Chapter 26: Black Crystal Mining
Witch Hunt
Chapter 26- Black Crystal Mining
Charm's POV
Kinabukasan...
As usual nagising na naman ako sa huni ng mga manok na nasa bakuran nina lola. Nakakalungkot mang isipin pero ito na ang panghuling araw namin dito at maya-maya lang ay kailangan na naming umalis sa village na ito para simulan na ulit ang paglalakbay patungong Vavelia City.
"M-Magandang umaga"
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang pagkalabas ko ng aming kwarto ay si Lance agad ang nakasalubong ko.
"M-magandang umaga rin sa'yo." nakayuko namang sabi ko para maitago ang pamumula ng mukha ko.
Hindi ko maiwasang maalala na naman ang lahat ng nangyari sa sayawan kagabi...
...
-FLASHBACK-
"Gusto kita..."
Naalala kong sinabi niya ng biglaan. Agad na bumilis at lumakas ang pintig ng puso ko pagkarinig ko ng mga katagang iyon mula sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko sa mga oras na iyon.
"Parati mong iingatan ang iyong sarili, lalung-lalo na mula sa kamay ng mga mortal..."
"Mahigpit na ipinagbabawal ang kahit na anumang ugnayan sa pagitan ng mga deities at ng mga mortal..."
Lahat ng nadarama ko ay biglang naglaho sa pagkaka-alala kong muli sa mga sinabi ni Deity Morrel noon sa templo, at ang pahayag ni Baal noong nasa Belmont City pa lang kami.
Kamuntikan ko pang makalimutan kung gaano kalayo at magkaiba ang mundong aming ginagalawan ni Lance... Isa pa, may misyon pa akong mas dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa mga bagay na ito.
"P-pasensya na Lance, pero h-hindi kita gusto..."
Kahit sobrang bigat man sa loob sabihin ang mga katagang iyon ay kailangan ko pa ring gawin, upang maputol na ang kung anuman itong namumuong ugnayan sa pagitan namin ng binatang kaharap ko ngayon.
Batid kong natahimik si Lance sa mga sandaling iyon at tila natigilan saglit sa paggalaw. Pero kinalaunan ay agad din itong nakabawi ay muling bumalik sa pagsasayaw.
"I see... Ayos lang sa'kin 'yon. As long as mananatilj ang ating pagkakaibigan magiging kuntento na ako roon." Nakangiti niyang pahayag.
Nagulat naman ako sa sinabi niyang ito dahilan para mapaangat ang tingin ko sa kanya, at bahagyang napatango na lang ako rito sabay ngiti ng bahagya.
-END OF FLASHBACK-
...
Kung babalik ulit tayo ngayon ulit sa kasalakuyan, kahit na pumayag akong manatili na lang kaming ganito... nakakailang pa rin sa pakiramdam kada makikita ko siya simula sa araw na ito.
"Magandang umaga!"
Nalihis naman ang tingin ko rito sa may bandang kanan ko at nakita ang masigasig na si Lucas na saktong napadaan dito sa'ming kinaroroonan.
Isa rin ito eh!
Hays, pinaparusahan ba ako ngayon ng tadhana?!
...
Matapos ang masarap naming agahan ay agad na kaming naghanda para sa'ming paglalakbay. At habang abala naman ako rito sa paglalagay ng mga kakailanganin namin dito sa'king sling bag ay nilapitan naman ako nitong si Elena na may bitbit ding bag na kanyang suot-suot sa kanyang likuran.
"Ate Charm... kung maaari sana eh sasama rin ako sa inyong paglalakbay!" pambungad niyang sabi nang mapagawi ang atensyon ko sa kanya.
"Talaga? P-pero paano si lola?" gulat ko namang wika.
"'Wag kang mag-alala apo, pumayag na akong sumama 'yan sa inyo. Kaya ko pa naman ang aking sarili tsaka alam kong mas kakailanganin mo ang kanyang kakayahan sa inyong gagawing misyon. Malakas pa kaya ang lola mo!" sakto namang narinig ko si lola sa'ming likuran.
"Isa pa, matagal na niyang pangarap na maging isang manlalakbay. Kaya pagbigyan niyo na ang hiling ng batang ito." dagdag pa ni lola. Agad namang namula ang mukha ni Elena pagkabanggit nito ni lola sa amin.
"Kung ganoon, malugod ka naming tinatanggap sa aming grupo Elena! Masiyahan ka sana sa paglalakbay kasama kami." nakangiti namang sabi ko sa batang kaharap ko kaya napangiti na rin siya.
"Okay!" masigasig niya namang tugon.
No'ng dumating na ang oras para umalis kami, isa-isa na kaming nakasakay sa mga kabayo ng aming mga kasamang lalaki at nagpaalam na kay lola.
"Galingan mo apo ha. Ang buong Derkarr ay nakadepende ngayon sa'yo." sabi niya sa'kin.
"Opo. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya!" masigasig kong pahayag saka kumaway sa kanya bago na pinatakbo ng mga kasamahan namin ang kani-kanilang mga kabayo.
Gaya pa rin ng dati, sa kabayo pa rin ni Johanne ako nakasakay samantalang si Aurora naman ang kasama ni Lucas sa kanyang kabayo niya at si Elena naman ang kasama ni Lance sa kanyang kabayo.
"So may interes ka pala sa mga bata, Lance? Omg." Napili namang asarin ni Aurora si Lance para basagin ang katahimikan habang nasa byahe.
"Tumahimik ka. Tsk." inis namang tugon ng binata pero tinawanan lang siya ng siraulo kong kaibigan.
Saglit namang nagtagpo ang kulay kahel niyang mga mata sa kulay rosas kong mga mata no'ng napagawi ang tingin niya rito sa aking kinaroroonan at parehas din yata kaming natigilan. Subalit ako na rin ang unang umiwas ng tingin.
"AWWWWKWAAAAARRRDDD.." kantyaw naman ni Aurora sa'min.
"Hindi ka talaga tatahimik? Ihuhulog kita rito sa kabayo ko, sige ka!" asar na asar namang sabi ng kasama niyang si Lucas.
"Oo na, tatahimik na." sabi naman no'ng napagalitan sabay nagkunyaring nagsasara ng invisible zipper sa kanyang bibig.
Matapos tumahimik ni Aurora ay naging tahimik na rin ang aming paglalakbay. No'ng tuluyan na kaming nakaalis sa village, wala na akong nakikitang ibang bagay sa kapaligiran kung 'di mga puno lamang.
Ilan pang minuto ang lumipas ay bigla naman kaming nakaramdam ng kaunting pagyanig sa lupa at huni ng mga malalakas na yabag na parang galing sa isang dambuhalang nilalang.
"Tingnan niyo, banda do'n!" biglang sigaw ni Elena sa'min sabay turo sa kanyang kanan.
Sinundan namin ng tingin kung saan siya nakaturo, at nakita namin ang limang dambuhalang mga wagons na gawa sa kahoy na pinapatakbo naman ng naglalakihang mga elepante lulan ang mga naka-armor na kawal.
Sa paanan ng mga wagons na iyon ay mga 'di mabilang sa dami na mga kawal na nakasuot din ng complete armor mula ulo hanggang paa at nagmamartsa papunta sa kung saan.
"Sigurado akong mga kawal sila ng Vavelia City. Pero... hindi ko alam kung ano'ng gagawin nila sa mga naglalakihang wagons na 'yan." pahayag naman ni Lance.
"Tara, sundan natin?" suhestyon ni Aurora.
"'Di ba nagmamadali kayong pumunta sa syudad ng Vavelia?" patanong namang pahayag nitong si Johanne.
Napaisip tuloy ako kung susundan ba namin sila o didiretso nang Vavelia City. Pero kasi, iba ang kutob ko rito.
Pakiramdam kong may madidiskubre kaming importanteng bagay kapag sinundan namin sila.
"Tara. Sundan natin sila." Matapos ang ilang saglit na pag-iisip ay buo na rin ang desisyon kong sundin ang suhestyon ni Aurora na sundan sila.
Agad naman kaming nagcast ng invisibility spell sa lahat tsaka nagtungo sa direksyon kung nasaan ang mga kawal. Wala silang kaalam-alam na nakabuntot na pala kami sa kanila.
Ilang minuto pa ang lumipas ay may naririnig na kaming mga huni ng metal na mga bagay sa may 'di kalayuan, hanggang sa matagpuan na namin ang aming sarili sa bungad ng isang malawak na underground tunnel na parang gawa ng mga mortal na ito. Mula rito ay nakikita namin ang kawal na aming sinusundan na nagsisipasukan sa loob ng nasabing tunnel, at iniwan sa labas ang mga higanteng wagons.
Since naka-invisible pa rin kami ay minabuti na naming suriin kung anong nasa loob ng tunnel. Halos manlaki naman ang aking mga mata sa dami ng mga andiditong mortal na pawang mga nakasuot ng full protective gear mula ulo hanggang paa at may mga nakadikit na flashlights sa mga helmets na kanilang suot. Rinig na rinig din namin mula rito ang huni ng mga pinupukpok nilang parang kahugis ng isang martilyo.
Pero ang mas nakakuha talaga ng atensyon ko ay ang laman ng bawat wheelbarrows na binibitbit palabas ng mga kawal rito na siyang dinadala naman nila sa mga higanteng wagons na nasa labas. Para silang mga namuong crystals na kulay itim...
"Black crystals..." pabulong na sabi ni Baal habang nakatingin din sa kaparehong mga crystals.
"Huh?" Lahat kami ay nagtatakang napatingin sa tigre na ito.
"Ang batong ito ay pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihan na kung saan kung sinuman ang may hawak sa nasabing bato ay magkakaroon ng itim na kapangyarihan, mapa-deity man o mortal..." paliwanag niya sa'min.
Ahh...somehow nakuha ko na ang punto ng lahat ng ito. Ang lugar kung nasaan kami ngayon ay maaaring minahan ng nasabing black crystals.
"Subalit, kung sinuman ang may direktang kontak sa nasabing crystal ay mapapasa-ilalim sa itim na kapangyarihan, at maaaring mawala ang lahat ng kanyang mga alaala." dagdag paliwanag ni Baal dahilan para magulat kaming lahat.
Dati ko pa nabasa ang tungkol sa ganitong klase ng bato noong nasa silid-aklatan pa ako sa templo ni Deity Morrel. Pero hindi ko naman aakalaing makakakita ako ng gaya nito in person.
"Ah! Naalala ko na! 'Yan 'yung sinasabi ni ama dati na ginamit ng mga ninuno namin noong sumiklab ang madugong digmaan sa pagitan ng mga mortal at ng mga deities!"
Lahat kami ay biglang nabaling ang tingin dito kay Lance no'ng bigla ulit siyang magsalita habang napapalo pa ng kanyang nakakuyom na kanang kamao sa kaliwang palad nito.
"Ohh kaya pala sila nanalo dati kasi may dayaan palang naganap. Tsk!" asar namang wika ni Aurora.
"Charm.." tawag naman sa'kin ni Baal kaya napatingin ako agad dito.
"Kailangan niyong sirain at isara pang-habambuhay ang minahan na ito, sa lalong madaling panahon!" pahayag niya. Nagulat naman ako sa kanyang sinabi.
Napayuko ako saglit, tsaka tiningnan ang lahat ng mga trabahador sa loob ng minahang ito.
Paano ko naman magagawa ang bagay na iyon kung madami pang mga taong andidito?!
-TO BE CONTINUED-
❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️
Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. 'Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.
Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top