Tale 1


Tale 1

The Witch of Ice

~Charm~

I woke up startled... I can't remember what my dream was.. Pero sigurado ako sa isang pares ng mata na kulay gold at silver sa panaginip ko.. Kung sino man yung tao na may mismatched na kulay ng mga mata sa panaginip ko, hindi maganda ang kutob ko..

I shake off the feeling of uneasiness and decided to take a shower instead.. I don't wanna be late for school you know...

Napatingin ako sa salamin.. A reflection of a beautiful girl stared back at me in the mirror... Perfect eyebrows. Electric blue eyes. Pointed nose. And rosy lips..

Napasimangot ako.. Why do I have to be so different?? I hate too much attention, and this face of mine is screaming the opposite.. Im unnaturally pretty.. This is not the work of plastic surgery. This is actually the work of magic.. Yeah you read it right.. Magic.. Obvious naman siguro sa title na tungkol sa magic ang story ko right??

Im actually a witch. Yeah shocker. And since magic is running in my blood, I'm this pretty, because everything that magic touches becomes unbelievably beautiful in nature. So yeah, having a wizard for a father and a witch for a mother, passed down this magical perfect genes..

Anyway, after kong magsuot ng loshang na pares ng mga damit, black contact lenses, nerdy glasses, at itaas ang buhok ko into a messy bun, because swear, I had terrible experiences because of this pretty face of mine during highschool, I hurriedly headed downstairs..

Pagkababa ko ng hagdan, agad akong sinalubong ni Snow, my beloved pet cat.. I tickled her under her chin, and she yawned widely, showing off a carnivorous mouth, pink gums, and large white fangs.. Hehe ang cute talaga ni Snow!! Lalaruin ko pa sana si Snow nung biglang maagaw ng mabangong amoy mula sa kusina ang atensyon ko.. Pancakes?? Yes! Pancakes for breakfast... 

I excitedly hurried to the kitchen, Snow followed me on silent paws..

Akala ko si mommy ang nagluluto sa kusina kaso isang pigura ng matangkad na lalaki ang inabutan kong abala sa pagluluto doon.. Cobalt??? Bakit narito sya?? Nasaan si mommy???

"Colby!!!" bati ko sa nakatatanda kong kapatid

Nilingon nya ko tapos dedma na ulit.. Ang sungit talaga.. =3=

"Nasaan si Mommy??" tanong ko

"Aralon..." tipid nyang sagot

Aralon..? May importante nanaman bang misyon si mommy sa mundo na yun??

Tumango na lang ako kay Cobalt saka kumuha ng freshmilk sa ref.. Agad akong nagsalin sa baso and then I poured the rest on Snow's bowl..

"Masyado mong ini-spoiled ang tigreng yan.." komento ni Cobalt sa ginawa ko..

Di ko sya sinagot.. At hehe, opo white tiger si Snow.. She's my cute adult white tiger pet.. ^__^

Naglapag ng pinggan ng pancakes si Cobalt sa mesa so I started digging my fave breakfast..

"Colby bakit ka nga pala nandito??" tanong ko

Magkaiba kasi kami ng school ni Cobalt.. Second year college na sya sa Aurum Magique University sa mundo ng Aralon.. Ako naman, kahit isa akong witch, I don't practice magic, dito ako nag-aaral sa isang normal university taking up architecture...

"Binilin ni Mom na bantayan kita ngayong araw.." yun lang ang naging sagot nya

Napasimangot ako nung kinuha nya yung baso ng gatas na iniinom ko kanina at sya ang umubos..

"Kasalanan mo.. Ibinigay mo lahat sa tigreng yun.." sagot nya nung Makita ang muka ko

"Isusumbong kita kay Mommy.." simple kong sagot

Pinitik nya ko sa noo.. "Spoiled brat.." sabi nya bago tumayo sa upuan..

Nakasimangot ko syang pinagmasdan habang naglalakad sya papunta sa living room ng bahay.. Ang tangkad talaga ni Cobalt.. Mas matanda sya sakin ng isang taon pero hindi talaga ako sanay na tawagin syang Kuya.. Tsaka kumpara sa itim kong buhok na nakaka-highlight sa electric blue eyes ko, ash blonde naman ang kulay ng buhok ni Cobalt na bagay sa navy blue nyang mga mata.. Hindi naman nakapagtataka yun dahil hindi naman talaga kami magkadugo.. Pero kahit ganun, sabay na kaming lumaki kaya itinuturing ko na sya bilang tunay na nakatatandang kapatid.. Kinupkop kasi sya ni Mommy nung nine years old pa lang ako.. Simula noon, naging magkapatid na kami..

"Colby aalis na ko.." paalam ko nung papalabas na ko ng pinto

"Umabsent ka na muna ngayong araw.." sabi nya

"Bakit..?" tanong ko

"Bilin ni Mom dito ka lang daw sa bahay habang wala sya.." –Cobalt

"May quiz kami ngayon sa isang subject.. Di ako pwedeng umabsent.." sagot ko..

Napabuntong hininga sya.. "Fine, mapipigil ba kita..?"

I smiled victoriously..

"Ihahatid na kita.." saad nya

"Ok..." sagot ko

I kissed Snow's pink nose for the last time before closing the door..

Nung lumabas ako ng bahay hindi ko na ini-lock ang pinto.. Wala namang mawawala sa bahay namin kahit pasukin pa ng akyat-bahay.. Plus this house is built deep in the forest, sobrang liblib at tago.. Besides, who would dare enter a house where you would be greeted by a giant white tiger..?!

****

"Charm!!" masiglang bati sakin ni Aliya pagkapasok ko sa classroom.. Ang hyper nya talaga..

"Oh Emm Geee! May ikukwento ako sayo!!" kinikilig nyang saad

Tumango lang ako.. Ok fine, I know I'm being rude.. Pero alam naman ni Aliya na sadyang ganito lang talaga ako.. Anti-social.. Nagiging madaldal lang ako kapag si mommy or si Cobalt ang kausap ko.. Sabi ni Aliya sadya lang daw akong family-oriented at tanggap naman daw nya yun.. She's my bestfriend since highschool after all.. Pero hindi talaga yun ang rason kung bakit malayo ang loob ko sa ibang tao.. Iba ako sa kanila, kaya naman kahit ilang beses kong subukan, I still felt out of place. Si Aliya lang ang matiyagang pinakikisamahan ako.

"Grabe talaga Charm.. Ang cute nya! HHWW kami kahapon.. Ang sweet at ang gentleman nya... Hihi.." kinikilig nyang kwento, nag-date kasi sila kahapon ng boyfriend nya..

"Magbe-break din kayo.." komento ko na ikinagusot ng muka nya.. Gusto ko tuloy matawa sa reaksyon nya..

"Ambad mo.." reklamo nya

"I know.." tanging sagot ko

"Hi Aliya.. Goodmorning.. Nice weather isn't it??" nakangising bati ng isa naming kaklaseng lalaki kay Aliya.. I think his name is Philip.. Or is it Perry?? Wait, I think it's actually Percy..? No, I think it's Patrick..? Yeah, he's Patrick.. Err.. Maybe not?? I'm not really good with names.. Well, at least I'm sure his name starts with letter P... -.-

Anyway, it's not surprising na maraming nagkakagusto kay Aliya kahit halos kakasimula pa lang ng schoolyear... Aliya is a model.. She's half british but she grew up her in the Philippines, and because she's too pretty and I have a nerdy look I become almost invisible beside her, which is a good thing coz I hate too much attention anyway..

"Yeah.. Ang ganda nga ng umaga, kaso biglang nasira nung sumulpot ka.." sagot ni Aliya

"Oh come on.. I have two movie tickets, wanna hang out after school??" tanong ni Philip kay Aliya.. Disgust is evident on Aliya's eyes, pero mukang manhid itong si Philip err I mean Patrick.. Well let's just call him P.. -.-

"Sorry, may lakad kami ni Charm mamaya.." tanggi ni Aliya

"Come on babes, mas gusto mo bang kasama yang nerd na yan kesa sa isang hottie na tulad ko..?" tanong ni P...

Gusto kong matawa.. San kaya nanggagaling ang confidence sa sarili ng lalaking toh..?

"Nerd?? Tinawag mo bang nerd si Charm??" tanong ni Aliya

"Yep babes, she's a nerd.. Look at her, damit ba ng nanay nya yang suot nya?? Too old fashioned.. Mukang hindi rin sya nagsuklay.." saad ni P...

"Ang kapal mo naman.. Charm is the prettiest girl I kn—"

Mukang naaasar na si Aliya sa panlalait sakin ng lalaking toh kaya naman sumabat na ko.. "It's ok Aliya.."

"Pero Charm... Kung aayusan kita ngayon sigurado akong mapapanganga itong lalaking itoh..!" –Aliya

"Babe that's impossible.." natatawang saad ni P...

"Lumayas ka na nga sa harapan ko.. O gusto mong sipain pa kita palayo..?" asar na saad ni Aliya

Napailing na lang ako..

"Nakakainis ka Charmaine Artemis Clifford.. Bat ka ba nagpapaka-losyang??" nagtatampong tanong ni Aliya

"I don't want to attract too much attention.." sagot ko

"Pero hindi na naman mauulit pa yung nangyari sayo nung highchool tayo because I will protect you..." saad nya

Umiling lang ako..

"Pano ka magkaka-lovelife kung ganyan ka..??" tanong nya

Napasimangot ako..

"Don't tell me umaasa ka pa rin dun sa childhood crush mo..?" –Aliya

Hindi ko sya sinagot kaya napangiti sya..

"Tama ako noh..? Uso mag-moveon.." bulong nya sabay tawa..

Napasimangot lang ako.. Kasi naman tama sya.. Di ako interesado sa ibang lalaki dahil di pa din ako nakakamoveon sa crush ko.. Noong bata pa ko, madalas kaming bumibisita ni mommy sa bestfriend nya sa Aralon, doon ko nakilala si Kuya Grey.. Three years ang age gap namin... Pero unang beses nya pa lang akong nginitian, naging crush ko na sya.. Ilang taon ko na din syang di nakikita dahil nag-aaral sya sa isang boarding school sa Aralon, pero syempre ang alam ni Aliya ay sa abroad nang-aaral si Kuya Grey..

***

Lunchbreak at pabalik na sana kami ni Aliya sa classroom nung may maramdaman akong kakaiba.. Parang may mangyayaring masama.. At hindi nga ako nagkamali, something happened..

Biglang tumunog ang fire alarm ng school kaya agad kaming lumabas ng school building...

Panic and fear is evident on everyone's eyes as we watch how the fire slowly spreads on the entire building...

Napakurap ako ng ilang beses dahil di ko sure kung imagination ko lang ba yun o kung totoong may mga aninong dumaan sa may bintana ng second floor...?? Pero impusible.. May apoy na din kasi akong nakikita na tumutupok sa part na yun..

"Aliya tingin mo ba nakalabas na lahat ng tao mula sa loob..?" tanong ko kay Aliya na nakahawak sa braso ko..

"Siguro..?" hindi siguradong tugon nya

Hala! Pano kung may mga na-trap pa pala dun sa loob?? Di pa naman dumadating ang mga bumbero kasi medyo malayo sa bayan ang school namin.. Kaya ba ng konsensya ko na pabayaan na lamang kung sinoman yung tao na naiwan dun sa loob ng building..???

Napahinto si Aliya sa paghila sakin palayo sa nasusunog na gusali nung hilahin ko palayo ang braso ko mula sa pagkakahawak nya..

Puno ng pagtataka ang mga mata nya.. Napahinga ako ng malalim sa kasinungalingang sasabihin ko....... "Aliya may lumilipad na unicorn!!"

Nagningning ang mga mata nya at agad na napatingin sa direksyon na tinuturo ko.. "Waahhh.. Saan..??!" excited nyang tanong, at nung mapalipat ang atensyon nya mula sakin agad kong ibinalot ang sarili ko sa invisibility cloak ko.. "Charm??" takang tanong ni Aliya nung lingunin nya ulit ako.. Sorry Aliya..

Buti na lang walang ibang nakapansin sa bigla kong paglaho..

I know I already told you that I'm a witch who don't practice magic, so how come I can cloak myself in an invisibility cloak..? Well every few decades, few witches were born with natural magic that can be used without practice, this inborn magic is like a gift or a special ability that relies on the witch's personality. For example, a witch who loves animals may possess an inborn magic to talk to animals. Ok information overload. So to put it simply, since I'm anti-social, I have the ability to turn invisible..

Walang nakapansin sakin nung tahakin ko pabalik ang daan papasok sa nasusunog na gusali.. I'm not afraid of fire since my natural attribute is the element of ice, meaning ice magic ang pinakamadali para sakin.. And although I don't practice magic, I know the basics because my mom taught me several spells when Im younger..

Maingat kong tinahak ang daan patungo sa second floor habang pini-freeze yung mga nadadaanan kong apoy pero nagulat ako sa dinatnan ko sa second floor..

May lalaking naglalakad patungo sa direksyon ko.. Good thing I'm invisible.. Kapansin-pansin na matangkad sya, raven hair, mukang supermodel, at may suot syang stylish nerdy style na salamin, at higit sa lahat, kilala ko sya... =___=

Bakit sya narito?? At bakit ganun?? Ilang taon na kaming di nagkikita pero nag-aapoy pa rin ako sa galit sa kanya..? +.+

Agad kong iniharang ang isa kong paa pagdaan nya sa tapat ko kaya naman agad syang nagsemplang... Nasira tuloy yung supermodel walk nya ditto sa nasusunog na hallway..

"Sh*t.. Artemis napakaganda ng bati mo.." asar nyang komento habang tumatayo at aba, ang galing nya at alam nya agad na ako ang may gawa nun..? I removed my invisibility cloak with a victorious smile...

"Ikaw ba ang nagsimula nitong sunog..??" tanong ko

"Long time no see din sayo.." sarkastiko nyang sagot habang inaayos yung suot nyang salamin

Sinimangutan ko tuloy sya...

"What's with the nerdy look?? Panget ka na nga lalo ka pang pumanget.." puna nya

Kumunot ang noo ko at napatingin sa suot nyang salamin.. "Tell that to yourself moron.." sagot ko

He smirk.. "I can't blame you if you feel insecure, I can't help being hot even when I'm wearing glasses.. Unlike you, NERD."

Napasimangot ako..This annoying guy is Arren Gavriil Lockser, kababata ko, at mortal enemy ko.. Ewan ko ba, siguro dahil Fire ang attribute nya at Ice naman ang sakin kaya di kami magkasundo..? At kung di ko lang sya kilala, hindi talaga ako maniniwala na magkapatid sila ni Kuya Grey...

"Bat ka nagsimula ng sunog?? And why are you even here???" tanong ko na lang..

"Yung sunog, aksidente lang.. And I'm on a mission right now.." simple nyang sagot

Mission???

"Ok.. Then help me extinguish the fire.." saad ko

"Yun na nga ang problema, I can't remember any fire extinguishing magic at the moment..." sagot nya

Seryoso, masasapak ko na talaga sya.. Hindi ko alam kung seryoso sya o nagbibiro lang.. -.-

"Fine, I'll do it alone.." inis kong saad

"Sigurado ka?? Ediba di ka naman totoong mage?? Baka lalo lang lumala ang sitwasyon.." sagot nya

Pigilan nyo ko, masasapak ko na talaga ang isang toh..! Masyado nya akong minamaliit! Eh before naman ako tumigil mag-aral ng magic mas magaling ako kesa sa kanya!

Di ko na lang sya sinagot dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa oras na sumagot ulit sya sa anumang sasabihin ko.. Lumapit na lang ako sa isang silid na tinutupok ng apoy, nagsisimula pa lang akong mag-recite ng spell sa isip ko nung biglang may naganap na pagsabog dun sa loob ng silid na yun.. Hindi naman malakas yung pagsabog pero dahil nagulat ako halos ma-out of balance ako sa bigla kong pag-hakbang patalikod.. Good thing naalalayan ako ni Arren kaya di ako natumba ang kaso lang-

"Bakit ganun?? Ilang taon din tayong hindi nagkita pero-" he pause and I know he smirk kahit di ko nakikita, "-bakit flat chested ka pa rin??" tanong nya habang yung kamay nya ramdam na ramdam ko sa may tapat ng dibdib ko..

Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa katawan patungo sa pisngi ko..

"Arrreeeeennnn!!!" sigaw ko pero parang wala syang narinig at hindi nya pa rin ako binibitawan..

"Waahhhh!! Isusumbong talaga kita kay Kuya Grey!!" sigaw ko at nagwala ako mula sa pagkakahawak nya

"Gusto mo pa rin ang kuya ko??? Tsk.. As if naman na hahayaan ko syang mapunta sa isang tulad mo lang..." naiinis nyang saad

Ang sama talaga ng ugali nya..!

Ikinagulat naming pareho nung biglang mabasag yung bintana sa tapat namin.. Hindi naman ako nasaktan dahil sa pagprotekta sakin ni Arren, prinotektahan nya nga ba ako?? O naligtas lang ako dahil lang hawak-hawak nya ko??? Pero ang mahalaga naman ligtas kami pareho..

"Kung ganon buhay ka pa pala..?" mapaglarong tanong ni Arren sa isang lalaking lumitaw mula dun sa bintana

"Wag mo kong patawanin bata.. You're a hundred years too early to defeat me.." sagot nung lalaki

Hindi ko alam kung sino sya, pero nararamdaman kong mapanganib sya..

"A witch??" tanong nya sakin.. Hindi ko sya sinagot..

"She's not part of this.." malamig na sabat ni Arren

Nakakapanibago, ngayon ko lang nakitang seryoso si Arren..

"Artemis, this guy is dangerous, mapapahamak ka lang, umalis ka na, iwan mo na ko.." saad ni Arren sa mahinang tinig

"I want to help you.." sagot ko

Arren glared at me.. "I said leave.."

Inuutusan nya ba ko?? At higit sa lahat, minamaliit nya ba ko??

"This guy is a Traveler, now go.." utos nya sakin

Natigilan ako.. A traveler??? Ibig sabihin sobrang mapanganib talaga sya..! Alam kong hindi ito ang tamang oras para mag-trivia sa inyo, pero for heaven's sake! Travelers are the mortal enemies of Mages because they use forbidden magics and human sacrifices to cast powerful spells.. They are definitely dangerous!

Nag-aalala kong nilingon si Arren.. Alam kong bata pa lang kami malakas na sya, pero Traveler itong kaharap namin! At aba, ang lokong toh nag-smirk pa sakin! Masyado syang confident!! Sarap batukan..!

"Sorry child, I can't let that girl go.. She's what I'm here for.." casual na saad nung Traveler kaya napatingin ako

"As if I'll let you lay a hand on her.." nakangiti pero nagbabantang saad ni Arren na hinila ako sa braso para mapalapit sa kanya..

In a blink of an eye, nabalot ng apoy ang buong hallway... Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Arren para di ako maapektuhan ng apoy nya.. Oats and Fibers! Buhay pa ko pero para na kong nakarating sa impyerno!!

"Scared???" nakangising tanong sakin ni Arren kaya tinapunan ko sya ng masamang tingin..

Hindi ko pinahalata, pero namamangha talaga ako na sa mga taon na di ko sya nakita ay lumakas na pala ng ganito ang magic nya..

"Do you think such weak attacks can kill me??" tanong ng isang boses kaya natigilan ako.. Nakita kong hindi man lang nagalusan yung Traveler..

"Tsk.. Such a pain in the ass.." singhal ni Arren saka nagbato ng bolang apoy

Umiwas yung Traveller pero biglang humangin ng malakas kaya tinamaan pa din sya.. Teka?? San nanggaling yung malakas na hangin..?

"Am I late??" dinig kong tanong ng isang di pamilyar na tinig

"No.. Just in time.." sagot ni Arren

"Natakasan kami nung Traveler na may pink na buhok.." saad nung bagong dating na lalaki

"Seriously, how can one Traveler escape from three mages in pursuit?? Go.. I can handle this alone..." sagot ni Arren

"Pshh.. Conceited as always.." naiiling na komento nung lalaki

Gusto kong sumang-ayon sa sinabing yun nitong lalaking bagong dating. Arren is really conceited.. Pero mukang importante itong undercover mission ni Arren dahil mukang may iba pa syang malalakas na kasamang mages..

"Tulungan mo na lang si team captain na habulin yung WEIRDONG Traveler na yun.." saad ni Arren

"Watch your mouth kid.. Lady Rhodes is not a weirdo.." sabat nung Traveler

"Oh?? Mukang may paggalang ka sa weirdo na yun Tanda.. Ibig sabihin mas mataas ang posisyon nung weirdong yun kesa sayo??" manghang tanong ni Arren dun sa Traveler

Nagsalubong ang kilay nung Traveler pero hindi nya sinagot ang tanong ni Arren...

"Yes, that Traveler is of a completely different level, and she's too powerful as well.. Masama ang sitwasyon ngayon Gavriil.." sabat naman nung lalaking bagong dating kay Arren..

"Tsk.. Dalhin mo si Artemis sa ligtas na lugar.. I'll deal with this asshole.." saad lang ni Arren

"Artemis??? You mean yung kababata mong si Charmaine??" tanong nung lalaking bagong dating kay Arren then napatingin sya sakin.. Mukang ngayon nya lang ako napansin... "Ohh? Hi! Ikaw pala si Charmaine.. I heard a lot of things about you from Gavriil.. I'm Jin.." nakangiti nyang pakilala.. Napasimangot ako, kinukwento ako ni Arren sa mga kakilala nya?? For sure puro di magagandang bagay ang sinasabi nya... -.-

"Nice to meet you.." sagot ko lang kay Jin

"Bakit ka nga pala nandito Charmaine??" tanong ni Jin

"This is my school.." sagot ko

"Mamaya na kayo magkwentuhan.. This Traveller is after her, leave at once.." utos ni Arren

"They're after her?? Kaya ba dito lumitaw sa school na toh yang mga sinusundan nating Traveller..?" tanong ni Jin

Arren simply nod saka nya sinangga ng apoy yung napakaraming espada na lumipad sa direksyon namin.. Conjuring magic yung ginagamit nung kalaban?? Yun yung paglikha ng mga bagay gamit ang mahika, including wielding swords from thin air...

"We have a problem Gavriil, although the Traveler with pink hair escaped because she was badly wounded, team captain is also in a bad shape.. You have to defeat that asshole or else everything would be for nothing.." saad ni Jin

"Lady Rhodes was severely wounded??" hindi makapaniwalang tanong nung Traveler

"That's not surprising since our team captain is known as the Witch of Carnage.." nakangising sagot ni Arren

Witch of Carnage???

"Wait?? The team leader of this mission is Mom??" hindi makapaniwalang tanong ko

Walang sumagot sakin..

"Ok lang ba sya??" tanong ko

Hindi sinagot si Jin ang tanong ko.. "Let's go Charmaine.." pag-iiba nya sa usapan..

I hope mom is ok.. She's very powerful, so I know she won't lose to anyone, not even to a Traveler..

A ring of fire trapped the Traveler on his current spot.. A gust of strong wind amplified Arren's fire.. No wonder they're friends.. Arren is the fire and Jin is the wind that makes his powers deadlier..

"Ikaw na ang bahala dito Gavriil.. Beat the crap out of him.." paalam ni Jin.. Paalis na sana kami kaso parepareho kaming natigilan nung biglang humalakhak yung Traveler habang tinutupok sya ng apoy..

"You can't escape your fate ice witch..." saad nung Traveler at nakangisi sya sa direksyon ko

"Shut up and just die already!" inis na singhal ni Arren

Ngumisi muli yung Traveler at agad akong kinutuban ng masama.. Alam kong pati si Jin ay naramdaman yun kaya agad syang napatakbo sa tabi ni Arren para tulungan ito..

Ayokong mapahamak si Arren.. Travelers are known to possess the ability to cast forbidden magics, and the most popular is their ability to travel from one body to another, they can transfer their consciousness and possess someone.. It's known as the Traveling Magic..

At ayokong mapahamak si Arren.. I won't let it happen...

"Arren!!" nag-aalala kong tawag sa kanya

I don't know what exactly happened.. Basta bigla na lang akong nahilo.. I heard a loud roar.. A tiger's roar.. Then I felt the sudden dropped of the temperature.. Sobrang lamig halos di ko na maramdaman ang mga palad ko... At bago pa ko mawalan ng malay, I saw the Traveler frozen on his spot. The entire hallway is no longer burning, it's completely frozen...

And Arren and Jin were staring at me wide-eyed..

They're safe.. And knowing that, I finally gave in to the darkness..

~~~~~~~



Author's Note:

If you are reading this story on any other platform other than wattpad, then you are very at risk of malware attacks. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to:

https://www.wattpad.com/story/125607129-witchcraft

Thank you

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top