Epilogue
Epilogue
“Time is the enemy of man.
Because given enough time, every building collapse, every candle burns out, every flowers turns to ash, and every name must be forgotten.
Several hundred years later in Aralon, no one remembers the name of the Witch of Apocalypse, or the battle that changed the fate of mankind. No one remembers the tears and laughters of the people who fought together and the people who fought each other.
No one remembers the name of those who sacrificed for the greater good. Of those who take but never give. Or of those who give but never take.
No one remembers the tale of the girl with the dragon blood. Of the boy who is a half god. Or of their love that became their strength to conquer everyone.
No one remembers the stories of friendship. Of sacrifices. Or of the first snowfall that signifies their new beginning.
No one remembers the tale of the girl who fought with the gods. Of the man who held her hands.
No one.
Erased.
Forgotten.
Gone with the passage of time.”
-TheLastProphecy, from the journal of Priestess Alivia
Ngayong araw ang simula ng unang klase sa pinakatanyag na paaralan sa mundo ng Aralon, ang Aurum Magique University.
Makikita ang ibat-ibang kulay ng uniporme ng mga mag-aaral na naglalakad patungo sa kanya-kanya nilang klase. White and maroon uniform para sa mga mag-aaral ng COSBA o College of Science and Black Arts. Military green and white para sa mga mag-aaral ng SMAW o School of Martial Arts and Weaponry. Navy blue and white naman para sa mga taga DCM o Department of Crafts and Magics.
May makikita ring mga mag-aaral na nakasuot ng kulay Gold and White uniform, mga mag-aaral sila ng highschool department ng unibersidad. Di kalayuan sa main building ng unibersidad ay may bagong bukas na gusali kung saan matatagpuan ang mga mag-aaral na nakasuot ng green and white uniform, ang uniporme ng elementary department.
Isang pitong taong gulang na batang babae na nakasuot ng kulay green and white uniform ang tahimik na naglalakad papasok sa gate. Ang bata ay may katamtamang haba ng buhok, kasing dilim ito ng gabi. Habang ang kanyang inosenteng asul na mga mata ay may tinataglay na kakaibang lamig na tulad ng yelo sa gitna ng taglamig.
“Cassie!!” isang munting batang babae ang mabilis na tumatakbo para makahabol sa babae.. May hanggang balikat itong golden blonde hair at kulay green na mga mata.
Lumingon ang batang may itim na buhok, si Cassie.
“Cassie bakit mag-isa ka lang? Nasaan si Blue??” tanong ng batang may ginintuang buhok, si Jade.
“Iniwan nya ko.” Tipid na tugon si Cassie
“Awww.. Why is he such a jerk?” tanong ni Jade
Tumango-tango si Cassie bilang pagsang-ayon.
“He’s just like my dad! He left my mommy too.. Hmmp! Let’s not play with Blue ever again..” saad ni Jade
“You’re exaggerating Jade.” Tugon lamang ni Cassie.. Sinabi sa kanya ng kanyang tita Flay na inlove sa isat-isa ang kanyang tita Javen at Tito Eon pero naghiwalay din sila sa bandang huli. Hindi nya lubusang maintindihan ang sitwasyon. Marahil ay tulad ito ng sitwasyon nila ng kanyang mga magulang? Four years ago ay iniwan silang tatlong magkakapatid sa pangangalaga ng kanyang tita Flay at tito Cobalt. Hindi nya alam kung bakit.
Pumasok sila ni Jade sa kanilang silid.. Nakita nila ang isang seven years old na batang lalaki na kumakain ng snacks sa kanyang upuan. Ang bata ay may kulay asul na buhok at mga mata. Inirapan ito ni Jade at hindi naman ito pinag-ukulang pansin ni Cassie.
Sa tahimik na silid ay maririnig ang maingay na pagnguya ni Blue.
Hindi nagtagal ay nag-umpisa na ang klase..
“So do you know magic?” tanong ng kanilang guro
“Noooooo.” Sagot ng lahat in unison
“Yesssss.” Nangibabaw ang sagot ni Blue sa karamihan kaya napatingin sa kanya ang lahat maging ang kanilang guro..
“So what do you know about magic?” tanong ng kanilang guro
“Noooooo..” bawi ni Blue sa nauna nyang sagot kaya natawa ang kanyang mga kaklase.
◇◇◇◇◇
“Pffftt.. Blue you're really stupid.” Saad ni Jade habang patungo sila sa group study nilang tatlo.. Cassie is helping them out with their homework.
Napasimangot si Blue.. He was originally stuck on the body of a three years old because of the Angel's Tears of Feathered Whales that grants long life. But eversince his master left four years ago, she casted a spell on him. He will grow up along side Cassie to protect her at all cost. Ito ang rason kung bakit kailangan nyang umattend ng school kahit ayaw nya.. Sya lamang at ang mga kaibigan ng kanyang master ang nakakaalam ng tungkol dito. The kids were completely clueless.
“Tita Flaaayy!” masayang saad ni Jade pagpasok nila sa pinto
“Hi Jade.. Welcome home Cassie and Blue.” Masayang bati ni Flay sa tatlong bata
Tumango lamang si Cassie.
“I will prepare some cookies and milk so you can have some snacks while studying.” Nakangiting saad ni Flay at saka nagtungo sa kusina
Dumiretso ang tatlong bata sa study room ng mansion ng pamilya nina Flay at Cobalt. Inabutan nila sa isa sa tatlong mesa sina Allen at Cataleya. Si Allen na nakatatandang kapatid ni Cassie ay mahimbing na natutulog. Abala namang nagbabasa si Cataleya, ang unica ija nina Flay at Cobalt.
Tahimik na umupo ang tatlong bata sa kabilang table. Tila isang routine na ang nangyayari. Nag-umpisa silang magdiscuss tungkol sa kanilang homework.
Hindi nagtagal, isa muling grupo ang pumasok sa silid.
“I'm telling you Magnus, kapag hindi mo sineryoso ang pag-aaral babagsak ka.” Iritableng saad ng isang babae, si June, isa sa kambal na anak nina August at Atticus. Mas matanda sila ng dalawang taon kina Cataleya at Allen.
“Oo na.. Oo na. Kaya nga ako nandito para mag-review para sa quiz bukas. Tsk.” Tugon ni Magnus, ang unico ijo nina Roma at Ashley. Kaklase nya ang kambal.
“June stop wasting your time on him.” Sabat ni July, ang kakambal ni June.
“Hi Cataleya.” Bati ni Magnus pagkaupo nya
Tumango lamang si Cataleya.. Binati nya ang kambal pero as expected, inirapan lamang sya ng dalawa.
Pangkaraniwan na lamang na makita na nagtitipon-tipon sila dito sa tahanan nina Cataleya dahil malapit lamang ito sa Aurum Magique University.
“Magnus, focus. Subukan mong sagutan ang unang katanungan. ‘If you throw a stone at the Phantom Sea of Flume in Gorgona, what will it become?’” Tanong ni June
“Duh. A wet stone.” sagot ni Magnus
“Stupid. It will become a soul stone that can summon spirits. It can be useful for necromancers. The Phantom Sea of Flumes is rumored to be the gate to the underworld.” Sabat ni July
“Magnus I believe in evolution, but I'm starting to have doubts whenever I talk to you. Why are you so stupid? You cant even do elementary math.” Reklamo ni June
“Tsk.. Try me!” Magnus
“Hmmp!” nag-isip si June ng math question... “If you have 8 apples and 3 imperial berries on your right hand and 7 oranges in your left hand, then I give you 3 apples, 4 imperial berries and 4 oranges, what do you have?”
“Well I definitely have a VERY large hands! How else could I possibly hold so many fruits on my hands?” tugon ni Magnus
“You are hopeless.” Naiinis na saad ni June..
Ipinatong ni Magnus ang kanyang mga paa sa mesa.. “Thanks. I'll take that as a compliment.”
“Arrrggg. There are truly some remarkably dumb people on this planet. Thank you for making me understand that..” June
Hindi binigyang pansin ni Magnus ang pang-iinsulto nya.
“I suddenly remember the novel that I was reading last night.. It was recommended by Cedric.. You two should also read it. Tungkol yun sa isang apocalyptic world na puno ng mga zombies! Nagising yung bida sa isang ospital na puno ng mga bangkay. Sobrang creepy! Nandun na ko sa part na makikipaglaban yung bida sa mga zombies.” Magnus
“Aha, good story. But on what chapter are you going to shut the f*ck up?” tugon ni July
“Tsk. You twins are so boring.” Magnus
“You're just dumb so you get bored.” June
“Tsk.. Why do you keep calling me dumb? I'm just being honest. This is who I'am.” Magnus
“Man, do yourself a favor. Just ignore people who tells you to just be yourself. Bad idea on your case.” July
“He's right. Everyone is entitled to act stupid once in a while, but you abuse that privilege.” Dagdag pa ni June
“Tsk.. Magreview na nga lang ulit kayo. Nakakabwisit pinagsasasabi nyong dalawa.” Magnus
“Hmmmp!” June
“Hey, Cataleya, what are you studying?” usisa ni Magnus, masyado kasing seryoso ang muka ng dalaga habang nagbabasa.
“Incantations. We are currently studying how to create new spells. I'm trying to rearrange some characters on my spell.” Tugon nito na hindi inaalis ang mga mata sa hawak na libro.. Ang isang kamay nito ay abalang nagsusulat sa isang notebook.
“Incantations? Did we ever studied that during elementary?” nagtatakang tanong ni Magnus sa kambal
“We did.” Sagot ng kambal
“Cataleya should take it easy too.. Maaga kang tatanda kung masyado kang seryoso sa pag-aaral.. Hmm? Why dont we reaarange something else? If I could rearrange the alphabeth--" hindi natapos ni Magnus ang banat nya kay Cataleya
“Let me guess? You will put U and I together? Can't you be a bit more original?” sabat ni June
Binato sya ng masamang tingin ni Magnus.. “No.. But I'd put U, R, A, B, I, T, C, H together.”
“Naghahamon ka ba ng away?” tanong ni June
“No way. Isa kang Amazona, ayokong mabugbog.” Magnus
Binato sya ni June ng hawak na libro. Mabilis itong nasalo ng binatilyo habang tumatawa.
“Ehem..” napalingon ang lahat sa may pinto at nakita ang isang magandang babae.. Muka itong isang anghel dahil sa long blonde hair at blue eyes nito. Nakatingin ito sa tatlong tao na nagbabangayan..
“Cyrus?” react ni Magnus
“Tsk.. Ang kapal ng muka nyong tatlo para iwan ako sa school!” iritableng saad ng babae.. Mabilis syang lumapit para umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Magnus.
“You said you have something else to do..” saad ni June
“I never said that!” sagot nito.. Ang babae ay pinsan nina Cassie. Anak ito nina Grey at Circe. Kaklase nya sina June, July at Magnus. Isa syang mahiyaing bata noon kaya bihira syang makasalamuha nina Cataleya. Naging malapit lamang sya kina June noong naging kaklase nila ito noong elementarya.
“You have band practice right? Why do you always hang out with us?” tanong ni Magnus dito
Nilingon sya ng babae.. “Why not? Whenever I hangout with you, I remember that the gods really do have a sense of humor for creating an idiot like you. It’s fun.” Tugon ni Cyrus
Agad nagusot ang muka ni Magnus. Nag-apir naman sina Cyrus at June.
Amuse na pinanood nina Cassie at Jade ang mga nangyayari.
Nakahalumbaba naman si Blue sa mesa. Iniisip nya kung bakit wala pa yung cookies and milk na ipinangako ni Flay sa kanila..
Nakarinig sila ng mahinang tawa sa pinto.. Napalingon silang lahat at nakita si Cedric, ang panganay na anak nina Charm at Arren. May bitbit itong tray ng cookies at tatlong baso ng gatas.
“You seems to be having fun..” saad ni Cedric
“Kuya Cedric..” bati nila sa binatilyo.. Kasalukuyan itong nasa highschool tulad nina Magnus, pero mas matanda ito ng isang taon kesa dito at sa kambal..
“Cassie, Blue, Jade eat some snacks.” Saad nito at saka ipinatong ang tray sa mesa kung nasaan ang tatlong bata.
“Thanks kuya Cedric!” masayang saad ni Jade
“Cassie do you need help with your homework??” nakangiti nyang tanong sa bunsong kapatid.. Umiling lamang ito bilang tugon.
“Ang daya.. Wala kaming cookies?” tanong ni Magnus
“Stop acting like a kid..” sabat ni July
“Yes, just shut up Magnus. You have all the rights to be silent, cause whatever you got to say are surely just stupid anyway.” June
“Tsk..” Magnus
Nagsimulang mag-away ang tatlo.
“How childish.” Sabat ng isang tinig... Muling napalingon ang lahat sa isang pamilyar na tinig na nagmula sa may pintuan.
“Nessa!” react ni June
“Hello.” Simpleng tugon nito
Si Nessa ay ang nag-iisang anak nina Nero at Avril. Magkasing edad sila ni Cedric at naging magkaklase pagtungtong nila ng highschool. Pangkaraniwan lamang na makapangasawa ng mago ang isang psychic, subalit ang mamana ng kanilang anak ang pareho nilang kakayanan ay isang milagro. Itinuturing na isang henyo si Nessa bilang isang mago na may psychic power.
“Bakit ka nandito?” tanong ni Magnus sa babae
“Am I not allowed here?” simpleng tugon ni Nessa saka nagtungo sa may bintana at saka nag-umpisang magbasa ng libro.
“Tsk. You only annoy me when you’re breathing, really.” Sarkastikong saad ni June
“Who do you think will win?” bulong ni Jade kay Cassie.. “Nessa the Villainess or June the Savage?”
Hindi nakatugon si Cassie sa tanong nito.
“Are you asking her to die?” inosenteng tanong ni Magnus kay June
“Magnus sometimes its better to keep your mouth shut and give the impression that you’re stupid than open it and remove all doubt.” Seryosong saad ni June sa kaibigan
Natawa naman si Nessa mula sa pwesto nya.. “Magnus are you really this stupid or you just love to show off whenever Im around?”
“He’s always like that.” July
Nagsalubong ang kilay ni Magnus.. Pinagkakaisahan sya ng mga kaibigan.
“July you traitor! Wag mo silang kampihan!” Magnus
“I was never on your side so dont call me a traitor.” Casual na tugon nito na hindi inaaalis ang mga mata sa binabasang libro.
“Jerk. Traitor! You have all your life to be a jerk. Why not take today off and help me out?” Magnus
“Not interested.” July
Lalong nagusot ang muka ni Magnus.. Gusto nyang sumigaw sa iritasyon..
Nilingon ni Cyrus ang lalaki sa tabi nya saka pinagmasdan ang gusot nitong muka.. “Wow. I dont know what your problem is, but I guess it’s hard to pronounce.”
Binato ni Magnus ng masamang tingin si Cyrus.. “Remember when I ask for your opinion?” tanong nya, bago pa man makatugon ang babae ay inunahan nya na itong magsalita.. “Me neither.”
Sumimangot si Cyrus.. “June binubully nya ko.”
“Im just stating the truth, I never ask for your opinion.” Magnus
Tumingin si June kay Magnus.. “Sarcasm is contagious. But probably not in your case. It’s quite amusing how you try to fit your entire vocabulary into one sentence.”
“Tsk. Sarcasm? Yeah yeah. You’ll definitely go far with that sarcasm- stay there and dont ever come back.” Magnus
“Is that your best retort?” tanong ni June
“Ahm....” tumingin si Magnus kay Nessa, alam nya na parang tubig at apoy ang dalawa.. “Arent you going to say something?”
Hindi sya pinansin nito..
“Uyy! Nessa! Say something!!” Magnus
Lumingon si Nessa sa direksyon ng apat.. She feign ignorance, “Oh? Are you waiting for me to care?” tanong nya saka muling ibinaling ang atensyon sa binabasa nyang libro saka sinabing, “I hope you have enough patience cause it’s going to be a long long time.”
Naaawa na si Magnus sa kanyang sarili.. Bullies! They’re all bullies! Wala syang mahanap na kakampi.. Lalo pa syang nainis dahil nakasmirk na ipinagpatuloy ni June ang pagbabasa na tila ba iniinis sya.
Samantala, nabaling ang mga mata ni Cedric kay Allen na natutulog sa mesa.
“Are you not feeling well?” tanong nya sa kapatid..
Marahang nagmulat ng mata si Allen.. Malamig ang inaantok nitong asul na mga mata. Tumingala sya kay Cedric saka umiling.
“You should sleep on the bed if you're really sleepy..” payo nya sa kapatid
Nilingon ni Allen si Cataleya.. “Are you done studying?”
“Not yet.” Tugon ni Cataleya
“Then I'll stay here as well..” saad ni Allen saka muling bumalik sa pagtulog
“Is he a cat? Why is he always sleeping?” komento ni Magnus
“He's been like that since we were kids.” Tugon ni June
“I heard that our parents are preparing for tita Alivia's death anniversary.” Pag-iiba ni Cedric sa topic
“It's that time of the year?” tanong ni Magnus
Naging kaugalian na ng kanilang mga pamilya na magtipon-tipon at bumisita sa puntod ni Alivia tuwing death anniversary nito.
“Anyway, mukang nandyan na ang sundo mo Magnus.” Saad ni Cedric
Hindi nagtagal ay dumating na din ang sundo ng kambal, pati na din ang sundo nina Jade, Nessa, at Cyrus.
The dorms at school were occupied by the college students. Pansamantalang naninirahan sina Cedric, Allen at Cassie sa tahanan nina Flay dahil malapit ito sa paaralan. Isa pa, ito ang dating mansion ng lolo ng kanilang mama, ang dating duke ng Aureus, si Ginoong Clifford. Ipinama nito ang mansion kay Cobalt.
Tuwing summer and winter vacation ay umuuwi ang magkakapatid sa tahanan ni Cassiopeia sa Earth.
Tulad ng tatlo ay dito rin naninirahan si Blue sa kaparehong rason.
“What are you thinking?” tanong ni Blue na nakasuot ng pajama.. Tapos na sila magdinner kaya patungo na sila ni Cassie sa kanilang mga silid para matulog.
Huminto sila sa harap ng pinto ng kanilang kwarto. Magkaharap lamang ang kanilang silid sa second floor ng mansion.
“I just wonder.. Will mom and dad visit tita Alivia this year?” tanong ni Cassie
“Do you miss them?” tanong ni Blue
“Y-yes. I dont remember them but I want to meet them.” Tugon ni Cassie
Pinagmasdan ni Blue ang nakasimangot na bata..
“Cute.”
“Huh? Did you say something?” tanong ni Cassie
Agad nanlaki ang mga mata ni Blue. Hindi sya makapaniwala na nasabi nya yun out loud. “I... I said you look stupid! Stop pouting!” malakas nyang saad saka mabilis na pumasok sa pinto ng kanyang silid. Hiyang-hiya sya sa nasabi nya. Huhuhu.. Just think about food! Paalala nya sa sarili.
Nagtataka namang pumasok sa kanyang silid si Cassie.
Maliwanag ang kambal na buwan sa kalangitan. Nakatanaw si Cassie sa labas ng kanyang bintana..
“Regis, Euphie, will mommy really comeback?” hindi nya alam kung ilang beses nya nang itinanong ito sa celestial king at fae na kanyang kaibigan.
“I'm sure that she will comeback, Princess.” Tugon ni Regis
“Yes, your mother will surely comeback for you Princess.” Nakangiti ring tugon ni Euphie
“You always say that every year. But they never appear.” Malungkot na saad ng bata
“......” Regis
“... Your parents are in Viribus Princess. They are searching for a cure for your dad. I'm sure they miss you too.” Euphie
Hindi tumugon ang munting bata..
Nagkatinginan naman sina Regis at Euphie.. Pareho silang nagbuntong hininga. Maging sila ay namimiss na si Charmaine.
◇◇◇◇◇
Nang sumapit ang araw ng Death Anniversary ni Alivia ay maagang nagtungo ang lahat sa Gorgona.
Hanggang ngayon ay nababalot pa rin ng yelo ang buong palasyo ng dating Crystal Nation. Walang nakakaalam kung nasaan na ang mga myembro ng pamilya na bumubuo sa Crystal Nation noon, aside kay Creon na pinsan ni Alivia na kasalukuyang nasa Udarra kasama sina Louise at Yvonne. Wala nang naninirahan sa lugar. Binili ito ng magkakaibigan at ngayon ay isa nang private property.
Sa isang burol malapit sa palasyo matatagpuan ang puntod ni Alivia.
Napagdesisyunan na bibisitahin ng magkakaibigan ang puntod pagsapit ng sunset. Dahil dito ay nagkaroon ang magkakaibigan ng oras para muling magkasamasama at magkwentuhan tungkol sa mga bagong kaganapan sa kanilang mga buhay.
“Cassie saan tayo pupunta?” tanong ni Jade
Kasalukuyang naglalakad ang tatlong bata papalabas ng private mansion kung nasaan ang kanilang mga magulang.
“Let's pick some flowers.” Saad ni Cassie
Dahil abandunado na ang buong bayan, nababalutan na ito ng mga halaman. Walang mga wild animals sa lugar dahil sa protective magic nina Flay.
“Ang dami nating napitas na mga bulaklak.” Masayang saad ni Jade
“At mga mansanas!” masayang dagdag ni Blue
“Mukang malapit na tayo sa burol..” puna ni Cassie
Ngayon lang nila napansin na nasa paanan na sila ng burol kung nasaan ang puntod ng kanilang tita Alivia.
“Should we go ahead and place these flowers there?” tanong ni Jade
Tumango si Cassie..
Tahimik na umakyat ng burol ang tatlong bata.
“These really smells nice.” Nakangiting saad ni Jade habang inaamoy ang mga bulaklak
“I'm sure tita Alivia will love them.” Cassie
“Definitely!” Jade
“Ehh? There's someone over there.” Puna ni Blue
“Sino yun?” tanong ni Jade
Isang matangkad na lalaki ang nakita nilang nakatayo sa harap ng puntod ng kanilang tita Alivia. Nakatalikod ito sa kanila pero agad napansin ni Cassie na tila nagpupunas ito ng luha. Sinenyasan nya sina Jade at Blue na wag gagawa ng ano mang ingay.
“Sana nandito ka pa. Alam mo ba na ako na ngayon ang bagong guild master ng Silver Dawn? Hindi ko alam kung bakit ikaw ang unang tao na gusto kong sabihan ng magandang balita.. K-kung nandito ka pa, sigurado akong masaya ka para sakin.” Narinig nila ang mahinang paghikbi nito.
“Sino sya?” Bulong ni Jade kay Cassie
Nagkibit balikat ito bilang tugon.
“Alivia sana sa susunod nating buhay, makilala ulit kita.” Saad ng lalaki
Nagkatinginan sina Cassie at Jade.
Tumalikod na ang lalaki para umalis.. Nakita nya ang tatlong bata na nakatayo sa likod nya.. Nakatingin ang mga inosenteng mga mata nila sa kanya.
“......”
“Hello po!” bati ni Blue.. Sinumulan nyang kainin ang hawak nyang mansanas. Kanina nya pa ito gustong kagatan, pinipigilan lang sya ni Cassie.
“Sshhh! Don't talk to strangers!” paalala ni Jade
“Kaibigan ka po ba ni Tita Alivia??” tanong ni Cassie
Ngumiti ang lalaki pero mababakasan ng lungkot ang kanyang mga mata.. “Yes, she's my friend. My name is Trenton. Nandito din ba kayo para dalawin sya?”
Agad tumango ang tatlong bata.
Ngumiti ang lalaki. “I'm glad to know that a lot of people visit her.”
Ipinatong ng tatlong bata ang mga pinitas nilang bulaklak at mansanas sa harap ng puntod.
Sandaling pinagmasdan ng lalaki ang tatlong bata habang nananalangin sila para sa kaluluwa ng namayapa na.
Nakangiti syang tumalikod at naglakad paalis. Masaya syang malaman na maraming nagmamahal sa munting dalagita na naging kaibigan nya noon. Isang private property ang lugar kaya hindi sya nag-aalala para sa kaligtasan ng tatlong bata. Isa pa, may pambihirang mahika ang batang lalaki na kumakain ng mansanas. Kahit sya ay hindi magawang sukatin kung gaano ito kalakas.
“He left.” Komento ni Jade noong mapansin na nakaalis na ang lalaki
“Dont worry. He's a good person.” Cassie
“We should also head back. We will be scolded if they find out that we went here alone.” Blue
Tumango ang dalawang bata.
“Let's race!” Suggest ni Blue
“No way!” Jade
“Belat!” tugon lang ni Blue saka mabilis na tumakbo pababa ng burol.
“Tsk. Hintayin mo kami!” sigaw ni Jade... “Come on Cassie..” saad nya saka mabilis na tumakbo
Napailing na lang si Cassie dahil sa pinaggagagawa ng dalawa.
Papaalis na sya noong bigla syang natigilan.
Muli syang lumingon sa puntod ng kanyang tita Alivia. Sa pagkakataong ito ay may nakita syang dalawang tao.
Isang babaeng may mahabang puting buhok ang naglapag ng isang bungkos ng mga bulaklak sa puntod ng kanyang Tita Alivia. Sa tabi ng babae ay may matangkad na lalaki, itim na itim ang buhok nito. Nakatalikod ang mga ito sa kanya. Pero ganun pa man, pakiramdam nya ay kilala nya ang dalawang estranghero.
Hindi nagtagal ay humarap ang dalawang tao sa kanyang direksyon.
“Ehh?” nagtatakang react ng lalaki matapos syang makita..
Isang bagay lang ang nasa isip ni Cassie.. Kamuka ng lalaki ang kanyang kuya Allen.
“Wife, she look just like you when we were little.” Saad ng lalaki sa kasama nitong babae
Naramdaman ni Cassie ang malamig na mga mata ng babae sa kanya.. Noong magtama ang kanilang mga mata ay isang ngiti ang ibinigay sa kanya ng babae.. “Cassandra.”
Napahakbang patalikod si Cassie.. Bakit sya kilala ng babae?
“Cassandra?” hindi makapaniwalang tanong ng lalaki
“Who else could she be if not our daughter?” natatawang tugon ng babae sa kasama nyang lalaki
Napatulala si Cassie sa dalawang tao sa kanyang harapan.
“You grew up so fast..” saad ng babae.. Isang ngiti ang ibinigay nya sa munting bata. Hindi maipaliwanag ni Cassie kung bakit bigla na lamang kumawala ang malalaking butil ng luha sa kanyang mga mata..
“M-mommy.. Daddy...”
“Dont cry little Cassie... We are back..” nakangiting saad ng babae sabay pat sa ulo ng munting bata.
“Blue wait lang! Bakit ka ba tumatakbo?!” maririnig ang boses ng batang si Jade
“Uwaaaaahhh! Masteeeeeeeeeer!” iyak ni Blue matapos makita si Charm.... Naramdaman nya ang presensya nito kaya agad itong bumalik.
“Blue..” nakangiting bati ni Charmaine sa munting bata
“What a crybaby..” komento ni Gavriil sabay pisil sa magkabilang pisngi ni Blue
“Ouch... Masteeeeeeer! Binubully nya ko.. Uwaaah!” reklamo ni Blue
“Arren stop picking on him..” saway ni Charm
“Cassie! Cassie! Sino sila?” tanong ni Jade
“My parents.” Tipid na tugon ni Cassie.. Gusto nyang sipain si Blue dahil masyado itong clingy sa mommy nya..
“Oh? Little Javen??” tanong ni Charm
“She’s my mommy! My name is Jade!” saad ni Jade
“Her temper is very different though.” Bulong ni Gavriil kay Charm
Napalingon sina Gavriil at Charm sa pinanggalingan nina Blue.. May mga boses na papalapit sa kanilang direksyon.
“Are you sure they went here?”
“Cedric are you doubting my psychic power??”
“Why did we drag along Allen?”
“Is he awake? Or is he sleep walking?”
“Magnus what the hell is that?”
“It’s Cheesecake.. Blue is a foodie. If we want to find them then this is the perfect bait!”
“What an idiot.”
“Magnus you always bring me so much joy—everytime I knew that you are not around. So just go back.”
“I cant help imagining an awesomer world without Magnus in it..”
“Can you imagine what life would be like if he didnt get enough oxygen at birth?”
“Evil twins!”
“Magnus don’t be mad.. It’s the twin’s way of showing how much they care for you.”
“No way!”
Maririnig ang tawanan nila habang papalapit sa burol.
“Eh?” natigilan sina Magnus pagdating nila sa tuktok ng burol
“Hello kids.. You’re all grown up now.” Nakangiting bati ni Charm sa kanila
“Mom...? Dad?” sa unang pagkakataon, pakiramdam ni Cedric ay nagshort circuit ang isipan nya. He’s always compose, matured and gentle. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi sya naghahanap ng kalinga ng magulang. Sa apat na taon, pinilit nyang maging isang mabuting kuya sa dalawa nyang nakababatang kapatid.
“Mommy.. Daddy..” nawala ang antok ni Allen.. Mabilis syang naglakad papalapit para siguraduhing hindi sya nananaginip. Palagi nyang nakikita ang mga magulang nya sa kanyang mga panaginip. Ito ang rason kung bakit mas pinipili nyang matulog na lang lagi.
“Allen... You’re taller now.” Puna ni Arren sabay gulo sa buhok nito..
“I’m ten now. Of course I’d be taller..” tugon ni Allen.. Pinipigilan nyang ngumiti pero hindi sya nagtagumpay.
“Cedric come here..” nakangiting tawag ni Charm sa panganay nila.
“Cedric why did you turned to stone?” tanong ni Nessa.. Ngayon nya lamang nakita ang side na ito ng binatilyo. Itinulak nya ito papalapit sa kanyang mga magulang.
“You did well Cedric.. Thank you for taking care of your little brother and your little sister.” Saad ni Charm sabay pat sa ulo nito
Pinunasan ni Cedric ang mga luha na kumawala sa kanyang mga mata.. “Mom.. Dad.. I’m glad your back.”
Niyakap nina Charm at Gavriil ang tatlo..
It was a very heart warming sight.
“Nakaka-out of place..” bulong ni Magnus
Nabasag ang katahimikan dahil sa komento nito.
“We should really put a duct tape on his mouth.” Saad ni June
“I agree.” Cyrus
“Waaaaah! Charm!!!!” sigaw ng isang tinig..
“Damn it! Don't shout! We’re not teenagers anymore!” reklamo ni Astrid
“Sorry.. Masyado lang akong na-excite.” Aliya
“Welcome back!” masayang saad ni Flay, magkahawak kamay sila ni Cobalt.
“Everyone..” nakangiting bati ni Charm
“Did you find the cure to the Death Energy?” tanong ni Javen
Tumango sina Charm at Gavriil.
“Thank gods..” saad ng lahat
“Now that you’re finally back, we should celebrate!” Aliya
“Yeah!”
Napuno ng tawanan ang tuktok ng burol.
Somewhere in the Underworld, the soul of a little girl finally found peace. She’s happy that her friends have found their happiness. She will soon enter the cycle of reincarnation. Hoping that someday, she can be with them too.
Nilingon ni Charm ang puntod ni Alivia sa huling pagkakataon.
“We will come back to visit you again. Good bye for now, Alivia.”
~~~~~~~~~
《And the Curtains Fell》
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top