Chapter 6: The Palace Ball (Part 1)
Witch Hunt
Chapter Six- The Palace Ball (Part 1)
Charm's POV
"Sigurado ka bang dadalo ka sa kanilang pagtitipun-tipon?"
Eto na naman si Baal sa kanyang pangungulit. Pang-sampung beses o mahigit niya na yatang tinanong sa'kin ito!
"Oo naman." pagsagot ko ng mahigit sampung beses din.
Magda-dapit hapon na at ngayo'y naghahanda na akong umalis. Napagkasunduan namin ni Lance no'ng isang araw na magkita sa entrance ng Misty Forest ng mga gan'tong oras. Nang masiguro kong sapat na ang mga dala ko sa'king sling bag ay sinuot ko na ito at humarap ulit kay Baal.
"Babalik din naman ako agad pagkatapos ng pagtitipun-tipon." pagsisiguro ko dito sa nag-aalalang tigre. Alam kong di siya sang-ayon sa gagawin ko ngayon pero dahil bumait siya ng biglaan, aba napapayag ko siya sa aking gusto.
Gulat naman ako no'ng itinaas niya ang kaliwang paw nito at kita kong may bitbit siyang isang kulay pilak na kwintas na may ruby pendant sa gitna na kanyang iniabot sa'kin.
"Siya nga pala, nakalimutan ko itong ibigay sa'yo no'ng unang punta mo sa syudad ng mga mortal. Pero heto, tanggapin mo ang Concealer Necklace. Isuot mo 'yan para humina ang presensya ng iyong mahika at nang 'di nila agad madetect." payo ni Baal. Nakwento ko rin kasi sa kanya ang tungkol sa nakita kong device na ginagamit ng mga kawal sa panghuhuli sa'ming mga witches.
"Salamat ng madami. Dahil dito, hindi na'ko mangongroblema masyado na mabibisto ang pagkatao ko roon. " sabi ko naman sabay abot do'n sa necklace at agad itong isinuot.
"Mag-iingat ka." nasabi niya na lang. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango bilang tugon ko saka na ako umalis ng tuluyan sa templo.
...
Dumiretso na ako agad sa entrance ng Misty Forest kung saan nakita ko nang nag-aantay sa'kin si Lance. Hala, baka kanina pa siya nag-aantay!
Pagkakita niya sa'kin ay agad ko namang nasilayan ang napakaganda niyang ngiti sa magkabilang dulo ng kanyang mapulang labi.
"Phew! Salamat naman at andito ka na Charm! Akala ko talaga hindi ka na sisipot eh." bungad na sabi niya sa'kin pagkalapit ko sa kanya.
"Pasensya na kung medyo natagalan ako. Nahihiya kasi akong dumalo sa totoo lang. Hindi ko alam kung ano 'yong isusuot ko, tsaka wala akong alam sa mga ganito." nahihiya kong sabi. Talagang wala akong alam sa mga gan'tong aktibidad ng mga mortal.
"Naku! Wag kang mag-alala! Ako nang bahala sa'yo." masigasig niyang tugon. 'Di naman ako umimik at napatango na lang. O sige... siya na raw bahala.
...
Buti na lang at do'n pa rin kami sa lihim niyang lagusan dumaan kaya naman hindi ko na kailangan dumaan do'n sa entrance ng Vavelia City kung saan may mga nakabantay na mga kawal at may kanya-kanyang magic detectors na bitbit.
Paglusot namin sa kanyang kwarto, lumabas din kami agad at dinala niya ako sa isang malapad na kwarto, malapit lang din sa kanyang kwarto, na nakababad sa kulay asul na mga dingding at napapalibutan ng mga mamahaling muebles. Agaw-atensyon naman sa lahat 'yong malapad na salamin na nakatayo sa gitna ng kwarto.
Pero nagulat ako no'ng pagpasok namin sa nasabing kwarto ay may iilang mortal ding andidito at nagsilingunan sila sa direksyon namin ni Lance.
"Uhm... sino sila?" naiilang kong tanong habang nakayuko.
"Ah! Sila 'yong mga pinakiusapan kong mag-aayos sa'yo Charm. Nararamdaman ko din kasing wala ka pang experience dumalo sa mga ganitong events kaya naman heto... tutulungan kita." nakangiti niyang sabi.
"Ahh..." nasabi ko na lang. Hindi na ako umimik pagkatapos at nilapitan na namin 'yong mga mortal na sinasabi niyang tutulong sa'king mag-ayos.
Kinausap muna sila ni Lance ng ilang saglit tas nakikita kong napapatango 'yong mga kausap niya sa kanyang mga sinasabi. Makalipas ang ilang segundong diskusyon ay humarap ulit siya sa'kin.
"Charm... Kailangan muna kitang iwan dito sa kanila ha. Madami rin kasi akong aasikasuhin do'n sa cultural hall para siguraduhing walang palpak sa inorganisa kong pagtitipun-tipon. Then maghahanda rin ako pagkatapos no'n at babalikan kita rito. Sabay tayong papasok mamaya sa venue. Okay?" paliwanag niya.
"Okay." tugon ko. Matapos ang ilang sandali ay lumabas na rin siya ng kwarto, kaya naman naiwan ako rito kasama ng mga kinausap ni Lance kanina.
At ang alam ko na lang sa mga sumunod na pangyayari ay may mga ginawa na silang kung anu-ano sa mukha ko pati na din sa aking buhok na 'di ko maintindihan kaya hinayaan ko na lang silang gawin kung ano man ang dapat nilang gawin...
...
Siguro mahigit dalawang oras din ang nakalipas bago sila tuluyang natapos sa pag-aayos sa'kin. Pagkatingin ko sa salamin, halos mapasinghap ako sa'king nakita, at napatanong sa'king sarili...
Ako ba talaga ito?
Habang abala pa ako sa pagtingin ng sarili sa salamin ay tinawag ulit ako ng kaparehang babae na tumawag din sa'kin kanina at inilapit niya naman ako sa hanay ng mga naka-hanger na mga sari-saring gowns. May mga kinuha siyang ilang gowns mula rito at itinapat sa'kin kung babagay ba ito o hindi. At makalipas ang ilang minutong pagpili ay may nahanap na siyang gown na sa tingin niya ay babagay daw sa'kin.
"Eto! Sigurado akong babagay sa'yo itong napili kong maroon na ballgown." masigasig na pahayag no'ng babae tapos inalis niya na iyon sa hanger.
"Tara na po't magbihis. Tutulungan ka naming isuot itong ballgown." dagdag pa nito. Hindi na ako umangal dahil sa hindi ko rin alam sa totoo lang pa'no suotin ang ganitong klaseng damit. Nagpahila na lang ulit ako sa kanya sa isang bahagi ng kwartong ito kung saan kami magbibihis.
Hindi ko alam na gan'to pala kahirap sa pakiramdam ang dumalo sa mga gan'tong pagtitipun-tipon.
-TO BE CONTINUED-
❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️
Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.
Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top