Kabanata 6

Message

Barth's POV.

This past few days. Nagiging uneasy ang pakiramdam ko. After that silly game. Nag start na ang kakaibang pakiramdam ko. Feel ko that game is not just a common game. I feel that game is real.

Lalo nang makita ko ang babaing iyon. Her stare, telling something important. Kung ano man iyon. Yun ang dapat kong malaman.

I need to ask Cannon tomorrow. Nagmamadali kasi ako kahapon

Looking at my ceiling in my room. Thinking all the posible suspect. Whose that girl? Imposibleng kaklase namin yun, kaya mas mahirap malaman.

Masyadong malaki ang school namin para mahanap ko yun kaagad. Lalo na hindi lang highschool ang nag aaral dito mau college din. Kaya pahirapan ang paghahanap nito. Kailangan ko ng makakasama o kakampi.

Maybe Cannon can help me thru this? For sure alam kong nakita din niya ang babaing iyon.

Bigla akong napabangon ng may biglang tumunog ang message tone ng cellphone ko. May nag message.

Napakunot ako ng noo ng walang lamang ang message na nareceive ko. Tangin text box lang ang nareceive ko. Sino na naman ang nakaisip na mangti-trip ng ganitong oras?

I disregard the message and lay again. Pero napabangon muli ako ng makareceive ng panibagong text.

Bagot akong kinuha ang phone ko saka sinilip iyon.

From: 09xxxxxxxxx

😉

Kung kanina walang laman ngayon naman emoticon na nakakindat. Mas lalong kumunot ang noo ko sa nareceive kong text. Pinaglalaruan ba ako nito.

To:09xxxxxxxxx

Who are you?

Ni reply ko sa kanya at nahiga muli. Pero ilang segundo at minuto pa ay hindi na ito nag reply.

Nakakapagtaka naman ito. Baliw na ata. Pinabayaan ko nalang at natulog na ako. Maaga pa naman bukas 7:30 ang pasok shit.

This feeling strange parang may mali ngayon araw. Papasok pa lang ako sa gate ng may naramdaman akong nakatingin sa akin. Kaya pagkalagpas ko sa may guard house kaagad kong liningon ang palingid pero wala akong nakita. Mangilan-ngilan ang estudyante ngayon dahil maaga pa.

I ignore it and continue to walk again. Habang papalapit ako sa room, namataan ko naman si Craven galing sa ibang direction. Nauna siyang nakaabot sa room bago ako. Nang makapasok na ako ang dito na yung ibang mga early birds kong mga kaklase.

Sa row namin ako palang ang naandito. Napasandal ako sa likod ng upuan ko. Still thinking who the posible killer or suspect.

Ilang segundo lang nagsidatingan na ang iba kong kaklase. Hanggang sa dumating na ang teacher namin. Pero bago siya magsimulang magdiscuss. Nag roll call muna siya sa attendance.

"Francisco?"

"Present!"

Hanggang tumingil sa Quihano.

"Quihano?" Pag uulit na tawag ni Sir kay Bagella.

Napalingon pa si Sir sa banda kung saan nakaupo si Bagella.

"Absent sir," Sagot ng katabi niya sa upuan. Hanggang sa natapos na at nagstart siyang magklase.

Tahimik ang lahat habang nagdidiscuss si Sir. Ang ilan focus sa pakikinig. Ang ilang palihim na nag uusap. Habang ang ilang patagong natutulog.

Habang nagdidiscuss si Sir naramdaman kong nagvibrate ang cellphone sa may bulsa ko. Tumingin muna ako sa harap.

Patago kong kinuha habang nagsusulat si Sir sa board ng solving.

From: 09xxxxxxxx

👦🔪


Kung kahapon emoticon ng nakakindat ngayon tao naman na may kasamang kutsilyo. Anong gusto mong ipahiwatig. Nataranta naman ako sa pagtago nito ng dumaan sa tabi ko si Sir.

Tapos na pala siyang magsulat.

"Hoo, muntik na iyon," Bulong ko sa sarili ko.

"So yan muna ngayong araw. Next week niyo na ipasa ang assignment niyo. Goodbye class," Paalam ng teacher namin.

Bigla naman umingay ang paligid dahil wala na ang teacher namin. Pero kapansin pansin ang pagiging uneasy ni Rist.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya nakalapit na ko.

"Oo, pero kasi si Bagella," Kinakabahang sagot niya. Her face look nervous.

Napakunot noo naman ako.

"Bakit anong meron kay Bagella?" Talang tanong ko. Its common to be absent with valid reason or kung trip mo lang. Pero bakit mukhang kinakabahan ito?

"Eh kasi kahapon wala din siya. Tapos kagabi ko pa kinokontak pero ko siya makontak. Unanttended yung phone niya," Kinakabahan niyang dahilan sa akin. Nanginginig pa ang kamay niya habang nagkukuwento.

Pansin ko din yun. Kahapon wala siya.

"Kailan mo siya huling nakita?" Tanong ko sa kanya. Na may tinitignang angulo.

"Noong isang araw bago siya mag absent. Nakakapagtama nga kasi yung mga kilos niya," Sagot niya na parang may naalala siya.

"Anong meron sa kilos niya?" Curious kong tanong.

"Lately kasi nagiging magugulatin siya. Hindi siya mapakali at tingin nang tingin sa paligid. Yung parang may nagmamatsyag sa kanya pero kapag tatanungin ko kung may problema. Ang lagi niyang sagot,"wala". Kaya hindi ko na kinulit. Pero ngayon kasi iba eh!" Mahaba niyang paliwanag habang nilalaro ang kamay niya.

"Bakit? anong iba?" Tanong ko sa kanya. Parang may mali dito.

"Ano kasi..."

"Andyan na si Ma'am" Sigaw ni Dyche sa may pintuan. Nagsibalikan ang mga kaklase ko at nahinto kami.

"Mamaya na lang natin pag usapan muli," Saad ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya.

Pagkabalik ko sa upuan ko. Napatingin ako sa gawi ni Cannon. Kunot ang noo niya habang nakatingin sa papel na hawak niya. Nang nagawi ang tingin niya sa akin bigla siyang napaiwas kaagad ng tingin.

Napabalik naman ako ng tingin sa harap ng pumasok na ang teacher namin. Habang nagdidiscuss si Ma'am hindi ko mapigilang makaramdam ng panlalamig. Hindi ko alam kung dahil sa takot, kaba o dahil nakatutok sa akin itong electric fan. Hindi pa naman ber months bakit kaya? Kung multo ang aga naman niyang magparamdam.

Aish ano ba yan kung anu ano na ang naiisip ko.

"Para kang baliw dyan," Bulong ng katabi ko.

"Manahimik ka nga dyan, Eaves," Badtrip kong sagot sa kanya.

"Okay," Sabay irap niya sa akin. Ang babaing ito. Nakakainis.

Kisa kung saan saan na naman lumipad ang utak ko magfofocus na lang muna ako.

Hanggang sa lunch time na. Kanya kanya sila ng anyaya kung saan kakain.

"Brad, nagbaon ka?" Tanong sa akin ni Branyan. Na nasa harap ko.

"Oo bakit?" Balik tanong ko sa kanya.

"Sabay na tayo. Dito na lang tayo sa room kakain," Anyaya niya sa akin.

"Sige tinatamad din akong lumabas eh," Sagot ko at inayos na ang upuan.

"Hindi kayo kakain?" Tanong sa amin ni Dite.

"Kakain, nagbaon kami kaya dito na lang kami sa room kakain," Sagot ni Branyan sa tanong ni Dite. Nakatayo siya sa harap namin.

"Ah ganoon ba, sige una na kami," Sagot niya saka Inanyayahan na nila sila Amberson na kumain.

"Anong ulam mo?" Tanong niya sa akin.

"Ah tosino," Maikli sagot ko saka binuksan ang baunan.

"Uy same tayo," Nakangiti niyang sagot.

"Oo nga," Natatawa kong saad ng ipakita niya ang laman ng baunan niya.

"Tara kain na tayo," Anyaya niya sa akin.

"Okay," Sagot ko saka nag umpisa nang kumain. Naging mabagal ang pagkain namin dahil nagkukuwentuhan pa kami. Nagkukuwento siya tungkol sa mga kalukuhang ginawa nila dati.

"Ito pa, dati may kaklase kaming nerd na lalaki," Humalakhak niyang kwento.

"Anong ginawa niyo?" Curious kung tanong sa kanya habang inaayos pabalik ang upuan ginamit namin.

"Pinagtripan namin. Yung bag niya tinago naman sa may likod ng inodoro tapos inabangan namin siya sa loob ng C.R ng boys. Noong dumating na siya saka nila hinawakan tapos nilublob sa inodoro yung ulo niya. Yung may timebomb na hindi binuhusan. Hahahaha laughtrip brad. Makita mo yung itsura niya," Natatawang kwento niya.

Kadiri! buti na lang tapos na kaming kumain.

"Buti hindi nagsumbong iyon?"

"Hindi syempre tinakot namin," Mayabang niyang sagot. Napailing na lang ako sa sinabi niya.

Buti na lang din at nagsipasukan na ang ilan sa mga kaklase ko. Umalis siya sa tabi ko at nilapitan sila Dite  na kakarating.

Napatingin ako sa grupo nila. Hindi ko akalain na they can do such thing like what he say earlier. Wala kasi sa itsura nila, pero sabi nga nila. "Look can deceive."

Ilang saglit lang din ay dumating na ang first subject teacher namin sa panghapon. Kaya natahimik muli kaming lahat.

Tumakbo muli ang oras tahimik ang lahat. Nakikinig sa discussion ni Ma'am. Nang may biglang kumatok sa may gilid ng pintuan.

"Yes," Kaagad na tanong ni Ma'am sa babae.

"Pinapatawag po kayo sa Faculty may meeting po kayo," Magalang niyang tugon.

"Ganoon ba sige. Pakisabi susunod na lang ako tatapusin ko lang ito," Pasubali niya sa babae. Tumango naman ang babae saka umalis.

"Okay class hanggang dito na muna. Ipapagpatuloy nalang bukas," Paalam ni Ma'am bago tuluyang umalis. At gaya ng dati para na namang palengke ang room sa ingay.

Pinili kong lumabas dahil sa sobrang ingay. Parang mga palakang nakawala sa kural. Pumuwesto ako sa gilid ng room sa may mga tricycle at umupo.

Iniisip ang lahat ng mga nangyayari ngayon. Bigla ko naman naalala ang mga text sa akin. Habang tinititigab ko ito. Iniintindi ang mensahe, may tumapik sa balikat ko.

"Seryoso natin ah," Puna ni Brainard sabay upo sa tabi ko. Sinara ko muna ang phone ko bago sinilid sa bulsa.

"Tsk... may iniisip lang," Simple kong sagot.

"Ang ingay sa loob ng room no?" Reklamo niya napangisi naman ako.

"Sinabi mo pa," Sang ayon ko. Isang nakakabinging katahimikan ang pumagitna sa amin. Pero kaagad din nawala dahil niyaya siya nila Branyan na bumili. Naiwan muli akong mag isa sa may tricycle.

"Barth!" Tawag sa akin ni Cannon habang palalapit.

"May nareceive kang text?" Sabay naming tanong sa isa't isa. Gulat naman kami sa pareho naming tanong.

"Nakareceive ka din?" Hindi makapaniwala kong tanong. Tumango naman siya saka tulalang umupo sa tabi ko.

"Alam mo na?" Pabitin kong tanong aa kanya. Alam niya na ang ibig kong sabihin.

"Yup," Sigurado niyang sagot saka nangalumbaba.

"Wink of the killer."

"Yung laro?" Gulat kong tanong sa kanya. Tumango siya bilang sagot. Anong kinalaman ng laro sa mga nangyayari?

"Ang pinagtataka ko lang. Bakit nadawit yung laro?" Naguguluhan niyang tanong saka tumingin sa akin. Yun din ang tanong ko.

"Barth!" Nag aalalang tawag sa akin ni Rist. Napatingin naman kami sa kanya.

"Bakit?" Concern kong tanong. Nilabas niya ang phone niya saka tinapat sa akin yung screen.

"READY? I'M GONNA START RIGHT NOW."

Basa ko sa isang madugong sulat na nakasulat sa pader. Isang picture na mensahe ang nareceive niya. Pinakira ko naman kay Cannon at gulat din siya sa nakita.

"What could be this mean?" Natatakot niyang tanong.

"Hindi ko alam," Nanginginig na tugon ni Rist. Halata mong takot na takot na siya.

"Maliban sa amin. May pinagsabihan ka pang iba?" Kinakabahang tanong ni Cannon.

"Wala kayo lang."

"Mabuti naman. Don't you ever dare to tell the other about this. Lalo na we don't know what its really mean," Babala ni Cannon kay Rist.

"Ikaw din," Sabay baling niya sa akin.

Napasuklay na lang siya ng buhok sa stress. Kung sino man itong nagpadala ng text message. May binabalak itong masama.

Yun lang hindi namin alam kong ano yun. Kailan at saan. Kailangan namin maging handa. May masama akong pakiramdam dito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top