Chapter 2: The Stone Of Life

Witch Hunt
Chapter 2- The Stone of Life

Charm's POV

Andami ko nang nagagawang manika at lima na ang napagalaw ko, pero wala pa din ni isa sa kanila ang nakakapagsalita. Siguro kulang pa yung mahika na meron ako.

Kaya naman nagsaliksik pa ako sa malawak na silid-aklatan ng templo at nakita sa isang makapal na Sorcery Book ang tungkol sa isang makapangyarihang bato na kung tawagin ay Soul Stone na siyang matatagpuan sa underground cavern ng Misty Cave. Tinatawag din itong Stone of Life dahil sa taglay nitong kapangyarihan na bumuhay ng patay. 'Yon nga lang, nag iisa lang ang naturang bato at isang beses lang din pwedeng gamitin.

Baka iyon na ang sagot sa paggawa ko ng isang manikang nakakapagsalita na parang tao!

Pagkatapos naming mag-agahan ni Baal ay agad na akong lumabas ng templo at dumiretso na sa Misty Cave. Iilang halimaw din ang nagbabantay sa cavern na iyo kaya baka mapalaban ako ng 'di oras.

Nasa bungad pa lang ako ng kweba ay nakasalubong ko nang 'di inaasahan ang binatang nakita ko din kahapon. Lance yata ang kanyang pangalan kung tama ba ang pagkaka-alala ko.

"Charm?! Ano'ng ginagawa mo rito?" bakas sa mukha nito ang pagkagulat ng makita niya ulit ako.

"Ikaw ang dapat kong tanungin nyan." sabi ko sa kanya. Mariin ko siyang tiningnan. Hindi ba siya natatakot sa mga nagkalat na wild creatures dito na galit sa mga mortal?

"Ah eh... Nagtatago. At the same time, may hinahanap ako." sagot naman niya pero ang atensyon niya ay nasa bandang likuran ko.

"Sige ha, nagmamadali kasi ako. Kita ulit tayo!" pag-imik ulit niya saka kumaripas ng takbo papasok ng kweba. Balak ko pa naman sana siyang pigilan kasi delikado para sa isang mortal na gaya niya ang pagala-gala ng mag-isa dito kaso nakalayo na siya.

Napalingon naman ako sa direksyong tiningnan no'ng binata kanina at nakita ko sa may kalayuan ang mga paparating na mga kawal ng Vavelia Castle! Agad naman akong nabahala at dali-dali na din akong pumasok sa loob ng kweba.

Napaisip tuloy ako kung kriminal ba ang lalaking iyo kaya siya nagtatago mula sa mga kawal na ito.

...

Kinalimutan ko na nga lang ang lalaking 'yon at nagpatuloy na sa misyon kong hanapin ang Soul Stone. Dire-diretso na akong pumunta sa butas kung nasa'n ang entrance ng deep cavern at may lubid nang nakalagay pababa sa butas. Nagtaka tuloy ako kung saan galing 'yong lubid, o baka naman matagal na talagang andito.

Ginamit ko na lang din iyong naturang lubid para makababa ako, at nang makatapak na ako sa loob ng deep cavern ay nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.

"AHHHH!"

Natigilan ako saglit sa narinig kong sigaw ng isang nilalang na tila ay nasa panganib. Agad ko namang naisip 'yong binatang nakasalubong ko kanina.

LANCE!

Mas binilisan ko pa ng kaunti ang paglalakad ko, hanggang sa madatnan ko ang nakahandusay sa lupa na si Lance at ang nakapalibot sa kanyang... mga mortal din?! Tatlo silang mortal ang naririto at lahat sila ay pawang nakasuot ng itim na kasuotan mula ulo hanggang paa at pare-parehas din silang nakasuot ng itim na maskara.

"Boss! May nakapasok na naman dito." sabi no'ng nasa pinakagilid sa kaliwa. Kaya naman nabaling sa akin ang atensyon ng lider nila na nasa gitna.

"Isang babae? Ano'ng ginagawa mo dito iha? Nawawala ka ba?" may halong panunuksong sabi niya. Gusto ko tuloy basagin ang mukha ng mayabang na'to.

"Ano'ng ginawa niyo sa kanya?" kaswal kong tanong sabay turo sa nakahandusay na binata na nawalan ng malay.

"Ahh... yan? Tinuruan lang namin 'ya  ng leksyon dahil may tinangka siyang nakawin sa'min. Tsk tsk." sabat naman ng nasa kanang bahagi na siyang malapit kay Lance.

Ha? Sabi ko na nga ba magnanakaw ang lalaking 'to.

"C-Charm?" rinig kong pag-imik bigla ni Lance habang bahagyang nakadilat ang kanyang mga mata . Hindi rin naman nagtagal iyon dahil nawalan din naman agad siya ulit ng malay.

"Pwede ko bang kunin ang nilalang na'to?" pagpapaalam ko sa lider nila sabay turo sa direksyon ni Lance.

"Sure. Tapos na din kami sa pagbugbog diyan eh, at may Soul Stone pa kaming ibebenta." sabi naman niya.

Nabaling agad ang atensyon ko sa sinabi niya. Paano niya naman nakuha ang gano'ng kasagradong bagay? Sa pagkakaalam ko, binabantayan ito ng isang guardian animal!

Wala akong pera para bilhin ang naturang Soul Stone mula sa kanila, na sigurado akong ninakaw lang din nila, kaya sa tingin ko kailangan kong kunin sa kanila ito ng sapilitan.

"Akin na ang Soul Stone." sinubukan ko munang daanin sa usapan.

"Ohh... may interes ka din pala sa Soul Stone? Pwes, kailangan mo muna dumaan sa'min!" mayabang na sabi ng lider.

"Easy... Babae lang 'yan." kantyaw naman no'ng kasama niya sa kanan.

Since tulog naman si Lance, hindi na ako mag-aalinlangang gamitin ang kapangyarihan ko. Hinanda ko na ang aking sarili sa laban.

Itinaas ko ang aking kanang kamay, at pagkatapos no'n ay may isang liwanag ang lumabas at kinalauna'y nag-anyong wand. Makalipas ang ilang segundo ay hawak-hawak ko na ito sa'king mga kamay.

"Uy! Isang witch! Ang swerte naman natin!" nagagalak na sabi ng nasa kaliwa.

"Malaki na nga 'yong perang mabebenta natin sa Soul Stone, plus may mahuhuli pa tayong witch! Naku tiba-tiba tayo nito boss!" sabi no'ng nasa kanan.

"HULIHIN SYA!" sigaw naman ng lider nila.

Hudyat na 'yon. para sumugod ang kanyang dalawang alipores na may tig-iisang hawak na punyal sa gilid. Bago pa man sila makalapit sa'kin ay sinabi ko na ang gagamitin kong spell.

"Fire wall!"

Agad naman 'yon lumikha ng malaking bilog ng naglalagablab na apoy sa paligid at kung sinong matatamaan no'n within 4meter ay literal na lilipad sa ere ng ilang segundo.

At ayun, lumipad nga ang dalawa kong kalaban at sabay din na lumagapak sa lupa habang nag-aapoy pa ang kanilang mga kasuotan. Napagulong-gulong tuloy sila sa lupa para patayin ang apoy.

Nabaling naman ang atensyon ko sa lider nila na napaatras ng konti ng tingnan ko siya ng matalim.

"H-he-he-to na yung hinihingi mong Soul Stone, 'wag mo lang kaming patayin pakiusap." nagmamakaawang sabi niya sabay abot sa'kin ng hawak-hawak niyang maliit na kulay kahel na supot.

Mabilis ko naman itong hinablot mula sa kanya at nagcast ng spell para patayin' yong apoy na patuloy pa ding bumabalot sa suot ng dalawa niyang kasama.

"Umalis na kayo dito bago ko pa kayo sunugin ng buhay." mariin kong sabi na may halong pagbabanta na din.

Pagkabangon no'ng dalawa ay kumaripas na sila ng takbo at naglaho na sa paningin ko. Naglaho na din sa kamay ko 'yong hawak-hawak ko kaninang wand pagkatapos ng laban.

Napatingin ako sa laman ng supot na binigay no'ng mortal kanina. Hindi ko din naman inakalang gano'n lang kabilis ang pagkuha ko nito mula sa kanya. Pero sa wakas! Nasa akin na ang Soul Stone!

Ay teka, kailangan ko nga palang balikan si Lance. Itinago ko muna ang naturang supot sa suot-suot kong sling bag at may dinukot na isang vial ng healing potion na ako mismo ang gumawa para sana sa mga haharapin kong laban.

Nilapitan ko agad siya na walang malay pa ding nakahandusay at iniangat ng konti ang kanyang ulo saka ko siya pinainom ng potion.

*Cough cough*

Agad namang nagkamalay si Lance at nabigla ng makita ako sa pagdilat ng kulay kahel niyang mga mata.

"Charm? T-teka, ano'ng ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong niya habang unti-unti niya na ding inaangat ang sarili.

"Ako nga dapat ang nagtatanong sa'yo niyan." sabi ko naman.

Parang nangyari na din ito kanina ah....

"Teka, asa'n na ang tatlong lalaking 'yon! Tuturuan ko pa ng leksyon ang mga 'yon eh!" Pagkatayo nya ay pinulot niya ang kanyang espada na marahil ay nahulog siguro niya kanina no'ng nawalan siya ng malay. Ngayon ko lang din napansin ito.

"Umalis na sila." nasabi ko na lang. Tinalo ko na sila kani-kanina lang.

"Tara na Charm! Umalis na tayo sa delikadong lugar na ito." sabi naman niya sabay hawak sa kanang kamay ko sabay hila sa akin no'ng nagsimula na siyang tumakbo.

*Dugdug... Dugdug*

Bigla ko na lang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko kasabay ng pag-iinit ng mukha ko.
Nagtataka tuloy ako kung bakit.

Ano kaya ang tawag sa bagong pakiramdam na ito?

-TO BE CONTINUED-

❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️

Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.

Salamat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top