Chapter 33: The Rescue Plan

Witch Hunt
Chapter 33- The Rescue Plan

Lucas' POV

Ikatlong araw na namin itong pananatili sa bahay ng lola ni Charm simula no'ng nagteleport kami rito sa tulong ni Elena.

Sa sandaling ito ay bahagyang magaling na ang sugat ni Aurora sa kanyang tagiliran kaya naman pwede nang tanggalin ang bendang nakabalot dito. Ang gagawin ko na lang ay pahihilumin na lang ito sa panghuling beses ng sa gano'n ay mawala na ng tuluyan ang kirot pati na rin ang naiwang peklat.

Pumikit ako at huminga ng malalim habang nakatutok ang magkabila kong palad sa sugatang bahagi ng katawan ni Aurora.

Kakatapos lang namin pala mag-agahan habang ang iba ay nasa hapag-kainan pa. Ang siraulong Lance na iyon ay kailangan pa namin piliting kumain araw-araw. Sabagay hindi ko rin siya masisisi. Lahat kami ay apektado sa pagkawala ni Charm. Pero kailangan naming magpalakas, 'yan ang parati kong sinasabi sa kanya, or else hindi namin maililigtas si Charm.

Ngunit hindi ko rin maiwasang mag-alala para sa kalagayan ng aming kaibigan. Kamusta na kaya siya ngayon? Sana naman nasa maayos siyang kalagayan.

"Lalim ng iniisip natin ah." pabirong sabi sa'kin ni Aurora. Kahit nakapakit man ay ramdam ko ang mga titig nito sa'kin. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kanyang hinihigaang kama katabi ko samantalang nakafocus pa rin ako sa pagpapagaling sa kanya.

"Ah eh... hindi ko lang din maiwasang maisip ang kalagayan ni Charm ngayon." wika ko. Narinig ko naman siyang napabuntung-hininga.

"Ako rin naman eh. Kaya nga ako nagmamadaling magpagaling para kompleto natin siyang maililigtas." determinado niya namang pahayag.

Matapos niyang sabihin iyon ay saktong natapos na rin ako sa'king ginagawa kaya napaangat na ang tingin ko sa kanya.

"Speaking of which... ayan, magaling ka na." masaya kong balita sa kanya.

Agad namang tumayo ang loko kahit wala pa akong sinasabing pwede na siyang tumayo at nagtatalun-talon pa. Nasapo ko na lang ang aking noo at napailing.

"Totoo nga! Magaling na ako! Wala na'kong nararamdamang sakit!" tuwang-tuwa niyang sabi habang napapasayaw pa sa sobrang kagalakan.

Kita ko namang bahagya itong tumakbo palapit sa akin na nakaextend ang dalawang braso, na parang balak yata akong yakapin. Hindi ko alam kung bakit pero hindi rin naman ako umalis mula sa'king pagkakaupo sa kama habang hinihintay siyang makalapit.

"Sobrang salamat talaga Lu---"

Medyo napalakas naman ang pagyakap niya sa'kin na sinamahan pa ng kaunting pagtalon kaya ang naging resulta no'n ay pareha kaming nahiga sa kanyang kama. Nanlaki naman ang mga mata namin pareho nang makitang nakapatong siya ngayon sa'kin  at agad naman akong nanigas ng magtama ang aming mga tingin.

*Dugdug... dugdug*

T-teka nga muna... bakit ako naaapektuhan sa babaeng ito? Kaibigan ko lang si Aurora.  Tama, tama. Kaibigan ko lang siya.

"Ahem... Papasok na ang BATA."

Nabalik kaming pareho sa wisyo ng bigla naming narinig magsalita si Elena habang naririnig namin ang mga yabag niya na papasok sa kwarto. Sinundan naman ito ng mabibigat na hakbang na halatang galing kay Lance. Dali-dali namang umalis si Aurora mula sa pagkakapatong sa'kin at maayos na umupo sa kama katabi ko.

"Pwede ba, 'wag kang tumatalon sa ibang tao ng basta-basta?! Nakakagulat ka naman eh!" paghihimutok ko nang nahimasmasan na ako.

"Sorry naman!" pasigaw na tugon sa'kin nang babaeng ito.

"Mabuti naman at tuluyan ka nang gumaling Aurora." nakangiting bati ni Lance. Nginitian din siya pabalik ni Aurora sabay pasalamat.

"Ngayong gumaling na si Aurora, kailangan na nating mag-isip ng susunod nating hakbang upang mailigtas natin ang itinakda." Lahat kami ay napatingin sa kakapasok pa lang na si Baal.

Natahimik ang lahat at nagsimula nang magseryoso habang mataimtim na nag-iisip ng plano. Makalipas ang limang minuto ay biglang nagtaas ng kamay itong si Lance kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.

"Naiisip kong dinala ni ama si Charm malamang sa dungeon, kung saan niya dinadala ang kanyang mga bihag. Nasa bandang basement siya ng palasyo, kaya naman may alam akong secret tunnel na siyang magiging shortcut natin upang makarating tayo sa dungeon ng mabilisan nang hindi dumadaan sa main entrance ng palasyo. " paliwanag ni Lance. Napapatango naman kami in agreement.

"So ganito ang maaari nating gawin, at mas mainam na sa gabi tayo pupunta roon."

...

Pagpatak ng alas otso, napagpasyahan na naming buong grupo na lumusob sa kuta ng kalaban. Pero hindi gaya ng nangyari dati, sisiguraduhin namin ngayong mas maingat na kami.

Gamit ang invisibility spell na usually nagtatagal ng tatlong oras, hindi kami nakita ng mga nagbabantay na mga kawal sa may gate. Since meron lang kaming limitadong oras para manatiling invisible sa mga pakalat-kalat na mga black knights sa paligid ng syudad ay minadali na naming magtungo sa pakay naming lugar. Matapos ang ilang minutong paglalakad ay narating na rin namin sa wakas ang likurang bahagi ng palasyo nang hindi namamataan ng mga kawal.

"Eto ba yung secret tunnel na tinutukoy mo? It's more like a drainage system to me." maarteng pahayag ni Aurora while rolling her eyes sabay turo sa mala-underground tunnel na may maliit na rehas na nakaharang sa lagusan. Dinig dito sa'min ang huni ng agos ng tubig

"What? Para sa'kin secret tunnel na 'yan. At ito lang ang pinakamabilis na ruta papuntang dungeon. I've tried it once." depensa naman ni Lance.

"PYU PYU!" rinig naming pag-imik ng manikang kuneho ni Charm na kasalukuyang nasa balikat ni Lance.

Bago pala kami umalis dati sa Ekhart Village ay iniwan ito ni Charm sa pangangalaga ng kanyang lola. At no'ng nakabalik kami roon, todo pilit nitong sumama sa'min. Kaya ayan, sinama na lang siya nitong si Lance. Pambihirang manika na ito.

"Tama 'yung manika. Dapat na tayong kumilos agad." pagsang-ayon naman ni Baal, na siyang tanging nakaintindi sa kung anumang sinabi no'ng manika.

Matapos ang maikling diskusyon na 'yun ay pinaatras kami ng kaunti ni Aurora, at walang imik naman kaming sumunod. No'ng masiguro na niyang nakadistansya na kami mula sa kanya ay nagcast na ito ng kanyang freezing spell at pinatama doon sa railings ng maliit na rehas na nakaharang sa lagusan ng drainage system na pawang gawa sa kinakalawang na bakal.

Nagulat naman kaming lahat sa biglang pagsipa niya sa harang no'ng tuluyan na itong mabalot ng yelo. Nakarinig pa kami ng malakas na tunog na maihahalintulad sa isang nabasag na salamin. Matapos niya itong sirain ay kita naming wala na ang harang sa'ming harapan.

"Wow... Nakakamangha 'yun Aurora. Pero duda lang ako kung hindi ba 'yun nakapukaw sa atensyon ng mga umaaligid na kawal?" pahayag ko habang nagpalinga-linga sa paligid at sinigurong walang kawal ang sumusugod sa'min ngayon.

"Nah, wala yan. Tara, pasok na dali!" tugon naman niya and just shrug.

Nauna na siyang pumasok habang nasa likod naman niya kami nakasunod. Sa gilid kami dumadaan kung saan ang tuyong bahagi ng tunnel na ito pero sunud-sunod ang daing ni Aurora dahil sa nakakasulasok na amoy sa lugar na ito at baka raw madumihan pa ang kanyang suot.

No'ng narating na rin namin sa wakas ang pinakadulong bahagi ng tunnel matapos ang ilang minutong lakaran ay may nakita kaming lagusan sa'ming kanan kaya niliko namin iyon at dire-diretsong naglakad. Salamat nga pala sa bigay ng lola ni Charm sa'min na isang maliit na lampara na bitbit ni Aurora ngayon, naaaninag namin ang aming daraanan sa tulong nito.

"Sa dulong bahagi ng lagusang ito ay matatagpuan na natin ang dungeon. Uhm, palit kaya tayo ng pwesto Aurora." pahayag ni Lance no'ng pareho na naming tanaw ang dulo ng lagusang tinatahak namin sa kasalukuyan.

Matapos nilang magpalit ng puwesto ay nasa unahan na namin ngayon si Lance na bitbit ang lampara sa kanyang kaliwang kamay. Unti-unti na kaming nagdahan-dahan sa'ming paglalakad ng papalapit na kami sa dulo.

"Clear." mahinang wika niya no'ng nauna siyang makarating sa dulo at nagmasid sa paligid.

"'Wag kang mag-alala hindi pa humuhupa ang epekto ng invisibility spell" saad naman ni Aurora sabay iling.

"Psh... Naniniguro lang."

Nakapasok na rin kami sa loob ng dungeon at ngayon ay abala na kami sa paghahanap sa selda na posibleng pinagdalhan kay Charm. Iniisip ko pa lang kung ano ang mga posible nilang ginawa rito ay kumukulo na agad ang aking dugo.

Subalit lumipas lang ang ilang minuto naming paghahanap sa kada selda ay hindi pa rin namin siya nahanap. Sinuyod na namin ang buong paligid, at makailang-ulit na naming tsinek ang bawat sulok pero wala pa rin. Sabay-sabay kaming napabuntung-hininga dahil sa pagkabigong mahanap siya.

"Looking for Charm?"

Saglit kaming natigilan no'ng pare-pareho naming narinig ang pamilyar na boses na iyon sa'ming likuran. Walang sabi-sabi naman akong napalingon agad, at tama nga ako. Bumungad lang naman sa'min ang pagmumukha ng traydor na si Johanne. Sa puntong ito siguro ay nawalan na ng bisa ang epekto ng invisibility spell kaya niya kami nakikita sa ngayon.

"Hayop ka, saan niyo dinala si Charm?!"

Agad na nag-init ang ulo ko pagkakita ko sa kanya kaya naman ay bigla ko itong sinugod na may nakaambang na kamao na handang nang basagin ang nakangisi pa nitong pagmumukha.

*WHOOOSSSHHH* - > [sound effect ng hangin]

Nagulat naman ako no'ng may naramdaman akong isang malakas na bugso ng hangin ang umihip sa'king direksyon dahilan para tumilapon ako pabalik sa mga kasamahan ko. Agad naman akong tinulungan ni Aurora na makatayo.

"Woah, ano 'yun? Kailan ka pa nagka-powers?!" gulat niyang sambit sabay tingin rito kay Johanne matapos akong tulungang makatayo.

Sigurado akong hindi siya iyon. Hindi kaya---

"Ahh, 'yun ba? Nope, hindi ako ang may gawa no'n kundi ang bago kong kaibigan." Nakasmirk niyang sabi habang nagagalak makita ang mga gulat naming pagmumukha nang makita namin kung sino ang nasa kanyang kanan.

Sa ilalim ng kaunting liwanag na dala ng mga nakalagay na torches sa paligid at ng bitbit din naming lampara, sa wakas.... nakita na rin namin ang kanina pa naming hinahanap.

"Ladies and gentlemen, ipinapakilala ko nga pala sa inyong lahat ang bago naming kakampi na itago na lang natin sa pangalang... " Ngumiti pa ito ng nakakaloko bago siya muling magsalita.

"Black Charm..."

-TO BE CONTINUED-

❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️

Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. 'Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.

Salamat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top