Chapter 12: The Blessing's Power
Witch Hunt
Chapter 12- The Blessing's Power
Charm's POV
Sa gitna ng sagradong silid na ito ay matatagpuan ang spring ni Deity Roku na sa ngayo'y naglalabas ng kulay asul na liwanag sa paligid nito. Pagkarinig ko ng kanyang boses ay agad naman akong lumapit sa bukana nito.
"Salamat at naparito ka Charm. Ang iyong presensya ang siyang bumuhay sa aking spring." rinig kong pahayag niya.
Iniyuko ko naman ng bahagya ang aking ulo bilang pagrespeto sa nakakataas na deity bago ako magsalita.
"Masaya po akong makatulong sa inyo. Matapos kong buhayin ang spring, maaari niyo po bang pakinggan ang nais kong hilingin?" pakiusap ko naman.
"Sige... Ano ang iyong kahilingan? " pagtugon naman ng boses.
"May kinakaharap po kaming krisis sa ngayon. May nagbabadyang panganib sa maliit na village ng Ziv na kung saan may paparating na isang batalyong kawal mula naman sa Vavelian Empire. Dalawa lang po kami ng kasama kong si Aurora ang haharap sa kanila, at sa tingin ko ay hindi po namin kakayanin ng kami lang. " pagpapaliwanag ko muna sa'ming sitwasyon.
Saglit akong natahimik at napabuntung-hininga bago ko ulit dugtungan ang gusto kong sabihin.
"Kaya naman po nais ko sanang hilingin muna sa inyo na pahiramin niyo po ako ng inyong kapangyarihan para matalo namin ang mga paparating na mananakop." pagsusumamo ko.
Alam kong napaka-makasarili ng kahilingan kong iyon, pero kung para iyon sa ikakabuti ng nakakarami ay handa kong kapalan ang aking mukha sa harap ng isang makapangyarihang deity!
"Kung 'yon ang kahilingan mo, lubos kong ikinagagalak na tulungan ka sa iyong misyon." ani nito. Sobra ko namang ikinatuwa ang positibong tugon ni Deity Roku sa aking kahilingan!
"Salamat po!" Tuwang-tuwa ko namang sabi. At agad na naming sinimulan ang ritwal sa paglilipat ng kanyang blessing sa akin...
...
Aurora's POV
Ilang minuto pa lang ang lumipas mula ng matapos akong kumain ng agahan ay may narinig naman akong kaguluhan sa labas. May isang lalaking residente ng village ang nagkukumahog na tumatakbo at sumisigaw sa bawat bahay na madaanan niya.
"PAPARATING NA SILA!" saad nito. Nagulat naman ako.
ANO? Ang aga-aga pa nilang dumating dito ha! Napabuntung-hininga na lang ako saka ko inilabas ang aking wand at nagteleport patungong North Coast.
Pagkarating ko do'n, sumakto pa ang makapal na hamog na siyang tumatakip sa imahe ng mga paparating na mga mananakop dahilan para mahirapan akong makaaninag. Nagtago muna ako dito sa likod ng isang malaking glacier at naghintay sa paparating na barko.
No'ng una, silhouette pa lang ng isang napakalaking barko ang naaninag ko pero kinalaunan habang papalapit ito sa pampang ay nakikita ko na ang tunay nitong itsura.
Oras na para sumugod ako!
Bago pa man sila tuluyang makalapit sa pampang ay napagdesisyunan ko nang magpakita at magbanggit ng isang level 4 ice spell.
"FROSTBITE!"
Kagaya ng ginawa ko dati kina Charm at sa alaga niyang tigre, ginamitan ko rin ng isang freezing spell 'yong paparating na barko bago pa man sila makalapit sa kanilang dadaungan. Agad na tumigas ang buong paligid ng barko para hindi na sila makausad pa, at habang patagal ng patagal ang epekto ng spell ay binabalot na rin sa isang makapal na yelo ang naturang barko.
Napa-smirk naman ako sa ginawa kong ito.
Ohohoho~ mukhang tapos na ang trabaho ko rito. Sobrang dali lang pala ng ipinapagawa ni Charm-- TEKA?!
Natulala naman ako ng 'di oras no'ng saktong pagkamulat ko ulit ng aking mga mata ay nakakita ulit ako ng hindi lang isa, kundi higit sa lima pang silhouettes na kasing-laki ng sa barkong pinatigas ko kani-kanina lang.
Nagpatuloy lang ulit ako sa ginagawa kong pagpapa-freeze sa mga barkong malapit na sa daungan. Nakatatlo na'l ako, pero bakit gano'n hindi sila maubos-ubos! Hinihingal man ay ginagawa ko pa rin ang inutos sa'king idelay ang pagpunta nila sa village ng Ziv.
Maya-maya pa'y nakaramdam ako na parang may tatama sa'kin kaya mabilis akong umilag mula rito. Pagtingin ko naman sa direksyon kung saan nanggaling ang pag-atakeng iyon ay nakita kong nagpapaulan na pala ng mga canyon sa direksyon ko 'yong mga crew ng mga barkong pinatigil ko kanina. Isa-isa kong pinaulanan ng ice thorns ang kanilang mga canyon para masira, pero may mga barko pa na papalapit na ng papalapit sa daungan habang abala ako sa pagsira ng mga canyon ng kalaban. Kaasar!
Charm, asa'n ka na ba kasi? Kailangan ko na ng tulong mo ngayon din mismo!
"Pasensya na at ngayon lang ako nakarating."
Napaangat naman ang tingin ko no'ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon ni Charm, na para bang narinig niya nga ang pagtawag ko sa kanya kani-kanina lang din.
"Salamat sa tulong mo. Pero ako na ang bahala rito." sabi niya. Tinapik niya pa ako sa balikat saka siya humakbang paharap, inilabas ang kanyang wand, at nagbanggit ng isang alam kong level 5 na water magic spell! Pero... papaano nangyaring natuto siya ng gano'ng mahika?!
"HYDRO WHIP! "
Pagkasabi niya ng naturang spell ay agad iyon lumikha ng isang makapal na latigo na gawa naman sa inipon niyang tubig mula sa karagatan. Sa isang hampas lang nito ay ubos ang lahat ng canons na ginagamit ng mga kawal para ipatama sa'min saka nalusaw agad ang latigong nilikha niya.
Matapos masira ang mga iyon ay itinaas niya ulit ang kanyang wand, at nagulat ako ng bigkasin niya ang isang incantation na alam kong tanging isa sa mga supreme deities lang ang makakabigkas nito.
"With the power of Deity Roku bestowed upon me..." Sa bahaging ito pa lamang ay kita kong binalot ng matinding asul na liwanag si Charm. I was stunned. Hindi pa ako nakakaramdam ng ganitong kalakas na mahika sa buong buhay ko!
"Hear me, o waves! Depart from here this instance, and wash away those who wishes to befall us!"
Mas lalo pa akong namangha ng masaksihan kong umurong ang tubig sa karagatan sa isang kumpas lang ng kanyang wand na nakahawak sa kanyang kanang kamay, bitbit nito ang mga barkong lulan ang mga kawal ng Vavelian Empire.
Sa pagbaliktad ng mga barko na ito ay rinig ko rin ang daing ng mga kawal na nakasakay mula rito. Meron pang mga barko na nagkabanggaan sa isa't-isa na siyang nagdulot naman ng pagsiklab ng apoy. Nang makita iyon ni Charm ay iginalaw niya naman ang kanyang kaliwang kamay tsaka marahang ibinaba at may isang malaking alon naman ang humampas sa direksyon kung saan may apoy at agad itong namatay.
Pero ang pinaka-nakapagpamangha sa'kin ay no'ng magsimulang lumutang si Charm hanggang sa makita ko na siyang lumipad papunta sa kinaroroonan ng mga kalaban.
"KAYONG MGA TAGA-VAVELIA CITY!" pasigaw nitong pahayag.
Pero hindi na iyon boses ni Charm... kundi boses ni Deity Roku mismo! Para siyang sinasaniban ng espiritu ng makapangyarihang deity sa ngayon. Agad naman akong napayuko bilang pagrespeto.
Walang duda, siya nga ang itinakda!
"'W-wag, maawa ka 'wag mo kaming papatayin!" pagsusumamo ng punong kawal na nagawa pa palang mabuhay!
"ITO NA SANA ANG HULING BESES NA MAGBIBIGAY AKO NG BABALA DAHIL SA INYONG KASAKIMAN. LUBAYAN NIYO NA ANG VILLAGE NA ITO. MAGSIBALIK NA KAYO SA INYONG PINANGGALINGAN NG MAPAYAPA, AT HUWAG NA KAYONG BUMALIK PA!" pagbibigay babala ng deity sa mga naroroong kawal.
Matapos iyon ay may nakikita akong mga maliliit na bangka na de makina ang nagsisibabaan sa mga nasira nilang barko. Lulan ng bawat isang bangka na iyon ay ang iba't-ibang pangkat ng mga kawal at nagkukumahog na tumakas palayo kay Charm.
Matapos nilang makaalis ay saktong nawala na rin ang asul na liwanag na bumabalot kay Charm kanina pati na ang hawak-hawak nitong wand. Dahan-dahan na siyang bumababa mula sa itaas kaya naman tumakbo ako para salubungin siya.
Babatiin ko na sana siya sa pagtalo niya sa isang batalyon ng mga kawal na 'yun pero nagulat ako no'ng saktong pagkatapak ng isang paa niya sa lupa ay bumagsak ang kanyang katawan sa malambot na nyebe. Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo para mapuntahan siya.
"CHARM!"
-TO BE CONTINUED-
❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️
Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.
Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top