Chapter 38: The Last Mission (Part One)
Witch Hunt
Chapter 38- The Last Mission (Part One)
Charm's POV
Sa bilis ng pagpapaandar namin ni Aurora sa bangkang sinasakyan namin ay wala pang isang minuto ay nakarating na kami sa tapat ng gates ng palasyo. Agad naman kaming nagsibabaan do'n at sa isang snap lang ng daliri ni Aurora ay nawala na 'yung sinakyan naming bangka.
"Phew! Buti nabuhay pa ako!" reklamo ni Lucas.
"Psh, ang ingay mo!" pagsaway naman sa kanya ni Aurora.
"Maghanda na tayo guys. Ang totoong laban ay magsisimula na maya-maya lamang." pagbigay babala ko sa kanila.
Ilang sandali pa ay tumahimik na rin sila at parehong nakapokus ang aming mga tingin sa gate papuntang palasyo. Sa isang malakas na aeroblast spell na aking pinakawalan ay walang kahirap hirap kong nasira ang kanilang gate kaya agad naman kaming nakapasok.
Saktong pagkapasok namin ay agad na may sumugod sa'ming mga black knights sa magkabilang direksyon at may hawak-hawak na mga espada sa kanilang mga kamay. Bago pa man sila tuluyang makalapit ay walang kahirap-hirap ko naman silang pinalipad palayo gamit ang isang air spell.
Habang papalapit kami sa mismong palasyo ay padami ng padami ang mga kawal na nakaharang sa aming daraanan. Walang sabi-sabi kong iniunat ang magkabila kong kamay sa magkabila ring direksyon at agad na nagsitalsikan ang mga nakaharang kaninang mga kawal sa tulong ng elemento ng hangin na taglay ko.
Pagkawala ng mga nakaharang na kawal sa aming harapan ay agad na tumambad sa'min ang pakay namin dito, si Haring Tiberius. Nakatayo lang ito at tila ba hinihintay niya lang ang aming pagdating. Sa likuran niya ay ang daan-daan niya pang mga natitirang kawal.
"Maligayang pagbabalik Charm. Kita kong nawala na ang sumpa ng black crystal sa iyo at mas lalo ka yatang lumakas ngayon. Balita ko nga natalo mo ang isang batalyon kong kawal na ipinadala ko kasama ang tagapagmana kong si Johanne. Kawawa naman siya. I was just testing him kung magagawa ka ba niyang dakpin muli, pero binigo niya ako. Siguro hindi pa siya gaanong karunong sa pamumuno 'di gaya ng mga itinuro ko sa kanya. " saad niya. Pansin ko namang napakuyom ang isang kamay ni Lance na nasa tabi ko nakatayo.
"Haring Tiberius, pwede pa natin ito wakasan sa isang mahinahong usapan lang. Hindi natin kailangan mag-away." sabi ko, na ngayo'y nakapokus nang muli ang tingin dito sa hari.
"At ano naman ang mapapala ko kapag ginawa ko ang bagay na iyon? Kayong mga witches ay kilalang mga taksil sa lipunan, sinira niyo ang tiwalang pinagkaloob namin mula pa sa pinakaunang pinuno naming si Haring Nicholas... at ngayon ay inaasahan mo akong sumunod sa iyong kagustuhan? " may pagka-sarkastiko niyang pahayag.
"Hindi! Nagkakamali ka!" pagtutol ko naman sa sinabi niya.
"Ang inyong ninunong si Haring Nicholas ang siyang nagtraydor sa'ming angkan, noong pinaslang niya ang aming pinunong si Deity Apollo na wala namang ibang ginawa kundi ang pagkatiwalaan siya at itinuring na parang isa nang kapatid. Siya ang bumilog sa mga utak niyong mga mortal na umaklas laban sa aming mga deities--"
"TAHIMIK!" pagputol niya sa nais kong sabihin.
"Kung may sinabi mang tama ang aming unang pinuno, iyon ay ang katotohanang mga salot ang mga katulad niyong witches at dapat na kayong tuluyang mawala sa mundong ito! " nagngangalit niyang pahayag.
"Oh no... Ito na yata 'yung moment kung saan mapapasabak na tayo sa laban?" rinig kong komento ni Aurora.
"Aking Black Army...tapusin niyo na silang lahat at wala kayong ititirang buhay sa kanila!"
Pagkabigay na nga niya ng kanyang utos ay agad kaming sinugod ng sabay-sabay ng kanyang hukbo. Wala rin naman akong sinayang na oras at walang sabi-sabi kong iniangat ang aking kamay.
Kasabay ng pag-angat ko ng aking kamay ay nagkaroon ng isang malaking bitak sa ibabaw ng lupa at mula roon ay may lumitaw na isang malaking tipak ng bato na kasalukuyang palutang-lutang. No'ng itinutok ko na ang aking wand papunta sa mga sumusugod sa aming mga kawal ay naitulak ko sila papalayo kasama ng higanteng bato na ito at agad na nagsitumba.
Hindi nagtagal ay napansin ko rin 'yung mga kawal na sumusugod sa magkabilang direksyon. Gamit ang fire wall spell ay pinalibutan ko ang aming kinaroroonan ng mga naglalaglab na apoy. Then gamit ang nabuo kong mga apoy ay gumawa ako ng mga fireballs at sunud-sunod ko itong pinatama sa mga sumusugod sa'ming mga kawal sa magkabilang direksyon dahilan para magsibagsakan din sila sa lupa.
Pagkawala ng apoy sa aming paligid dahil sa naubos ko nang gamitin ay tumulong na rin ang iba ko pang mga kasamahan sa pagpapatumba ng mga natitira pang kawal. Gamit ang tubig galing sa malaking fountain na nasa gitna ng palace grounds ay gumawa si Aurora ng mga matutulis na icycles at itinama ito sa mga paa ng mga kawal dahil iyon lang ang parteng hindi balot ng metal armor. Bawat pagtarak ng kada icycle sa kanilang mga paa ay lumilikha rin ito ng kakaibang tunog, at siyang naging dahilan para sila'y magsibagsakan sa lupa.
Hindi rin naman nagpahuli si Elena. Gamit ang mga itinanim niyang mga baging ay nagmistulan itong mga gumagapang na ahas at hinuhuli ang sinumang nasa daraanan nito. Ginagamit niya rin itong parang isang higanteng whip para iknock-out ang kanyang mga kalaban. Si Lance naman ay nakapulot ng isang malaking espada mula sa isang bumagsak na kawal at ginamit ito para tumulong din sa pakikipaglaban.
"Charm, sa likod mo!" pagbibigay babala naman ni Lucas sa'kin.
Saktong pagtalikod ko ay tumambad sa'kin ang tila hindi na gumagalaw na kawal na may bitbit pang espada sa kanang kamay nito.
Kunot-noo ko namang tiningnang muli si Lucas na ngayo'y nakaangat ang parehong mga kamay. Agad namang pumasok sa isipan ko 'yung puppetry skills niya. Gamit ito ay walang kahirap-hirap niyang pinabitawan sa kawal ang hawak-hawak nitong espada at kanya nitong pinaluhod.
Pagka-alala ko sa kakayahan niyang ito ay may nabuo akong plano sa'king isipan na siyang magagamit namin para mapadali ang paghuli namin sa hari. Alam kong ipinagbabawal ang ganitong teknik, pero kung gagamitin naman sa mabuti ay sigurado akong wala rin itong problema sa mga nakatataas na deities.
Pagkatapos mapatumba ni Lucas ang naturang kawal ay nilapitan ko siya at sinabihan ng naiisip kong plano na agad niya rin namang sinang-ayunan.
"Kapag binigay ko na ang hudyat, 'yun lang ang oras na gagamitin mo ang iyong kapangyarihan, okay?" sabi ko rito sa kanya.
"Okay." sabi niya.
Nang mapagplanuhan na namin ang susunod naming hakbang ay agad na naming pinuntahan ang kinaroroonan ng hari. May mga kawal pang sumubok na humarang sa daraanan namin ngunit pasimple ko lang silang pinapalipad paalis sa harap namin gamit ang elemento ng lupa o elemento ng hangin.
"Mukhang paubos na ang iyong mga tauhan, haring Tiberius." sabi ko rito sa kaharap naming hari.
Tila hindi naman siya natinag sa unti-unti kong paglapit sa kanya.
"Kung akala niyo ay matatalo mo na ako, diyan ka nagkakamali!" kumpyansa niya pa ring sabi.
"Sumuko ka na ama! Para matigil na rin ang lahat ng kaguluhan na ito!" sigaw naman sa kanya ni Lance.
"Hinding-hindi ako kailanman susuko. May huling alas pa ako!" sabi niya at napahawak sa suot-suot niyang kulay pilak na kuwintas at naglalaman ng isang maliit na hugis diyamante na vial na nagsisilbing pendant nito. Sa loob ng vial ay tila may kumikinang na kulay puti sa loob nito.
"Gamit ang mga kapangyarihan na nalikom ng aking mga eksperto sa siyensya galing sa mga nahuli at pinaslang naming mga witches, ay maaari rin akong magkaroon ng napakalakas na kapangyarihan gaya niyo. ". paliwanag niya. I sneered at the thought na may mga pinaslang pa siyang mga kauri namin para maisakatuparan ang kanyang binabalak.
"Alam naman nating imposible 'yang iniisip mo---"
Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil walang sabi-sabi niya namang nilunok ang kung anumang laman nung vial.
"Lucas, pigilan mo siya bago niya pa maubos ang laman no'n!" utos ko na siya rin naman niyang sinunod agad.
Napigilan niya man ang hari at nakontrol ngunit mahigit sa kalahati na rin ang kanyang naubos bago pa siya kontrolin ni Lucas na kusang itapon ang nasabing kwintas. Akala nga namin ay napigilan pa namin ang kung anuman ang binabalak niyang gawin, ngunit hindi nagtagal ay nagulat na lang kami nang bigla itong binalot ng isang nakakasilaw na liwanag kaya inilayo namin saglit ang aming tingin sa kaharap na hari.
"Charm! Unti-unti nang nawawala ang kapit ko sa kanya!" pasigaw na sabi ni Lucas.
Sinubukan ko pang lapitan ang hari subalit isang malakas na pwersa ng hangin ang bigla naming naramdaman dahilan upang sabay kaming tumilapon ni Lucas at bumagsak sa sahig.
"Charm! Lucas!" pagtawag ng iba pa naming mga kasamahan sabay lapit sa aming kinaroroonan at tinulungan kaming makatayong muli.
Mula sa aming kinaroroonan ay nakarinig kami ng isang malakas na 'roar' at ang boses nito'y tila hinukay pa mula sa lupa sa sobrang lalim at kakapal. Kasunod no'n ay nakarinig naman kami ng malakas na pagaspas na parang nagmumula sa isang pares ng naglalakihang mga pakpak, at kaunting pagyanig sa lupa na parang galing sa pagbagsak ng isang mabigat at malaking bagay.
At no'ng humupa na ang nakakasilaw na liwanag na iyon, sa wakas, tumambad sa'min ang isang maitim, at napakalaking...
"DRAGON?!" sabay-sabay naming sambit habang nakatingala sa dambuhalang nilalang na nasa aming harapan.
-TO BE CONTINUED-
❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️
Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito.'Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.
Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top