Tale 13
Tale 13
Struggles of a Slave
~Charm~
I woke up feeling dizzy...
The ground is shaking.. Earthquake?? No.. I'm inside a vehicle.. With that thought I suddenly opened my eyes to be greeted by a blinding darkness..
"Hey?? Ok ka lang ba??" tanong ng isang tinig kaya sinubukan kong hanapin kung saan iyon nagmula..
Ilang Segundo ang lumipas bago pa tuluyang nasanay ang mga mata ko sa kadiliman...
May babae sa tabi ko.. And although it's dark, her small feature suggest that she's several years younger than me.. Probably a thirteen or fourteen year old girl..
"Y-yeah I'm okay.. Who are you?? Where am I???" I tried to reply despite the drought I'm feeling in my throat right now..
"I'm Creyon..What do you remember??" tanong nya
Pinilit kong maupo.. Saka ko lang napansin ang ilan pang mga tao na kasama namin ngayon..
Naalala ko ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay..
I was kidnapped..
Travelers..? Naalerto ako bigla... Am I captured by travelers??
"Where am I??" tanong ko sa babaeng nagngangalang Creyon
"Not sure.. All I know is we are currently being transported to be sold as slaves in the Land of Shiva.." sagot nya
Napansin ko kung paano rumihistro ang takot sa mata ng mga kasama namin noong sabihin iyon ni Creyon...
Land of Shiva??? I don't know that place..
May maliit na bintana sa itaas ng nakakandadong pintuan.. Nasa loob kami ng isang kalesa.. Walang ibang daanan palabas maliban sa nakasaradong pintuan.. Maging ang munting bintana ay may rehas na nagsisilbing harang.. Isa pa, mahihirapan akong tumakas kung isasama ko ang lahat ng mga taong nandito ngayon.. But I can't just leave them here.. Lalo pa at karamihan sa kanila ay mga bata at mga kababaihan.. Tatlo lamang ang bilang ng mga lalaki na kasama namin ngayon..
"Kumakapal ang hamog sa labas.." saad ng isa sa mga lalaki, nakatulala sya sa bintana..
"Hamog??" usisa ko
"Nabalitaan kong naghigpit ng seguridad sa mga daanan patungo sa hilaga dahil sa biglaang paglaho ng lahat ng mga ice mage doon.. At dahil iligal ang pang-aalipin dito sa Limang pangunahing kontinente marahil ay mas pinili ng mga traders na humuli satin na tahakin ang dating daanan sa mga kabundukan ng Ventus Kingdom upang maiwasan na mahuli sila.." suhestyon ng isang babae na may maputlang balat at may unusual silver hair..
Kung nasa hilaga ang Land of Shiva, marahil ay tama sya.. Maliit lamang ang Ventus Kingdom, pero majority ng nasasakupan nito ay mga kabundukan na nababalot sa makakapal na hamog kaya naman kakaunti lamang ang mga naninirahang tao dito.. Walang nangangahas manakop sa lugar na ito sa dahilang karamihan sa mga mamamayan ng kahariang ito ay mga Air sprites at Celestials..
"Gusto ko nang umuwi.." hikbi ng isang batang lalaki
"Wag kang mag-alala.. Kapag hindi pa ako nakauwi bukas ng gabi, hahanapin na ako ng pamilya ko.. Malalakas sila.. tutulungan nila tayo.." saad ni Creyon
"Ilang araw na simula noong dakipin ako ng mga slave traders mula sa bayan ng Andora sa kaharian ng Uddarra.. Apo ako ng isang kilalang Duke subalit hanggang ngayon ay nandito pa rin ako.. Kahit malalakas ang pamilya mo, wag ka nang umasang maliligtas pa tayo.." saad naman ng isang babaeng blonde, maitim ang ilalim ng mga mata nya senyales ng kakulangan sa tulog at pahinga..
"Mali ka.. Darating sila.." paninindigan ni Creyon..
"Wala tayong kasiguraduhan kung may darating na tulong.." saad nung babaeng may silver na buhok
"Sigurado ako.." saad muli ni Creyon..
"Naniniwala ako sayo.." saad ko kay Creyon... "Pero hindi natin alam kung gaano katagal bago tayo mahanap ng pamilya mo.. Kailangan nating kumilos.."
Hindi ko gusto ang atensyong nakukuha ko mula sa mga taong kasama ko ngayon pero kung gusto kong makaalis dito at mailigtas sila, kailangan kong magsalita..
"Wait. Ibig mong sabihin gagawa tayo ng paraan para makatakas??" tanong ni Creyon
Tumango ako bilang tugon..
Nakita kong ngumiti sakin ang isa sa mga lalaking nandito.. Kumpara sa ibang mga naririto, maayos ang kalagayan nya, malinis ang kasuotan at tila walang problema sa mundo.. Kahit nakagapos ang mga braso nya tulad naming lahat, nakangiti pa rin sya.. His smile is kinda distracting too.. It reminds me of the cat in one of the classic fairytales on Earth that I used to watch when I first arrived there, the one called the chescher cat of a place called Wonderland..
"Nahihibang ka na.. Kapag tinangka mong tumakas, papatayin ka nila.. ilang beses ko na yung nakita.. Sa tuwing humihinto ang mga traders sa isang lugar para magdagdag ng mga ibebenta nilang alipin, may mga nagtatangkang tumakas.. At lahat sila namatay pag-apak pa lang ng mga paa nila sa labas ng kalesang ito..." saad nung babaeng may-eyebags saakin..
"Sinabi mong apo ka ng isang Duke sa Andora tama?? Are you a magic user??" tanong ko sa babae
"Kung isa akong mage matagal na akong nakaalis dito.. At imposibleng makahuli ng magic-user ang mga slave traders, delikado sila.." sagot nya sakin
So ibig sabihin hindi alam ng mga slave-traders na isa akong witch in training.. Hindi rin ako nakasuot ng uniform ng Aurum Magique University kaya hindi nila naisip ang pusibilidad na may magic ako..
"Gaano katagal akong walang malay??" tanong ko kay Creyon
"Hindi ako sigurado.. Mga lima o anim na oras siguro.. Papalubog pa lang ang araw noong dalhin ka nila dito pati ang isa pang babae at dalawang batang iyon.." sagot ni Creyon at itinuro nya ang isang babae at dalawang batang wala pa ring malay ngayon..
"Apat kaming nagmula sa Aureus.." conclude ko
Kapag hindi ako naka-attend ng klase bukas, mag-uumpisa nang maghinala sina Flay na nawawala ako.. Naisip kaya ni Avriil na pusibleng nawawala ako ngayon? O inisip nya lang na baka nasa silid lang ako ng isa sa mga kaibigan ko..? Sana i-report nya sa school na wala ako sa dorm ngayong gabi, sigurado akong hahanapin ako agad ni Cobalt kapag nalaman nyang wala ako sa school..
Okay.. Tama na muna ang pag-iisip ng mga bagay na walang kasiguraduhan.. Dapat akong mag-isip ng plano..
"Willing ba kayong tumulong sa plano kong pagtakas??" tanong ko sa mga kasama ko..
Walang tumugon.. Alam kong gusto nilang makatakas pero natatakot sila..
Natatakot din ako tulad nila.. Sa mga ganitong pagkakataon gusto ko na lang maglaho sa paningin ng lahat.. Gusto kong makita si Mom.. Kung hindi sya na-coma sigurado akong bago pa man ako nagkamalay ay nailigtas nya na agad ako pati na din ang mga taong ito.. Pero hindi dadating si mom.. Walang tutulong sakin kundi ang sarili ko lang..
With a simple breaking magic spell, napakawalan ko ang sarili ko mula sa mga taling gumagapos sa braso ko..
"Creyon alam mo ba kung ilan ang bilang ng mga slave traders na dumakip satin??" tanong k okay Creyon
Hindi sya summagot agad.. Nakatulala sya sakin..
"Creyon.." tawag ko
"You're a magic-user???" tanong nya sakin
"Yes. But I'm just a trainee.. I'm a freshman student from Aurum Magic University.." sagot ko
Nagningning ang mga mata nya.. "Awesome!!!" excited nyang saad
Nagulat kami noong biglang kumalampag ang sinasakyan namin.. Tila may humampas mula sa labas.. "Wag kayong maingay dyan sa loob!!!" dinig naming saway ng isang galit na tinig mula sa unahang bahagi ng sinasakyan namin..
Natahimik kaming lahat..
Mukang hindi naman nila narinig ang naging usapan namin kanina.. At kahit mukang sinigawan na kami ng taong nagpapatakbo nitong sasakyan mahina lamang ang boses na narinig namin, ibigsabihin hindi naririnig sa labas ang normal na usapan.. Kailangan lang naming tumahimik para hindi nila malaman ang tangka naming pagtakas..
"Can you get us out of here??" tanong ng babaeng may silver hair saakin
Tumango ako..
I'm not as powerful as mom.. I'm not even on par with Arren.. But my magic is strong, I have doubts because of the previous test with the Heaven's Stone last Monday.. But I have faith in my knowledge.. I'm strong.. That's what my mom used to say when I was younger.. Hindi lahat ng pinag-aaralan naming spells sa school ay alam ko pero karamihan sa mga ito ay alam ko na noong bata pa lang ako.. And although I stopped practicing magic when I was young, I won't lose to people who can't even use magic..
"Nasa siyam o sampu ang bilang ng mga slave traders.." saad ni Creyon.. Nakikita kong handa syang tumulong..
"Labing anim.. Labing anim ang bilang nila.." sabat nung babaeng may eyebags
Napatingin ako sa kanya.. "Hindi pa rin ako sang-ayon sa plano mo.. Ayoko pang mamatay..Pero wala din akong planong maging alipin sa ibang bayan.." depensa nya
Napangiti ako.. And then I cast a spell to free them from the ropes that chains them..
"Hindi ko kayo hahayaang mamatay.." saad ko at nag-umpisa nang tumayo
Lumapit ako sa bintana at mula dito nakikita kong may tatlo pang kalesa sa likod namin..
Labing-anim na tao ang kalaban ko.. Labing-anim lang. I thought they were at least fifty or sixty people. But sixteen? I can handle this alone.
The fog is thick. But the twin moons are providing enough light for me to see the surroundings outside... We are currently in the middle of a forest..
Makipot lamang din ang daan.. Minsan may sumasabit pang mga sanga ng puno sa mga kalesa.. At ang ilang mga ugat ng puno pala ang sanhi ng hindi komportableng byahe..
I casted an earth spell to stop the carriages.. May pumulupot na mga ugat ng puno sa gulong ng mga sasakyan..
"Stay here.." saad ko sa mga kasama ko
"Gusto kong tumulong.." saad ni Creyon
"No need.. If there's only sixteen of them, then I can handle this alone.. And don't worry, I won't die easily.." saad ko
"Per---" bago pa man makaangal si Creyon ay agad akong nag-cast ng isang teleportation magic sa isip ko..
I reappeared behind our carriage's driver.. Nanlaki ang mga mata nya sa bigla kong paglitaw, pero bago pa man sya nakapag-react ay agad na syang nabalot sa yelo.. He's not yet dead, but it would take days to melt this ice.. If he's lucky enough, it might melt within four or five days depending on the weather of this place.. Hopefully he won't starve to death before the ice melt..
Naupo ako sandali para habulin ang aking paghinga.. Nakakaubos talaga ng lakas ang paggamit ng teleportation magic.. Ugh.. Note to self: Never use that magic ever again..
Nananatiling kalmado ang kabayo na naghihila kanina sa kalesang ito.. Marahil ay pagod na din ito or sadyang wala lang pakialam..
One down.. Fifteen more to go.. With that, I cloak myself and vanish in the eyes of the forest..
~~~~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top