Chapter 25: Festival Highlights (Part 2)
Witch Hunt
Chapter 25- Festival Highlights (Part 2)
Charm's POV
Sinulit na naming apat ang pananatili namin dito sa plaza. Madami-dami na ring mga palaro ang aming nasubukan, at ang parating ending no'n ay parehong nagkaka-pikunan sina Lance at Lucas.
Matapos ang pinaka-huling palaro na sinubukan namin ay palakad-lakad na lang kami rito gaya ng ibang mga naririto para pampalipas-oras. Malapit na rin 'yong sinasabi nilang bonfire dance.
"Antagal naman no'ng sayawan! Naiinip na'ko." reklamo ni Aurora.
"Tara, sumubok pa tayo ng iba pang mga libangan dito habang naghihintay." suhestyon naman ni Johanne. Sumang-ayon naman kaming lahat at nagsimula na nga kaming maghanap ng ibang pagkaka-libangan.
Makalipas ang ilang oras na paglalakad ay bigla naman akong nakaramdam na para bang may palihim na nakatingin sa'min. Akala ko no'ng una ay guni-guni ko lamang iyon kaya ipinagsawalang-bahala ko lang ito pero patagal ng patagal ay lumalakas ang aking hinala.
Mas lalo lang akong naghinala no'ng may napansin akong nilalang na balot ng itim na kasuotan ang biglang nagtago sa likod ng isang poste no'ng mapatingin ako sa direksyon nito.
Espiya ba ito?
Isa lang ang naiisip kong paraan para malaman ko kung sino siya at kung ano ang pakay niya.
Habang abala ang mga kasama ko sa pag-uusap kung ano ang susunod naming susubukang libangan ay hindi nila napansin ang bigla kong paghiwalay sa kanila at nagdesisyong sundan ang kahina-hinalang mortal na iyon. Nagpunta ako roon sa direksyon kung saan ko ito huling namataan, pero sa kasamaang palad ay hindi ko na siya naabutan doon. Nagpalinga-linga naman ako sa paligid pero sa dami ng taong nagkukumpulan sa kasalukuyan ay hindi ko na siya maaninag pa.
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang may naramdaman akong kamay na biglang humawak sa kanang balikat ko mula sa'king likuran. Huminga muna ako ng malalim at hinanda ang aking sarili bago ko hinarap kung sinuman ang nasa likuran ko ngayon.
"Charm! Buti nakita kita! Ba't ka ba kasi biglang lumayo ha?!"
It was Lance...
Marahil ay sinundan niya ako kanina. Agad naman akong nakahinga ng maluwag pagkakita ko sa kanya.
"May sinundan kasi akong kahina-hinalang tao kanina. Pero agad na rin siyang nawala na parang bula." paliwanag ko.
'Ahh... gano'n ba? Sana naman huwag siyang manggulo dito." sabi naman niya.
"Sana nga." sambit ko.
"Tara na't hanapin na natin ang iba pa nating mga kasamahan."
Pagkasabi niya no'n ay laking gulat ko naman nang bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko saka siya naunang naglakad.
*Dugdug... Dugdug... *
Bigla na namang bumilis ang pintig ng puso ko habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa aking kamay.
"Hahawakan ko na ang kamay mo... Baka kasi mawala ka na naman sa paningin ko." pag-imik niya no'ng napansin niya ang pagtingin ko sa magkahawak naming kamay.
"O-okay." Ito na lang ang tangi kong nasabi at hindi na ulit umimik.
Dahil sa mga nagkukumpulang tao rito ay nahirapan kaming hanapin ang iba pa naming mga kasama. Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay bigo pa rin kami sa paghahanap sa kanila hanggang sa pareho naming narinig ang isang anunsyo mula sa mga maliliit na speakers na nagkalat sa bawat sulok ng plaza.
"Oras na para sa hinihintay ng lahat. Ang bonfire ay nagkaroon na ng apoy mga kaibigan! Maaari na kayong magtungo rito sa sentro ng plaza at magtipun-tipon sa paligid ng apoy kasama ang inyong mga minamahal sa buhay. Pero paalala lang na iwasan ang anumang tulakan at sakitan. Salamat at magandang gabi sa inyong lahat."
Pareho kaming natigil ni Lance sa paglalakad pagkarinig namin sa anunsyo. Agad naman akong namula no'ng napatingin siya sa'kin.
"I guess doon na natin sila makikita sa venue ng sayawan." nahihiya niya pa yatang sabi sabay kamot sa kanyang batok.
"Siguro nga." naiilang ko ring tugon.
Isang nakakailang na katahimikan muna ang namagitan sa'min bago ulit siya nagsalita.
"Pero sa ngayon... pwede ba kitang makasayaw?"
Nakangiti niya na ngayong tanong sa'kin. Ngumiti rin ako pabalik sa kanya.
"Oo naman..." pagpayag ko.
Agad na rin kaming pumunta sa sentro ng plaza malapit sa bonfire at nakisali sa iba pang magkapares na andito. Hindi gaya no'ng huli kaming sumayaw ay alam ko na ngayon saan ilalagay ang aking mga kamay.
"Aba! May improvement na ah!" pagpuna ng pares ko.
"Siyempre. Ikaw nagturo eh." pahayag ko naman.
Hindi ko naman alam kung nagkataon lang ba ito o hindi pero kaparehong awitin din ang kasalukuyang tumutugtog sa salin ng isang orchestra kasama ang isang mang-aawit na babaeng kinakanta ngayon ang bawat liriko nito.
Sa pgkumpas ng iyong kamay
Aking landas, ginagabay
Nag-iisang tiyak sa isang libong duda
Silong sa iyak, at pagluluksa
Kung puso kp ay imamapa
Ikaw ang dulo, gitna't simula
Nahanap din kita...
Nahanap din kita...
Ohhh...
Maligaw man, at mawala
At umikot man sa kawalan
Sa bawat kailan, sino't saan
Ikaw lamang ang kasagutan
Bawat kanan, at kaliwa
Kung timog man o hilaga
Ang bawat daan ko
Ay patungo...
Ay pabalik sa'yo
"Charm?"
Napaangat ako ng tingin no'ng narinig kong tinawag niya ang aking pangalan. Nakayuko lang kasi ako at naiilang na tumitig sa kanyang kulay kahel na mga mata.
"Hmm?" tanging nasambit ko lang.
Hindi muna siya umimik ng ilang segundo, pero kinalauna'y muli itong nagsalita.
"Gusto kita..."
Bahagyang nanlaki ang aking mga mata pagkarinig ko ng mga katagang iyon mula sa kanya.
At alam ko sa mga oras ding iyon...
Tumigil ang mundo ko...
...
Someone's POV
"Sigurado ka bang hindi ka niya nasundan kanina?"
Ito 'yung pambungad kong pahayag pagkakita ko sa mensaherong ipinadala mula sa capital city.
"Hindi po sir. Nakatitiyak ako ro'n." sagot naman ng mensahero.
"Mabuti naman. Mag-iingat ka kasi sa susunod." pangangaral ko na rin dito.
"Opo sir. Pasensya na." nakayukong sabi niya.
'Di na ako nag-aksaya pa ng oras at may iniabot agad ako sa kanyang nakatiklop na papel.
"Anyway, paki-abot na lang ang liham na ito sa mahal na hari. Diyan niya malalaman ang tungkol sa sabi-sabi nilang propesiya."
"At pakisabi na rin sa kanya ang magandang balita na ito. Hindi na siya kamo magpapakahirap na hanapin ang pakay niyang witch. Dahil siya rin mismo ang lalapit sa kuta ng kalaban." paliwanag ko rito sa mensahero. Kinuha niya agad ang papel mula sa'kin.
"Opo sir. Asahan niyong makakarating agad ang inyong mensahe sa hari." ani nito.
"Good... Sige na, pwede ka nang umalis." pagpapalayas ko sa kanya.
Agad naman siyang sumunod sa aking sinabi. Yumuko muna siya tsaka umalis sa harap ko.
Pagkaalis niya ay saka ako tumingin sa kinaroroonan nang nasabing witch mula rito sa may kalayuan.... sabay smirk.
Magpakasaya ka na hangga't kaya mo. Dahil sinasabi ko na ito sa'yo ngayon...
Nalalapit na ang mga huling araw mo... witch.
-TO BE CONTINUED-
❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️
Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.
Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top