Tale 15
Tale 15
The Dragon Tribe
~Charm~
I have little memories of what happened after I defeated the slave traders..
Sa naaalala ko pinakawalan ko lahat ng mga tao mula sa mga kinalalagyan nilang kalesa..
And then I remember that creepy chescher cat smile.. Yung lalaking may creepy na ngiti.. Sa naaalala ko kakaiba din ang kulay ng buhok at mga mata nya.. Kalahating itim at kalahating puti ang kulay ng bukok nya habang silver naman ang mga mata nya.. Parang Yin Yang.. Pero panira lang yung ngiti nya..
Nagpasalamat sya saakin.. Pero hindi ko maalala ang boses nya.. Kinuha nya ang mga kamay ko at may iginuhit syang simbolo sa palad ko.. May sinabi sya sakin pero nakalimutan ko na kung ano.. Parang importante iyon..?
"Miss Charmaine gising ka na ba??" narinig kong tanong ng isang boses kaya naalimpungatan ako
Nakasakay ako sa kabayo kasama si Erigor, yung isa sa mga lalaking kasama naming nakakulong kanina.. Nagpakilala na kami sa isat-isa.. Si Louise Scarlet Alteria ang babaeng may blonde hair at eyebags, habang si Yvonne naman ang babaeng may silver na buhok.. Pero yung lalaking may creepy na ngiti, after kong mawalan ng malay hindi ko na sya matagpuan pa.. Tinanong ko sina Creyon kung ano ang nangyari sa lalaking yun pero lahat sila walang napansin na lalaking tugma sa description ko... Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang sya or kung panget lang ang description ko kaya hindi ko sya mahanap.. Pero isinantabi ko na lamang muna iyon..
"Nawalan nanaman ba ako ng malay??" tanong ko
Matapos naming matagpuan yung mga nakawalang kabayo nung mga traders, pinili naming maglakbay pabalik sa Aureus.. Ginamit pa rin namin ang mga kalesa upang hindi mahirapan sa paglalakbay ang mga kasama namin..
At dahil hindi ko inaasahang may makakaharap akong sorcerer, napasobra ang paggamit ko sa magic kanina, ilang beses na akong nawawalan ng malay sa nakalipas na mga oras..
"Oo nawalan ka ulit ng malay dalawang oras na ang nakakaraan.. Pero may problema tayo ngayon Ms. Charmaine..." sagot ni Erigor
"Naligaw tayo dahil sa kapal ng hamog.. At nasa panganib tayo sa mga oras na ito.." sabat ni Yvonne na nasa kabilang kabayo..
Pinagmasdan ko ang paligid at na-realized na sa likod ng mga hamog may nakatutok na mga palaso sa direksyon namin..
At napakarami nito...
"Napaliligiran tayo.. Hindi namin alam ang gagawin.. Noong sinubukan naming umurong may lumipad na isang palaso na muntik nang tumama sa muka ko.." paliwanag ni Creyon..
"Subukan nyong makipagkasundo sa kanila.. Pasensya na kayo, wala akong sapat na lakas sa mga oras na ito.. Isang spell lang ang kaya kong i-cast.." saad ko sa mga kasama ko
Tumango sila.. Kaya naman sinimulan ko na ang pag-cast ng isang transformation magic at ginawang mga bulaklak ang mga palasong nakatutok sa aming direksyon..
Nagkaroon ng komusyon.. Pero hindi ko na alam pa kung ano ang sumunod na nagyari dahil nawalan na ulit ako ng malay...
Naalimpungatan ako noong may narinig akong mga ingay..
Pagdilat ng mga mata ko nasa loob ako ng isang silid na gawa sa kahoy..
Nasaan ako??
Sinubukan kong tumayo.. Nag-stretch ako at pinakiramdaman ang sarili ko.. As of now, bumalik na ang lakas ko, feeling ko nga mas lumakas pa ako eh, pero mas mabuti kung iiwasan ko munang gumamit ng malalakas na spells..
Gaano katagal kaya akong walang malay??? Isang araw?? Dalawa??? O tatlo??? Sa dami ng spells na ginamit ko last time, it would take at least two or three days for me to recover..
Mukang kagagabi lamang, noong sumilip ako sa munting bintana ay papalubog pa lamang ang araw..
Lumabas ako ng silid at bumungad sa akin sina Yvonne, Creyon, Erigor at Louise na mukang nag-hahapunan kasama ang isang matandang babae..
"Miss Charmaine!" –Erigor
"Mabuti may malay ka na!!" –Louise
"Pinag-alala mo kami!!" –Creyon
"Join us, you need to eat to regain your strength.." –Yvonne
Napatingin ako sa matandang babae at ngumiti ito saakin.. kaya lumapit ako at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Yvonne.
"Ahm.. Gaano katagal akong walang malay??" –ako
"Six.." sagot ni Creyon
Nanlaki ang mga mata ko...
"Six days???!?" tanong ko.. Ganun katagal??!!?!?
Napatingin sila sakin..
"No.. Six hours.." saad ni Louise
Huh??? Six hours lang??? Sigurado ba sila??? I thought I would need at least three days to recover..?
"Ako na magpapaliwanag!" presenta ni Creyon
Tumango yung iba.. Habang tumayo naman si Yvonne upang tulungan ang matandang babae na ipaghanda ako ng pagkain..
"It turns out that you are a dragon princess.." panimula ni Creyon
"A what???" naguguluhan kong tanong
"Ayusin mo ang kwento.. Maguguluhan lalo si Charmaine.." sabat ni Louise
"Ok. Ok.. Nandito tayo ngayon sa isang matandang village.. Hindi sila open sa mga bisita kaya naman first time ko lang din nalaman na nag-eexist ang village na ito.. Yung matandang babae ay si Lady Anaya, sya ang sacred priestess ng lugar na ito.." kwento ni Creyon
"Sacred Priestess???" tanong ko
"Yep, noong ready na ang mga villagers na gawin tayong alay sa dragon god na sinasamba nila, iniligtas tayo ni Lady Anaya.." kwento ni Creyon
Wait? Iaalay kami dapat sa isang dragon god noong mga oras na wala akong malay???
"According kay Lady Anaya, ang village na ito ang pinakamatandang village dito sa Ventus Kingdom.. Hindi nga ako makapaniwala noong sabihin nya na mas matanda pa ang lugar na ito kaysa sa mismong kaharian ng Ventus Kindom.." kwento ni Louise
"Mas maganda kung kay Lady Anaya mo mismo maririnig ang kwento ng lugar na ito.. Nagtitimpla lang sya ng tsaa sa kusina at babalik na sya dito.." saad ni Yvonne na ipinaghahain ako ng pagkain..
"Sang-ayon ako.. Maski kasi ako hindi makapaniwala sa mga narinig ko kanina.." sang-ayon ni Louise
"Sya nga pala, napagdisisyonan namin ni Erigor na sumama kay Louise sa bayan ng Andora.." saad ni Yvonne
"Mahirap lang ang pamilya namin.. Gusto sana namin na maging mga taga-sunod mo, pero sinabi ni Louise na wala kaming sapat na kaalaman kaya sinabi nyang tutulungan nya kaming magkaroon ng edukasyon at formal training sa paghawak ng espada at pakikipaglaban.. We want to be useful to you Lady Charmaine.." dagdag ni Erigor
Halos mabulunan ako sa narinig ko..
"Uhm.. Hindi nyo kailangang gawin yun.." saad ko.. Bakit nila gugustuhing maging taga sunod ko????
"Utang namin sayo ngayon ang mga buhay namin.. Kung pinili mo kaming iwanan sa kamay ng mga slave traders, hindi namin alam kung anong kahahantungan namin bilang mga alipin.. So we will be your loyal followers from now on.." saad ni Erigor
"And since you save me, my entire family is now endebted to you.. We will do you any bidding.. The entire Alteria Clan will be your followers too.." nakangiting saad ni Louise
"Ako din. Ako din. Since may utang na loob ako sayo, I will be eternally endebted.. Hindi man ako hayaan ng pamilya ko na maging taga-sunod mo, tandaan mong from now on I'am your ally.." saad ni Creyon
"Plus you are the Dragon Princess, no wonder you are very strong.." dagdag ni Yvonne
"Wait lang. Anong Dragon Princess??" tanong ko dahil ilang ulit na nila iyong nababanggit.
"The dragon princess is the next ruler of this world.." saad ng matandang babae na lumitaw mula sa kusina..
"Po?? I'm sorry, ano pong ibig nyong sabihin??" tanong ko
May inilapag na tasa ng tsaa ang matanda sa tapat ko.. "The four ancient worlds are ruled by four powerful forces. Gaia is ruled by Aatamis. Andina is ruled by Familiars. Gantandi is ruled by Celestial beings. And our world, Aralon, is ruled by dragons. Humans of our world are powerless, they don't have magic before. So during the ancient times, the Dragon Queen ruled over them too. What makes the dragon royal family special is the fact that they can take human form.. When the dragons grew old and went to extinction, five dragons teach their magic to a few choosen maidens. And those maidens are the first priestesses, the origin of mages. This village is called Ouryuu Village, this was founded by Lady Ouryuu, the priestess of Wind Dragon Magic. This was once the center of this land. Hundreds of years ago, people and magical beings gather in this place. Priestess Ouryuu resides in this humble village.. She is our ruler, our queen.. But now, this place is nothing but a small forgotten village.." Kwento ng matanda
"The five priestesses are the founder of each kingdom, and among them the strongest is Lady Crystal, the priestess of Ice Dragon Magic. She is the spring bringer, and the peaceful winter. She is the first human queen, Queen Crystal the Wise." Pagpapatuloy ng matanda
"Wait lang po.. According po kasi sa mga history books ng Aralon, the first ruler is the founder of the Kingdom of Aragon, King Lucas Romanov... Tsaka hindi po sumasapit ang winter sa limang kontinente, sa north lands lang po may snow..??" kontra ni Louise.
Akala ko ba nakwento na sa kanila toh?? Bakit mukang first time lang nilang naririnig itong kwento..?
"The reign of Queen Crystal ended after four generations. Her great grandson, King Clive the Terrible was assassinated and defeated by his general, General Lucas Romanov for his unjust actions. The Romanov family became the hero of the people, and over hundreds of years they started to forget about Queen Crystal.. Records about the five priestesses were burnt. The Romanov family appointed their four branch families to rule over the Lands of Gorgona, Ignis, Uddara, and Ventus.." kwento ng matanda
"Ahm question lang po.. Kung Dragon Princess po si Charmaine, ibig sabihin po ba descendant po sya ni Queen Crystal???" tanong ni Yvonne
Umiling ang matanda.. "Queen Crystal's descendants were vanished to the Northern Lands, they are now known as the Ice Mages of the North.. When they were vanished to that place, winter vanished as well.."
"Kung hindi po sya descendant ni Queen Crystal, paano nyo po nasabing si Charmaine ang susunod na ruler ng Aralon??" tanong ni Creyon
"Because she is the rightful ruler.." tugon ng matanda
Hindi ko maunawaan ang sinasabi nya...?
"Your magic is terrifying, do you know why??" tanong sa akin ng matanda
Umiling ako. Una dahil hindi ko alam, ikalawa hindi ako sang-ayon na nakakatakot ang magic ko..
"The Dragon rulers are not fire breathing dragons, they are Ice Dragons. That's why Lady Crystal is the strongest priestess.. And you little girl, you are an ice dragon. The dragon princess. A dragon in human form." Sagot ng matanda
A what???????????????
***
Matagal kong pinag-isipan ang sinabi ni Lady Anaya..
Hindi ko alam kung ano ang basehan nya.. Hindi ko alam kung bakit ako at kung bakit tila siguradong-sigurado sya na ako ang dragon princess na tinutukoy nya..
"Sobrang cool ng story ni lady Anaya.. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi.." amazed na saad ni Yvonne habang naghahanda kami ngayong umaga sa pag-alis mula dito sa village of Ouryuu..
Naikwento sakin ni Creyon na nagkaroon ng feast dito sa village kahapon as a welcome to the Dragon Princess, kaso wala akong malay noong mga oras na iyon.. Pinatuloy din ng mga villagers ang mga kasama naming tao sa kanikanila nilang tahanan kagabi..
"Siguro sa sobrang tanda ng lugar na ito, maraming kwento ang nai-preserba.. Gusto kong maniwala na Dragon Princess talaga si Lady Charmaine.." seryosong saad ni Creyon.
"Ang tanging ikinakalito ko lang ay kung paano ka naging dragon Charmaine??" tanong saakin ni Louise
"I'm not a dragon." Sagot ko.. It's just impossible..
"Dragons don't exist anymore.. They vanished hundreds of years ago.." saad ni Erigor.. "But it would be cool if our Lady is an actual dragon, it would boast our moral as her loyal followers.." nakangiting dagdag nya..
"Ugh.. Come on guys. It's just impossible..." kontra ko..
Habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa likod ng kabayo na sasakyan ko paalis, natanawan ko si Lady Anaya mula sa may veranda ng kanyang tahanan..
"Magpapaalam lang ako ulit at magpapasalamat kay Lady Anaya sa pagpapatuloy nya satin kagabi.." paalam ko kina Creyon at saka pinuntahan ang matandang babae.
Ngumiti ito sakin noong makalapit ako..
Nagpasalamat ako at ngumiti lang ulit ang matanda..
"Pasensya na po, wala akong maibibigay na kapalit sa kabutihang ipinakita nyo saamin.." paumanhin ko
"Wag mo nang alalahanin iyon Ija.. Kumusta ang pakiramdam mo??" tugon nya
"Maayos na po, salamat po sa inyo.." –ako
"Nagawa mo na bang tawagin ang familiar at celestial spirit mo??" tanong sakin ng matanda
"Hindi pa po.." sagot ko.. Gusto ko sanang sabihin na wala naman akong celestial spirit dahil hindi pa ako marunong ng Celestial Magic, pero hindi ko na lang itinuloy..
"Noong wala kang malay, ni-release ko ang eight accupuncture points mo para mas mabilis ang pagbalik ng lakas mo.." nakangiting saad ng matanda
Accupuncture??? Marunong sila ng acupuncture?? May koneksyon kaya ang Aralon sa ancient knowledge ng China sa Earth?? Pero sandali lang, yun pala ang rason kung bakit instead na tatlong araw, anim na oras lang ang kinailangan para bumalik ang lakas ko..
"Hindi ko akalain na dahil sa ginawa ko, nagkaroon ng leak sa magic seal na nagkukulong sa magic mo Ija.. Pasensya ka na.." paumanhin ni Lady Anaya
"Leak?? Magic Seal?? Ano pong ibig nyong sabihin??" naguguluhan kong tanong.. Naalala ko ang nangyari sa test namin sa Heaven's Stone last monday. Ang kulay puti nitong liwanag. At ang sinabi ni Prof Cattleya tungkol dun.
"Tulad ng sinabi ko, hindi ka isang pangkaraniwang tao.. Naka-seal ang kapangyarihan mo Ija.. Hindi ko alam kung bakit at kung sino ang may gawa nyan sayo.. Pero kung gusto mo ng mga kasagutan, sa palagay ko ay ang Familiar at Celestial Spirit mo lang ang makakasagot sayo.." sagot ni Lady Anaya
Lalo akong naguluhan..
"Nasayo ang desisyon kung paniniwalaan mo ako o hindi Ija.." huli nyang saad
Hindi nagtagal nagpaalam na kami sa mga taga-Uoryuu village habang pinapanood ang papasikat na araw..
*****
~Jin~
"She was here." Saad ni Grey, kapatid ni Gavriil, at senior namin na tumatayong Team Leader ng mission namin ngayon..
Nandito kami sa gitna ng gubat dito sa lupain ng Ventus Kingdom, my homeland.. After i-report kaninang umaga ng mga kaklase at roommate ni Charmaine na nawawala ito, agad kaming inatasan ni Headmaster na hanapin ito..
Using tracking spells, we ended up here.. Mukang may nangyaring labanan dito kagabi.. Pero matapos inspeksyonin, lahat ng mga taong ito ay humihinga or buhay pa...
"Stupid.. She could have had escape all by her self. Tsk. Why does she have to act as the hero??" rinig kong inis na singhal ni Gavriil..
"Relax bro.. I don't think she's hurt. Mukang ang mga taong ito nga ang nilampaso nya eh.." saad ko at pinagmasdan ang isang lalaking nababalot sa yelo, mukang takot na takot ito.. Nakita ko ang isang magic ring sa daliri nito.. A sorcerer.. "Whoa! She just beat the hell out of this dude!" mangha kong komento
Nakwento na sakin ni Gavriil na malakas ang magic ni Charmaine, nasaksihan ko yun noong una ko syang nakilala.. She froze an entire school that day that caused a huge commotion on that place.. Plus she's the daughter of Lady Cassiopeia.. Pero nakakamangha pa rin, to think that she's not practicing magic for several years pero nagawa nyang talunin ang isang sorcerer. At base sa takot sa mata ng taong toh, mukang nalampaso sya..
Napatingin din dito si Gavriil.. "Nakipaglaban sya sa isang sorcerer?? That stupid girl.. Hindi ba sya nag-iisip?? Paano kung masaktan sya??" inis na singhal ni Gavriil kaya natawa ako.
"Dude your girlfriend is strong. No need to worry.." saad ko kay Gavriil
"She's not my girlfriend.." naiinis na tugon nya
"Freshmen, do your job. Wag kayong magtsismisan sa gitna ng trabaho.." saway samin ni Attina, third year wizard in training, sya lang din ang babaeng member ng grupo.
"Kill Joy." Komento ni Denise, isang third year sorcerer in training..
"What??? Ulitin mo yun Denise!!" galit na hamon ni Attina
"Kill joy." Simpleng sagot nito
So ayun inaaway na sya ni Attina.. Madalas kaming napapagalitan dahil freshmen lang kami, pero itong mga senior namin ang totong mga immature at isip-bata.. -__-
Kaming lima ay kabilang sa walong estudyante na member ng secret elite team ni Headmaster Fridd.. Kaming walo ang itinuturing na geniuses sa generation namin.. Kami din ang ipinapadala ni headmaster sa mga undercover missions tulad ngayon..
"Labing limang katao." report ni Denise kay Grey, totally ignoring Attina's ranting.
"They are slave traders.." saad ni Gavriil.. "I once saw the wanted poster for that Sorcerer in Aureus before.."
Tumango si Grey.. "Charmaine should be headed to Aureus by now.. Nakakapagtakang hindi natin sya nakasalubong noong patungo tayo dito.."
Ang magkapatid na ito, masyadong formal kapag nasa mission kami.. hindi mo maiisip na magkapatid sila..
"Wait. I think there was originally sixteen people here. Look." Sabat ko at itinuro ang isang puno.. May mga bakas ng bitak ng yelo at mga putol-putol na vines.. Mukang may isang iginapos si Charmaine doon, pero nakatakas na ito ngayon..
"Wala na tayong magagawa kung may nakatakas na isa.." saad ni Grey.. Nag-isip ito saglit bago muling nagsalita.. "We should rest here for now.. Lumalalim na ang gabi.."
"What?? I beg to disagree! We must continue our search.." kontra ni Gavriil
"Freshman listen to Team Leader. We must not overexert our magic.. We need to rest.." -Attina
Tumango ako.. "Tama sila.. Masyadong delikado dito lalo na kapag gabi.. Plus we really need to rest. Sorry bro.." Saad ko
Hindi na nakaangal si Gavriil..
Napagdesisyonan na magpapalipas kami ng gabi dito.. Kaso kahit kanina pa sila natutulog hindi naman ako dalawin ng antok..
Nasaan nga kaya si Charmaine..? Kung pabalik na sya sa Aureus dapat nakasalubong namin sila.. Pusible kayang ipinagpatuloy nila ang pagtahak sa daan na ito?? Pero bakit?? Ang pinakalogical na plano ay ang bumalik sa Aureus para doon humingi ng tulong para maihatid pauwi ang mga taong kasama nya.. Nasan sya?? Pusible lang namin syang hindi makasalubong kung naligaw sila dahil sa kapal ng hamog at napadpad sa---
Sh*t!!
Bigla akong napabangon..
"Everyone wake up!!" saad ko at inumpisahang ihanda ang aking kabayo..
"Anong problema??" tanong sakin ni Grey
"Kung pabalik na sina Charmaine sa Aureus at hindi natin sila nakita. Isang pusibilidad lang ang naiisip ko.." paliwanag ko at nakita kong nakikinig silang apat.
"Maaaring naligaw sila dahil sa hamog at napadpad sa isang matandang village.." saad ko
"Kung ganun, hindi ba mas maganda yun? At least may mahihingan sila ng tulong.. Bakit ka nagpa-panic??" –Attina
"Kasi ang tinutukoy ko ay ang Dragon Tribe village, wala pang normal na tao ang nakakaalis ng buhay sa lugar na iyon.. Yung mga mage na napadpad doon at maswerteng nakaligtas ay may hindi magagandang kwento.. Naging sikat na horror story sa lugar namin ang village na iyon.. Sabi nila nag-aalay ng mga dayo ang mga villagers doon sa isang dragon God.. They would burn them on fire as a sacrifice.. At kung doon napadpad sina Charmaine, wala syang magiging laban dahil sigurado akong wala na syang lakas matapos makipaglaban sa isang sorcerer..." paliwanag ko habang inaalala ang mga kwentong naririnig ko mula sa mga matatanda sa lugar namin.. Kahit prinsepe ako, madalas akong tumambay sa mga munting bayan at magpanggap bilang isang normal na mamamayan kaya naman marami na akong nakasalamuhang tao na nakapagpatunay na totoo ang lugar na iyon.
Nakita ko ang panic sa mga mata nila..
Wala nang nagsalita pa, agad silang naghanda para umalis..
Papasikat na ang araw..
Singbilis ng kidlat ang pagpapatakbo namin sa mga kabayo..
Hindi nagtagal natigilan kami noong may lumipad na palaso sa direksyon namin..
Nababalot ng hamog ang lugar, pero malinaw kong nakikita ang napakaraming palaso na nakatutok sa direksyon namin.. Napapalibutan kami..
Tumawag ako ng hangin gamit ang isang simpleng spell.. Dahil doon, naglaho ang hamog at tumambad sa amin ang napakaraming tao na may nakatutok na palaso sa direksyon namin.. Ang ilan ay nasa likod ng matataas na damuhan. Ang iba ay nasa itaas ng mga puno.
"Ibaba nyo ang mga palaso nyo.. Hindi nyo ba ako nakikilala?? Ako ang second prince ng kahariang ito, I'am Eugene Vladimirr von Guldenhorf Youngblood." Saad ko
Wala silang naging reaksyon.. Nanatiling nakatutok sa direksyon namin ang mga palaso.
.
Napamura ako.. This people. They do not consider my family as their ruler..
"Mukang mapapalaban tayo mga pre.." nakasimangot kong bulong sa mga kasama ko
"Sigurado ka?? They are your people.." –Gavriil
"I don't think we have any other choice. They don't consider me as their prince. Just don't hurt them too much.." sagot ko
"Team Leader, your call??" tanong ko kay Grey
"We have to fight them, then let's start inspecting their village.. But let's not hurt them too much." Sagot nya
Just when we were about to start casting spells, bigla nilang ibinaba ang mga palaso nila..
Uh?? What?? Ayaw na nilang lumaban??
Bigla silang nag-bow na ikinabigla namin..
Kanina lang wala silang reaksyon noong sinabi kong prinsepe nila ako, tapos ngayon nagbo-bow sila?? Late reaction??
Then na-realized kong hindi sila nagbo-bow samin.. Nakita kong may lumitaw na grupo ng mga tao..
Sa una ay iilan lang sila, then kasunod nila ay may apat na kalesa at ilan pang mga tao na nakasakay sa kabayo..
"Don't attack them.. They are my friends.." saad ng babaeng nakasakay sa pinakaunahang kabayo..
Ang babaeng hinahanap namin..
"Yes, Lady Charmaine.." sabay-sabay na tugon ng mga taong may hawak na palaso kanina..
Ngumiti ito.. "Thank you." Saad nito at saka tumingin sa amin..
Anong ginawa nya para pasunurin ang mga taong ito, mga taong hindi kinikilala ang royal family bilang pinuno nila??
Sa pagkakataong iyon, hindi si Charmaine Artemis Clifford ang nakita ko.
Hindi rin isang freshmen witch in training sa Aurum Magique University..
Ang nakita ko ay ang babaeng anak ng kilalang Witch of Carnage na lumipol sa libo-libong sundalo sa digmaan labingtatlong taon na ang nakakaraan.
Isang makapangyarihang witch.
Ang babae sa harap namin ngayon ay ang susunod na taong gagawa ng isang maingay na pangalan sa limang kontinente..
~~~~~~~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top