Chapter 22: The Girl In The Woods

Witch Hunt
Chapter 22- The Girl In The Woods

Charm's POV

Alinsunod sa liham na biglaan naming natanggap mula sa duke ay nakaalis na kami ng ligtas sa syudad ng Belmont bago magdapit-hapon. Sa ngayon ay naglalakbay na kami papuntang Vavelia City gamit ang mga kabayong pagmamay-ari nina Lance, Johanne at ni Lucas.

Kasalukuyan naman akong nakasakay sa kabayo ni Johanne kasama na rin si Failur na nasa balikat ko. Si Aurora naman ang kasama ni Lucas sa kanyang kabayo habang mag-isa namang nakasakay sa kanyang kabayo itong si Lance na kanina ko pa nakikitang nakasimangot habang si Baal naman ay napiling maglakad kasabay ng kanilang mga kabayo.

Kung 'di niyo lang naitatanong, medyo nagkaaberya pa kami bago tuluyang nakaalis dahil sa naganap na isip-batang pagtatalo sa pagitan nina Lucas at Lance tungkol sa kung saan ako sasakay. Sa inis ko ay iniwan ko nga silang dalawang magbangayan at kay Johanne ko na lang napiling sumakay.

"So ano ang pakiramdam ng pinag-aagawan ka? Hahaha!" natatawa namang sabi sa'kin ni Johanne ngayon ng pabulong.

"H-ha? Pinag-aagawan?!" kunot-noo ko namang tanong.

"Alam mo na... may dalawang isip-bata tayong kasama na parehong sinusubukang kunin ang iyong atensyon." panunukso pa niya. Namula naman ako sa hiya.

"Hi-hindi naman sa gano'n talaga ang nangyayari..." nasabi ko na lang.

Hindi ko na nga lang siya pinansin at itinuon ko na lang ang tingin sa daan.

May biglang pumasok sa aking isipan. Kung nasa Vavelia City ang panghuling templo, na siyang sentro ngayon sa kasalukuyang nagaganap na witch hunt, may maaabutan pa ba kaming templo do'n? Hindi rin imposibleng baka sinira ito ng mga nakatirang mortal doon eh.

"Kung 'di ako nagkakamali, ang sinasabi niyong panghuling templo na inyong pupuntahan ay nasa pinakadulong bahagi ng syudad. Walang kahit ni isa sa'min ang nakakapasok doon dahil parang may isang invisible barrier na pumapalibot sa buong templo." bigla namang pahayag ni Lance.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa aking narinig. Kahit papa'no pala ay protektado pa rin ng mahika ni Deity Apollo ang buong templo laban sa mga mortal na gustong sumira rito.

"Pero siguro ang mga kagaya niyong witches--I mean deities pala, ay hindi mahihirapang makapasok sa loob." dagdag pa niya.

"Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit huli ko nang sinabi ang tungkol sa templo ni Deity Apollo. Delikadong pumunta sa sentro ng bansa 'pag hindi pa armado si Charm ng tatlo pang ibang elemento." pag-imik naman nitong si Baal.

"Mga mortal naman sila eh. Wala naman silang kapangyarihan na magagamit laban sa atin. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung paano nila natalo ng ganun-ganun na lang ang mga nauna sa'ming deities." pahayag naman ni Aurora. Dahil doon ay napaisip din ako. Uhm, nakalimutan niya yatang may mga kasama kaming mortal ngayon?

Pero tama siya... Paano nga ba talaga nangyari iyon?

"Ang alam ko may ginamit ang mga ninuno namin eh na siyang nagbibigay kapangyarihan din kahit sa mga katulad namin. Nakalimutan ko lang ano ang tawag dito. Narinig ko na ito isang beses mula sa aking ama, pero sadyang nakalimutan ko lang ano ang tawag." Pilit na inalala ni Lance ang tawag sa kanyang tinutukoy pero nabaling lang ang atensyon niya rito kay Johanne para humingi ng saklolo.

"Ikaw Johanne? Alam mo ba? "tanong niya rito sa kaibigan. Napailing na lang din ang kasama ko ngayon.

"Hindi bro eh. Pasensya na. " ang tanging sagot lang ni Johanne sa kanya.

Medyo nakakalayo na rin pala kami mula sa syudad ng Belmont at ngayo'y nasa mga kakahuyan kami dumaan nang sa gano'n ay hindi kami agad makita ng mga kawal in kasong may mapadaan man sa main roads. Natahimik naman ang lahat pwera na lang dito kay Lance na pilit pa ring inaalala 'yong tinutukoy niya kaninang bagay.

Maya't-maya pa'y biglaan akong nakaramdam ng malakas na presensya ng mahika mula rito sa aming kinaroroonan kaya agad ko ring pinatahimik itong si Lance at pinakaramdaman ang paligid. Pinatigil naman nila Lucas, Lance at Johanne ang kani-kanilang mga kabayo at sabay kaming nagsibabaan mula rito.

"May nararamdaman akong malakas na presensya ng mahika rito." sambit ni Lucas. Napatango naman itong si Aurora. Buti at hindi lang pala ako ang nakakaramdam no'n.

Makalipas lang ang ilang segundo matapos niyang masabi iyon ay naramdaman ko agad ang isang bagay na parang paparating sa'ming kinatatayuan. Hindi nagtagal ay nakita ko namang nakalambitin na sa ere itong si Aurora at may nakapalupot sa buong katawan niya ng mistulang mga halamang baging na ito. Ginamitan niya naman ng freezing spell ang naturang baging hanggang sa nanigas na ito at nabasag niya ang nanigas na halamang baging kaya siya nakawala mula rito.

Mabilis ko namang iginala-gala ang aking mga mata sa paligid para sa mga posible pang pag-atake. Maya't-maya pa'y may mga nakikita ulit akong kaparehong mga halamang baging ang gumagapang sa lupa na parang nagmimistulang mga ahas at mabilis na gumagapang papunta sa'min.

Sunod-sunod ko itong tinapunan ng 'Air Slash' spells para putulin ang mga ito pero sa kasamaang palad ay nauwi lang sa wala ang lahat ng pagpapagod ko dahil agad ding may panibagong tumutubo sa parteng hiniwa.

Agad naman nitong nahuli sina Lance at Johanne at mabilis na pumulupot ang bawat parte ng baging sa buong katawan nila.

Tutulungan ko naman sana sila kaso pati ako rin mismo ay nahuli na ng mga gumagapang na mga halamang baging na ito at agad na pinulupot ang magkabila kong kamay sa gilid kasabay ng pagpulupot nito sa buong katawan ko dahilan para mahirapan akong gumalaw. Pati sina Lucas, Aurora at Baal ay nahuli na rin ng mga ito.

Naloko na! Nahuli na kaming lahat!

"Ehh? Totoo ba ito? Kapwa mga mortal at deities, magkasama sa iisang grupo?"

Nabaling naman ang tingin ko sa direksyon kung saan nagmumula ang boses. Mula sa isang masukal at madilim na parte ng kagubatan ay unti-unting naglalakad papunta sa'min ang isang silhouette ng sa tingin ko'y isang batang babae.

"Hindi ako makapaniwala sa'king nasasaksihan ngayon." dagdag pa niya.

Nang tuluyan na siyang nakalabas mula sa madilim na bahagi ng gubat at no'ng matamaan na ng liwanag ay tumambad sa'min ang isang batang babaeng may kulay sapphire na buhok na hanggang leeg niya, may kulay lilac na mga mata, at may tangkad na parang taga-balikat ko lang.

"Hello sa inyong mga nahuli ko. Ang pangalan ko nga pala'y Elena." pagpapakilala pa niya sa kanyang sarili sabay smirk.

Nakatagpo na naman kami ng isang panibagong deity!

-TO BE CONTINUED-

❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️

Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. 'Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.

Salamat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top