Chapter 41: The Magical Finale

Witch Hunt
Chapter 41- The Magical Finale

Lance's POV

Ilang segundo rin nagtagal ang nakakasilaw na liwanag na iyon bago ko maramdaman ang unti-unti nitong paghupa. Nang tuluyan na ngang nawala ang nakakasilaw ito ay agad akong nagmulat ng aking mga mata at desperadong hinanap ang kinaroroonan ni Charm.

Natagpuan ko siya doon pa rin sa eksaktong lokasyon niya kung saan ko siya nakita kanina. Bigla naman akong nagpanic no'ng ang kaninang nakalutang niyang katawan ay unti-unting bumabagsak mula sa itaas. Dali-dali ko namang tinakbo ang kanyang kinaroroonan at mabuti na lang ay nasalo ko pa siya bago siya tuluyang bumagsak sa sahig. Inakay ko siya sa'king mga bisig at pinilit na ginising ang walang malay nitong katawan.

"Charm. Hoy Charm, gising!" desperado kong sabi, but still hindi pa rin siya nagigising.

Pansin ko ang pamumutla ng kanyang balat at labi, at ang pamumuti ng kanyang dating kulay kahel na buhok- as if life was suck out of her. Yet hindi pa rin ako nagpatinag at mahina kong tinatapik ang kanyang mga pisngi.

"Charm... pakiusap gumising ka. 'W-'wag mo akong iwan ng ganito." Napaupo na ako sa sahig habang akay-akay pa rin siya sa'king mga bisig. Tears started to roll down from my cheeks at papunta sa walang buhay na babaeng hawak-hawak ko ngayon.

"Oh my gosh, Charm..."

Nakita ko naman ang pagpasok nina Aurora, Elena, Lucas at Baal sa silid na ito. Pero hindi ko sila masyadong pinansin at pinipilit ko pa ring gisingin ang natutulog kong kasama.

"Pinili niyang isakripisyo ang kanyang buhay upang iligtas tayo at ang mga susunod pang henerasyon mula sa pagkasira ng ating mundo." rinig kong wika ni Lucas sa'king likuran.

"At kahit na gusto man namin siyang pigilan, wala rin kaming magawa kung ito man ang nakatakda niyang gawin." sabi naman ni Elena na may bahid ng labis na kalungkutan sa kanyang boses.

"Iniisip niya ang iyong kapakanan, Lance. Kaya kahit na mahirap man para sa kanya na gawin ito ay ginawa niya pa rin, alang-alang sa iyo." si Baal naman ang sumunod na nagsalita.

Matapos kong marinig ang kanilang mga sinabi ay napabuntong-hininga na lang ako. Kasalanan ko kung bakit niya ito ginawa... Nakakainis.

"Kahit na sinasabi niyo sa'kin 'yan, masakit pa ring isiping mawawala na lang siya ng ganito sa'kin." tugon ko, at muli na namang napabuntung-hininga, pinipigilan na naman ang mga nagbabadyang luha sa'king mga mata.

Malungkot kong tiningnan muli ang walang-buhay na mukha ng hawak-hawak ko ngayon.

Kung may natatanging paraan lang sana para mabuhay siya, kahit ano pa iyon ay handa kong gawin para sa kanya.

Kahit na ang kapalit pa no'n ay ang aking buhay.

"PYU! PYU!"

Nagulat naman kaming lahat sa biglang pag-imik ng manika ni Charm na nagkataong nasa balikat ni Aurora nakapatong ngayon.

Umalis ito mula sa pagkakapatong sa balikat nito ay tumalon-talon papunta sa tabi ni Charm.

"T-teka, ano ang sinusubukang gawin ng manikang 'yan..." nagtatakang tanong ni Aurora.

Tahimik lang namin pinanuod ang manikang ito habang ipinapatong niya ang kanyang sarili sa bandang tiyan ng may gawa sa kanya.

Ilang sandali pa'y may isang puting liwanag ang lumabas mula sa katawan ng manika na ito at ang naturang liwanag ay saglit na nagpalutang-lutang sa ere bago ito tinungo ang namumutlang labi ni Charm. Sa kaunting espasyo sa pagitan no'n ay pumasok ang naturang liwanag, at ang manika naman niya ay tila nawalan ng buhay at inihilig ang katawan nito doon pa rin sa bandang tiyan ng kanyang master.

"Naalala ko na. Ibinigay ni Charm ang kaunting porsyento ng kanyang buhay para mapagalaw ang manikang ito. Kaya ang ginawa ng manikang ito ay ibinalik ang kaunting buhay na ito sa lumikha sa kanya." agad na paliwanag ni Baal na siyang nagbigay liwanag sa'ming mga nagtatakang isipan. Nanlaki naman ang mga mata ko no'ng napagtanto ko kung ano ang gusto niyang sabihin.

Ibig sabihin ba nito...

Matiyaga kaming naghintay sa pagrespond ng katawan ni Charm sa nailipat na kakaunting buhay sa kanya. Hindi naman kami nabigo dahil napansin naming lahat ang pagbabalik kulay ng kanyang buong katawan, at ang kanyang maputing buhok ay bumalik ulit sa pagiging kulay kahel.

At sa oras na naimulat niya ulit ang kanyang mga mata ay agad na nagtagpo ang aming mga tingin. Nahigit ko ang aking paghinga, at hindi ko mapigilang muling mapaluha sa tagpong ito, pero this time ay dahil naman sa sobrang kagalakan.

"CHARM!" masaya naming pagtawag sa kanyang pangalan.

Masaya ako kasi kahit na papa'no... tinupad din ng mga deities sa itaas ang aking munting kahilingan kanina.

...

Charm's POV

-10 yrs later-

"Clair! Alistair!"

Naglibut-libot ako sa buong palasyo sabay tawag sa dalawang makukulit na bata na ito ngunit hindi nila ako sinagot. Kanina ko pa sila hinahanap sa buong palasyo pero hindi ko pa nahahanap ang dalawang batang iyon.

"Ahem... saan kaya nagtatago ang dalawang iyon. Sayang, may dala pa naman akong cookies." pagpaparinig ko sabay pakita ang hawak-hawak kong jar ng cookies bilang pain.

Hindi naman ako nabigo dahil ilang saglit pa ay nagpakita na rin sa wakas ang magkambal na sina Clair at Alistair na parehong limang taong gulang na at kasalukuyang nag-uunahan papunta sa'kin.

"Andaya niyo naman ina! Nagtatago nga kami para hindi niyo kami mahanap agad tapos gagamitin mo sa'min ang aming weakness..." nakapout na sabi ni Clair, ang kulay kahel nitong mga mata ay nakapokus sa hawak kong jar.

"Oo nga po ina. Andaya niyo." wika rin ng kakambal niyang si Alistair na mas nakakatanda ng ilang minuto kay Clair.

"Eh kanina ko pa kayo hinahanap eh. Kaya gumamit na ako ng aking secret weapon." panunudyo ko pa lalo sa kambal. Hindi naman nagtagal ay binigyan ko na sila ng tig-iisang chocolate chip cookie.

Hindi ko naman maitago ang aking matamis na ngiti habang nakatitig ako sa aking magkambal na masayang kumakain ngayon.

Sampung taon na rin ang nakalipas mula no'ng ginawa ko ang pinakamabigat na desisyon sa buong buhay ko. Naaalala ko pa no'n habang marahil ay nag-aagaw buhay na ang aking pisikal na katawan ay sa oras na iyon, nagkatoon ako ng isang malinaw na vision.

Sa vision kong iyon, as soon as naisagawa ko na ang aking misyon na iligtas ang sangkatauhan ay napadpad ako sa isang tahimik na lugar kung saan naninirahan ang apat naming supreme leaders, kasama na ang mga sinaunang deities na namuhay sa mga nakalipas na taon. Nasa harapan ko no'n si Deity Apollo, na siyang kinikilala naming pinakamataas na deity sa'ming lahat, at ako'y kanyang pinapili.

"Charm, bilang gantimpala sa pagtupad mo sa iyong tungkulin, bibigyan kita ngayon ng dalawang pagpipilian. Pwede kang manatili rito sa'min, maging kapalit ko bilang leader ng ating angkan, at mapapa-sa'yo ang lahat ng kapangyarihan sa mundo."

"O... pwede kang bumalik ulit sa mundo ng mga mortal, at maging isang ordinaryong mortal na lamang. Sa oras kasi na babalik ka doon, mawawala din sa'yo ang apat na elementong ipinagkaloob namin." paliwanag niya.

Napatingin naman ako sa baba, at malinaw kong nakikita ang mga pangyayari sa loob ng sagradong silid mula rito sa itaas. Sa oras na nakita ko ang luhaang mukha ni Lance ay agad din akong nakagawa ng isang desisyon.

At heto nga't andito ako kasalukuyan sa palasyo, kapiling ang aking mga anak, dahil mas pinili ko ang aking kaligayahan kaysa sa kapangyarihan... kahit na ang kapalit no'n ay ang pagkawala ng aking mahika.

Pero kahit na kailan ay hindi ko iyon pinagsisihan.

"Ina? May problema po ba?" nag-a-alalang tanong ni Alistair, ang  kanyang kulay rosas na mga mata ay taimtim na nakatitig sa'kin.

"Wala. Ang cute cute kasi ng anak ko!" sabi ko sabay kurot sa matambok nitong mga pisngi.

"Ehhh... Ako po hindi ba ako cute?" nakapout na namang sabi ni Clair. Kinurot ko na rin ang kanyang pisngi.

"Siyempre cute ka rin!" sabi ko.

Abala pa kami sa pagkukulitan dito sa balkonahe ng palasyo nang may narinig kaming biglang tumikhim. At no'ng paglingon namin..

"AMA!" sabay na banggit ng kambal kasunod ng sabay nilang pagtakbo papunta kay Lance. Malugod namang iniunat ng huli ang kanyang mga braso at napaupo para salubungin ang kambal sa isang mahigpit na yakap.

"Hinahanap ko kayo sa loob, 'yun pala andito lang kayo sa balkonahe." sabi naman niya. Habang buhat-buhat niya sa kanyang magkabilang braso ang kambal ay lumapit naman ito sa'kin at ginawaran ako ng isang halik sa'king noo.

"YO!"

Napatingin naman ako sa bandang likuran ni Lance at laking tuwa ko nang makita ko ang bagong kasal na sina Aurora at Lucas at kasama nila ang kanilang nag-iisang anak na si Terrence na isang taong mas bata kaysa sa aming kambal.

"Aurora! Lucas! Masaya akong makita kayo muli." nagagalak kong sabi. Napatayo naman ako at ginawaran sila ng tig-iisang yakap.

"Natyempuhan ko silang papasok ng palasyo no'ng kakalabas ko lang ng council room kaya ayun inimbitahan ko na sila rito." pahayag naman ni Lance. Sa puntong ito ay ibinaba na niya ang aming kambal. Yumakap din sila sa kakarating lang nilang uncle Lucas at aunt Aurora bago tumakbo kasama si Terrence papunta sa garden ng palasyo.

Ayun, nagkamustahan kami at nagkwentuhan, just like the old times. Masaya ako para kina Aurora at Lucas... na after all this time ay sa wakas, napagtanto na rin nila ang kanilang feelings para sa isa't-isa.

'Yung kaibigan naman naming si Elena ay napagdesisyunang bumalik sa bahay ni lola pagkatapos ng digmaan. Kaso nitong nakaraang buwan lamang ay nabalitaan kong pumanaw na ang aming pinakamamahal na lola kaya hinikayat ko siyang sumali sa tropang militar ng palasyo since sabi nga niya ay mahilig siya sa mga adventures. Malugod niya rin naman itong tinanggap.

"So ayun, masaya kami na natuto na rin si Terrence ng iilang basic ice spells. Buti namana niya ang aking angkin galing sa ice spells." proud na proud pang sabi ni Aurora

"Wow. Buti naman kung gano'n." nagagalak kong sabi.

As for me naman, since pinili ko ngang maging isang ganap na mortal ay natural nang hindi ko kinakitaan ng anumang mahika sina Clair at Alistair. Pero wala namang kaso sa'kin iyon. Ang importante ay mamuhay sila ng tahimik at malayo sa gulo.

Suddenly, sa kalagitnaan ng masaya naming kwentuhan ay nakita kong tumakbo papalapit sa'min si Clair na medyo hinihingal pa.

"Ina, Ama, uncle Lucas at aunt Aurora, sumama po kayo sa'kin. Dali!" natataranta niyang sabi. Agad naman kaming kumilos at sumama sa kanya.

Lahat kami ay nagulat sa'ming nasaksihan pagkarating namin sa parte ng garden kung saan kami dinala ni Clair.

Unang tumambad sa'min ang nagliliyab na mga tanim sa paligid ng anak naming si Alistair na kasalukuyan namang umiiyak habang nasa tabi niya naman si Terrence na sinusubukang apulahin ang apoy. Pagkakita sa'min ni Alistair ay agad siyang tumakbo papunta sa'min at agad akong niyakap. Si Aurora naman ang nag-apula sa mabilis na kumakalat na apoy.

"Uwaahhh... Pasensya na po ina. Hindi ko sinasadyang sunugin ang mga tanim niyo." umiiyak niya pa ring sabi.

"Ssshhh... Tahan na anak. Hindi galit si ina sa'yo." pagpapatahan ko naman dito.

Ngunit hindi pa rin ako nakakabawi mula sa'king pagkagulat kanina, at parang gano'n din yata ang aking mga kasama dahil medyo natutulala pa sila no'ng sinubukan ko silang tingnan.

Akala ko mamumuhay din bilang mga ordinaryong mortal ang aking mga anak gaya ng gusto ko sana para sa kanilang dalawa.

"Oh my gosh, Charm! May dugong deity ang isa niyong anak!" anunsyo ni Aurora no'ng makabawi na mula sa pagkakatulala kanina. Sa oras na ito ay tumahan na rin sa wakas si Alistair habang akay-akay ko pa rin siya. Hindi naman ako agad nakasagot doon.

Akala ko tuluyan nang inalis ng supreme leaders namin ang pribilehiyo kong maging isang deity.

Ngunit sa tingin ko, nagkamali yata ako....

-THE END-

❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️

Hala, nakaabot ka hanggang ending? Yeheeeeyy! Thank you so much reader!

I wanna know your thoughts sa ending. Feel free to comment down below. And siyempre, don't forget to vote. 🙃


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top