Chapter 3: Lance's Comrades

Witch Hunt
Chapter 3- Lance's Comrades

Charm's POV

Pagkalabas namin ni Lance sa Misty Cave ay saka niya lang binitawan ang kamay ko. Nakahinga na din ako ng maluwag pagkatapos no'n. Kanina pa kasi bumibilis ang tibok ng aking puso at hindi ako komportable do'n.

"Phew! Buti naman at ligtas tayong nakalabas do'n." nakangiti niyang sabi.

"Onga eh. Kaya dapat 'wag ka nang babalik sa loob. Delikado." pagbibigay babala ko ulit sa kanya.

Sa isang kisap-mata, 'yong kanyang ngiti kanina ay biglang napalitan ng isang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha... at kalungkutan ang bumalot sa mga nangungusap niyang mga mata.

"Hindi pwede."

Rinig kong tugon niya ng pabulong. Napakunot naman ang aking noo.

"Huh? Bakit naman?" nagtataka kong tanong. Ano ba kasi ang ginagawa niya sa loob at willing siyang  ipahamak ang kanyang buhay?

Ilang segundong katahimikan din ang namagitan sa'ming dalawa bago siya magpasyang sagutin ang tanong ko.

"Malubha na kasi ang sakit ng aking ina." panimula nya. Tahimik ko
naman siyang pinakinggan.

"Ilang buwan na siyang walang malay. Ilang doktor na din ang tumingin sa kanya pero wala ni isa sa kanila ang kayang magpagaling sa kanyang sakit. Hindi din nila matukoy kung ano'ng malubhang sakit ang dumapo sa kanya at bakit bigla syang nagkagano'n."

Then napatingin siya sa ilalim habang patuloy sa pagkukwento...

" Tapos... isang araw, may isang kilalang manggagamot ang tumingin sa kalagayan ng aking ina. Isa din siyang sumubok na pagalingin siya, pero gaya nga din ng iba....nabigo din siyang gawin ito."

"Pero may sinabi siya sa'kin tungkol sa isang mahiwagang bato daw na matatagpuan sa kailaliman ng Misty Cave. Ito ay pinaniniwalaang kayang magpagaling ng kahit anumang sakit, kahit na buhayin ang patay ay kaya nitong gawin. Matapos kong marinig ito mula sa kanya ay agad ko ring ginawa ko ang aking pagsasaliksik tungkol sa mahiwagang bato na ito. Kinalauna'y nalaman kong ang tawag pala sa nabanggit niyang bato ay "The Stone of Life." o ang Soul Stone. "

"Kaya naman kahit na alam kong delikado, pumunta pa rin ako rito alang-alang sa'king ina. At habang hindi ko nahahanap ang batong iyon, hindi rin ako titigil sa pagpunta rito."

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntung-hininga sa kanyang huli  sinabi. Napadukot naman ako sa loob ng aking sling bag.

"Eto ba 'yong tinutukoy mo? " sabi ko sabay pakita sa kanya ng supot na may lamang Soul Stone. Agad namang nagkinang ang kanyang mga mata ng makita kung ano ang hawak ko.

"Oo yan nga! Teka... pa'no mo ba nakuha 'yan?" nagtataka naman niyang tanong sa akin.

"Hmmm. Basta. Nilabanan ko 'yong mga tulisan kanina gamit ang dala mong espada." nasabi ko na lang. Hindi niya dapat malaman na isa ako sa mga kinatatakutan nilang witch.

"Wow! Ang galing mo pala sa pakikipag-dwelo?" Napapalakpak pa siya habang sinasabi iyon.

"Hehe, hindi naman gaano. " palusot ko na lang.

'Wag na sana siyang mangulit pakiusap, hindi ko na alam kung ano pang palusot ang sasabihin ko para mapaniwala siya.

Ang ginawa ko na lang... kinuha ko ang kanyang kanang kamay at inilagay sa kanyang kanang palad ang naturang supot.

"Eto. Sa'yo na 'yan. Mas kakailanganin mo 'yan kesa sa'kin." sabi ko.

Oh well... saka na lang ulit ako mag-iisip ng paraan kung papa'no ako makakagawa ng isang nagsasalitang manika.

Pagkatanggap niya no'n ay bigla niya akong hinila palapit sa kanya at kasunod no' n ay agad niyang pinulupot ang kanyang braso sa akin at mahigpit akong niyakap.

"Maraming salamat talaga Charm!!! Utang ko sa'yo ang buhay ng aking ina." taos-puso niyang pasasalamat sa'kin habang nakayakap pa din.

*Dugdug... Dugdug*

Ayan na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko! Hindi ko talaga malaman kung ano ang tawag sa pakiramdam na'to...

" W-walang anuman... " pabulong kong tugon.

.
.
.
.

"LANCE!? ANO'NG IBIG SABIHIN NITO?"

Agad namang napabitaw si Lance mula sa pagkakayakap niya sa'kin nang may marinig kaming isang matinis na boses ng isang babae sa'ming likuran.

No'ng pareho kaming napalingon, bumungad agad sa'min ang isang 'di katangkarang babae na may hanggang bewang na kulay rosas ding  buhok na ngayo'y nakacross ang kanyang dalawang kamay habang nakatingin ng matalim sa'ming kinaroroonan, lalung-lalo na sa akin. Sa likuran naman niya ay isa ding binatang may kulay abong buhok at isang naka-armor na kawal na sobrang tangkad at may kalakihan ng konti ang pangangatawan.

"Kumalma ka nga Velma! Maka-asta ka diyan akala mo naman girlfriend ka ni Lance eh."

Sa wakas narinig ko ding magsalita 'yong binatang may kulay abong buhok. Natawa naman itong si Lance sa tinuran ng naturang binata.

"Kanina ka pa namin hinahanap sir." sabi naman no'ng naka-armor sa isang malalim at baritonong boses. Nagtaka naman ako sa pagtawag niya ng "sir" kay Lance.

"So kaya ka pala palihim na pumupunta rito dahil gusto mo lang pala makipagkita sa iyong secret girlfriend. Naku iba ka din bro!" panunukso naman nung kasama ni Lance na binata.

"Siraulo! Iba ka din mag isip bro, sobrang layo." sarkastiko namang sabi nitong kasama ko, at narinig ko namang tumawa 'yong kausap nya.

"Guys... Siya si Charm, kaibigan ko at siya 'yong tumulong sa'kin na makita ito." pakilala niya sa'kin saka niya nilabas ang Soul Stone mula sa supot. Nagkinang ang kulay emerald na bato na nasa kanyang kanang kamay ng ito'y matamaan ng sinag ng araw.

Namangha naman ang mga kasama niya sa nakita.

"Congrats Lance! Nahanap mo din 'yang Soul Stone! " sabi no'ng babaeng tinawag na Velma kanina sabay yakap dito at kumalas din agad sa pagkakayakap.

"Masaya ako para sa'yo bro" Bati din nung kasama nilang lalaking may kulay abong buhok sabay tapik sa balikat ng kaibigan.

"Salamat guys." sabi niya. Saka siya biglang napatingin sa'kin.

"Charm, 'eto pala. 'yong mga siraulo kong kaibigan simula pagkabata na sina Velma at Johanne. Tapos,'eto naman 'yong ... let's say personal assistant kong si Alpha." pakilala niya din sa mga kaibigan niya sa'kin sabay turo isa-isa sa mga ito. Inirapan lang ako no'ng Velma while ngumiti naman sa'kin si Johanne.

"Nice to meet you Charm!" bati ni Johanne sa akin sabay lahad ng kanyang kamay sa harap ko. Ilang segundo ko muna itong tiningnan bago ako nakipagkamay sa kanya.

Naudlot naman ito ng biglang magsalita iyong tinawag ni Lance na Alpha.

"Kailangan na nating magmadaling bumalik ng palasyo sir. Maaaring kanina ka pa hinahanap ng iyong ama." pormal niyang pagkakasabi rito.

Palasyo? Isa bang importanteng tao sa lugar nila itong si Lance?

"Tsk. Bakit naman ako hahanapin no'n?" bigla namang nainis si Lance pagkabanggit sa kanyang ama pero bumalik din naman agad ang sigla niya nang humarap ulit siya sa'kin.

"Tutuloy na kami Charm. Maraming salamat talaga ulit sa tulong mo ha. Balang araw... masusuklian ko din ang iyong tulong." Bumalik ulit 'yong  sinsero kanyang ngiti sa kanyang mga labi matapos sabihin ang mga katagang iyon.

"Wag mo nang masyadong isipin 'yon... Masaya akong makatulong sa pagpapagaling ng iyong ina." sabi ko naman.

Ngumiti muna siya ulit sa'kin tapos kumaway ng saglit bago niya na ako tinalikuran at sumama na sa kanyang mga kagrupo. Kumaway din sa'kin 'yong kaibigan niyang si Johanne while inirapan lang ulit ako no'ng Velma. Hindi ko alam ano'ng problema no'n sakin sa totoo lang.

Napakaway din ako sa kanila bago sila tuluyang mawala sa paningin ko

...

'Di ko namalayan na nakangiti na pala akong naglalakad pabalik sa templo ni Deity Morrel.

"Masaya ka 'ata ngayon."

Ay anak ng tigre!

Halos mapatalon naman ako sa sobrang gulat ng may bigla akong marinig na magsalita pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Bumungad agad sa'kin si Baal, 'yong alam niyo na... nagsasalitang tigre na guardian animal ng templong ito.

"May tinulungan kasi ako Baal! At ang sarap pala sa pakiramdam na makatulong ka sa iba--" nasabi ko naman sa sobrang kagalakan ko nga. Pero matapos ko mapagtanto kung ano 'yong kakasabi ko pa lang, agad naman akong natigilan at mentally na nanlaki ang mga mata ko.

Hay naku hindi ka talaga nag-iingat kahit na kailan Charm eh! Lagot ako nito. Malalaman niyang tumulong ako sa mga mortal.

"Mortal ba 'yang tinulungan mo?'"

Ayan na nga, tinanong na niya! Hindi naman ako nakatanggi at dahan-dahan na lang na napatango.

"Gan'to kasi 'yon... Binigay ko 'yong Soul Stone sa isang mortal para pagalingin ang may sakit niyang ina---"

And again, napatigil na naman ako sa pagsasalita ng biglang kumunot 'yong nakakatakot na mukha nitong kausap ko. Okay, sobrang patay talaga ako dito mamaya.

"Alam mo bang isang may dugong deity lang ang kayang magpagana sa mahika na taglay ng Soul Stone?! Tapos binigay mo sa isang MORTAL?!" halos di-makapaniwala nyang tanong.

Deity ay ang tamang term na tawag sa'ming biniyayaan ng may mga kapangyarihan pero witch naman kung sa diksyunaryo pa ng mga mortal.

Napasinghap ako pagkarinig ko sa kanyang sinabi. Hala... hindi ko alam ang tungkol do'n! Wala naman akong ga'nong impormasyon sa libro ni Deity Morrel eh, or baka nakaligtaan ko lang basahin.

Paano na'to? Ibig bang sabihin nito ay....

"Kailangan mo siyang puntahan do'n sa lugar ng mga mortal para gumana ang Soul Stone." Parang nababasa na din ni Baal kung ano ang nasa isip ko kasi siya na din ang mismong nagkumpirma nito.

Baka may mind-reading powers nga talaga siya ng hindi ko alam? Pasensya kana Baal ha madalas kitang pag-isipan ng kung anu-ano!

Pero seryoso, kailangan kong puntahan si Lance upang gumana 'yong binigay kong Soul Stone. Napalunok naman ako ng di oras sa naiisip. Kung totoo ngang importanteng tao siya sa syudad ng mga mortal... ibig sabihin lang niyan ay nakatira siya sa Vavelia City.

At ang syudad na iyon ay ang kilalang capital city ng bansang Derkarr...


Kung saan nagaganap ang kalakaran ng panghuhuli at pagbebenta sa mga kagaya naming witches...


-TO BE CONTINUED-

❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️

Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.

Salamat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top