Tale 14

Tale 14

A Living Nightmare

~Mace~


"Anak naman ng.." mura ko noong huminto ang pinapatakbo kong kalesa..


Ano nanaman kayang problema?? Napansin kong lahat kami ay nakahinto..


Agad akong bumaba para tingnan kung anong nangyari... Mabuti na lamang at maliwanag ang kambal na buwan ngayong gabi.. Ininspeksyon ko ang kalesa at nakitang may nakapulupot na ugat sa bawat gulong nito.. Anak naman ng! Anong sanhi nito?? May nagambala ba kaming mga sprites para mangyari ito??


"Anong nangyari?? Bakit kayo huminto??" tanong ng isa sa limang traders na nakasakay sa itim na kabayo, si Sir Thanatos..


"May mga ugat pong nakapulupot sa gulong ng mga kalesa.. Mukang ganun din po ang nangyari sa tatlo pang kalesa sa unahan ko.." sagot ko.. Isa lang ako sa apat na tagapag-maneho nila.. Ayokong ma-badshot sa mga nakakatakot na taong ito, lalo na dito kay Sir Thanatos.. Ang creepy kaya nung peklat sa muka nya, mukang kalmot ng tigre! Tapos mas nakakatakot pa yung big boss namin.. Ah ayoko syang isipin.. Kinikilabutan ako!


"Ano pang ginagawa mo? Alisin mo na yan agad para makapagpatuloy na tayo.." utos nung pinakamatanda sa kanila na hindi ko maalala ang pangalan..


"O-opo.." tugon ko at agad kumuha ng palakol sa lagayan ko ng armas


Ako ang pinakabata dito, ehem twenty two years old ehem ehem, at tatlong buwan pa lang din simula noong maging myembro ako ng grupo nila.. Kung gugustuhin nila pwede nila akong patayin ano mang oras, kaya naman kahit nakakababa ng pride maging utusan ay sumunod pa din ako..


Habang abala ako sa ipinapagawa nila, bigla akong nakarinig ng sigaw at agad naalerto ang limang traders..


Anong nangyayari??


May malamig na presensya sa paligid..


Natigilan ako noong makita kong biglang tumilapon sina Sir Thanatos mula sa mga sinasakyan nilang kabayo..


Sh*t! May napikon nga yata kaming sprites!


Nagsitakbuhan palayo ang mga kabayo dahil sa nagyari..


Nakita kong bumunot ng espada si Sir Thanatos pati yung tatlo pang mga traders habang yung isa naman ay wala nang malay dahil sa nangyari..


Kahit kinakabahan ay hinawakan ko ng maayos ang palakol sa kamay ko.. Sh*t! Sana talaga hindi na lang kami dito dumaan! Ang dami pa namang pikon na sprites sa lugar na ito!!


May babaeng lumitaw na ipinagtaka ko..


Puti ang kanyang kasuotan at itim na itim naman ang mahaba nyang buhok.. At ang mga mata nya-


Napalunok ako.. Ngayon lang ako nakakita ng mga mata na kasing lamig nung sa kanya..


Multo?? Isa ba syang multo??


Pero maganda sya?? Diwata?? Isa ba syang diwata??


Nagulat pa ako noong bigla syang sinugod nina Sir Thanatos..


Akala ko ay matatakot yung babae pero mali ako..


Noong atakihin sya ni Sir Thanatos ay tila may invisible shield na bumabalot sa kanya.. And with a glare, all of their swords went flying.. Repeling magic..


Doon ko lang napagtanto na hindi mga pikon na sprites ang sanhi ng paghinto namin.. Ang babaeng ito ang dahilan..


Ah! Namumukhaan ko sya!! Sya yung magandang babae na walang kahirap-hirap naming nadakip mula sa Aureus.. Anak naman ng! Isa syang mage??!!


Normally hindi ako basta-basta matatakot sa mga ganitong sitwasyon.. Mag-isa lang sya at madami kami.. At isa pa marunong ako ng magic.. Nagmula ako sa pamilya ng isang kilalang Lord sa bayan ng Tamourra sa Ignis.. Pero nawala sa kapangyarihan ang aking lolo noong sampung taong gulang pa lamang ako, at unti-unti kaming naghirap dahil sa pang-gigipit ng mga dating kalaban ni Lolo sa pulitika.. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na mag-aral sa mga magic school, pero mula sa mga magic book ng pamilya namin ay natuto ako ng mga simpleng spells tulad ng pagsisindi ng apoy at pagpapalutang ng mga bagay.. Syempre hindi ito alam nina Sir Thanatos. Ito ang aking itinatagong alas kaya malakas ang loob ko na sumali sa isang delikadong grupo katulad ng grupong ito nina Sir Thanatos.


Pero sa kabila noon, hindi ko napigilan ang panlalambot ng aking mga tuhod noong isa-isa nyang pinabagsak sina Sir Thanatos.. Ang isa sa kanila ay nilamon ng lupa.. Ang isa pa ay nabalot sa yelo.. Ang ikatlo ay nawalan ng malay matapos makuryente.. Habang si sir Thanatos ay naglaho...


"Walo.." malamig na saad ng babae


Sh*t!!! Muntikan na akong mapaihi sa salawal ko sa takot noong nabaling saakin ang atensyon nya..


"Ikaw ang pang-siyam.." saad nya at may lumitaw na patalim sa kamay sya.. Conjuring magic?? Balak nya bang gamitin sakin yung hawak nyang patalim??


Hindi ako duwag pero anak naman ng! Agad akong tumakbo..


Tawagin nyo na akong duwag. Pero kung nakaharap nyo na si kamatayan sa katauhan ng babaeng yun ewan ko lang kung hindi kayo mapaihi sa sarili nyong salawal!


Ugh! Ayoko pang mamata—


Bigla akong natumba noong magyelo ang mga paa ko...


Sa pagkakataong ito napaihi na talaga ako sa salawal ko!


Mamamatay na yata ako!!!


"Nasaan ang pito pa??" tanong nya at kinilabutan talaga ako dahil papalapit na sya sakin..


Fu*k!! Mamamatay na ko!!!


"Nasaan ang iba pa??" tanong nya ulit.


Si Big Boss at yung anim nyang alipores siguro ang tinutukoy nya.. Nasa unahan namin sila.. Marahil ay hindi nila napansin na hindi na nila kami kasunod pa kaya wala pa sila dito.. Pero lagot ang babaeng ito sa oras na dumating si Boss!!


"Ugh.." daing ko habang pilit gumagapang palayo..


"Parating na sila!!!" amin ko noong lumitaw ang babae sa harapan ko.. Tumingala ako at nakita ang malalamig nyang mata..


I think I just saw my entire life flash before my eyes.. This girl is Death itself! Shutangina.. Wala syang hawak na wand o suot na singsing o kasamang familiar, pero balewala nyang pinabagsak sina Sir Thanatos.. Impusibleng isa lang syang ordinaryong mage.. Is she a death reaper?? Sh*t! Hindi naman siguro sya si Ur diba? Why would the goddess of death be here right? Pero anak naman ng! Sya nga ata si Ur.. Ito na ata ang araw na mamamatay ako? At personal pa akong sinusundo ng dyosa ng kamatayan!


"Nasa unahan sila sakay sa kanya-kanya nilang kabayo.. Marahil ay hindi nila napansin na hindi na nila kami kasunod pa kaya wala pa sila dito.." mabilis kong pag-amin when she glared at me, natakot akong baka tuluyan nya na ako..


"I see.." saad nya and then nagulat ako noong may tumamang palaso sa tabi ko.. Konting-konti na lang at tatamaan na ang pisngi ko.. "Your friends are here.." saad nya at saka ko lang na-realized ang ingay ng papalapit na mga kabayo sa direksyon namin..


Nabuhay ang pag-asa sa puso ko.. Hindi pa ko mamamatay!!


Biglang may lumipad na napakaraming espada sa direksyon namin..


Syete! Binabawi ko, mamamatay na ako!!


Hindi ko alam kung sumigaw ba ako na parang babae o kung imahinasyon ko lang yun.. Pero anak ng! Umuulan ng espada sa direksyon namin.. Mamamatay pa rin pala talaga ako!!


Hindi ako namatay.


Naging mga bulaklak ang mga espadang patungo sa direksyon namin.. Is that Transformation magic???


"Is he planning to kill you too??" bored na tanong sa akin nitong babae


Napalunok ako..


"So one of your friend is a sorcerer.." saad nya at nagulat ako noong lumutang ako patungo sa isang puno.. May mga vines na pumulupot sa akin kaya kahit gustuhin kong tumakas, hindi ko magawa..


"So it turns out that we accidentally captured a mage.." saad ni boss


Hindi sumagot yung babae na nagpatindi pa lalo sa tension..


"You seem young.. We will set you free. I hope we didn't offend your guild.." saad ni Boss


"So you're a sorcerer?? I don't want to cause any more damage to this forest. So let's not fight. I want you to set everyone free.. Let them go home." Sagot nung babae


Napaawang ang bibig ko.. Alam kong malakas sya.. Pero malakas din si Boss.. Dati syang member ng isang kilalang guild..


Humalakhak si boss kaya naagaw nya ang atensyon ko.. At nakita kong hinihimas-himas nya ang singsing sa daliri nya..


"Girl just go back to your guild.." saad ni Boss


"Do not misunderstand. I'm just a freshman student, I'm a witch in training.." tugon nung babae


Nawala ang amuse na ngiti ni Boss..


Then bigla ulit syang humalakhak...


"Sinasabi mo ba na isa ka lang estudyante??" tumatawang tanong ni Boss at nakitawa naman ang mga alipores nya..


Hindi ako natawa.. Sa mga nakita ko kanina, wala sa personalidad ng babaeng ito ang mag-biro.. Anong pinaplano nya???


Walang naging reaksyon ang babae..


"So hindi ka nagbibiro.." nakangiting saad ni Boss... "Kung ganun walang maghahabol na guild sa amin kung sakaling mamatay ka man sa lugar na ito.." malamig na saad ni Boss


"That's what I'm saying.." sagot nung babae


Kung isa lang syang estudyante dapat umalis na lang sya noong sinabi nina Boss na pinapalaya na sya para maiwasan na may mabangga kaming guild.. Pero hindi sya umalis.. Kung ganun, ibig sabihin ba nito ay over confident sya sa kakayahan nya kahit estudyante lamang sya??


Gusto nya na bang mamatay?? Dapat umalis na lang sya kanina.. Kahit malakas sya, at nasaksihan ko iyon, may limitasyon ang lahat ng mages! At malalakas na spells ang ginagamit nya kanina pa kaya sigurado akong malapit na sya sa limit nya.. Isa o dalawang malakas na spell na lang ang pusible nyang magawa.. Maliban na lang kung isa syang halimaw. Or sprite. Or celestial.. Pero kung isa lang syang ordinaryong mage tulad ng sinasabi nya, and a student to top that, sigurado akong mamamatay na sya ngayon..


Pabor yun sakin. Pero ewan ko ba, nakakahinayang kasi.. Iniligtas nya ako kanina noong muntikan na kaming patayin ni Boss.. Plus kung pinabayaan nya ako sa pwesto ko kanina sigurado akong maiipit ako sa magiging laban nila ni boss.. At tsaka sayang naman, maganda pa naman sya kahit nakakatakot sya kanina..


Noong umatake si boss sigurado na ako na dedz na ang babaeng ito.. May ibinulong si Boss sa hangin.. Isang spell.. Nag-teleport si boss at lumitaw sa likuran ng babae..


"Too slow little girl.." saad ni Boss kasabay ng pagkumpas ng hawak nyang espada..


Pero naglaho din ang babae at lumitaw ito sa tabi ng anim na alipores ni Boss..


"And just when I promised not to used teleportation magic.." saad nung babae kasabay ng pagbuntong hininga..


Nagulat din si boss.. Isa ang teleportation magic sa pinakamahirap na general magic.. Normally matututunan mo lang ito kapag may experience ka na sa actual combat.. Kahit itinuturo ito sa mga paaralan, hindi ito basta-basta nagagawa lalo pa ng isang freshman student lamang na tulad nya.. At bakit ngayon ko lang napansin? Hindi ko sya nakikitang nagcacast ng spell..? Pusible kayang nasa mataas na level ang pang-unawa nya sa mahika na nagagawa nyang mag-cast ng spell sa isip lamang??? Impusibleng sa edad nyang yan ay nagagawa nya na yun.. Kahit si Boss hindi pa rin yun nagagawa hanggang ngayon..??!


"Yahhh!!!" Sigaw ng isa sa mga alipores ni boss na agad umatake dun sa babae gamit ang isang espada.. Nakaiwas yung babae and then bigla itong naglaho...


"Nasaan sya??" singhal ni Boss.


Naglaho sya??? Impusible yun.. Teleportation ulit?? Don't tell me it's Cloaking magic??? Although it's a general type of magic, cloaking is one of the rarest type of magic.. Mga magical beings lang tulad ng mga sprites ang malayang nakakagamit ng magic na yun, at ilan lang ding mages over the years ang nabalitaan kong kayang gumamit nun.. Sino ba ang babaeng toh? How can she be this powerful??


Nangilabot ako noong maramdaman ko ang pagyanig ng lupa.. nakita ko ang paggulong ng mga tipak ng bato sa paligid patungo sa isang direksyon.. Nag-ipon-ipon ang mga bato hanggang sa may mabuong mga nilalang..


Stone Golems..


Natigilan ang lahat..


Ice magic, Earth magic, Lightning magic, Levitation magic, Repeling magic, Conjuring magic, Transformation magic, Teleportation magic, Cloaking magic, and now even Life magic! Sino sya?? Hindi sya normal na tao! Kahit ang mga myembro ng royal families na may dugo ng mga magical beings hindi ko pa nabalitaang kayang gumamit ng ganito karaming uri ng malalakas na magic!!


Sigurado na ako ngayon. Maling desisyon na inatake sya ni Boss.. Fu*k! Maling desisyon na dinakip namin sya!! At maling mali na sumali ako sa grupong ito.. Akala ko malalakas na sila.. Akala ko tamang mga tao ang sinamahan ko.. Mali ako.


Nagwala ang mga kabayo.. Nahulog ang mga alipores ni Boss at hindi na nagawang tumayo pa sa takot..


Anak ng! Hindi ko akalaing may makikilala akong ganitong halimaw sa buong buhay ko.. Kahit si Boss mukang natigilan..


Naging abala yung stone golems sa mga alipores ni Boss..


Muling lumitaw yung babae.. Sa pagkakataong ito nasa harap sya ni Boss.. Nakita kong napahakbang patalikod si Boss.. Kung ako man ang nasa sitwasyon ni Boss ngayon, paniguradong napa-ihi na ulit ako sa salawal ko!


"S-sino ka?? Hindi ka isang estudyante lang!" galit na tanong ni Boss na parang batang na-realized na nauto sya ng kalaro nya.. Kung normal na sitwasyon ay marahil natawa na ako sa itsura ni Boss ngayon, pero natatakot ako sa mga oras na toh para matawa kay Boss..


"Wala akong sinabing kasinungalingan.." sagot nung babae


Agad naalarma si Boss noong unti-unti syang nabalot sa yelo.. Mula sa lupa paakyat sa katawan nya..


May lumitaw na maraming espada sa ere, pero tulad kanina, naging mga bulaklak muli yung mga espada..


"S-sino ka??" kinakabahang tanong ni boss


"Ako ang taong hindi mo gugustuhing makita pa ulit.. Tandaan mong kapag inulit mo pang muli ang pagbebenta ng mga tao para maging alipin, sinisiguro ko sayong maglalaho ka sa mundong toh without even knowing how you die.." sagot nung babae at nakita ko ang takot sa mga mata ni Boss..


"No. I know you. We have met before.. Ikaw ang babaeng tinatawag ng lahat bilang Witch of Carnage! Ang babaeng mag-isang nilipol ang libo-libong mga sundalo labingtatlong taon na ang nakakaraan.." saad ni Boss..


Ang kilabot na Witch of Carnage??


"No.." sagot nung babae


"Sigurado ako! Ikaw sya!!" sigaw ni boss, hindi ko maintindihan kung puno ng takot o puno ng galit ang boses nya..


Ngumiti yung babae.. It's just a normal smile pero kinilabutan pa rin ako..


"You are mistaken Mister.. I'm not the Witch of Carnage." Sagot nung babae


"K-kung g-ganon sino k-ka..?" tanong ni Boss at nakikita kong hanggang dibdib na ang yelong bumabalot sa kanya..


"I'm her daughter." Simpleng sagot nung babae..


Tuluyan nang nabalot ng yelo si Boss.. At ang itsura nya. Tila nakaharap nya si kamatayan.


Hindi na yun nakakabigla.. Isang halimaw ang babaeng ito. Anak sya ng buhay na alamat na si Cassiopeia Clifford, the infamous Witch of Carnage!


She's a living nightmare!


The girl sigh.. She glance at me for a second.. Parang pinag-iisipan nya ang gagawin saakin.. And when I thought I was finally next, she vanish..


Cloaking magic again?? Is she planning to kill me by surprised?? What for?? I can't even escape from here so why bother to sneak attack??


Or did she actually left??


Did she spare me?? Impossible.


I waited for my death to come.


I waited.. And waited..


But I was all alone.


Nothing comes.


~~~~~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top