Chapter 4: Off to Vavelia City (Part 2)

Witch Hunt
Chapter 4- Off to Vavelia City (Part 2)

Charm's POV

"So hindi ka natatakot sa'kin?"

Nabasag ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin ng kasama ko sa byahe na si Jade nang masabi ko na ang gusto kong itanong sa kanya kanina pa.

"Hindi ako natatakot sa mga kagaya mo. Bagkus, hinahangaan ko pa nga kayo eh." sagot naman niya. Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi, pero bago pa man ako makapagtanong kung bakit ay sinagot niya na ito.

"Parate kasing kinukwento sa'kin ng mga magulang ko dati, no'ng nabubuhay pa sila, ang mga magagandang ginawa niyo sa mga kagaya naming mortal. Ilang dekada na rin ang nakalipas, kilala ang mga deities sa katangian nilang tumulong sa'ming mga mortal. Halos anumang hilingin daw namin, basta busilak ang iyong kalooban ay ipagkakaloob sa'min ang kahilingan naming iyon. "

"Pero dahil nga sa kasakiman ng aming mga ninuno, nagsimula itong gyera sa pagitan ng mga deities at ng mga mortal... at dito na rin nagbunga ang kasalukuyang nagaganap na witch hunt sa pamumuno ni Haring Tiberius-pinuno ng Vavelian Empire, na siyang may sakop sa tatlong malalaking bansa sa kontinente: "

"Una, ang Derkarr- kung saan tayo nakatira ngayon at kilala sa pagkakaro'n ng pinakamalaking minahan ng ginto at dyamante sa buong kontinente; Pangalawa ay ang Corovia- kung saan naman ang primary source ng ating langis; at ang panghuling bansang sakop ng Vavelian empire ay ang Sodor- bansang kilala naman sa yaman nito sa agrikultura" mahaba-habang paliwanag niya.

Namamangha naman ako habang nagsasalita siya kasi ngayon ko lang alam ang mga gan'tong pangyayari. Dahil nga sa nagkulong ako sa templo ng limang taon din, hindi ako nagiging aware sa mga pangyayari sa labas...

"Alam mo rin ba kung ano'ng pangyayari ang siyang naging puno't dulo ng gyera at sa nagaganap ngayong witch hunt?" natanong ko dito sa kasama kong libro.

"Hindi mo alam, seriously? History din 'yon ng mga kauri mo Charm." sabi nya. Sorry naman masyado akong nagfocus sa pagpapalakas na hindi man lang ako nag-atubiling magbasa tungkol sa history ng mga ninuno ko.

"Hindi eh. Ipinanganak na'kong nag-e-exist na ang witch hunt. Kaya nga naku-curious akong malaman ang puno't dulo." sabi ko naman. Well, ngayon ko lang din naisip na isaliksik ito sa silid-aklatan ni Deity Morrel, baka ando'n din 'yong hinahanap kong kasagutan.

"Oops, gusto ko pa sana magkwento pero malapit na kasi tayo sa entrance. Maybe next time na lang if ever magkita pa tayo." sabi niya.

Naalarma naman ako sa sinabi niya kaya nanahimik na din ako at mas lalong pinalakas ang invisibility spell ko. Nakakaubos siya ng enerhiya sa totoo lang pero kaya ko pa naman magtagal ng gan'to hanggang sa makapasok na ako sa loob ng syudad.

Nakinig lang ako sa nagaganap na transaksyon sa labas sa pagitan ni Jade at ng dalawang kawal na nagbabantay sa entrance. Nahagip naman ng dalawang mata ko ang parang pahabang batuta na gawa sa bakal sa gilid ng mga suot nilang makapal na armor, na siya na yatang tinawag kaninang magic detector ni Jade. After ng ilang segundong pag-uusap ay pinapasok na rin siya ng mga kawal sa loob ng syudad at naramdaman kong umandar na ulit ang sakay-sakay ko ngayong wagon.

Nakahinga naman agad ako ng maluwag dahil do'n...

...

Naikwento ko kay Jade na ang ina ni Lance ang ipinunta ko dito at agad niya namang nalaman kung saan nakatira ang tinawag niyang Queen Esther o pangalan ng ina ni Lance. Kaya hinatid niya ako sa direksyon kung saan matatagpuan ang engrandeng palasyo.

"Sure ka bang tutuloy ka sa palasyo? Delikado para sa'yo ang pumunta sa kuta ng kalaban." nag-aalalang sabi ni Jade.

"Ayos lang ako. Kaibigan naman ako ni Lance at alam kong makikilala niya ako." pag-a-assure ko naman sa kanya. Sa puntong ito ay nawala na ang bisa ng invisibility spell at nakababa na ako sa wagon niya.

"Hmm, sige sabi mo ah. Panatag na ang loob ko kung sabi mong kilala ka ng prinsipe. Diretsuhin mo lang itong daan na'to at makikita mo na ang palasyo." sabi niya sabay turo sa daan.

"Salamat sa lahat ng tulong mo." taos-pusong pagpapasalamat ko. Ngumiti naman siya.

"Walang anuman! O sige, kailangan ko na ring umalis. Ingat ka ha? At sana magkita pa tayo." huli kong narinig sa kanya at tanging pagtango lang ang naging tugon ko. Kinalaunan ay pinalakad na niya ulit ang kanyang kabayo hanggang sa nawala na si Jade ng tuluyan sa paningin ko.

Humarap naman ako sa direksyon na tinuro niya. Diretsuhin ko lang daw ang daan at makikita ko na ang palasyo...

Okay, kaya ko ito!

Habang naglalakad ay hindi ko rin maiwasang mapatingin sa paligid. Andaming taong palakad-lakad dito, mga batang naghahabulan sa daan... pati mga musikerong nagpapatugtog ng pinaghalong flute at saka violin tas may mga taong sinasabayan ng sayaw ang bawat pagtugtog nila.

Ngayon lang ulit ako nakapunta sa isang lugar na maraming tao. Nakakamiss din pala ang gan'tong ingay... malayo sa nakagisnan kong nakakabinging katahimikan sa templo ni Deity Morrel...

"Charm?!"

Natigil naman ako sa pagmumuni-muni ng makarinig ako ng isang pamilyar na boses. Pagtingin ko sa direksyon kung saan galing ang boses na iyon ay bumungad agad sa harapan ko ang nakangiting mukha ni Johanne- na sa pagkakaalala ko ay 'yong ipinakilala ni Lance sa akin na isa sa mga matalik niyang kaibigan.

"Charm! Ikaw nga! Hinahanap mo si Lance noh?" tanong nito na may halong panunukso pa sa tono ng kanyang pananalita.

"Oo hinahanap ko siya. Maaari mo ba akong ihatid kung nasa'n siya? Importante lang talaga ang sadya ko." pakiusap ko. Ngumisi naman ang loko.

"Sure! Walang problema! Papunta din ako actually sa palasyo para dumalo sa isang gaganaping meeting mamaya. You know, counsellor duties..." sabi niya, hindi pa din nawawala 'yong kanyang ngisi sa mukha niya.

Ohhh. So importanteng tao rin pala siya sa syudad.

"Okay." tipid kong sagot. At ayun na nga, nagsimula na kaming maglakad papuntang palasyo...

-TO BE CONTINUED-

❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️

Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.

Salamat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top