Chapter 5: Deity Morrel's Prophecy

Witch Hunt
Chapter 5- Deity Morrel's Prophecy

Charm's POV

Sa awa naman ng mga makapangyarihang deities ay ligtas naman akong nakabalik sa templo ni Deity Morrel. Hanggang entrance ng Misty Forest lang ako nagpahatid kay Lance kasi, alam niyo na... baka malaman niya pa 'yong tinatago kong sikreto. Pinaalala niya sa'kin 'yong magaganap na pagtitipun-tipon bago kami naghiwalay ng landas.

Pagkabalik ko ng templo, unang sumalubong sa'kin ang manika kong si Failur. Tumatalon-talon siyang sumalubong sa'kin na para bang gusto niyang magpabuhat kaya sinunod ko naman ang gusto nito sabay himas sa bandang ulo niya.

"Namiss din kita Failur." sabi ko rito. Bumaba naman 'yong kanyang mga tenga ng himas-himasin ko ang kanyang ulo.

"Mabuti naman at ligtas kang nakabalik dito." Medyo nagulat pa ako ng marinig ko ang pamilyar na baritonong boses ni Baal habang unti-unti syang lumalapit sa'kin ngayon.

"Baal! Namiss din kita... ng konti. Konti lang naman." sabi ko sa kanya. Walang imik niya naman akong tiningnan gamit ang mga kahindik-hindik nitong mga mata.

Okay... Maawa ka Baal 'wag mo'kong lapain!

"Sumunod ka sa'kin Charm.'Yong tubig sa spring ng aking master... kasalukuyan siyang umiilaw. " saad nito sa usual niyang seryosong tono.

Nagtaka naman ako. Ang alam ko, matagal nang walang buhay 'yong spring ni Deity Morrel no'ng nawala rin siya kasabay ng tatlo pang pinaka-makapangyarihang deities na sina Deity Roku, Deity Ishmael at Deity Apollo o ang tinatawag ko dating "Big 4" kasama na do'n si Deity Morrel. Silang apat kasi ang mga supreme leaders naming mga deities.

'Nga pala... matatagpuan ang spring ni Deity Morrel sa isang "sagradong kwarto" sa basement, kung tawagin pa ni Baal, ng templong ito.

Nakita ko namang sumenyas na si Baal na sundan ko siya, kaya naman ibinaba ko muna si Failur at sinundan 'yong nagsasalitang tigre. Nang makarating na kami sa tapat ng pinto ng "sagradong kwarto" ay nakita kong itinaas ni Baal ang kanyang kaliwang paw at itinapat niya ito sa nakaukit na mukha ng Dyosa ng Karunungan sa malawak na pinto.

Pagkatapos no'n... isang mahinang kalabog ang bigla kong narinig at kasabay no'n ang unti-unting pagbubukas ng pinto. Sumabay sa pagbukas nito ang siyang paglabas naman ng isang mist na nanggagaling sa loob.

Nang sinimulan ko nang ihakbang ang aking mga paa, pansin ko namang hindi sumama sa'kin si Baal at nanatili lang siya sa kanyang posisyon sa labas.

"Hindi ka sasama?" nagtataka kong tanong sa kanya sabay lingon.

"Hindi... Mas makabubuting mag-isa ka lang haharap sa spring." sabi niya sa'kin. Lalo tuloy kumunot ang noo ko.

"Okay." sabi ko na lang at muling humarap sa direksyon ng pinto.

Tuluyan na akong naglakad patungo sa loob ng misteryosong silid na ito. Mas lalo lang lumalakas ang naturang mist kapag nasa loob ka na pala, halos wala na nga akong makita eh. Sinunod ko lang ang instincts ko at dire-diretso lang ang lakad ko.

Gano'n lang ang ginawa ko hanggang sa makalipas ang ilang segundo, nakita ko na rin ang pakay ko. Sa kalagitnaan ng makapal na mist ay natagpuan ko na rin ang spring ni Deity Morrel.

Gaya nga ng sabi ni Baal, umiilaw 'yong buong paligid ng spring at bahagya akong nagulat ng makita kong nagkaro'n na siya ng sapat na tubig. Dati kasi no'ng unang beses itong pinakita sa'kin ni Baal, tuyo pa ang spring. Kaya laking gulat ko na lang talaga na makitang bigla itong nagkatubig!

"Charm..."

Bigla akong natigil sa paglalakad ng may narinig akong boses babae na tumatawag sa aking pangalan. Tatlong beses niyang tinawag ang aking pangalan bago ko mapagtantong nanggagaling pala sa spring mismo ang kanyang boses. Sumasabay kasi sa bawat pagsasalita ng naturang boses ang pag-ilaw naman ng spring.

"Deity Morrel?" patanong ko pang tawag. Hindi ako pwedeng magkamali! Si Deity Morrel mismo ang tumatawag sa'kin...

"Oo ako nga Charm. Kamusta ka naman dito?" malumanay na pagsagot ng deity. Mas lalo ko tuloy nilapitan ang bukana ng spring.

"Okay naman po ako! Pero... Deity Morrel, sa'n na po ba kayo? Masyado nang pinapahirapan ng mga mortal ang mga gaya nating deities. Kailangan na namin ng tulong niyo." halos nagmamakaawa kong turan. Tumulo na lang din ang aking luha  habang naaalala ko na naman ang sinapit ko sa kamay ng mga kawal na mortal na tumutugis sa'kin no'n.

"Hindi pa ito ang takdang panahon para kami ay magbalik... " malumanay nitong sabi, na mas lalo lang ikinabigat ng loob ko.

"At para mangyari ang nakatakdang panahon na 'yon, kakailanganin namin ng iyong tulong." dagdag pa nito. Dito na ako tumahan at biglang napaangat ang aking tingin.

"Ha? Pa'no naman po ako makakatulong?" kunot-noo kong tanong habang 'yong isa kong kamay ay ginagamit ko bilang pampunas ng aking mga luha.

Mga ilang segundo munang katahimikan ang namagitan sa'min bago ko muling narinig magsalita si Deity Morrel.

"Bawat templo ay may kanya-kanyang springs na nakalagay na siyang nagsisimbolo sa kapangyarihan ng kada deity, pero dahil nga wala na kami pansamantala sa mundong ito sa kadahilanang isa-isa kaming tinugis at pinatay ng mga mortal... ang bawat spring na ito ay unti-unti ring nawalan ng buhay. "

"Kaya naman... sa'yo namin ibinibigay ang mabigat na responsibilidad na buhayin ang bawat spring sa tatlo pang natitirang templo. Sa pamamagitan nito, magagawa nating wakasan ang madilim na araw na ito para sa'ting mga deities at makapagsimula ulit ng panibagong buhay." paliwanag ng kausap ko. Nagulantang naman ako sa'king narinig.

"Ako ba ang nakatakda sa propesiya niyong tatalo sa hari ng mga mortal at magwawakas sa lahat ng kaguluhan na ito?"  di-makapaniwala kong sabi.

"Tama ka. Ikaw ang aming "vessel" Charm... " pagsagot niya sa aking katanungan , na siyang dahilan pa para magkaroon pa ako ng mga karagdagang tanong sa aking isipan.

"Vessel? Ano'ng ibig niyong sabihin doon? "

"Malalaman mo ang kasagutan niyan kapag natapos mo nang buhayin ang tatlo pang springs... " saad nito. O...Kay?

Natahimik muna ako ng ilang saglit. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maabsorb masyado ang mga bagong impormasyon na natatanggap ko ngayong araw. Nag-aalangan akong gawin ito. Pakiramdam ko kasi masyado pa akong mahina at hindi pa ako handang tumanggap ng gan'tong kalaking responsibilidad.

"Sa tingin namin ay handa ka na sa gan'tong responsibilidad Charm..." pagsasaboses ni Deity Morrel sa iniisip ko ngayon. Hindi na ako magtataka pa kung nababasa niya man ngayon ang aking isipan.

"'Di mo lang ito namamalayan, pero ikaw ang bumuhay sa aking spring habang pinapalakas mo ang iyong mahika." dagdag pa nito. Nagulat naman ako do'n. Pero di muna ako umimik at hinintay si Deity Morrel na magsalita ulit.

"Kaya naman bilang pasasalamat... tanggapin mo ang aking basbas."

Matapos niya itong sabihin, nakaramdam agad ako ng kakaibang pwersang parang nagkukumahog na kumawala sa'kin. Kaya naman nilabas ko ang aking wand at nagpakawala ng isang malakas na fireball na tumama sa matibay na pader ng templo, at nagulat akong mas lumakas pa ito kumpara sa dati. Do'n ko lang naaalala na isa ring fire magic user si Deity Morrel, at dahil sa binigay niyang basbas ay mas lalo lang lumakas 'yong fire magic ko.

"Salamat po Deity Morrel." taos-puso kong pasasalamat sabay bahagyang yumuko bilang pagbibigay respeto sa Dyosa ng Karunungan.

"Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay, pakatandaan mong andito lang kami na nakagabay sa iyo... at parati mong iingatan ang iyong sarili, lalung-lalo na mula sa kamay ng mga mortal." paalala ni Deity Morrel sa'kin.

"Opo. Papakatandaan ko po iyan." huli kong sabi sa kanya bago nawala ang liwanag na bumabalot kanina sa paligid ng spring.

Matapos no'n ay lumabas na ako ng kwartong iyon, at agad na nagsara sa likuran ko ang malawak na pinto ng "sagradong kwarto". Agad naman akong sinalubong ni Baal.

"Sinabi ba sa'yo ng deity ang tungkol sa propesiya?" pambungad niyang tanong. Napatango na lang ako bilang sagot.

"Baal... Pa'no kung hindi ko mapagtagumpayan ang tinakda sa'king misyon?" sabi ko habang nakalungo ang ulo. May mga pagdududa pa rin ako sa aking kakayanan.

"Alam mo Charm, hindi ka naman bibigyan ng isang napakalaking responsibilidad kung walang tiwala sa'yo ang mga nakakataas na deities. Kaya dapat ang gawin mo ngayon para magtagumpay ka sa misyon mong ito ay ang magkaro'n ka ng konting tiwala sa iyong sarili." payo nito sa'kin. Napaangat naman ang tingin ko dahil sa sinabi niya.

"Salamat Baal, siguro nga tama ka " pagsang-ayon ko rito habang nakangiting nakatingin sa kanya.

"At saka, nakatakda akong sumama sa iyong paglalakbay para gabayan kang matunton ang iba pang mga templo." dagdag pa nito. Halos nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"'Di nga? Pa'no naman ang templo ni Deity Morrel? Sino'ng magbabantay dito?" tanong ko.

"Bahala na ang Misty Forest sa templong ito. At nakaseal ang buong templo sa ilalim ng kapangyarihan ng aking master, kahit na medyo humina na siya ay walang mortal pa rin ang makakapasok dito ng basta-basta. " pag-a-assure niya sa'kin.

Napa- " aaahh" na lang ako sa sinabi nya.

Yehey! Kasama ko si Baal sa aking paglalakbay! Road to friendship na ba ito sa pagitan naming dalawa?

Sa kalagitnaan ng pagsasaya ko ay may bigla akong naalala, na nakalimutan kong sabihin kay Baal kanina dahil sa inunahan niya ako sa pagsasalita.

"Ay Baal... uhm, may sasabihin sana ako." nahihiya ko pang sabi. Wala namang imik si Baal kaya nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.

"Inimbitahan kasi ako no'ng mortal na tinulungan ko sa isang pagtitipun-tipon na mangyayari bukas ng gabi... at pumayag naman akong pumunta." sabi ko, 'yong mga mata ko'y pasulyap-sulyap sa magiging reaksyon ng kausap ko pero nanatili lamang itong kalmado. Well, that's good. I guess...

"Kaya pwede ba akong dumalo? Kahit sa huling pagkakataon man lang? " Sa wakas nasabi ko na rin lahat ng gusto kong sabihin!

Pero... bigla akong nakaramdam ng lungkot  habang naiisip kong baka iyon na rin ang pinakahuling pagkakataon na makita ko 'yong binatang may kulay kahel na mga mata.

"Inaasahan ko nang mangyayari ito. Depende sa iyo Charm kung dadalo ka or hindi. Basta 'wag mong kakalimutan ang mga binilin sa'yo ni Deity Morrel. At sana huling beses na nga talaga ito." sabi nito. Nagulat pa ako no'ng somehow ay pumayag siya! Bumait yata siya bigla?

"Salamat. " tanging nasabi ko na lang.

Bago ko pa man sisimulan ang paglalakbay ko, gusto ko munang masilayan ang kanyang mukha...

Kahit sa huling pagkakataon man lamang.

-TO BE CONTINUED-

❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️

Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. 'Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.

Salamat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top