Chapter 29: Black Army
Witch Hunt
Chapter 29- Black Army
Charm's POV
Dumating na nga ang kinatatakutan naming lahat...
Mabilis lang na lumipas ang limang oras pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik sina Lance at Johanne simula no'ng umalis sila kanina. Hindi na ako masyadong mapakali rito sa'king kinauupuan sa lilim ng isang acacia tree kaya napatayo ako ng 'di oras. Gulat namang napatingin sa'kin ang mga kasamahan ko.
"Hindi ko na kayang mag-antay na lang dito. Susugod na'ko sa loob at hahanapin silang dalawa." pahayag ko kasabay ng pagtalikod ko sa kanilang lahat.
Bago pa man ako makahakbang palayo ay naramdaman ko naman ang isang pares ng mga kamay na humawak sa nakaawang kong kaliwang kamay dahilan para mapahinto ako sa paghakbang. Pagkalingon ko, nakita kong si Lucas pala ang may gawa nito...
"Sandali lang muna. Huwag kang padalus-dalos Charm." pagkontra niya.
"Paano kung planado ang lahat ng ito? Paano kung kakuntsaba talaga nila ang hari at pumayag silang maging pain para mahuli ka? Hindi mo ba naiisip ang posibilidad na iyon?!" dagdag niya pa.
Agad ko siyang tiningnan na may halong galit sa aking mga mata.
"Hinding-hindi nila iyon magagawa sa'kin... lalung-lalo na si Lance!" mariin kong depensa sa dalawang mortal na tinuring ko na ring mga malalapit kong kaibigan.
Sinubukan namang inawat ni Aurora ang ngayo'y nagngangalit ding si Lucas pero hindi siya pinansin ng naturang binata bagkus ay nagpatuloy lang ito sa pagsasalita.
"Hindi mo ba naiisip na simula't-sapul pa lang kahina-hinala na ang biglaan nilang pagpapakita sa inyo sa syudad ng Belmont? Hindi mo ba naitanong kung paano ka nila natunton?!" buwelta niya.
Napayuko ako sa'king narinig... Aaminin kong nagtaka ako ng konti sa parteng yan. Pero kahit na...
"Dahil sa'yo bumalik ulit ang tiwala ko sa mga mortal..."
"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang gumawa ng isang panibagong mundo... na kung saan hindi mo na kailangang magtago kahit na kailan."
Naalala kong nangako sa'kin si Lance na tutulungan niya akong baguhin ang mundong ito. At kahit na anumang mangyari, gusto kong panghawakan ang pangako niyang iyon.
"Kung ako ang inyong tatanungin, isa lang ang konklusyon na mahihinuha ko mula rito, na maaring pareho silang espiya mula sa gobyerno---"
Naputol ang pagsasalita ni Lucas ng biglang dumapo ng napakalakas ang kanang palad ko sa kanyang kaliwang pisngi. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa kong ito habang 'di makapaniwalang nakatingin sa'kin...
Napasinghap naman itong si Aurora sa kanyang nasaksihan habang sila Elena at Baal naman ay tahimik lang sa kanilang mga kinaroroonan.
"Nakakatiyak akong hindi gano'n sina Lance! Alam kong mapagkaka-tiwalaan sila! Kaya wala kang karapatang pagsalitaan sila ng ganyan!" pasigaw kong pahayag tas muli silang tinalikuran.
"Buo na ang desisyon kong hanapin sila sa loob ng palasyo kahit anumang mangyari, sumama man kayo sa'kin o hindi." dagdag ko pa.
Since abot-tanaw na lang din naman ang gate ng Vavelia City mula rito sa'ming kinaroroonan ay minabuti ko nang maunang maglakad. Diretso lang ang tingin ko sa malawak na gate sa may 'di kalayuan habang padabog na naglalakad. Naramdaman ko namang sumunod na rin sila sa may likuran ko dahil sa yabag ng mga kabayo ni Lucas na lulan siguro si Aurora at ng kasama naming tigre na si Baal na sakay-sakay naman si Elena sa kanyang likuran.
No'ng makita ng dalawang kawal na nagbabantay sa main entrance ang presensya naming lahat ay napabunot ang mga ito sa kani-kanilang mga espada na nakasukbit sa kanilang mga tagiliran sabay sigaw ng "INTRUDERS!"
Ngunit bago pa man nila tuluyang makuha ang kanilang mga espada ay marahan kong itinaas ang pareho kong kamay dahilan para tumilapon ang dalawang kawal na ito sa magkabilang direksyon
"Aaahh!" impit nilang sigaw nang pareho silang tumalsik at lumapag sa lupa.
"C-Charm..." tila nag-aalalang tawag naman sa'kin ni Aurora mula sa'king likuran pero hindi ko ito pinansin.
Sunod ko namang inilabas ang aking wand at sa tulong nito ay nakapagcast ako ng isang napakalakas na level 2 wind spell at itinutok ito sa kaharap naming napakalawak na gate.
"AEROBLAST!"
Pagkatama ng naturang spell ay agad itong lumikha ng isang matinding pagsabog dahilan naman para magkaroon ng isang napakalaking butas sa nasabing gate. Hindi ko na inalintana ang usok na nanggagaling dito at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang sa tuluyan na akong makapasok sa syudad. Sumunod naman ang mga kasamahan ko.
"Hanggang diyan ka na lang..."
Napatingin naman ako rito sa isang matangkad na kawal na may bruskong pangangatawan na nasa harapan ko ngayon. Ang boses na ito.... Kung hindi ako nagkakamali, siya ang pinakilalang personal assistant sa'kin ni Lance no'ng panahong nasa Misty Cave pa kami. Sa likuran niya ay daan-daan pang mga kawal na pawang mga naka-complete armor na gawa sa pure metal.
"'Di ba kasamahan ka ni Lance? Ano'ng ginagawa mo at bakit ka kumakampi sa kabilang kamp, kung saan kailangang-kailangan niya rin ng tulong mo sa mga oras na ito?! Hindi ka naging tapat sa iyong tungkulin bilang isang personal assistant niya!" nanggagalaiti kong pahayag.
Namataan ko sa sentro kung saan parehong nakatayo ang magkabilang partido sa magkabila ring direksyon ang isang engrandeng fountain na gawa yata sa marmol- na ngayon ko lang din napansin sa muling pagbabalik ko dito sa syudad.. Nakaisip tuloy ako ng ideya.
Ginamit ko ang lahat ng tubig na meron ito at bumuo ng isang malaki at malakas na water whip. Sa isang malakas na hampas ko gamit ito ay sabay-sabay na nagsitalsikan at napahiga sa lupa ang kaninang mga nakatayo na mga kawal sa harapan namin. Matapos no'n ay agad ko namang ibinalik ang lahat ng tubig na nagamit ko sa nasabing fountain.
Habang abala ako sa pagbabalik ay pansin kong babangon pa sana ang mga ito pero agad silang ginamitan ng freezing spell ni Aurora kaya napalingon ako sa kanyang direksyon.
"Andito lang kami sa likod mo at handang tumulong sa'yo." pahayag nito sabay ngiti kaya napangiti na rin ako sa kanilang lahat ng bahagya.
Napatingin naman ako kay Lucas at binigyan siya ng isang sinserong tingin na nanghihingi ng paumanhin sa anumang nagawa ko kanina.
"Andito ang iyong hinahanap, witch!"
Ang boses na iyon!
Nagmadali naman akong napalingon at halos manlaki ang aking mga mata na makita ulit ng harapan ang hari na kasalukuyang nakangisi sa'kin. Unti-unti itong naglalakad palapit sa kinaroroonan ng mga nagsibagsakan niyang mga kawal at napahinto ng marating niya iyon.
Kapansin pansin sa kanan nito ang isang matipunong kawal. Pero hindi gaya sa mga naunang kawal na nakaengkwentro ko kanina... agaw-pansin ang suot nitong kulay itim na helmet at armo, na siya namang may hawak sa nakagapos at nakapiring na si Lance. Dahil sa takip sa bibig nito ay tanging mga impit na sigaw niya lamang ang maririnig namin mula sa kanya habang nagpupumiglas siyang makawala mula sa kanyang pagkakagapos.
"Ano'ng ginawa mo sa kanila ni Johanne! Pakawalan mo na sila ngayon din!" nanggagalaiti kong sabi. Nagpalabas ako ng isang napakalakas na apoy mula sa'king kanang palad at handa itong ipatama sa hari anumang oras ko gugustuhin.
"Kung ako sa'yo ay hindi ko 'yan gagawin, or else mapapahamak ang kaibigan mo." nakasmirk niyang pagbabanta.
Natigilan ako ng itinutok ng katabi niyang kawal ang dulo ng espada nito sa leeg ni Lance. Agad naman ito nagdulot ng maliit na sugat at lumabas mula rito ang kaunting dugo.
Hindi ko aakalaing ipapahamak niya ang buhay ng sarili niyang anak!
No'ng mapagtanto kong seryoso nga siya sa kanyang banta ay agad ko ring pinatay ang nagngangalit na apoy sa'king kanang kamay kasabay ng paglaho ng hawak-hawak kong wand.
"Sige, ganyan nga... Sumunod ka na parang isang tuta!" tila natutuwa pang sabi ng hari. Sa kanyang utos ay agad din namang ibinaba ng katabi niyang kawal ang kanyang espada.
Ang mga sumunod na nangyari ay 'di namin inaasahan at lalong nagpahirap sa sitwasyong kinasasadlakan namin.
"Mga kawal, magsipasok na kayo!" pasigaw na utos ng hari.
Sa isang utos niya ay agad na nagsipasok ang daan-daan pa niyang mga kawal na siyang pumalibot sa'kin at sa mga kasamahan ko. Kagaya ng katabing kawal ng hari, pawang kulay itim din ang kasuotan ng bawat isa sa kanila.
Agad akong natigilan no'ng mapagtanto ko kung ano ang nakahalo sa kanilang mga kasuotan.
"Nagustuhan mo ba ang bagong kasuotan ng aking mga kawal? Ito ay mga bagong armor na gawa sa pinaghalong bakal at extract mula sa tinunaw na black crystal na kinuha naman mula sa minahan na pinasara mo kamakailan lang. "
"Dahil dito ay magkaroon sila ng kakaibang lakas na kayang sanggain ang anumang atake mula sa mga gaya niyong witch, 'di katulad sa mga ordinaryo at pipitsuging mga kawal ko dati." paliwanag niya kasabay ng pagkurba ng kanyang mga labi.
Lahat kami ng mga kasamahan ko ay nagulantang naman sa pahayag niyang ito. 'Di nagtagal ay muling nagsalita ang hari.
"Ipinapakilala ko sa inyong lahat... ang aking Black Army!" buong pagmamalaki niyang sabi.
Hindi....
Hindi maaari ito!
-TO BE CONTINUED-
❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️
Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. 'Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.
Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top