Special Chapter II
Special Chapter II
The Witch of Avarice
Matapos ang unang misyon ni Aliya sa Sky Prison, umuwi sya sa guild na may ngiti sa labi.. Paanong hindi? Nakajackpot lang naman sya ng kayamanan mula sa isang dragon!
"Aren't you being too generous?" Curious na tanong ni Sofia habang lumulutang-lutang sa ere
"Oo nga! Nakapagbigay ka na ng karampatang kontribusyon sa guild mula sa reward na nakuha mo sa misyon. Sigurado ka bang willing ka na gumastos para sa repair ng CR sa third floor pati na din ng tumutulong bubong sa silangang bahagi ng fourth floor??" usisa ni Alfina
"Yep!" nakangiting tugon ni Aliya
"Aliya hulog ka ng langit! Sa wakas maaayos na din yung bubong sa kwarto ko! Ilang buwan ko na pinagtitiisan yun kapag umuulan huhu." Madramang saad ni Alfred
"OA mo Alfred.. FYI, once in a blue moon lang umuulan.. Kapag trip lang ng mga Weather Mages." Sabat ni Alfina
Bawat kaharian ay mayroong Ministry of Weather na hawak ng royal families. Ang mga mago na napapabilang dito ay mga espesyalista pagdating sa elemental magic. Sila ang nagdidisisyon kung saan at kailan magkakaroon ng ulan. Since it's summer all year round, tungkulin ng Ministry of Weather na siguraduhing hindi mapapabayaan ang pangunahing pangangailangan ng agriculture ng mga malalaking bayan, ang supply ng tubig!
"Aliya don't be stupid. Keep the gold for your future needs." Sabat ni Lennox, ang guild master ng Black Sheep.
"Boss buo na ang desisyon ko. And please stop calling me stupid." Nakasimangot na reklamo ni Aliya
"Just let her do as she wish boss. She's stupid so stop wasting your time. Tsk." Iritableng sabat ni Sabino
"He called you stupid. Hihihi." -Lucia
"Well she is indeed *hik stupid! Haha.." Katana
"They have a point." Alfina
"Wow ha! Naririnig ko kayo!" reklamo ni Aliya
"Everyone is just worried about you." Lennox
"No need to worry, I actually stumbled upon a treasury during my first mission so I'm not really worried hehe." pag-amin ni Aliya
"Treasury?" React ng lahat...
"F*ck! Boss sya na din pagastusin mo sa repair ng pinto ng kwarto ko!" Alfina
"Tsaka kokonti na din ang stock natin ng flour at asukal. Pati na din dried goods at canned goods. Balita ko may kaso ng tagtuyo sa kalapit bayan, kailangan na din natin mag-imbak." Sofia
"Boss napansin ko na may problema yung lock sa backdoor nitong kastilyo, baka magagawan na din ng paraan for security purposes."
"Balita ko ay may bagong release ng Volume ang Magic Grimoire na isinulat ng author na si Lana Cross."
"Boss may bagong issue ng game para dun sa PlayStation natin! Mukang astig! Pwede kaya?"
"Boss ang Panget na din ng pintura nitong palasyo, baka naman?"
"Tsaka Boss may leak din yung lababo natin."
"Kokonti na din ang stock natin ng alak! *hik!"
Napakunot ang noo ni ALIYA, kahit pa nagpapaalam ang bawat isa sa kanilang guild master, obvious na sya ang pinapatamaan ng lahat. Shameless! How could they be shameless?! Mabuti na lang hindi nya sinabi kung gaano karami ang nakuha nyang kayamanan! Sya ang kawawa kung nagkataon! Huhu
Makalipas ang ilang araw ay napagdesisyunan ni Aliya na sumali sa gagawing misyon nina Alfred, Alfina, Lucia at Sofia. Isa itong class A mission na nangangailangan ng limang myembro.
"Anong klaseng misyon ang gagawin natin?" usisa ni Aliya
"Ibang klase ka talaga! Sumama ka na lang basta-basta kahit wala kang ideya sa gagawin natin?!" Alfina
"Hehe." Aliya
"Plano naming ibenta si Alfred sa isang gay bar." Seryosong saad ni Sofiya na lumulutang pa din sa ere.. Napapaisip na si Aliya kung naglalakad ba ang babae o lumulutang lang all the time?
"Ha.ha. Very funny." Sarkastikong sabat ni Alfred
"Hihihi." Lucia
"Balita namin ay malaki ang bigayan ngayon sa sikat na Bamboo House malapit dito." Alfina
"Mukang magandang ideya nga yan. Should I tie him up?" nakangiting tugon ni Aliya sabay conjure ng isang tali.
"Oy oy oy! Walang ganyanan!" reklamo ni Alfred
Tiningnan sya ng apat na babae saka nginitian. Napalunok naman ng laway ang binata. Ibebenta ba talaga sya ng apat na mga kaibigan? Pamilya na ang Turing nya sa bawat member ng kanilang guild. Paano sya nagawang pagtaksilan ng apat? Paano pa sya magtitiwala sa kahit sino sa hinahanap? Huhu
"Your team will surely have fun if you keep this up." Sabat ng isang tinig. Si Lennox. Nakatayo ito sa gilid ng pinto ng guild at nakangiti sa kanilang Lima.
"Boss binubully nila ako!" sumbong ni Alfred
"Hatian nyo ko sa magiging benta." Saad ni Lennox sa apat na babae completely ignoring Alfred
"Sure boss!" masayang tugon ng apat..
"Did you just gave them permission to actually sell me?" Hindi makapaniwala si Alfred. Ang kanyang porselanang puso ay tuluyan nang nabasag.. Hanggang ngayon ay kaakibat pa din ng pangalan nya ang titulong Gigolo dahil sa pangfraframeup sa kanya ng isang dating kaibigan. Hindi pa tuloy sya nagkakajowa hanggang ngayon! Kung alam lang ng lahat kung paano sya ibully ng mga babae, malilinis kaya ang kanyang pangalan? Huhu... Pero hindi yun ang importante. Pati ang pinagkakatiwalaan at tinitingala nyang boss ay inaapi sya! Hustisya, nasaan ka?!
"Aalis na kami Boss." Paalam ni Alfina na tumatayong leader. Kahit pa mas malakas si Aliya, mas marami nang experience si Alfina sa mga misyon kaya sya ang naitalaga sa posisyon.
"Have a safe trip." Nakangiting saad ni Lennox sa Lima sabay pat sa ulo ni Aliya.
"Alfred mag bukas ka na ng teleportation portal." Utos ni Sofiya
"Hmmp! Ginagawa nyo lang akong personal mode of transportation." Reklamo ng binata pero agad din namang sumunod sa utos ni Sofiya
"Bye boss!" paalam ng lima
Sa isang maliit na bayan sila lumitaw.
"This is as far as I could take us." Saad ni Alfred.
"Nasaan tayo?" tanong ni Aliya
"Mineral Town, this is located at the outskirts of Aragon. We can see from here the Infinite Desert that serves as a natural border between Aragon and Udarra." Sofiya
"Balita ko ay hindi tinanggap ng alin mang guild ang misyon na ito kaya napilitan sila na sa atin ipagawa." Saad ni Alfina
"We always get to clean up the mess that no other guild wants to do hihihi." Lucia
"Exactly what kind of a mission are we going to do?" usisa ni Aliya
"According sa Job Poster ay isa itong clean up. Isang monster manufacturing factory ang sinira ng guild na Jinx Clover a few days ago. Tinatawag itong Wonderland. They burned down the factory, but didn't completely cleaned up their mess." Alfina
"Burn? Could it be Astrid?" Aliya
"Im not sure. Walang info sa Job Poster." Alfina
"Kailangan muna natin hanapin ang Mayor para iconfirm ang mission." Paalala ni Sofiya
Tumango naman ang apat.
After makunpirma ang misyon ay napag-alaman nila na hindi ito ordinaryong clean up. It turns out na may isang nakasurvive na monster, nag-evolve ito at sya na ngayong Queen ng Wonderland giving birth to several other monsters.
"The Clovers will have to thank us for cleaning up after their mess." Komento ni Alfina sabay suntok sa isang halimaw na mukang langgam na kasing laki nya. Kahit pa malalakas ang mga langgam lalo pa ngayon na kasing laki na sila ng mga tao, maling mga Tao na nakaharap nila.
Alfina is known for her mastery of Enhancing Magic. Sofiya is known for her superior intellect and mastery of Elemental Magic. Lucia is known for her maniac fighting capabilities and mastery of Manipulation magic. Alfred is just a mode of transportation. And Aliya, she's the Top 23!
Although mahihirapan ang isang team of five sa ganitong klase ng clean up kung saan may mga evolved monsters, hindi ito naramdaman nina Aliya.
"Look it's the Queen! It's cute Hihihi." Saad ni Lucia sabay turo sa isang higanteng langgam.. Mukang alien ang ulo nito na may mahabang antenna. Sampung beses itong mas malaki kesa sa isang average na tao.
"Cute?" nagtatakang tanong ng apat.. Hindi talaga nila maintindihan ang taste ni Lucia.
"Mister Teddy go kill it for me hihihi." Saad ni Lucia saka ibinigay sa teddy bear nya ang hawak nyang kutsilyo.
It was a bizzare scene. Normally isang engrandeng laban ang magaganap kapag final boss na ang kaharap. Pero nakanganga lang sina Aliya sa kanilang nasasaksihan. Isang teddy bear ang nakikipag- one-on-one sa higanteng langgam. Maririnig din ang creepy na tawa ni Lucia sa background na halatang nag-eenjoy sa mga nagaganap.
Sa ganoong paraan natapos ang kanilang pakikipaglaban.
"Look it's a magic nucleus!" masayang saad ni Alfred
Although nasunog ang lugar, may mga kapakipakinabang na bagay pa rin silang natagpuan sa lugar.
"I think I found the nursery!" anunsyo ni Aliya noong makita ang isang silid na puno ng mga baby monsters. Gumagapang ang mga ito at napakacreepy pagmasdan.
"Let's burn this room!" Sofiya
"Wait!" pigil ni Aliya
"Bakit?" tanong nila
Pinulot ni Aliya ang isang baby monster. "Can I keep him?" tanong nya sa apat
"Eww! No!" Alfina
"But it's cute.." saad ni Aliya
"It will bite you! Then eat you!" Alfred
"No.. This guy looks different. Look." Ipinakita nya sa apat ang hawak na baby monster..
Tama si Aliya. Iba ang anyo ng hawak nyang monster. Muka itong isang puppy na may anim na paa.. Kulay blue, pink, at violet ang fluffy fur nito. May maliit din itong sungay sa ulo na tila unicorn. Bilugan ang mga mata nito at sa hindi mawaring dahilan ay tila nagbeautiful eyes sa apat.
"Waaaah! Ang cute!" React ni Alfina
"I think that's a Rainbow Hound." Saad ni Sofiya
"Rainbow Hound? Not a unicorn??" disappointed na tanong ni Aliya
"Rainbow Hound is a distant relative of Unicorns. But Rainbow Hounds are extremely rare, they are carnivorous and dangerous but domesticated ones are extremely loyal, they will protect you and follow you till death. I heard they can fetch a really good price because of their rarity, specially infants because they can be tamed easier." Paliwanag ni Sofiya
"Pwede ito ibenta?" tanong ni Aliya.. Napatingin sya sa hawak na monster.. Pakiramdam nya ay nagpapaawa ito sa kanya. "Let's just keep him. We can take care of him on the guild."
"Everyone will love him! He's cute!" Alfina
"What should we call him?" tanong ni Alfred
.
"Lets call him Rainbow! Hihihi.." Lucia
"He's a Rainbow Hound. Why not Rainy?" Alfina
"He's fluffy.. Cloudy?" suggest ni Aliya
"Lets call him Roberto." Sofiya
Napatingin sa kanya ang apat.
"That is so not cute!" reklamo nila
"But he likes it.. Right, Roberto?" tanong ni Sofiya sa hawak na Rainbow Hound ni Aliya.. Masaya itong nag purred like a kitten. Is this really a hound? Why is it purring like a cat??
Nagusot naman ang muka ng apat.. Bakit Roberto? At bakit sumang-ayon ito?! Hindi nila matanggap ang katotohanan!
"Anyway, let's burn down this room. Then let's go back to Mineral Town for the reward." pag-iiba ni Alfina sa topic
Agad namang sumang-ayon ang lahat.
Isang bagay ang nadiskubre ng grupo noong paalis na sila. The Rainbow Hound can't travel through teleportation portals.
"I just remembered that Rainbow Hounds are special. They are restricted to use teleportation magic because their ancestor offended the God of Water, Mul. No one knows the entire story but one thing is for sure, Mul cursed the Rainbow Hounds." Sofiya
"Ano na ang gagawin natin? Paano natin iuuwi si Roberto?" Alfred
"One of us will have to travel back alone." Sofiya
"Who will be the sacrificial lamb?" Alfina
"Not me. I'm your mode of transportation." Alfred
"I have to get back as soon as possible. I have to finish reading the book that Im reading last night. Roberto is important but so is my book." Sofiya
"I might accidentally grill and eat him hihihi." Lucia
"I don't mind staying behind, but as the leader I have to be the one to report everything to boss so I can't." Alfina
"Fine. I'll do it." Aliya
Agad naman sumang-ayon ang apat..
Matapos humiwalay ni Aliya ay nagconjure sya ng isang broomstick para gawing sasakyan pauwi. Masaya namang nakaupo sa ibabaw ng kanyang ulo si Roberto.
Mapayapa ang kanilang paglalakbay pauwi. Dalawang araw ang distansya ng Mineral Town sa lokasyon ng kanilang guild gamit ang normal na mga kabayo ng Aralon. Pero dahil kasing bilis ng kidlat ang regular na kabayo sa mundong ito, apat na araw ang itinagal ng paglalakbay ni Aliya na may normal lang na bilis sakay sa broomstick. Sa unang gabi ay nagstay sya sa isang inn sa nadaanan nyang bayan. Sa ikalawang gabi ay nagcamp sya sa labas dahil isolated ang daan. Hindi sya nabobored dahil kasama nya si Roberto na tinuruan nya ng Sit, Fetch, Lie Down, at Roll Over.
Magtatakipsilim na sa ikatatlong araw ng kanilang paglalakbay ni Roberto. Wala pa ring natatanaw na malapit na syudad si Aliya. Mukang magcacamp ulit sila ngayong gabi.. Napagdesisyunan nya na lumipad ng mas mababa sakay sa broomstick upang maghanap ng magandang camp site.
Matapos makikita ng isang mayabong na puno ay agad syang bumaba sa broomstick.
"Roberto tuturuan kita mamaya ng Play Dead." excited na saad ni Aliya
Hindi pa sya nanakakapagconjure ng tent noong bigla na lamang may sumulpot na mga Tao na nakasuot ng itim na mga damit. May takip ang kanilang mga muka.
"Robbery!" announce nila
"Bandits?" tanong ni Aliya sa sarili
Mabilis nyang tiningnan ang mga ito. Mga normal na Tao at ang iba ay mga mago. Rouge mages?
Noong nagtratraining pa sila sa ilalim ni Master Eclipse, isang bagay ang itinatak nito sa kanilang isipan. If the enemy is strong, be weak. If the enemy is weak, be strong.
Normally, dalawang bagay lang ang option nya.
First option, be weak and act like an idiot. She can refuse to answer whatever question they throw at her then use some dance moves to shock them! She can easily escape using that.
Her second option is to be strong. She have to show them who's the boss! That way, she can easily get away after kicking their asses!
Pero naniniwala si Aliya na isa syang henyo. Oo! Isa syang henyo. Bakit sya susunod sa conventional way of thinking kung pwede naman syang umembento ng sarili nyang option!
Isang ngiti ang namutawi sa kanyang labi, pero hindi yun napansin ng mga bandido.
"P-please don't hurt me! I'm just lost huhuhu my daddy will not let you go if you hurt me!" banta nya na kunwari ay takot na takot.. After spending time with Flay, she picked up a few techniques from her friend.
Nagkatinginan ang mga bandido.. "Is she a noble? Mukang bata pa sya kaya impusible ng isa syang guild member. Sya ba ang nag-iisang anak ng baron ng Falian City? Is she Lady Valerie Colbert?"
"I heard that Baron Colbert and his daughter is going to visit the nearest town. Is she that Lady Valerie?" tanong ng bandido sa kasama nya
Syempre hindi nakalampas sa pandinig ni Aliya ang bulungan na ito.. Napasmirk sya. Luck is still on her side!
"Yes! Yes! It's good that you know me! I am indeed Valerie Colbert!" announce nya, acting like a dumb and naive noble daughter
"Boss jackpot ito." Bulong ng isang bandido
"You can take me as your hostage! Daddy will surely pay you the ransom money! Just don't hurt me!" suggest nya, still acting like a naive noble daughter
"Can your Daddy give us 500,000 silver?" tanong ng bandido
"Silver? Are you insulting me? Is my life only worth a few silver? He will give you 500,000 gold!" Irritable nyang saad acting all high and mighty
Agad nanlambot ang tuhod ng mga bandido. Five hundred thousand gold coins! Pwede na silang magretiro at mabuhay ng tahimik sa halagang yun!
"That's good!" masayang saad ng mga bandido saka sila tumawa.. Syempre nakitawa din si Aliya kasabay nila. Hindi na nila pinansin yun, iniisip na lang nila na baka masyado lang madaling utuin ang dalaga.
"It's already getting dark. Are you not going to take me to your base?" tanong ni Aliya
"Take her!" Utos ng boss.. Hindi nya pinagdududahan ang dalaga.. Kahit pa may pusibilidad na marunong ito ng magic ay sigurado sila na estudyante pa lamang ito. Bakit sila matatakot? May mga myembro sila na Rouge mages. Maging sya na kanilang pinuno ay isa ding Rouge Mage!
"Did you hear that Roberto? They are taking us to their base. We can finally eat! I'm starving!" saad ni Aliya sa hawak na Rainbow Hound.. Hindi pamilyar ang mga bandido sa pet na hawak ng dalaga, muka itong harmless kaya hindi na nila ininspeksyon kung ano ang munting tuta.
Masyado pa ring nasisilaw sa posibilidad ng 500,000 gold ang pinuno kaya sa halip na maoffend sa sinabi ni Aliya ay ngumiti pa sya.. "Let us roast our best meat and prepare the best wine! Let us celebrate tonight!"
"Yey!" Pagdiriwang ng mga bandido.. Wala silang kamalay-malay na isang tigre ang inimbitahan nila patungo sa kanilang base.
Masaya naman si Aliya.. Free lounging! Free food! Isa talaga syang henyo!
Isang ruined mansion sa kaibuturan ng bundok ang base ng mga bandido. Masarap ang pagkain na inihanda nila kay Aliya. Syempre dahil nagdiriwang sila! Binigyan din nila ng sariling silid ang dalaga kaya naman komportable itong natulog kasama ang cute na cute na si Roberto.
Nakangiting bumati ang haring araw noong umagang yun. Nakangiti din si Aliya na binati ang mga bandido.
Masaya si Aliya. Bakit hindi? Isn't this the base of a group of bandits? Ibig sabihin lang nandito din ang lahat ng mga kayamanan nila.
"Hehehe." Tawa ni Aliya sabay pat sa ulo ni Roberto na tinuruan nya ng 'Attack' instead na 'Play Dead' kagabi.
Nagtataka naman ang mga bandido.
Ngumiti si Aliya.. "Robbery!" anunsyo nya
As expected, may bagong koleksyon nanaman sya ng mga kayamanan. Mas tuso pa sya kesa sa inosenteng mga bandido na biniktima nya! Wala syang kaideideya na mas mayaman pa sya kesa sa isang masaganang bayan ngayon!
~~~~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top