Chapter 9: Another Deity?
Witch Hunt
Chapter 9- Another Deity?
Charm's POV
Siguro naka-apat na oras na kaming nakasakay sa likod ni Chico habang tinatahak namin ang karagatan patungo sa North Coast kung sa'n naman kami maglalakbay patungo sa village ng Ziv.
Habang palapit kami ng palapit sa'ming destinasyon ay palamig din ng palamig ang panahon. Pati si Failur ay naririnig ko nang umaangal sa lamig, kaya nagcast ako ng isang spelll na magpoproteksyon sa'min laban sa panginginig.
Sa buong byahe namin, bigla ko ulit naalala ang kwento ni Jade, 'yong mangangalakal na tumulong sa'king makalusot no'n sa Vavelia City, patungkol sa'ming mga deities...at tungkol din sa sinabi niyang pa-extinct na ang mga gaya namin. Kaya minarapat kong kausapin ang kasama kong tigre patungkol dito.
"Baal, may tanong lang ako tungkol sa'ming mga deities. Bukod sa'kin, may iba pa bang deities na nabubuhay sa ngayon?" kabado kong tanong.
Kabado akong malaman ang mapait na katotohanan- na baka ako na lang talaga ang nabubuhay na deity sa panahong ito.
"'Wag kang mag-alala... gaya mo, may iba pang mga deities ang patagong nabubuhay sa ngayon. Kung suswertehin tayo, baka makatagpo pa tayo ng mga deities sa daan na pwede nating maging kakampi." paliwanag niya.
Sobrang nagalak naman ako sa magandang balita na hatid niya. Sana nga makahanap kami ng mga deities na pwede naming maging kakampi.
"Andito na tayo. "
Nabalik lang ako sa realidad no'ng narinig ko ang boses ni Chico na nagsalita. Napaangat naman ang tingin ko at bumungad sa'kin ang malawak na lupain na puno ng nyebe at mga higanteng ice glaciers.
"Sa wakas, nakatapak na rin sa lupa!" Tuwang-tuwa kong sabi.
Nakakatakot din kasing maglakbay na puro katubigan lang ang nakikita ko. Tumalon na rin si Baal mula sa likod ni Chico at lumapag sa malambot na nyebe. Tumingin naman ako sa kasama naming pagong at ngumiti.
"Salamat sa paghahatid sa'min Chico. At ingat ka sa iyong pagbabalik." taos-puso kong pasasalamat.
"Ikinagagalak kitang pagsilbihan, Deity Charm." sabi naman nito sa kanyang bilog at pormal na boses. Namula naman ako sa hiya no'ng tinawag niya akong 'Deity Charm.'
Kumaway ako rito bago na niya kami talikuran at naglakbay na pabalik ng Misty Cave. Nabaling naman ang tingin ko rito sa'king kasama.
"Tara na Baal." anyaya ko.
"Sumakay ka sa likod ko para mabilis tayong makakagalaw." suhestyon niya. Ehhh, so sinasabi niya bang mabagal akong maglakad?!
Kahit nasaktan ang pride ko ay sumakay na lang din ako sa kanyang likuran at mas mabilis pa sa kidlat siyang gumalaw para hanapin ang daan patungong Ziv Village.
"Kabisado mo ba 'yong daan patungong Ziv?" natanong ko para basagin ang katahimikan sa pagitan namin. Dapat kasi pagkatapos ng paglalakbay na ito ay maging matalik kaming magkaibigan~
"Pinagdududahan mo ba ako?" pabalang niya namang sagot. Bigla namang gumuho ang pag-asa kong iyon sa isang iglap... *Sighs*
"H-hindi naman sa gano'n. Ano kasi--"
Naudlot ang pagsasalita ko ng bigla akong makaramdam na parang may tatama sa'ming direksyon. Marahil ay naramdaman din iyon ni Baal kaya bigla siyang napalundag sa kanyang kanan. Saktong-sakto lang ang kanyang ginawang pag-ilag dahil may kung anumang pwersang tumama sa kabilang direksyon namin at lumikha iyon ng kaunting pagsabog. Dahil sa ginawang biglaang paglundag kanina ni Baal ay hindi ako nakakapit agad at tumilapon ako palayo sa kanya.
At sa'n naman nanggaling ang pwersang iyon!
"Oh... Bihira lang akong makakita ng isang guardian animal at isang deity na mapadpad dito sa North Coast."
Napaangat ng 'di oras ang aking tingin sa direksyon kung sa'n ko narinig ang boses babae na iyon. Tumambad sa'kin ang isang babaeng may katangkaran ng kaunti, may kulay nyebe na buhok na tinali niya into a ponytail, at kulay asul na mga mata.
Nararamdaman ko mula sa kanya ang isang malakas na kapangyarihan, at agaw pansin din ang hawak-hawak nitong kulay bughaw na wand na parang gawa sa bloke ng yelo.
Hindi ako pwedeng magkamali. Isa rin siyang Deity!
"Sandali! Isa ka ring Deity di ba?" pagkumpirma ko mula sa kanya, na ngayo'y pinipilit ulit makatayo.
Imbes na sagutin ang simpleng katanungan kong iyon ay pinatamaan niya kami ni Baal ng kanyang freezing spell na agad nagdulot ng paninigas ng buong kalamnan ko. Pansin ko ring bukod doon ay unti-unti rin kaming binabalot sa isang makapal na yelo na nagsimulang bumalot sa'king mga paa.
Kainis hindi ko man lang nailagan ang pag-atake niyang 'yon!
"Ooohhh... Madami kayong dalang gamit! Would you mind if kukunin ko ang bag mo? Finders keepers!" saad nito at unti-unti nang inaalis ang bag na nakasabit sa'kin.
Mabilis pa rin kaming binabalot ng makapal na yelo na ngayo'y kalahati na agad ng katawan ko ang nakabalot dito.
"Aaarrrggghh, bakit mo inaatake at ninanakawan ang kapwa mo deity?!" pasigaw kong sabi habang nagpupumiglas na makawala mula sa pagkakabalot ko sa yelo.
Sa ngayon ay nakuha na niya ng tuluyan ang aking bag at lumundag palayo sa'kin saka ako hinarap sabay ngiti ng mapang-asar.
"Hmm... Sabihin na lang nating kailangan kong mabuhay?!" sarkastiko niyang sagot. Tinalikuran na nya ulit kami at kita ko namang nagsimula na siyang magbanggit ng teleportation incantation.
Hindi maganda ito! Kailangan ko agad umaksyon!
Agad kong hinipan ang parte kung sa'n nakabalot ang kamay ko at nagbuga ng mainit na hangin at binilisan ko na rin ang pag-ihip. Medyo natagalan din iyon dahil sa lakas ng mahika na taglay ng spell na binato niya sa'min pero buti na lang naagapan ko agad bago pa siya makatakas ng tuluyan.
Agad ko nang inilabas ang aking wand at nagbanggit ng isang level 4 fire spell...
"Blazing Fire!"
Sa isang kumpas ng wand ko ay lumikha ng mga naglalagablab na apoy sa paligid ng kapwa ko deity na siyang bumura sa magic circle na kanyang nabuo kaya nacancel ang kanyang pagtakas.
"No! It can't be! Level 4 ice magic na 'yong ginawa ko para 'di na kayo makatakas agad!" gulat niyang turan sabay tapon ng kanyang ice magic sa bumalot sa kanyang apoy kaya namatay ito agad. Sa pagkakataong ito ay nakawala na ako ng tuluyan sa kanyang spell at pinawalang bisa ko na rin ang spell sa kasama kong tigre.
"Isa akong fire magic wielder, at alam mo namang 'yon ang kahinaan ng yelo' di ba?" sabi ko sabay smirk.
"Gano'n pala ha? Gusto mo'kong hamunin sa isang dwelo? Pwes! Pagbibigyan kita!" nanggigil niyang sabi sabay cast ng spell. Teka, hindi 'yon ang gusto kong mangyari~
"ICE THORNS"
Bago ko pa siya mapigilang umatake ay may bigla nang tumubong malalaking tinik na gawa sa yelo sa may paanan ko. Agad naman akong napalundag paitaas para makaiwas dito sabay tapon ng fire magic para tunawin ito.
"Teka bakit tayo naglalaban? 'Di ba dapat magkakampi tayo rito?!" nagtataka kong tanong. Pero patuloy pa rin niya akong inaatake gamit ang kanyang ice spells kaya todo iwas din ako rito.
"Oh ano? Ba't tumatakbo ka lang?" naka-smirk niyang sabi.
"Hindi kasi kita kaaway kaya pakiusap tigilan mo na ito!" pakiusap ko naman.
"PYU PYU!" pag-imik na rin ng manika kong rabbit na ngayon ay hawak-hawak ko sa kabilang kamay.
Hindi pa rin siya nakikinig sa pakiusap ko at mas lalo lang niyang nilakasan ang mga ibinabatong ice spells sa'kin. Sa huli kong pag-ilag ay tumama ang napakalakas niyang ice spell sa 'di kalayuang ice glacier sa kinaroroonan namin. Nakarinig agad kami ng isang malakas na dagundong, at makalipas ang ilang segundo ay pareho naming nasaksihan ang malaking bitak ng yelo na mahuhulog sa kinaroroonan naming pareho...
Wala naman akong inaksayang oras at nagbanggit agad ako ng isang level 3 fire spell.
"BLAZING WHIP!"
Agad 'yon lumikha ng isang mahabang latigo na gawa sa naglalagablab na apoy at mabilisan akong lumundag at iginalaw ang aking mga kamay para hatiin sa dalawa ang malaking bitak ng yelo na iyon. Agad naman itong nahati sa dalawa, at magkahiwalay na lumapag sa magkabilang direksyon namin.
Matapos ng ginawa ko ay maayos naman akong lumapag sa malambot na nyebe habang hinahabol ko pa ang aking paghinga.
"Ayos ka lang?" natanong ko rito sa kaharap kong deity na ngayon ay tila natulala sa mga pangyayari.
"Tigilan mo na ito!"
Sa wakas ay nagawa na ring umimik ni Baal. Baka nga pati ang boses niya kanina ay nagfreeze na rin sa lamig at ngayon lang nakarecover.
"Hindi mo ba alam na ang iyong kinakalaban ay ang itinakdang magliligtas sa sangkatauhan, ayon sa propesiya ng Dyosa ng karunungan na si Deity Morrel?!" dagdag pa niya. Kita ko namang napatingin ang kaharap kong deity sa'king direksyon at tila natulala naman sa kanyang marinig.
"At pa'no naman ako nakakasigurong nagsasabi kayo ng totoo?! " pabalang niyang tanong. Her eyes glared at me.
"Dahil ako si Baal, ang guardian animal ni Deity Morrel." pagsagot ng kasama ko. Tila nakumbinsi na rin sa wakas 'yong babae at agad na ibinalik ang aking bag sabay yuko.
"Pasensya ka na sa biglaan kong pag-atake, at sa pagnanakaw ng gamit mo." nakayuko niya pa ring sabi. Kinuha ko naman ang aking bag mula sa kanya at tiningnan siya ng masinsinan.
"Hayaan mo na 'yon. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo. Dahil sa nangyayaring witch hunt ngayon, wala kang ibang makapitan at mapagkakatiwalaan kaya mo nagagawa ang bagay na ito." malumanay kong sabi. Wala rin namang silbi kung maiinis ako sa ginawa nya kanina kaya minabuti ko na lang na isawalang-bahala ko na lang iyon.
"Magkaparehas din tayo ng sitwasyon. Wala rin akong ibang mapagkakatiwalaan at makapitan bukod dito kay Baal. Pero ni minsan, hindi ko naisip na manggipit ng kahit sino. Depende kasi naman sa'yo kung pa'no ka makikisabay sa mga pangyayari sa paligid mo... at kung pa'no ka gagawa ng mga magiging desisyon sa iyong buhay. " dagdag ko pa.
Matapos ng saglit kong pangangaral sa kanya ay nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit habang naririnig ko siyang humihikbi. Hinayaan ko lang siyang umiyak habang hinahagod ang kanyang likod. Narinig ko naman ulit siyang magsalita sa kanyang malumanay na boses...
"Salamat... kaibigan."
-TO BE CONTINUED-
❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️
Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.
Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top