Chapter 35: Critical Condition
Witch Hunt
Chapter 35- Critical Condition
Lance's POV
-Flashback-
"Kung sinuman ang may hawak sa nasabing bato ay mapapa-sailalim sa itim na kapangyarihan- mapa-deity man o mortal..."
"At maaaring mawala ang lahat ng kanyang mga alaala."
-END OF FLASHBACK
...
Bigla lang sumagi sa isip ko ang mga sinabi dati ni Baal patungkol sa black crystals habang kasalukuyan kong hawak-hawak ang singsing na naglalaman ng black crystal na siyang kakatanggal ko lang sa kanyang palasingsingan. Kita ko namang mula sa itim ay bumalik sa kulay rosas ang kanyang mga mata.
Agad ko naman itong ibinulsa at ipapasira ko ito mamaya kina Aurora sa oras na matapos na ang lahat ng ito.
"L-Lance?" mahinang pagtawag nito sa'king pangalan habang nakatitig sa'king mga mata.
Hinihingal pa rin akong nakapatong sa kanya ngayon. Rinig ko namang nagbunyi ang mga kasamahan namin sa likuran na ngayon ay nakatayo na sa tingin ko.
Halos mapaluha naman ako nang banggitin niya ang aking pangalan. Thank goodness naaalala niya pa rin ako. At sa wakas, nagbalik na siya.
Nagbalik na si Charm.
"HINDI!" sigaw naman nitong si Johanne, halata ang frustration sa kanyang boses..
"Oh ano ka ngayon ha?!" pang-aasar naman ni Aurora sa kanya.
"PYU PYU!" pag-imik naman no'ng manika ni Charm na lumipat pala kanina sa balikat ni Aurora.
Ngunit hindi rin nagtagal ang kasiyahan naming iyon nang makita naming biglang mawalan ng malay si Charm. Agad na akong tumayo at kinarga siya sa'king mga bisig.
"Guys, nanghihina si Charm! We have to do something!" sigaw ko sa'king mga kasamahan. Napatingin din sila sa babaeng hawak-hawak ko ngayon.
"Nasa kritikal na kondisyon siya ngayon. Maaaring masyadong maraming magic power ang nawala sa kanya na kinuha ng nakakabit na black crystal sa kanyang singsing kanina. Kaya kailangan natin siyang maidala sa templo ni Deity Apollo ngayon din!" suhestyon ni Baal, subalit agad naman kaming hinarangan ng mga tauhan ni Johanne.
"At sa tingin niyo ba hahayaan ko kayong makalapit sa templo?!" banta niya.
"Talaga lang ha? Panuorin mo kaming maigi." nanghahamon na pahayag ni Aurora sa kanya.
Lumikha ito ng isang bangkang gawa sa yelo at isinakay kaming lahat rito. Nanggagalaiti namang tumingin sa'min ang taksil kong kaibigan sabay taas ng kanyang hintuturo sa may kinaroroonan namin.
"HULIHIN SILA!"
Sa utos niya ay sinugod na kami ng kanyang black knights ngunit hindi naman nagpatalo itong si Aurora. Ginawa niyang yelo ang aspaltong daraanan namin pagkatapos ay pinaandar na niya ang bangkang sakay namin gamit ang kanyang mahika. Sa bilis ng takbo nito ay tumitilapon ang lahat ng mga kawal na nakaharang sa'ming daraanan. At sa tulong naman ni Elena ay dinedelay niya ang mga nakabuntot sa'ming mga kawal sa pamamagitan ng pagkontrol sa kanyang mga itinanim na baging at hinuhuli ang bawat kawal sa mga sanga nito. Si Baal ang dumidikta ng direksyon kay Aurora habang si Lucas naman, na nasa tabi ko, ang tumitingin sa kalagayan ni Charm na nakahiga sa'king mga binti.
"Bumabagal ang paghinga ni Charm at humihina ang pagtibok ng puso niya. Sinubukan ko siyang pagalingin gamit ang aking mahika pero walang pagbabago sa kanyang kalagayan." malungkot nitong wika.
"Kaya dapat na natin siyang dalhin sa templo as soon as possible! Aurora, mas may ibibilis pa ba itong bangka mo?" natataranta ko nang pahayag.
"Oo na, oo na bibilisan ko lalo! Kaya kumapit kayo ng mabuti!" sabi niya tsaka mas binilisan ang pagpapatakbo ng bangka. Agad naman kaming napakapit dito na agad din naming nabitawan dahil sa kakaibang lamig na dulot nito.
Mga ilang oras pa ang nakalipas ay nakarating ay nakarating na rin kami sa templo. Naunang bumaba si Aurora tsaka iniangat ang pareho niyang kamay at tila may binanggit na spell.
"ICE WALL!"
Agad naman iyong lumikha ng isang makapal at mataas na pader na gawa sa malaking bloke ng yelo na siyang magse-separate sa'min at sa mga humahabol sa'ming mga kawal. Nanatili lang nakataas ang kanyang mga kamay nang nilingon niya kami.
"Pumunta na kayo sa loob ng templo, at bilisan niyo! Baka hindi rin ako masyadong makakatagal dito.
"Sasamahan kita." sabi naman ni Elena sa kanya.
Napatango naman kami nina Lucas. Binuhat ko nang muli si Charm sa'king mga bisig tsaka kami tumakbo patungo sa templo. Nang makalapit na kami sa temple grounds ay nagulat naman ako no'ng may parang invisible na barrier ang pumigil sa'kin sa pagpasok kaya napaatras ako ng kaunti samantalang sina Baal at Lucas naman ay matagumpay na nakapasok ng walang kahirap-hirap.
Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan na may barrier pala rito na nagpoprotekta sa buong templo mula sa mga mortal na pumipigil sa'min na makapasok sa loob.
"Ano'ng problema? Bakit ka tumigil?" nagtatakang tanong sa'kin ni Lucas na napatigil din at lumingon sa kinaroroonan ko. Napatigil din si Baal.
"Hindi ako makapasok sa loob. Kaya ikaw nang bahala kay Charm." sabi ko. Lumapit sa'kin si Lucas at ipinasa si Charm sa kanya.
"Makakaasa ka." saad niya nang hawak-hawak niya na ito sa kanyang mga bisig. At nagpatuloy na sila ni Baal sa pagtakbo patungo sa loob ng templo.
Nanatili lang akong nakatayo rito sa'king kinaroroonan habang pinagmamasdan silang unti-unti nang nawawala sa'king paningin at tahimik na nagdasal.
Sana hindi pa huli ang lahat...
-TO BE CONTINUED-
❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️
Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. 'Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.
Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top