Special Chapter #2

Witch Hunt
Special Chapter #2

Someone's POV

"ANO?! Nagawa niyang talunin ang isang batalyong kawal natin ng ganun-ganun na lang?!" nanggagalaiting sabi ng hari sabay hampas ng kanyang kamay sa mesa. Sa sobrang lakas ng kanyang pagkakahampas ay lahat kaming andidito ay halos mapatalon sa gulat.

"Patawad kamahalan kung kami ay nabigo sa paghuli sa kanya." nahihiyang sabi naman ng punong-kawal ng batalyong ipinadala sa village ng Ziv para tugisin ang naturang witch.

Kasalukuyan kaming naririto sa isang silid kung saan madalas idaos ang mga ganitong high council meeting. At ang pinaka-rason ng meeting na ito sa ngayon ay para pag-usapan ang planong paghuli sa pinag-iinitan ngayong witch ng hari na pinangalanan niyang Charm.

"Dahil sa kapalpakan mong ito ay tinatanggal na kita sa iyong posisyon bilang punong-kawal!" galit pa ring pahayag ng hari. Hindi naman nakaimik ang tinanggalan ng posisyon at nanatili pa ring nakayuko ang kanyang ulo.

"Sa tingin ko kamahalan ay patungo silang silangan, pero hindi pa kami nakatitiyak sa ngayon." pag-imik naman ng isang kawal na kasama roon sa ipinadala sa Ziv.

Dahil sa pahayag niyang iyon ay natahimik saglit ang hari, at tila may malalim itong iniisip.

"Kung hindi ako nagkakamali, sinusubukan niyang buhayin muli ang mga springs! " biglang pahayag ng hari matapos ang ilang sandaling pananahimik no'ng napagtagpi-tagpi na nito sa wakas ang mga pangyayari.

Oh? Sinusubukan niyang buhayin ang mga springs ng mga sinaunang deities kamo? Hmm... that's quite interesting.

Mukhang magagamit ko ang witch na ito para madali kong maisasakatuparan ang aking mga plano.

"Kung hindi ako nagkakamali, sa syudad ng Belmont ang sunod nilang pupuntahan kung saan matatagpuan ang isa pang spring." dagdag pa ng hari.

"Kung ganoon, susugod na ba tayo bago pa man sila makarating sa syudad na iyon, kamahalan?" suhestyon ng isang kawal.

"Hindi... Matapos ang nangyari sa Ziv, Mas mabuting saka na tayo susugod sa mga pagkakataong hindi niya inaasahan nang sa gayon ay mabilis natin siyang mahuhuli." pahayag ng hari.

Ipinatong ko naman ang ulo ko sa aking kanang kamay at napaisip sa sinabi ng hari. Hmm... not bad for a king. Nag-iisip din pala ito ng matino.

Hindi na ako nagulat pa no'ng nakita ko itong napatingin sa'kin. Kumbaga, same minds think alike ika nga nila.

"And I know someone who can help me with that." ani nito sabay tingin sa'kin. Napa-smirk naman ako.

"Sige lang... Sabihin mo lang po kung ano ang maitutulong ko sa inyo, kamahalan."

-TO BE CONTINUED-

❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️

Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.

Salamat.

Anyway, can you guess who's POV is this?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top