Special Chapter #1

Witch Hunt
Special Chapter #1

Baal's POV

5 years ago...

Kada sasapit ang dapit-hapon, ugali ko na talagang pumunta sa sagradong kwarto para manmanan ang aktibidad ng spring ng master kong si Deity Morrel. Pero sa tagal na rin na walang progresong nagaganap... nasanay na rin akong makita siyang tuyo- at walang buhay.

Ilang taon din ang lumipas na naging ganyan lang ang kanyang spring... hanggang sa dumating ang isang dapit-hapon. Nadatnan kong umiilaw ang kapaligiran nito pagkabukas na pagkabukas ko ng malawak na pinto ng naturang sagradong kwarto. Agad naman akong nagmadaling lumapit dito.

Paniguradong may importanteng mensaheng gustong iparating ang aking master...

"Baal..." rinig kong tawag nito sa'kin.

"Andito na po ang iyong tagasilbi." pormal kong saad sabay yuko ng aking ulo.

"Gusto kong maghanda ka sa paparating na batang deity dito sa'king templo. Gusto kong alagaan mo siya ng maayos, at gabayan habang siya ay lumalaki." malumanay na pagkakasabi ng aking master.

"Masusunod po master..." tugon ko sa kanyang sinabi.

"Ang batang deity na'to ay 'di basta-bastang ordinaryong deity lang. Ginawa siya para gampanan ang isang napaka-importanteng misyon sa mundong ito. Kaya naman gawin mo rin ang lahat ng iyong makakaya para turuan siya ng lahat ng nalalaman mo sa mahika at protektahan siya mula sa mga panganib... "

"Para pagdating ng nakatakdang araw na malaman niya ang gagampanan niyang misyon ay maging handa na siya sa kahit anumang pagsubok na darating sa kanya. " paliwanag niya.

"Opo master. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya. " tugon ko.

...

Hindi na nagtagal ang pag-uusap naming iyon dahil bigla na ring nawala 'yong liwanag sa paligid ng spring. Agad naman akong umalis sa sagradong kwarto at nag-abang sa sinasabi niyang paparating na batang deity.

Gaya nga ng sabi ng aking master... no'ng kinagabihan ding iyon ay dumating ang batang deity sa templo- na siyang magsasakatuparan ng propesiya ng aking master.

At ang nakatakdang magliligtas sa buong sangkatauhan..

-TO BE CONTINUED-

❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️

Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.

Salamat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top