Chapter 27: Playing A Prank

Witch Hunt
Chapter 27- Playing a Prank

Charm's POV

Matapos naming masuri ang kabuuan nang nasa loob ng underground tunnel na iyon ay nagtago muna kaming lahat sa isang banda kung saan malayo sa mga abalang kawal at bago pa man mawalan ng bisa ang aming invisibility spell.

Dito kami magpaplano sa kung anumang hakbang ang aming gagawin para mapalabas muna ang mga tao sa loob bago ko tuluyang ipasara ang minahan ng pang-habangbuhay.

"Ah! Alam ko na!"

Ilang minuto ring katahimikan ang lumipas bago umimik itong si Aurora sabay taas pa ng kanyang kanang kamay. Lahat kami ay agad namang napatingin sa kanya at hinintay ang karugtong niyang sasabihin.

"Magcast tayo ng isang illusion spell at palabasin nating may mga multo sa loob ng tunnel nang sa gano'n ay sila na mismo ang kusang aalis! I'm sure kahit ang mga kagaya nila eh takot din sa mga multo, nyahaha! " paliwanag niya.

"Baka ang ibig mong sabihin ay ikaw lang itong matatakutin dito sa mga multo!" kantyaw naman nitong si Lucas.

"Hoy excuse me, hindi kaya ako matatakutin!" sagot naman ni Aurora na parang may balak pa yatang kalmutin ang kausap niya.

Kailan pa sila nagsimulang maging aso't pusa? Pfftt...

Since wala nang nagmungkahi sa mga kasamahan namin ng iba pang  gagawin ay sinunod na lang namin ang suhestyon ni Aurora. Kinuha ko 'yong foldable kong spellbook mula sa'king sling bag at hinanap ang illusion spell. Ngayon ko lang ito gagamitin sa totoo lang kaya sana naman ay hindi pumalpak mamaya.

Matapos na naming pag-aralan ni Aurora ang naturang spell ay bumalik ulit kami sa loob ng tunnel na naka-invisible mode na ulit habang ang iba naman ay naiwan sa pinagtaguan namin kanina. Pagkapasok namin sa loob ay wala na kaming inaksayang oras at sinimulan na namin ang ritual para sa paggawa ng isang ilusyon, o 'prank' kung tawagin pa ni Lance.

Pumikit ako ng mataimtim at nag-isip ng mga kahindik-hindik na bagay. Since hindi pa naman ako actually nakakakita ng multo sa totoong buhay ay gagawin ko pa rin ang aking makakaya na mabuo ang itsura nito sa'king isipan.

"AAAHHHH! M-MULTO?!" rinig ko namang sigaw ng isang manggagawa rito.

"Mga kaluluwa ba 'yan ng mga taong nasawi dati dahil sa pagkakalibing ng buhay dito sa kaparehang tunnel?!" nanginginig namang sabi ng kasama niya.

"Takbo naaaaaaa.. Paparating sila rito sa'ting direksyon!" takot na takot namang pahayag ng isa pang trabahante.

Makalipas lang ang ilang segundo ay narinig na namin ang mga yabag ng mga nagkukumahog na mga trabahante na nagsisilabasan na rito sa underground tunnel.

"Ano sa tingin niyo ang inyong ginagawa ha? Magsibalik ulit kayo sa inyong mga trabaho!" nanggagalaiti namang pahayag nang mga kawal na nasa labas.

"Boss, ayaw na namin bumalik sa loob. May mga ano kasi--" tila nanginginig na sabi no'ng kaparehong trabahante na huling nagsalita kanina.

"Ano? May mga ano?!" galit na pahayag no'ng kawal.

"M-may mga m-multo!" bulyaw naman no'ng isa.

Para lalo silang sindakin sa takot ay nakaisip ng panibagong kalokohan itong kasama ko. Naisipan niyang magbuga ng isang sagad sa buto sa lamig na hangin sa kalagitnaan ng mainit na panahon sa kasalukuyan.

"N-n-naramdaman niyo rin ba 'yon?!" sabi pa rin no'ng kaparehong trabahante na nanginginig pa lalo ang boses dahil sa takot.

"Puro kayo kalokohan! Walang multo sa loob!" sigaw no'ng kawal. Narinig ko naman ang mga yabag niyang papasok sa naturang tunnel.

Bago pa man siya tuluyang pumasok ay bigla namang nagsalita itong si Aurora na pilit na kinakapalan ang kanyang boses.

"Kung sinuman ang mangangahas na bumalik ulit sa loob ay papatawan ko agad ng kamatayan!" pagbabanta niya. 'Yun na ang cue ko para payanigin ng konti ang lupa.

Tila nasindak naman ang naturang kawal dahilan para tumakbo ito ulit papunta sa kanyang mga kasamahan sabay sigaw ng" RETREAT! RETREAT! "

Sa tingin ko ay nagtagumpay naman kami nitong kasama kong deity sa operasyon naming takutin ang mga mortal na ito.

...

-Quick change of POV-

Lance's POV

Tulala lang kaming lahat na andiditong nanunood kina Charm at Aurora sa may 'di kalayuan habang tinatakot nila ang mga trabahante at mga kawal ng Vavelia City. Sino'ng mag-aakalang ang mga bruskong kawal na ito ay magpapadala sa prank no'ng dalawa?

Take note, may napasigaw pa nang 'MOMMY!' habang papalabas ito ng tunnel.

"Wow... Basta talaga kalokohan ay napakagaling talaga ni Aurora noh?" natatawa namang sabi ni Lucas.

"Sinabi mo pa." napapailing na lang na pagsang-ayon ng alagang tigre ni Charm.

Saglit namang nabaling ang tingin ko dito kay Lucas, at nag-iisip kung siya ba ang dahilan kung bakit ako nireject ni Charm.

Hay naku... buhay nga naman ng nafriend-zoned oh.

...

Back to Charm's POV

"Charm! Dadalhin nila 'yong mga wagons na naglalaman ng mga black crystals!" nababahalang sabi ni Aurora.

Agad naman akong napamulat ng mga mata at napatingin sa direksyon ng mga nagsisi-takasang mga kawal na may balak pang bitbitin pabalik kasama nila ang mga nakolekta nilang crystals.

Dali-dali naman akong nagtungo sa kinaroroonan ng mga wagons at agad na nagbanggit ng spell.

"AIR SLASH!"

Hinati ko sa dalawa ang mga lalagyanan ng black crystals dahilan para magsibagsakan ang mga ito sa lupa. Dahil dito ay bigla namang nagwala ang mga elepanteng may karga sa mga ito at nagsitakbuhan palayo rito. Sa takot naman ng mga kawal na madaganan na nasa paanan ng mga naturang elepante ay nagsitakbuhan na rin sila papalayo para mailigtas ang kanilang mga sarili.

No'ng tuluyan na silang lahat na makalayo mula rito ay bigla namang humagalpak ng tawa itong kasama kong deity.

"AHAHAHAHA! Sino'ng mag-aakalang gagana ang plano ko?" natatawa niya pa ring sabi.

"Oo nga eh. Pero salamat sa napaka-ganda mong ideya." sabi ko naman rito sa kanya.

Sa mga oras na ito ay nalipat naman ang tingin ko rito sa mga nagkalat na crystals sa lupa. Sa tulong ng elemento ng hangin na ipinagkaloob sa akin ay nagawa kong palutangin ang sangkaterbang black crystals patungo sa loob ng tunnel.

"Aurora, maaaring umatras ka muna ng saglit. Gagamit kasi ako ng mataas na lebel ng fire spell." pagbibigay babala ko sa'king kasama. Walang pag-aalinlangan naman niya akong sinunod at agad na humakbang paatras.

Nang makalayo na siya ng konti ay saka na'ko nagbanggit ng isang level 5 na fire spell.

"INFERNO!"

Sumiklab ang isang napakalakas na apoy sa loob na mabilis namang kumalat sa loob at agad na tinupok ang lahat ng mga bagay na naroroon sa tunnel.

Hindi lang iyon. Para tuluyan nang hindi makapasok ang kahit sinumang nilalang ay ginamit ko na ang halos lahat ng aking pwersa para mapabagsak ang mga naglalakihang tipak ng bato sa loob ng tunnel para takpan ang entrance nito. Maririnig mula rito ang malalakas na dagundong at pagyanig ng lupa habang nagsisibagsakan ang mga ito.

Panghuli ko namang ginawa ay nilagyan ko ng isang makapangyarihang seal ang buong paligid ng tunnel, at siniguro kong walang kahit sinuman ang makakabukas nito maliban lang sa'kin.

Matapos ang lahat ng iyon ay pilit ko pa ring hinahabol ang aking paghinga. Pero masaya ako na sa wakas ay tuluyan na ding nagsara ang naturang minahan ng black crystals...

Pang-habangbuhay...

"Binabati ko kayo sa inyong tagumpay na ipasara ang minahan..."

Napalingon naman kami ni Aurora at nakitang nasa likuran na pala namin ang iba pa naming mga kasamang sina Baal, Lance, Lucas at Johanne na siyang may hawak pala ngayon kay Failur.

"Ohohoho~ 'di ba ang galing ng naisip kong plano?" tatawa-tawa pang sabi nitong kasama kong deity.

"Oo basta sa kalokohan, magaling ka talaga." Napapailing na lang na sabi nitong si Lucas.

"Grabe ka sa'kin ha! Charm oh, away niya ako oh." Isip-batang sumbong ng katabi ko sabay turo pa kay Lucas.

Napailing na lang din ako at agad na humakbang para lalong mapalapit sa kanila, pero laking gulat ko naman no'ng bigla akong nahilo at saglit na nagdilim ang aking paningin... dahilan para kamuntikan na akong bumagsak sa lupa. Buti na lang at agad akong nasalo ni Aurora na siyang pinaka-malapit sa'kin.

Agad namang nabahala ang lahat sa nasaksihan kani-kanina lang...

"Charm! Ayos ka lang?!" nagpapanic na tanong no'ng sumalo sa'kin.

"A-ayos lang ako. Masyado lang akong madaming nagamit na enerhiya kanina." mahinang bigkas ko.

Agad namang lumapit sa'kin si Lucas at ginamitan niya ako nang kanyang healing powers.

"Susubukan kong ibalik agad ang iyong enerhiya. Sa ngayon, iminumungkahi kong magpahinga ka muna saglit bago ulit tayo bumyahe patungong Vavelia City para agad mo ring mabawi ang iyong lakas." wika niya.

Wala namang umalma at lahat ay sumang-ayon sa suhestyon ng binata.

...

Third Person's POV

"MGA INUTIL!  Ano'ng multong pinagsasabi niyo diyan ha?! "

Napalakas na naman ang paghampas ng hari sa kanyang kanang kamay sa ibabaw ng mesa, dahilan upang magsitalon naman sa gulat ang mga kaharap niyang kawal na kakagaling lang mula roon sa underground tunnel.

Nanginginig nilang ikinuwento ang mga nangyari kanina sa nasabing lugar- 'di mawari kung dapat ba silang matakot sa multo o mas matakot sa kakaharaping galit ng mahal na hari.

"N-nakita namin mismo ng aming dalawang mata ang lahat ng kaganapan sa tunnel." paliwanag naman ng isang kawal, 'yung nagngahas pumasok kanina sa loob ng nabanggit na tunnel.

"Hindi ba kayo nag-iisip?! Maaaring kagagawan ito ng mga kalaban nating witches! Mga walang utak!" nanggagalaiting sigaw ng hari sa kanilang lahat. Pero nanatili pa ring nakayuko ang kanilang mga ulo, at nakatikom ang kanilang mga bibig.

"Makakaalis na kayo, mga wala talaga kayong silbi!" sigaw ulit ng hari. Agad namang nagmadaling umalis ang mga napagalitang mga kawal.

"Paano na 'yan kamahalan? Pinasara na ang tanging pinagkukunan natin ng black crystals." nag-aalala namang sabi ng isa sa mga counselors nito. Napa-' tsk' naman ang hari.

"Well... ayos lang 'yon counselor Jao. Nakakuha naman na tayo ng sapat na supply ng crystals bago pa man iyon pinasara dahil sa kapabayaan ng mga inutil nating mga kawal. Totoo ngang mga hangal ang mga witches na iyon..." buong pagmamalaki naman nitong pahayag.

Saglit na napa-smirk ang hari bago ulit ito magsalita.

"Kung sa tingin nila ay nanalo na sila laban sa'kin?"

"Pwes, diyan yata sila nagkakamali."

-TO BE CONTINUED-

❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️

Next update:

Series of misfortunes will soon arise. Abangan ang next updates next week ❤️

Don't forget to vote.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top