang nakatayo?? Well personaly, I hope it's the ones wearing the Lolita dresses. Magiging maganda silang mascot para sa game!!]
"So hindi naman pala kayo ganun kahina.." naka-smirk na saad nung mga babaeng freshmen wizard na kausap namin sa waiting area kanina.
"I'll deal with these people.." saad ni Roma
"No. Let's work as a team.. Gusto ko silang pulbusin.. Kanina pa ko naaasar sa mga yan eh.." kontra ni Flay
Nag-cast ng spell yung mga babaeng wizard, at ganun din sina Roma at Flay..
May malakas na pagsabog na naganap.. At tumilapon yung mga babaeng wizard habang nanatili naman kaming nakatayo..
[Oh no! Kung kailan naman maganda ang mga pangyayari saka naman natin hindi makita dahil sa kapal ng alikabok!!]
Hindi maipinta yung muka nung limang babae.. Mukang hindi nila inaasahan na mas malakas sina Flay at Roma kesa sa kanilang lima..
Agad tumayo yung limang babae at galit na tumingin samin.. Naglabas sila ng wand at saka nag-cast ng spell..
Bago pa naka-react ang mga kasama ko nakita ko ang limang espada na patungo sa direksyon namin..
Nagulat ang mga kasama ko.. Mukang hindi nila inaasahan na gagamit ng conjuring magic ang mga kalaban namin..
Nag-cast ako ng spell sa isip ko at agad naging mga bulaklak yung mga espada bago pa ito tumama sa aming lima..
Hindi ko alam kung tama bang matawa. Limang pirasong espada lang ang nalikha nila pero mukang naubos na ang lakas nila..
Napatingin sakin sina Flay. Nanlalaki ang mga mata nila..
"Ikaw ba ang may gawa nun??" tanong ni Javen at tumango naman ako
"Wow." –Javen
"Good job!" sabi ni Flay with thumbs up..
"Kailangan ba natin silang i-knock out??" tanong ni Roma
"Of course! Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nakikitang bali ang mga buto nila at may bangas sila sa muka.." sagot ni Flay
Nakita kong natakot yung limang babae.. Mukang yun na yung limit ng magic nila..?
Narinig kong nag-cast ng spell si August.. Nabalot sa yelo ang braso at binti nung limang babaeng wizard.. "Hindi na sila makakagalaw. Teach them a lesson."
May tatlong lalaking umatake samin, pero naharangan sila ni Roma.. "Ako na dito. Kayo na bahala sa limang yan.." saad nya
Ngumiti si Flay.. "This would be fun.."
"No! Please! Spare us! Wag ang mga muka namin.." pagmamakaawa nung isa
"Sorry! Mali kami.. Please wag nyo kaming sasaktan.." sabi nung isa na umiiyak na sa takot.
Kumunot ang noo ko.. Unlike kay Roma na nag-aaral na ng magic since bata pa lang sya, kay Flay na may natural talent, kay Javen na hardworking, kay August na mukang may experience na sa actual combat, at sakin na nag-aral ng magic noong bata pa ko,, mukang hindi pa kami kayang tapatan ng mga babaeng ito... Kakaumpisa pa lang naman kasi ng school year at first year pa lang kami kaya naman understandable yun, pero since masyado silang mapagmataas kanina, nag-expect ako na malakas sila.. How disappointing...
"Uh? Seryoso ba kayo?? Sumali kayo dito pero takot kayong masaktan??" tanong ni Flay tapos nag-cross arms sya..
"Please! Magka- department tayo! Please maawa ka!!" umiiyak na saad nung isa
Tumawa ng mapang-insulto si Flay.. Mukang naaasar na sya ng totoo.. "Magkadepartment?? So what?? Hindi nyo sana kami inatake sa simula pa lang. Plus akala nyo ba makakalimutan ko ang mga pinagsasabi nyo kanina tungkol samin ng mga kaibigan ko..? Awa?? Huh! Hindi uso yun sa gitna ng labanan! Tsaka makukuntento lang ako kapag nakita kong sira na yang mga ipinagmamalaki nyong mga muka!"
Muka na syang isang kontra-bida..
"Flay stop acting like a bully.." saway ko at agad nag-cast ng spell para balutin ng tuluyan sa yelo yung limang babaeng wizard.
Nag-pout si Flay. "Ang KJ, nag-eenjoy pa ko sa pang-bu-bully eh.." reklamo nya
"At bakit mo naman sila binalot sa yelo August? Baka ma-disqualify tayo.." dagdag pa ni Flay
"We won't get disqualified. They're not dead. They're just frozen." Sagot ko
Napatingin sakin si Flay.. "Wait? Ikaw may gawa nito??"
Tumango ako..
"Paano mo ginawa yun?? Isa yung mataas na level ng spell mula sa tribe namin?? It's a magic that freezes and envelops an enemy on ice but kept them alive. I can't even do that.." tanong sakin ni August.. Nakakunot ang noo nya at mukang hindi makapaniwala..
Hindi ako nakasagot.. Isa yung mataas na uri ng spell?? Pero since six years old nagagawa ko na yun.. Natural lang para sakin ang paggamit ng ice magic..
Hindi na nila nagawa pang magtanong ulit noong may umatake samin.. Abala pa si Roma sa tatlong martial artist.
[Ah! Hindi natin alam kung ano na ang kasalukuyang nagaganap sa loob ng arena dahil sa kapal ng alikabok.. Tila naglaho na ang ipo-ipo kaya inaasahan nating sa loob ng ilang segundo ay masasaksihan na nating muli ang nangyayaring mga laban!]
"Oh? Teka mga freshman kayo?? Haha ang galling nyo para makatagal ng ganito.." saad ng isang lalaking lumitaw mula sa likod ko.. Hindi ko inaasahan ang bigla nyang pagsulpot.. Mabuti na lang at naiwasan ko yung spear na hawak nya..
May mabilis na nilalang na lumitaw sa gilid ko. Mabuti na lang at hindi ako ang target nito kung hindi yung lalaking may hawak na spear.. It was Cobalt.
Kasali din sya dito??
"Leave her alone.." malamig na saad ni Cobalt dun sa lalaki
"Whoa.. We met again Cutie.." nakangising saad sakin ng kasamang lalaki ni Cobalt.
"You too Ashley. Leave her alone.." saad ni Cobalt
"What?? Dude! Ako nanaman ang nakita mo?? Binabati ko lang itong kapatid mo.." depensa nung lalaki.. Kaibigan ba sya ni Cobalt.. Bakit nya alam na kapatid ko si Colby??
"Charm are you okay??" tanong ni Flay na agad lumapit sakin
"I'm okay." Sagot ko
"Ugh! Kasali din dito sina Cobalt Lockwood??? Mahihirapan tayong labanan sila.." reklamo ni Flay
"Let's just leave them alone.." saad ko habang pinapanood si Colby na busy makipagpalitan ng atake dun sa lalaking may spear..
Nasa tabi ko na din sina Roma, Javen at August.. Abala si Javen sa pag-cast ng spell kay Roma para ibalik ang lakas nito, habang pinoprotektahan sila ni August..
"Bad news. Ubos na yung mga mahihinang players.. Meaning mahihirapan na tayong makipagsabayan sa mga natitirang players ngayon.." saad ni August
"Nakita ko sina Louie kanina, mukang nabugbog sila ng husto.. Pati si Jaden.." nag-aalalang saad ni Javen
"Sino naman sila??" tanong ni August
"Sila yung grupo ng mga freshmen na alchemist. Louie is my childhood friend. And Jaden is Javen's twin brother.." sagot ni Flay
"Oh?? Bakit hindi tayo nakipag-team up sa kanila??" tanong ni August
"Because they're weak.." sagot ni Flay
Ang harsh nya masyado..
[Ohhh!! Everyone nakikita nyo ba ang nakikita ko?? May walong teams na lang ang natitirang nakatayo!! Oh? Wait! Nine!! There were actually nine teams left!! And three of these teams only have one or two members left! Pero okay lang yun! As long as may isang member na nananatiling nakatayo hanggang sa huli, their entire team will enter the next round!!]
[At tingnan nyo! Mukang nananatili pa ring nakatayo ang isang grupo ng mga freshmen!! Ano kaya ang nagyari?? Lucky charm ba nila ang kanilang magandang Lolita Dresses???]
Naghiyawan sa excitement ang mga tao..
I don't find our situation amusing though.
Mukang hindi na kayang magpatuloy ni Roma. At dahil sa sinabi ng DJ ay naagaw namin ang atensyon ng iba pang mga players.
Napabuntong hininga ako.. Kung gusto kong manalo kailangan kong lumaban ng totohanan.. Hindi ako natutuwa sa atensyong pusible kong makuha, pero kailangan kong manalo.. Kailangan ko ang potion na yun..
"Freshmen ang pinakamadaling target!!" saad ng isang babae at naghagis sya ng maliliit na bola..
Bombs?? Is she an assassin in training??
I casted a wide repeling magic kaya agad nag-bounce pabalik yung mga bola.. As expected, sumabog ang mga ito.. Medyo naawa ako dun sa babae kasi nasabugan sya nung bomba sa muka..
"Oh? Mukang hindi kayo mahina.." saad ng isang lalaki na may hawak na wand.. A wizard..
Nag-cast ito ng isang spell at bago pa ako naka-react ay nakita kong nakuryente na sina Flay at Javen.. Mabilis sya.. Natumba ako.. Shit. Nakuryente din pala ako..
Agad akong nag-cast ng isang spell sa isip ko at may lumipad na mga espada na gawa sa yelo sa direksyon nung lalaki.. Naiwasan nya yun..
[Mga manonood! May nagaganap na laban ng isang senior wizard at mga freshmen ngayon!! Will this be the end for the Lolita witches??]
"Don't make me laugh.. Sa tingin mo ba tatablan ako ng isang simpleng lightning magic lang?? Tsk. Lightning is my natural attribute so I won't lose.." nakita kong pinilit makatayo ni Flay.. Lumitaw ang familiar nya sa kanyang balikat... "Ayoko sanang gawin toh pero pinilit mo ko.."
Nag-umpisang mag-cast ng spell si Flay, inatake sya nung wizard pero agad nag-counter attack si August para protektahan si Flay.
"Ok lang ba kayo???" tanong ni Roma at inalalayan akong makatayo..
Nakita kong umubo ng dugo si Javen.. Pero sa kabila nun ay nagawa nya pa ring tumayo at lumapit samin..
"Akala ko mamamatay na ko.." buntong hininga ni Javen at saka bumaling sakin at nag-cast ng spell.. Naglaho ang nararamdaman kong sakit ng katawan..
"Thanks Javen.. Okay ka lang din ba??" tugon ko
"Yeah. I'm a healing mage so don't worry.." sagot nya
Biglang yumanig ang paligid kaya agad akong napatingin kay Flay.. This is her magic...
Nag-crack ang lupa at biglang namatay ang masayang hiyawan ng mga tao noong may lumitaw na nilalang mula sa gitak ng lupa.. Maging ang mga kalahok sa gitna ng arena ay natigilan..
Isang stone golem... Life magic?? Hindi.. I think it's summoning magic.. Hindi ito isang nilalang na nilikha ng magic nya.. Dahil base sa gigantic size ng golem, at sa mga mata nitong tila puno ng karunungan, it's probably an old golem summoned by Flay..
[I-isang stone golem! N-nagawang mag-summon ng isang freshman ng isang stone golem!!"]
Muling naghiyawan ang mga tao.. This time punong-puno iyon ng pagkamangha..
Napangiti ako.. Tama ako. Talented nga si Flay..
"Girls formation!" utos ni Flay
"Formation??? Pero wala naman tayong napag-usapang formation??" nagtatakang tugon ni Javen
"Oh?? Wala ba?? Hmmm?? Then ganito na lang. Roma and August kayo ang offense. Charm tayo ang defence. And Javen will be the support.." –Flay
"Okay." –Roma
Tumango naman ako..
"No problem."Javen
"Sounds like a plan.." –August
Lumitaw ang familiar ng mga kasama ko.
Unang beses ko pa lang nakita ang familiar nila.. Pinapalibutan si Roma ng mga asul na paru-paro na tila gawa sa tubig. May lumitaw namang owl sa balikat ni Javen. Habang may lumitaw namang white wolf sa tabi ni August.
[Holy shizzz!! Ngayon lang nila tinawag ang mga familiar nila??? And they survive until now using only half of their magic??? Whoa! We have a very terrifying group of freshmen this year!!]
"Let's win this.." nakangiting saad ni Flay
We are the perfect team..
Naging invincible ang pinagsamang depensa namin ni Flay, habang flawless naman ang naging mga pag-atake nina August at Roma.. And with Javen as the support, we all moved forward to the next round..
~~~~~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top