Chapter 10: The Village of Ice and Snow (Part 2)
Witch Hunt
Chapter 10- The Village of Ice and Snow (Part 2)
Charm's POV
"Lubayan niyo na ang village na ito!"
Nanggigigil kong saad. Itinaas ko na ang aking wand at nagbanggit ng isang level 2 fire spell para 'di agad maubos ang magic power ko.
"FLAME SHOWER!"
Agad na may bumagsak na mga naglalagablab na apoy mula sa taas at itinutok ko naman ang aking wand sa direksyon ng kalaban para mapunta sa kanila iyon, pero hindi ko sa kanila direktang pinatama at lalong lalo na hindi sa chief ng village. Nagdulot iyon ng parang isang pahalang na linya ng mga naglalagablab na apoy na maghihiwalay sa mga kawal at sa chief.
"Lumayo na kayo rito chief!" sigaw ko sa matandang pinuno. Agad naman siyang nakabawi mula sa pagkaka-tulala at mabilis na tumakbo palayo. Nang makalayo na ay agad namang nabaling ang tingin ko pabalik sa mga kalaban.
*BOOGSH!*
Nagulat kaming lahat ng may bumagsak na mala-kometang isang malaking snow ball at tumama iyon sa direksyon ng mga kawal dahilan upang tumalsik sila at mapahiga sa lupa na balot ng makapal at malambot na nyebe.
"Pasensya na at nahuli ako ng dating!"
Agad kong napagtanto kung kaninong matinis na boses na iyon! Saktong nakita ko si Aurora na nag-landing sa aking kaliwa na parang nagmula sa himpapawid. Pagkalapag niya ay agad naman siyang nagswitch sa kanyang fighting stance.
"H-hindi maganda ang lagay natin dito! RETREAT! RETREAT!"
Sa ngayon ay nagsibangon na ang bawat isa sa mga kawal at alinsunod sa utos ng punong kawal ay nagsitakbuhan na sila paalis ng village. Gagamitan pa sana sila ng mahika ni Aurora pero agad ko siyang pinigilan.
"Hahayaan na lang ba natin silang makatakas, gano'n?!" pagreklamo niya sabay cross ng kanyang dalawang kamay.
"Sa ngayon, oo. Ang importante ay napalayas natin sila pansamantala sa village na ito." sabi ko. Nawala na ng tuluyan ang mga kawal sa paningin namin at tuluyan ng nakatakas.
"Pansamatala? So ang ibig mong sabihin... hindi pala tayo nanalo kanina?" nagtataka niya pang tanong.
"Hindi. Malaki ang tyansang babalik ulit sila bukas dito... at sa oras na iyon ay magdadala na sila ng madaming kakampi." paliwanag ko. Napa-'aaahh' naman itong kausap ko.
"Maawa kayo sa'min mga witch, 'wag niyo kaming sasaktan."
Napalingon naman kami pareho ni Aurora sa direksyon ng nagsalitang chief. Sa oras na ito, nasa likuran na niya ang mga mamamayan ng village. Bakas sa kanilang mga mukha ang labis na takot at pag-aalala.
Tumikhim muna ako bago ulit nagsalita.
"Nais naming humingi ng paumanhin sa gulong dinulot namin sa inyong village. Pero wala kaming intensyon na manakit ng sinumang inosente, 'di gaya ng sinasabe sa inyo ng inyong mga ospisyal.. ." Tumigil muna ako sa pagsasalita at isa-isa silang tiningnan sa kanilang mga mata.
"Andito kami para tulungan kayong makawala sa pagkakagapi sa inyo ng Vavelian Empire nang sa gayon ay 'di niyo na kakailanganing magbayad ng malaking porsyento ng buwis sa gobyerno." dugtong ko. Pero nakakalungkot isipin na hindi man lang nabago ang ekspresyon sa kanilang mga mukha.
"Talaga? At pa'no naman kami makakasiguro na nagsasabi ka ng totoo? " sigaw ng isang binata na nasa pinakadulo sa kanan.
"Tsk... " rinig kong pag-imik ni Aurora na halatang naaasar na.
"Bukas, babalik ang tropang militar ng gobyerno sa inyong village bitbit ang isang batalyong mga kawal. At para patunayan namin sa inyo na hindi masasama ang mga kagaya namin, handa kaming tumulong sa paparating na gyera." pagsagot ko naman do'n sa tanong ng binata.
Lumikha iyon ng kaunting ingay mula sa mga bulung-bulungan ng mga mamamayan.
"Kailangan din namin ng kaunting tulong mula sa inyong pwersang militar. Maaari ba iyon? " Nagsalita na rin itong si Aurora.
"Wala kaming gano'n. Mas pinagtutuunan namin ng pansin ang mabuhay at magtrabaho para may makain ang aming mga pamilya kaysa sa magsanay para makipaglaban. " paliwanag naman ng chief.
EEHH???
"Kaya pala andali niyong masakop dito. Pero siya siya, kami na ni Charm ang bahala. " Napa-facepalm na lang ang kasama ko habang sinasabi iyon.
...
Matapos ang tensyonadong pag-uusap na iyon ay pumayag ang chief na manatili kami rito sa kanilang village at ang matandang inatasan kong magbantay kina Baal at Failur ang nagboluntaryong kumupkop sa'min pansamantala kaya nanatili kami sa kanyang munting tahanan.
"PYU PYU!!"
Huni agad ni Failur ang sumalubong sa'min ng makabalik kami sa naturang tahanan ni Mang Kanor- na kinalaunan ay nagpakilala na rin samin. Isa na pala siyang byudo na may nag-iisang anak na lumuwas daw at nakipagsapalaran sa Vavelia City pero hindi na kailanman bumalik sa kanilang village.
"Parate niyang kinasusuklaman ang village na ito kaya siya umalis."
Naaalala ko pang sabi ni Mang Kanor no'n habang naglalakad kami papunta sa kanyang bahay. Agad naman ako nakaramdam ng awa para sa kanya.
"Ano ang nangyari sa labas?"
Nabalik naman ako sa realidad ng marinig ko naman ang boses ni Baal. Habang nag-aantay kami sa nilulutong hapunan ni Mang Kanor dito sa kanyang kusina ay naikwento ko naman sa tigre na'to ang lahat ng mga nangyari kanina.
"Kami lang ni Aurora ang haharap sa isang batalyon ng mga kawal bukas." nanghihinang saad ko. Naipatong ko sa'king nakatukod na kamay sa mesa ang aking ulo at malalim na napabuntung-hininga.
"Hay... pa'no na 'yan?" nag-aalalang tanong ni Aurora.
"Kailangan na nating magmadaling hanapin ang templo ni Deity Roku at humingi ng kanyang paggabay at blessing ng sa gano'n ay makatulong ito sa haharapin niyong laban bukas." suhestyon naman ni Baal.
"Magandang suggestion iyon pero ang problema, ni wala ngang taga rito na napagtanungan ko ang may alam kung sa'n namin mahahanap iyon." sabi ko sabay labas ulit ng isa pang buntung-hininga.
"Wala rin akong nakalap na impormasyon." walang buhay ding sabi ni Aurora.
"Alam ko kung saan iyon matatagpuan!"
Nagulat naman kami sa biglang pagsingit ni Mang Kanor sa'ming usapan. Lahat kami ay tila nabuhayan ulit ng loob at napalingon sa kanya. Sa bagay, naalala kong hindi ko pa pala siya natanong kanina patungkol sa lokasyon ng templo.
Sa wakas! May isa ring taga-rito ang may alam kung saan namin mahahanap ang templo ni Deity Roku.
-TO BE CONTINUED-
❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️--❤️
Hi! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. Wag kalimutan mag vote at magcomment kung gusto niyo.
Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top