Chapter 37: Charm Is Back!
Witch Hunt
Chapter 37- Charm is Back!
Aurora's POV
Halos mag-iisang oras nang nakaangat ang aking mga kamay para hindi mawala 'yung ice shield na binuo ko para proteksyonan kami pansamantala mula sa mga nakaabang sa'ming black knights. Kahit na nangangawit na ang aking mga kamay, still pinipilit ko pa ring panatilihin ang shield.
Pero utang na loob... pagod na ako!
"Ate Aurora... a-ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa'kin ng kasama kong si Elena.
"Ayos lang a--"
As soon as sinabi ko iyon ay 'yung katawan ko na rin mismo ang kusang bumigay. Halos maglupasay na ako sa lupa sa sobrang pagod kung hindi ko lang tinukod ang aking mga kamay sa lupa. 'Yung shield na pinaghirapan kong panatilihin ay biglang naglaho sa isang kisap-mata at agad na tumambad sa'min ang mga kanina pang nakaabang na black army at si Johanne na nasa kanilang unahan.
"AURORA! Ayos ka lang ba?! Here, hawakan mo ang kamay ko."
Saktong dumating naman sina Lucas, Lance at Baal sa eksena at agad akong tinulungan nitong si Lucas na makatayo habang pinipilit ko pang hinahabol ang aking paghinga.
"So, napagod na rin kayo ha? Kawawa naman kayo. Nasaan na ang inyong tagapagligtas? Mukhang mahuhuli yata o baka naman hindi na talaga makakarating. " Suddenly ay narinig namin ang sarkastikong pahayag nitong si Johanne na nasa may 'di-kalayuan katapat namin.
Tiningnan lang namin siya ng masama. Pero at the same time ay namomroblema ako para sa aming kaligtasan. Kasalukuyan akong nanghihina habang nakakapit sa braso ni Lucas, at alam kong hindi sasapat ang lakas ng iba ko pang kasamahan dito para labanan ang black army nina Johanne.
"Kung ito na ang ating katapusan, gusto ko lang sabihin sa inyo guys na masaya akong makilala kayong lahat at maging parte ng inyong paglalakbay." madamdaming pahayag ni Elena na parang naiiyak pa.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan Elena! Walang mamamatay sa'tin okay? Sama-sama natin silang lalabanan hanggang sa'ting makakaya. Walang susuko!" determinado namang pahayag ni Lance.
"Tama siya. Lalabanan natin sila ng magkasama." pagsang-ayon naman ni Lucas.
"Tama na ang satsat! TAPUSIN SILA!"
Nang ibinigay na ni Johanne ang kanyang hudyat ay sabay-sabay nang sumugod papunta sa'min amg isang batalyon niyang kawal. Hindi naman kami nagpatinag at nanatili lang kaming nakatayo rito sa'ming kinatatayuan habang hinihintay silang makalapit sa'min.
Kung ito na ang aming katapusan, basta't kasama ko ang mga nilalang na ito na itinuring ko nang aking mga kaibigan, ay malugod ko itong tatanggapin.
*BOOGGSSSH*
Nagulat naman kaming lahat ng may isang malakas na pwersa ang biglang tumama sa kinaroroonan ng mga kawal dahilan upang lumikha ito ng malakas na pagsabog at agad na nagsitalsikan ang mga kaninang sumusugod na mga kawal. Ang mga nasa likuran naman ay biglang napahinto sa pagtakbo.
Tila ba natigilan ang lahat sa paggalaw at paghinga ng may isang personang biglang lumitaw sa'ming harapan na parang nanggaling sa himpapawid. Kasunod ng pagtapak ng kanyang dalawang paa sa lupa ay lumikha ito ng isang malaking bitak sa lupang kinaroroonan niya. Napatakip naman ako ng bibig at tila hindi makapaniwalang nakatitig sa personang ito na ngayo'y napatingin sa'min saglit at ngumiti ng bahagya.
"Salamat sa lahat ng ginawa niyo para sa'kin... kaya hayaan niyong ako na ang tumapos ng laban na ito." ani nito.
Halos mapaluha ako ng muli kong masilayan ang mukha ng aking matalik na kaibigan.
Maligayang pagbabalik... Charm!
...
Charm's POV
Matapos tingnan saglit ang aking mga kaibigan ay agad kong ibinalik ang aking tingin dito sa aming mga kalaban at nagbanggit ng isang mataas na lebel ng earth spell.
"Seismic Wave!"
Pagkabanggit ko nang naturang spell ay agad na nagkaroon ng malalaking bitak sa lupang kinatatayuan nila at mula roon ay nagsi-angat ang mga malalaking tipak ng lupa dahilan upang magsitalsikan din ang iba pang mga kawal at magsitumba. Inilibot ko agad ang aking tingin at nakita ang iba pang mga nakatayong kawal na sabay na sumusugod papunta sa'kin sa magkabilang direksyon. Bago pa sila makalapit ay sabay kong iniangat ang magkabila kong kamay. Kasabay nito ay may nagsi-alsa ring malaking tipak ng lupa sa kanilang kinaroroonan at sabay silang tumilapon sa ere at bumagsak sa lupa.
Nang makita ko nang lahat sila ay nakahandusay sa lupa ay nagbanggit ulit ako ng isa pang uri ng mataas na lebel ng earth spell sabay itinukod ang aking wand sa lupa.
"Tectonic Rage!"
Agad itong lumikha ng isang napakalaking sink hole sa kanilang kinaroroonan dahilan para magsihulog silang lahat sa butas na ito. Nang masiguro ko nang nahulog na silang lahat ay ginamit ko ang kakayanan kong takpan ang butas na ito. Sa isang kisap-mata lang ay nawala na ng tuluyan ang mga kawal na ito sa'ming paningin.
Tanging ang taksil naming kaibigan na si Johanne ang naiwang nakatayo sa kinaroroonan nito kaya nagdesisyon akong lapitan siya. Bawat paghakbang ko palapit ay siya namang pag-atras nito, at mahahalata rin sa kanyang mukha ang matinding pagkabalisa.
"Masaya akong makita kang muli, Johanne." may pagka-sarkastiko kong pahayag habang unti-unting lumalapit sa kanya.
"D-Diyan ka lang! 'Wag kang lalapit!" natataranta niya ngayong sabi ngunit nagkunwari lang akong walang narinig mula sa kanya.
No'ng bahagyang nakalapit na ako sa kanya ay pinalibutan ko ang paligid namin ng mga naglalagablab na apoy nang sa gayon ay hindi na siya makaatras pa.
"Pinagkatiwalaan ka namin Johanne, at tinuring ka naming kaibigan. Ngunit ano'ng ginawa mo? Tinraydor mo kami, lalung-lalo na ang nag-iisang taong tinuring ka nang parang kanyang kapatid. Paano mo nagawa sa'min ito?!" nangagalaiti kong pahayag.
Nainis naman ako no'ng nagawa niya pang mag-smirk sa aking harapan.
"Gusto mong malaman? Fine! Matagal na naming pinaplano ng aking ama na angkinin ang kaharian simula't sapul pa lang. Sobrang hirap kami dati. At alam mong ang mga nasa mababang antas ng lipunan ay 'yung mga inaagrabyado ng gobyerno. Simpleng kawal lang noon ang aking ama, na tapat sa kanyang tungkulin. Ngunit no'ng nakaranas siya ng pang-aalipusta ng mga nakakataas sa kanyang opisyal at kahit kailan ay hindi pinapahalagahan ng hari ang mga tulad niyang tapat na nagsisilbi sa kanya kasi nga nasa mababang antas lang siya, doon siya naghangad na umangat sa kanyang posisyon."
"Nang mapagtagumpayan niyang makuha ang tiwala ng hari ay ginawa siyang isang counselor nito. Kaakibat no'n ay inutusan niya naman akong kaibiganin ang anak ng hari at maging malapit sa pamilya nito ng sa gayon ay maipagpatuloy ko ang kanyang hangaring maangkin ang buong kaharian. No'ng namayapa na ang aking ama, siniguro kong hindi masasayang ang lahat ng kanyang pinaghirapan at ipinagpatuloy ang kanyang nasimulan. "
"At sino ba ang mag-aakalang susulpot ka aming mga buhay? Kaya ayon, ginamit na rin kita upang magawang mag-alsa ni Lance laban sa kanyang ama. At kapag masama na ang tingin ng ama sa kanyang anak, titingin siya ng ibang mga posibleng magmamana ng kanyang trono someday. Someone na tapat sa kanya. Someone na pwede niyang pagkatiwalaan. Someone like me... "
"And look, kamakailan lang ay ibinilin niya nga sa'kin at ginawang susunod na tagapagmana ng kanyang trono. At sa tulong ng propesiya niyo, ikaw na rin ang tatapos ng kanyang buhay para sa'kin at ako na ang bahalang tumapos sa buhay ng iba pang miyembro ng royal family. Inuna ko nang tinapos sana ang reyna, sa pamamagitan ng pagpapainom sa kanya ng lason na siyang magiging dahilan para hindi na siya magising kahit na kailan. "
"Kaso nang dahil sa'yo, nasira lahat ng mga plano ko, kung kailan umaayon na sa'kin ang lahat! Sana no'ng una ka pa lang nakulong pinatay na kita!" pagtatapos nito.
'Di ko na napigilan ang aking sarili at naiangat ko ang isa kong kamay dahilan upang lumutang siya pataas ng pataas sa ere. Takot siyang napatingin sa'kin habang nagsisigaw siyang ibaba ko siya.
"So ikaw pala ang dahilan ng pagkakasakit ng ina ni Lance?! Paano mo 'yun naatim gawin sa sarili mong kaibigan! Kahit kailan, ang mga sakim na gaya mo ay hindi karapat-dapat maging hari!" nanggigigil kong pahayag sabay na ibinagsak siya sa lupa ng biglaan. I heard him growl in pain at nanatili lang na nakahandusay sa lupa.
For the finishing blow, agad na akong bumuo ng isang malaking fireball at balak siyang patamaan nito. Para sa lahat ng ginawa niya sa akin, kay Lance, at sa iba ko pang mga kaibigan... hinding-hindi ako magdadalawang-isip na tapusin ang kanyang buhay.
"Charm, sandali!"
Naramdaman kong may isang pares ng mga kamay ang biglang humawak sa'king kanang braso dahilan para matigilan ako sa aking ginagawa.
Ang pamilyar na pakiramdam na ito...
"Aaminin kong galit na galit ako para sa lahat ng ginawa niya sa'kin, sa'king ina, sa iyo at pati na rin sa iba nating kasamahan. Pero, ayoko ring maging katulad ka nila Charm. Ayokong tapusin mo ang buhay niya habang siya ay wala nang kalaban-laban." Tumigil siya saglit sa pagsasalita at naramdaman kong mas lalong humigpit ang kanyang hawak sa'king braso saka nagpatuloy.
"Alam kong hindi ka gano'n Charm... Alam kong bukod-tangi ka sa kanilang lahat."
Sa puntong ito ay kumalma na ako at nawala na rin 'yung fireball na binuo ko kanina. Nanatili pa ring nakahandusay si Johanne. Mula sa kanya ay nalipat naman ang tingin ko sa nilalang na nasa likuran ko.
"Salamat, Lance..." pagpapasalamat ko. Tila nagulat pa siya sa pagbanggit ko ng kanyang pangalan.
"Naaalala mo ako?!" tuwang-tuwa niyang sabi.
"Oo naman. Bakit naman hindi?" kunot-noo ko namang sabi.
"Salamat naman at naaalala mo ako!" Sa sobrang kagalakan niya ay kusang lumipat ang kanyang mga kamay papunta sa magkabila kong kamay at madaliang dumampi ang kanyang labi sa akin.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa kanyang ginawa...
"EHEM! Wala pa tayo sa ending, ehem!" Nagfake-cough naman itong si Aurora kaya nabaling ang tingin namin sa kanya. Pero agad din siyang pumagitna sa'min ni Lance at sinunggaban ako sa isang mahigpit na yakap.
"Sobrang namiss kita Charm, huhu."
"H-hindi n-na'ko makahi---hinga." nauutal kong sabi na parang kinakapos sa hangin. Makayakap naman kasi siya sa'kin, wagas. No'ng nakita niyang nahihirapan na nga ako sa paghinga ay agad niya rin akong pinakawalan at agad na nagsorry.
Pero tama siya kanina. Hindi pa ito ang wakas. May isang tao pa kaming dapat talunin...
"Tara na sa palasyo" sambit ko.
"Iiwan natin 'yan dito? Baka makatakas pa 'yan." saad naman ni Elena sabay turo kay Johanne na nakahandusay pa rin hanggang ngayon.
"Nah. Ako na ang bahala sa isang ito." saad ni Aurora. Ginamitan niya ng kanyang frostbite spell si Johanne na siyang unti-unti namang binabalot ng makapal yelo mula sa kanyang mga paa.
"'Yan. Hindi na siya makakalakad o makakatakbo pa. Now, shall we go na sa palasyo?" sabi niya ulit tas nakita ko na lang ang aking sarili na nakasakay sa isang malaking bangkang gawa sa yelo gaya ng iba ko pang mga kasamahan.
"Hay naku, heto na naman tayo." reklamo ni Lucas.
Pero hindi siya pinakinggan nito bagkus ay sinimulan na niyang paandarin ang naturang bangka habang ginagawang yelo ang daraanan namin. Gamit ang hangin ay tinutulungan ko siyang mas lalo itong pabilisin kaya napakapit tuloy ng husto ang iba pa naming mga kasamahan sabay sigaw.
Haring Tiberius... malapit na ang katapusan ng pamumuno mo!
-TO BE CONTINUED-
❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️
Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. 'Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.
Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top