Chapter 38: The Last Mission (Part Two)

Witch Hunt
Chapter 38- The Last Mission (Part Two)

Charm's POV

Nanlalaki ang mga mata naming nakatingala sa dambuhalang itim na dragon na kasalukuyang nasa harapan namin.

"Mas lalo pang pumangit 'yung hari. No offense Lance ha." komento nitong si Aurora.

Tila narinig naman ito no'ng tinawag niyang pangit dahil ang kulay pula nitong mga mata ay biglang napatingin sa'min kasabay nang pag-usok ng ilong nito. Agad itong tumalikod sa amin at itinaas ang kanyang buntot pero kinalaunan ay agad din naman niyang ibinaba papunta sa'ming direksyon.

"Watch out!" babala ko.

Bago pa man bumaba ng tuluyan ang buntot nito ay kanya-kanya na kaming ilag sa magkabilang direksyon kaya nahati tuloy kami sa dalawang grupo. Nagkabitak-bitak naman ang parteng binagsakan ng buntot ng kalaban naming dragon.

Wala pang ilang segundo ay muli nitong iginalaw ang kanyang buntot papunta sa'ming direksyon kung saan kasa-kasama ko sina Elena at Baal. Sa sobrang bilis ng kanyang paggalaw ay hindi agad kami nakaiwas kaya naman nahuli nito ang pinaka-malapit sa kanyang buntot which happens to be Elena. Agad na pumulupot ang mahaba nitong buntot sa maliit na katawan ng bata habang itinataas niya ito hanggang sa magka-level na sila ng kanyang ulo.

"ELENA!" sigaw naming lahat.

Wala naman akong sinayang na oras at agad akong nagbanggit ng isang level 5 na fire spell.

"INFERNO!"

Pagkabanggit ko nang naturang spell ay itinutok ko ang aking wand paitaas sa mukha ng kalaban. Sapul sa kanyang mata ang binuga nitong matinding volume ng apoy dahilan para mabitawan nito ang bihag naming kaibigan.

"Aaaahhh!" tili ni Elena habang unti-unting nalalaglag mula sa himpapawid.

Agad naman kaming nagsitakbuhan papunta sa kanyang pagbabagsakan at nagpaunahan sa pagsalo sa kanya. Subalit natigilan naman kami nang may nakita kaming isang malaking uri ng ibon ang biglang lumitaw mula sa kung saan at sinalo ang pabagsak naming kaibigan gamit ang kanyang malalaking talons.

Kung hindi ako nagkakamali, mula sa nabasa kong libro sa silid-aklatan ni Deity Morrel, siya ang legendary phoenix na pagmamay-ari ni Deity Apollo.

"Phoebe..." rinig kong sambit ni Baal na malapit lang sa'kin. Siguro ay ito ang pangalan ng naturang guardian animal ni Deity Apollo.

Meanwhile, halos mapatalon naman kaming lahat sa gulat sa biglaang pagsigaw ng kaharap naming dragon na tila napikon na sa ginawa ko sa kanyang mga mata. Nang makabawi na ito ay nag-u-usok ang mga ilong nitong tumingin sa'king direksyon at walang sabi-sabing ibinuka nito ang kanyang malaking bibig. Lumabas mula roon ang matinding pwersa ng naglalagablab niyang apoy at balak na ipatama sa akin. Mabuti na lang at agad din kaming nakatakbo papalayo sa parteng binugahan niya ng apoy.

Patuloy lang kami sa pagtakbo habang patuloy pa rin sa pagbuga ng apoy ang kalaban namin. Agad din naman naming pinapatay ni Aurora ang mga nagliliyab na apoy sa lupa nang sa gano'n ay may matakbuhan pa kami.

"Charm, kailangan natin siyang pigilan sa lalong madaling panahon. Malay natin baka anumang oras ay maaari niyang sunugin ang buong syudad!" sigaw ni Lucas.

Mukhang narinig naman kami ng dragon na ito dahil bigla itong huminto sa pag-atake sa'min at rinig naming ibinagwis nito ang kanyang mga naglalakihang mga pakpak. Tinalikuran na niya kami at lumipad ito palayo sa'min at patungo sa mga residenteng nasa labas ng palasyo.

"Oh ayan! Binigyan mo tuloy siya ng ideya!" sumbat naman ni Aurora sa kaharap na si Lucas.

"Bakit? Hindi ko naman alam na gagawin niya talaga!" depensa naman niya.

Sakto namang lumapag na sa lupa ang guardian animal ni Deity Apollo at maingat nitong inilapag ang kaibigan naming si Elena na agad namang lumapit sa'min.

"Charm, sumakay ka kay Phoebe at habulin niyo agad ang hari. Susubukan naman naming ilikas ang mga residente sa isang ligtas na lugar at susunod agad kami sa iyo." utos naman ni Baal.

Napatango naman ako at walang alinlangang sumakay sa likod ni Phoebe. Pagkasakay ko ay agad nitong ipinagaspas ang ginintuan niyang mga pakpak at makalipas lang ang ilang segundo ay nakita ko na lang ang aking sarili na lumilipad sa ere.

Ngunit wala na akong oras para mamangha sa mga tanawin. Hindi kalayuan mula sa'min ay namataan ko na ang kinaroroonan ng itim na dragon na kasalukuyang abala sa pagtupok sa bawat madaanan nitong gusali. Kita ko namang nawawalan na siya ng kontrol sa kanyang sarili at sa mahikang taglay niya. Kailangan ko siyang mapigilan sa lalong madaling panahon!

"Phoebe... Ilapit mo pa ako ng konti sa dragon. Susubukan ko siyang talunan mula rito." suhestyon ko.

"Masusunod..." tugon naman ni Phoebe.

Mas lalo pa nitong binilisan ang pagpagaspas ng kanyang mga pakpak hanggang sa nasa taas na kaming banda ng dragon na may kaunting espasyo sa pagitan namin. Nang masiguro kong naka-align na kami sa malaking katawan nito ay walang sabi-sabi naman akong tumalon mula sa likod ni Phoebe papunta sa likuran ng kalaban.

"Waahhh!" impit kong sigaw habang ramdam ko ang aking katawan na unti-unting bumabagsak papunta sa target.

Pagkalapag ko naman sa magaspang at makaliskis nitong likuran ay tila agad itong nakaramdam sa aking presensya dahilan para itinaas niya lalo ang kanyang lipad. Since wala akong makapitan ay agaran akong natumba at muntik na sanang malaglag pero buti na lang ay nakakapit pa ako sa dulo ng kanyang buntot. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.

Habang nakakapit pa din sa kanyang buntot ay sinubukan ko namang magcast ng isang sleep spell at tiningnan kung uubra ba ito sa kanya. Pero sa halip na makatulog ay mas lalo lang nitong binilisan ang paglipad kaya naman nagpa-gewang gewang din ang kanyang buntot sa magkabilang direksyon. Mas lalo tuloy napahigpit ang kapit ko roon.

Nagulat naman ako ng bigla niyang iginalaw paitaas ang kanyang buntot habang nakalingon ang kanyang ulo dahilan para magtama ang aming mga mata. Wala pang ilang segundo ay binugahan na ako nito ng kanyang nagliliyab na apoy. Sinubukan ko pang i-counter ang pag-atake niyang ito gamit ang malaya kong kaliwang kamay na siyang may hawak sa wand. Naglabas din ako ng isang matinding buga ng hangin mula rito, subalit hindi naman ito nagpatalo at mas lalo lang niyang nilakasan ang pagbuga niya ng apoy. Dahil iisang kamay lang ang aking gamit ay madali niya akong natalo at agad na nawala ang aking kapit sa kanyang buntot. Ilang sandali pa ay natagpuan kong muli ang aking sarili na nakalutang sa himpapawid at mabilis na bumabagsak papunta sa lupa.

Hindi pa ito nakuntento at nagpalabas muli ng isang malaking bola ng apoy at sinadyang ipatama sa aking direksyon. Agad ko ring itinaas ang aking wand at nagpalabas din ng isang bola ng apoy na kasing-laki no'n at itinutok ito papunta sa paparating din sa aking bola ng apoy. Nang magsalpukan ang mga ito ay lumikha naman ito ng isang malakas na pagsabog, na siyang nagpabilis lalo sa pagbagsak ng aking nag-uusok na katawan sa lupa.

"Aaaahhhhh!" muli ko na namang sigaw habang natatanaw ko na mula rito ang bahaging pagbabagsakan ko.

Bago pa ako tuluyang lumagapak sa lupa ay naramdaman ko naman ang malalaking talons ni Phoebe na siyang nakakapit sa magkabilang balikat ko. Ilang sandali pa ay maingat niya na akong inilapag sa lupa.

"Salamat Phoebe..." pagpapasalamat ko rito sa guardian animal ni Deity Apollo.

"CHARM! Ayos ka lang?!" rinig kong sigaw ni Aurora sa may 'di kalayuan.

Hapong-hapo man ay napalingon naman ako at nakita ang mga alalang-alala kong mga kaibigan habang hinihingal na tumakbo papunta sa'min.

Pero bago pa man ako makasagot sa tanong ni Aurora ay naramdaman na naman namin ang pagyanig ng lupa, hudyat na lumapag na rin ang kalaban naming dragon. Pansin ko namang kasalukuyan kaming nasa marketplace ng syudad dahil sa mga nagkalat na mga tindahan sa paligid na siya namang iniwan ng mga nagtatakbuhang mga residente para iligtas ang kanilang mga sarili.

"DITO NA MAGTATAPOS ANG IYONG TADHANA, WITCH!" sigaw nito sa'kin sa boses na parang nanggaling sa kailaliman ng lupa. Hindi niya naman ako binigyan ng tyansang makasagot dahil muli itong umatake ng biglaan.

Tumingala muna ito sa langit habang ibinuka nito ang kanyang bibig tsaka walang imik na ibinaba nito ang kanyang ulo at nagpalabas ng tila walang katapusang nagliliyab na apoy papunta sa direksyon namin. Natupok ang mangilan-ngilang establishementong nadaanan ng kanyang apoy papunta sa amin. Dahil wala na rin kaming oras para ilagan ang ganoong pag-atake ay pinili ko na lang na i-counter ang kanyang pag-atake gamit ang isang mataas na lebel ng fire spell sa kaliwa kong kamay, at air spell naman sa kabila. Pinilit ko namang ini-steady ang aking tindig sa tulong ng paglock ng dalawa kong paa sa lupa gamit ang isang earth spell. Kaso habang patagal ng patagal ang pagtatapatan ng aming mga kapangyarihan ay palakas din ng palakas ang kanyang kapangyarihan na nagsisimula na akong mapa-atras kahit gumamit na ako ng earth spell kanina.

Suddenly ay nakita ko namang tumayo sa tabi ko si Aurora at naglabas ng kulay asul na liwanag para tulungan akong maiatras ang pag-atake ng kalaban namin.

"Susubukan kong tumulong sa abot ng aking makakaya!" sabi niya.

Kahit bakas na ang panghihina nito ay inilaan niya pa rin ang natitira nitong lakas para tulungan ako. Sa gilid naman niya ay tumayo rin si Elena at iniunat din ang kanyang dalawang kamay at mula roon ay naglabas ng kulay berdeng liwanag para i-counter din ang pag-atake ng dragon.

"Tutulong din ako!" ani nito.

"Susubukan ko namang bigyan kayo ng dagdag na lakas!" rinig ko namang wika ni Lucas.

"Tutulungan kong muli ang mga residente nating makalikas sa isang ligtas na lugar. Tara Baal, samahan mo ako." pahayag naman ni Lance at maya-maya pa'y nawala na ang presensya nila ni Baal.

Tatlo na kaming nagtutulungang i-counter ang atake ng dragon na ito subalit mukhang kulang pa ang pinagsama naming pwersa. Dinoble pa yata nito ang lakas ng kanyang apoy dahilan para mapaatras kaming lahat ng bahagya.

Lagot na... Sa lagay namin ngayon, mukhang anumang oras ng kayang-kaya kami nitong talunin at walang kahirap-hirap na susunugin ng buhay.

Taimtim akong napapikit at tahimik akong nanalangin upang subukang makiusap sa mga nakatataas na deities sa kalangitan.

"Deity Morrel, Deity Roku, Deity Ishmael, at Deity Apollo... Pakiusap tulungan niyo po kaming magwagi laban sa dragon na ito!"

-TO BE CONTINUED-

❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️

Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. 'Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.

Salamat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top