Chapter 13: Time to Change Beliefs

Witch Hunt
Chapter 13-  Time to Change Beliefs

Charm's POV

"Aurora?"

"Baal?"

Natagpuan ko na lang ang aking sarili sa isang lugar na binabalot ng kadiliman at mag-isang nakatayo sa kinaroroonan ko.

Teka? Nasaan ako? At asa'n ang mga kaibigan ko?!

Paulit-ulit kong tinatawag ang kanilang mga pangalan pero wala akong natatanggap na pagtugon mula sa kanila.

"Wala na ang pinaka-mamahal mong mga kaibigan."

Ang boses na iyon...

Napalingon naman ako sa direksyon kung saan ko siya narinig, at tumambad sa'kin ang nakangising mukha ng hari bitbit ang kanyang malaking espada.

"Ano'ng ibig mong sabihing wala na sila? Ibalik mo sa'kin ang mga kaibigan ko ngayon din!" nanggagalaiti kong pahayag. Tinawanan niya lang ako.

"Wala na sila dahil sabay ko na silang pinaslang!" tuwang-tuwa niya pang sabi. ANO?!

Hindi na ako nakapagtimpi pa kaya agad ko nang hinakbang ang mga paa ko para sugurin na sana siya. Pero bago pa man ako tuluyang makalapit dito ay laking gulat ko nang bigla akong mapahinto dahil sa nakapulupot sa'king kadena sa pareho kong kamay at sa paanan ko na ngayon ko lang napansin. Agad naman itong lumikha ng tunog nang nagpumilit akong makawala mula rito.

T-teka, ano'ng ibig sabihin nito?!

"At ngayong nahuli na kita, ikaw naman ang isusunod ko!" nanggigigil na sabi ng hari.

Buong pwersa niyang itinaas ang kanyang espada at balak akong patamaan no'n. At dahil wala na akong laban ay napapikit na lang ako at hinintay ang pagtama ng matulis nitong dulo sa'kin.

...

"CHARM! HOY CHARM GISIIIINNGGGG! "

Naalimpungatan naman ako ng maramdaman kong parang may sumisigaw sa gilid ko at may mga pares ng mga kamay na yumuyugyog sa akin ng malakas. Nang tuluyan ko nang maimulat ang aking mga mata ay tumigil na rin sa pagyugyog at pagsigaw itong si Aurora na nasa kanang bahagi ko nakatayo. Saka ko napagtanto na nasa munting tahanan pa rin kami ni Mang Kanor. Buti naman at isa lang iyong panaginip.

"Ayos ka lang ba ha?" nag-aalala nitong tanong sa'kin kaya nabaling ulit ang pansin ko sa kanya.

"Ayos lang ako...binangungot lang ng kaunti." sagot ko. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga.

"Mabuti naman at nasa mabuti kang kalagayan. Dalawang araw ka ring walang malay." rinig ko namang pahayag ni Baal, na ngayo'y nakabalik na pala sa tunay nitong anyo.

P-pero ano raw?! Dalawang araw akong walang malay? Pilit kong inaalala ang mga pangyayari no'ng nakaraang araw, at ang tanging naaalala ko lang ay no'ng nilabas ko ang halos lahat ng mahika ko para subukang kontrolin ang karagatan.

"Buti naman at gising ka na." bigla namang nagsalita itong si Mang Kanor habang papalapit sa aking kinaroroonan.

"Opo kakagising ko lang. Dalawang araw na rin pala akong walang malay, kaya pasensya na po sa abala." paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

"Naku, wala 'yon! Lubos kong ikinagagalak na makapagsilbi sa inyo." nakangiti niya pang tugon. Napangiti naman ako sa kanyang sinabi.

"Dahil sa iyong kabaitan, pinapatawan kita ng isang munting basbas. Simula sa araw na ito, ang lahat ng angkan mo ay makakaranas ng isang masaganang buhay." sabi ko sabay pat sa kanyang ulo saka ko ipinataw ang basbas sa kanyang uluhan.

Matapos iyon ay 'di ko naman inaasahang mapapaluha siya ng dahil do'n.

"Maraming salamat!" sabi niya na puno ng kagalakan sa kanyang tinig.

Saglit namang naudlot ang pag-uusap namin ng biglang umeksena si Baal.

"Charm, kailangan na nating magmadaling pumunta sa susunod na lugar kung saan matatagpuan ang pangatlong spring ni Deity Ishmael." pagsingit niya.

Oo nga pala. May sinayang na akong dalawang araw kaya dapat na kaming kumilos agad at simulan ulit ang paglalakbay na hanapin ang pangatlong spring.

...

Kakatapos lang namin kumain ng tanghalian at ngayon ay naghahanda na kaming umalis ng lapitan kami ni Mang Kanor.

"Siya nga pala, bago kayo tuluyang umalis ay pinapasabi ni chief na gusto niya daw kayong makausap sa kanyang tahanan. Ihahatid ko kayo roon." sabi niya. Nagtaka naman kaming lahat.

"Bakit naman daw?" natanong ni Aurora. Kung naaalala naming mabuti, takot sa'min ang chief.

"Hindi ko rin alam." sagot naman ni Mang Kanor sabay kibit-balikat.

"Pumunta na lang tayo para makaalis din agad." saad ni Baal. Nabahala naman ako sa kasalukuyang anyo niya.

"Na ganyan ang anyo mo?" pagpuna ko naman sa itsura niya. Nabaling naman ang tingin nito sa kasama naming deity na biglang nagtaas ng kanyang kamay.

"So gagawin ko na ba siyang unggoy? Hehehe~" pang-aasar nito kay Baal sabay lapit sa kanya. Sinamaan naman sya nito ng tingin.

"Layuan mo ako babae!" angal naman nito.

Pfftt...

...

Pagkalabas nga namin sa bahay ni Mang Kanor ay inihatid niya kami sa tahanan ng chief. No'ng malapit na kami ay natatanaw ko na ang sadya namin na nakatayo sa gitna ng ilan pang residente na naririto.

"Sabay-sabay tayong magbigay pugay sa mga bayaning nagligtas sa village natin!" rinig kong sigaw ng chief.

Kasunod no'n ay isang masigabong na palakpakan mula sa mga residente ng village ang umalingawngaw sa buong paligid. Sa mga oras na ito ay tuluyan na kaming nakalapit sa chief.

"Dahil sa kabayanihang ipinakita niyo, gusto ko kayong gantimpalaan ng kaunting tulong para sa inyong paglalakbay." saad nito sabay pakita ng isang maliit na bag na alam kong naglalaman ng pera.

"Alam kong mahirap lang ang village namin, pero sana sasapat na ang tatlumpung gintong barya para tugunan ang mga pangangailangan ninyo." dagdag pa nito.

Kita ko namang halos kuminang ang mga mata ni Aurora pagkakita niya sa pera. Bago niya pa ito abutin ay inunahan ko na siya.

"Mas kailangan niyo ang pera na iyan kaysa sa'min. Siguro, para sa'kin... sapat nang gantimpala ang manalig ulit kayo sa'ming mga deities, at maniwalang hindi kami mga masasamang nilalang." sabi ko sabay tanggi sa inaalok niyang pera. Napasimangot naman ng 'di oras itong kasama kong deity.

"Kahit 'wag mo nang sabihin, bumalik na talaga ang tiwala namin sa mga kagaya niyo. Ipagpaumanhin ninyo ang hindi magandang pagtrato namin sa inyo sa umpisa. Pero dahil sa inyo, binigyan niyo ulit kami ng isang panibagong pag-asa, na sa kabila ng mga paghihirap na kinakaharap namin ay sasapit din ang isang araw na magwawakas ang lahat ng ito. " madamdaming pahayag ng chief. Agad naman akong napangiti dahil sa sinabi niyang ito.

...

Sa huli ay wala rin akong nagawa kundi tanggapin ang inaalok nilang pera dahil na rin sa pagpupumilit ng village chief na tanggapin ito.

Bago kami tuluyang umalis ay pinaalala ko rin sa kanila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pwersang militar na siyang tutulong sa kanila sa mga oras na kailangan nila ng proteksyon. Buti naman at nakinig din sa'kin ang kanilang pinuno. Pero hindi na rin ako masyadong nababahala para sa kanilang proteksyon dahil alam kong nasa pangangalaga na sila ni Deity Roku.

Meanwhile... Tuwang-tuwa naman itong kasama ko habang naglalakad na kami palayo sa village.

"Hindi ko alam na magkakapera ka pala sa pagiging bayani! Sana matagal ko na iyong ginawa, edi sana mayaman na'ko ngayon. Ohohoho~" nagagalak niyang sabi sa kanyang sarili pero dinig na dinig naman namin.

Napasampal naman ako ng 'di oras sa'king noo.

"So, saan na ang susunod nating destinasyon Baal?" tanong ko naman dito sa kasama kong tigre na mas may sense kausap.

"Ang ikatlong spring ay matatagpuan sa syudad ng Belmont na nasa bandang silangan mula rito." tugon niya.

"Ha?! Sobrang layo naman no'n! Sa'n naman tayo makakakita ng masasakyan papunta roon?!" sabi ko naman sabay buntung-hininga.

And as if on cue, may naaninag akong isang malaking wagon sa 'di kalayuan na pinapatakbo naman ng isang kabayo. Nakasakay mula rito ang isang pamilyar na nilalang na may maiksing kulay dark brown na buhok.

Teka... mukhang kilala ko kung sino siya. Kaya naman walang pag-aalinlangan kong tinawag ang kanyang pangalan.

"JADE!"

-TO BE CONTINUED-

❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️

I think that's it for now. Whatcha' think of this one? Pls vote and comment your thoughts below. Tysm ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top