Chapter 7: The Sudden Announcement
Witch Hunt
Chapter 7- The Sudden Announcement
Charm's POV
Nasa gitna pa rin kami ni Lance sa malawak na bulwagang ito at ngayo'y nakatayo na lang sa kanya-kanyang mga kinaroroonan. Hindi pa rin naaalis ang titig niya sa'kin.
"I guess oras na para ihatid na kita pauwi." saad nito. Naramdaman ko 'yong konting kalungkutan sa boses nito o baka guni-guni ko lang iyon.
"Malapit na ring pumatak ang alas dyes." Pagpuna ko naman sa oras na napansin ko sa malaking wall clock na nakasabit sa gitnang ibabaw ng bulwagang ito.
"Salamat talaga sa pagpunta Charm. Sobrang naenjoy ko ang gabing ito." nakangiti niyang sabi.
"Ako rin." tipid kong tugon.
Naglakad na kami palayo sa mga pares na nagsasayawan ng nakita ko namang lumapit sa'min si Velma.
"Lance, buti nakita kita! Tara, sayaw tayo! You promised me, remember?" bungad nito sa kasama ko. Tas biglang nalipat ang tingin niya sa'kin.
"I know your FRIEND here wouldn't mind, 'di ba Charm?"dagdag pa niya.
"Uhm, ano kasi Velma, kailangan ko nang ihatid si Charm---"
"Ayos lang sa'kin. Hihintayin na lang kita sa gilid. "
Bago pa matapos ni Lance ang kanyang sasabihin ay inunahan ko na siya. Mas matagal niyang nakilala si Velma kaya wala akong karapatang pagbawalan siyang makasayaw ito.
"Sige. Babalik din ako agad. " Ito na ang huli kong narinig mula kay Lance bago na siya hilahin ni Velma pabalik ulit sa gitna ng mga pares na nagsasayawan.
Bigla akong nalungkot no'ng makita kong unti-unti silang lumalayo sa'kin pero pinagsawalang-bahala ko na lamang ito at nagtungo sa gilid na walang masyadong tao.
"Hey ba't mag-isa ka lang? At asa'n si Lance?"
Napatingin naman ako sa aking kanan at nakita si Johanne na unti-unting lumalapit sa'kin.
"Ikaw pala Johanne. Ando'n si Lance, kasama si Velma." sabi ko habang nakaturo pa sa magkapares na abala sa pagsasayaw. Kita ko namang sinundan niya rin ng tingin kung sa'n ako nakaturo.
"Awww... Selos ka?" pabiro niyang sabi. Namula naman ako sa kanyang sinabi.
"Hindi." agad kong sabi habang iniwasan siya ng tingin.
"Hahaha! Denial ka pa eh halata naman sa'yo! Wala namang masamang makaramdam ng selos. Just imagine my situation here---" sabi niya, patawa-tawa pa no'ng una pero biglang sumeryoso ang kanyang mukha ilang segundo lang ang nakalipas at bigla rin siyang napatigil sa kung anumang gusto niyang sabihin.
Silence...
"Araw-araw na pinapamukha sa'kin ng taong mahal ko na hindi ako ang gusto niya at may iba na siyang mahal. Pero heto... nagugustuhan ko pa rin siya."
Mga ilang segundo ring katahimikan ang namagitan sa'ming dalawa bago siya ulit magsalita. Kita kong nakatingin pa rin siya sa kanyang mga kaibigan.
"Nakakalungkot nga iyon... " pagsimpatya ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam 'pag napunta ako sa sitwasyon niya, pero alam kong masakit iyon.
"Naku okay lang 'yon! Nasanay na rin ako sa totoo lang, hahaha!" bigla na ulit sumigla ang tono ng pananalita niya at nakuha pa nitong tumawa.
"Alam kong may gusto ka kay Lance 'di ba? Wag ka nang mahiyang umamin sa'kin!" At biglang nalipat sa'kin 'yong topiko!
Hindi agad ako nakasagot...
"Oo, tama ka nga." pag-amin ko rin sa wakas. Napangisi naman ang kausap ko.
"Pero... hindi ako dapat pwedeng magkagusto sa kanya." dagdag ko pa. Naku ba't ko pa sinabi 'yon! Naloko na! Kita ko namang 'yong ngisi niya ay napalitan ng pagtataka sa kanyang mukha.
"Huh? Bakit naman hindi pwede? Dahil isa siyang prinsipe gano'n ba?" nagtataka niyang tanong.
"Hindi sa gano'n. Kasi---"
Habang abala pa ako rito sa pag-iisip ng gagawin kong palusot ay biglang umalingawngaw sa apat na sulok ng bulwagang ito ang pamilyar na baritonong boses ni Haring Tiberius.
"SALAMAT SA INYONG LAHAT SA PAGDALO SA PAGTITIPUN-TIPON NA ITO, NA SIYANG INORGANISA NG ANAK KONG SI LANCE." bungad nito. Lahat naman ay nagsitigil sa kanilang mga ginagawa at napatingin sa hari na nasa entrance ng bulwagan.
"HINDI LANG ANG PAGGALING NG BUTIHIN KONG ASAWA ANG DAPAT NATING IPAGBUNYI SA NGAYON... DAHIL SA GABING ITO--"
Saglit na natahimik ang hari at nakita ko siyang napatingin sa aking direksyon. Napalunok ako ng 'di oras.
'Di maganda ang kutob ko rito!
"MASASAKSIHAN NIYO ANG PAGHULI KO SA ISA PANG NATATANGING WITCH NA PATULOY PA DING NABUBUHAY SA MUNDONG ITO." pag-a-anunsyo nIto. Biglang umingay ang buong bulwagan dulot ng mga agam-agam ng mga panauhin.
Hinanda ko naman ang aking sarili sa mga posibleng mangyari sa mga susunod na oras...
"Ano na naman ito ama?! Are you completely insane?! " rinig kong angal ni Lance.
"Manahimik ka na lang anak at saksihan mo ang paghuli ko sa kaibigan mong witch!" nanggagalaiti niyang turan.
And at his command, bumukas ang malawak na pinto ng bulwagang ito at nakita ko na lang aking sarili kinalaunan na pinalilibutan ng madaming kawal na siguro aabot sa isangdaan.
Nagpanic naman ang mga panauhin kaya agad silang lumayo sa eksena, at nagmistulan naman akong center of attraction dito ng 'di oras. Nahagip ng mga mata ko ang reaksyon ni Johanne na nasa likuran na ngayon ng mga kawal... na tila nakakita ng multo.
"NO! IT CAN'T BE!" rinig ko ulit na sigaw ni Lance kaya nabaling saglit ang atensyon ko sa kanya. Tinangka niya pa akong lapitan pero kita kong piniglan siya ng kasama niyang si Velma.
"NAGKUKUBLI LANG ANG WITCH NA 'YAN ANAK! CAN'T YOU SEE? SIYA ANG NAGPAGANA SA SOUL STONE NA GINAMIT MO SA PAGPAPAGALING NG IYONG INA! AT GAGANA LANG ANG MAHIKA NG SOUL STONE KAPAG HINAWAKAN ITO NG ISANG MAY DUGONG WITCH!" buwelta naman ng hari sa kanya.
Matapos no'n ay kita kong napatingin sa'kin si Lance, na may mapait na ekspresyon sa kanyang mukha- parang maihahalintulad sa isang ekspresyon ng isang taong trinaydor or pinagsinungalingan ng kanyang pinagkatiwalaang kaibigan.
Tila nabasag ang puso ko no'ng makita ko iyon sa kanya...
Siguro wala na ring silbi ang pagtatago ko. Sa isang kumpas ng aking kanang kamay ay inilabas ko ang aking wand. At itinuon na ang atensyon ko sa hari.
"Mali ka ng tinawag sa'kin... Dahil ISA AKONG DEITY AT HINDI ISANG WITCH!" pasigaw kong sabi rito. Kasabay kong itinaas ang aking wand at nagbanggit ng isang fire spell para maglikha ng distansya sa pagitan ko at ng mga nakapalibot sa'king kawal.
"Fire wave!"
Agad 'yong naglikha ng isang malakas na bugso ng mainit na hangin na ang mga matatamaan no'n within 1 meter radius ay tatalsik palayo. At 'yon nga ang nangyari sa mga nakapalibot sa'king kawal. Sabay sabay silang tumalsik at napahiga sa lupa ng 'di oras.
Oras na para magbanggit ako ng isang barrier incantation!
"Oh powerful deities from above, please grant me the shield of protection from any harm to those who wishes to befall me!"
Hindi nagtagal ay may bumuong hugis bilog sa paligid ko na parang korteng bubble. Pero hindi ito basta-bastang bubble dahil habang patagal ng patagal ay kumakapal ang surface nito. Siguro sapat na itong pananggalang habang binubuo ko naman ang isang teleportation spell para makatakas na ako ng tuluyan r&ito. Hindi ako pwedeng makipaglaban dito dahil madaming madadamay 'pag ginawa ko iyon.
Tinangka pang basagin ng mga kawal na ngayo'y nagawa nang magsibangon sa pagkakatalsik nila kanina pero nasayang lang ang kanilang pagod. Hindi ko na sila pinansin at minadali nang makabuo ng spell. Ilang oras lang ang itatagal ng nilikha kong barrier at ayokong manghina ng 'di oras dito!
"With the power of the deities bestowed upon me, I wish to return from where i was from...Take me to Deity Morrel's Temple!"
Matapos banggitin ang incantation ay isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa'kin, at agad kong naramdaman ang pwersang tila humihila sa'kin paitaas.
Bago pa man ako tuluyang mawala ay tumingin muna ako sa direksyon kung asa'n nakatayo ang binatang hinding-hindi ko makakalimutan...
Ang unang mortal na ngumiti sa'kin makalipas ang limang taon...
Ang mortal na nagparamdam sa'kin na pwede rin pala akong mamuhay ng normal kahit sa isang araw man lang...
Ang binatang may kulay gintong buhok at kulay kahel na mga mata...
"Paalam, Lance..."
Pabulong kong sabi bago pa siya tuluyang mawala sa aking paningin...
-TO BE CONTINUED-
❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️
Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.
Next update: Magsisimula na ang adventure ni Charm tungo sa pagtupad nya sa kanyang nakatakdang misyon! Abangan. 😉
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top