Chapter Two

Chapter Two


Shizuoka Prefecture.

Isang lugar sa Japan na malapit sa paanan ng Mt. Fuji. Kaya naman kahit saan ka mag punta sa siyudad na ito, you'll get a glimpse of this beautiful mountain.

Nung eight years old ako, kinailangan namin mag stay sa Japan for five months dahil sa trabaho ni Papa. I remember crying day and night dahil kinailangan ko mag stop for a while sa pag aaral at hindi ko na makikita ang mga kalaro ko. I don't want to go. Madalas naman umaalis si Papa pero nung time na 'yun, hindi ko maintindihan bakit kailangan namin sumama ni Mama sa kanya.

"Saglit lang ang five months," sabi ni Mama. "Marami tayong pupuntahan doon. Maganda doon sa Japan. Gagala tayo!"

Ang dami pa niyang pambobola at pangungumbinsi na ginawa sa akin pero hindi pa rin ako natuwa. Ayokong umalis. Ayokong iwan ang mga kalaro ko. Nag maktol ako at nag wala. Nung nakita kong inaayos na ni mama yung maleta namin, ginulo ko yung mga damit ko. Sa pagkakaalala ko, ito ang unang beses na nag maktol ako nang ganito sa mga magulang ko kaya naman kahit si mama noon ay hindi na alam ang gagawin sa akin. Hanggang sa nagalit na sa akin si Papa at tinakot niya ako. Sinabi niya na hindi na siya uuwi kapag hindi ako umayos. Doon lang ako natigil sa pag iyak.

Against my will, we flew all the way to Japan---sa Shizuoka City.

I remember being too mad and pissed for leaving kaya nung makarating kami sa Japan, ni hindi ako nagka-interes na tumingin sa paligid. Ang naalala ko lang noon ay sinalubong kami ng malamig na hangin pagkalabas ng airport kaya napayakap ako sa sarili ko. Gusto kong tanungin si Mama noon kung naka aircon ba ang buong Japan kasi sobrang lamig. Pero dahil nag mumukmok pa rin ako, hindi ako nag salita.

"Lav look!" sabi ni Mama sa akin habang nakasakay kami sa van na sumundo sa amin papunta sa tutuluyan naming bahay. "Yung Mt. Fuji oh! Ang ganda!"

Hindi ako tumingin. Tinakip ko lang sa mukha ko yung unan na dala dala ko.

Nakarating kami sa bahay na tutuluyan namin. Isang old tatami house. Very traditional Japanese house ang itsura. One storey house lang 'to na kahit hindi kalakihan ay very spacious pa rin. Nanibago rin ako sa mga pintuan dahil lahat ito de-slide. Katulad nung mga napapanood ko noon sa mga tagalized anime sa TV.

My mom and dad seemed excited. Ako naman, naka indian seat lang sa isang tabi at nag mumukmok. Hanggang sa narinig kong tinawag ako ni Papa.

"Lav! Lavender! Halika dito dali!" tawag niya at dinig na dinig ko ang excitement sa boses niya.

Naintriga ako. Hinanap ko siya at nakita ko siya doon sa may bakuran kung saan may maliit na garden. May maliit na pond sa gilid. Sa tabi ng pond, may puno na walang dahon. Mom said because it's autumn season. But we didn't know that tree is actually a sakura tree that blooms once a year only.

Pero kapansin pansin yung kulay puti na bulaklak near the pond na kahit autumn season, they are still in full bloom. Mom said those are Camellia flowers that only blooms during fall and winter season.

Pero hindi ang mga ito ang una kong napansin nung lumabas ako sa garden namin kung hindi ang malaking bundok na tanaw na tanaw mula sa bakuran namin. Sobrang taa and the tip of the mountain is covered with snow.

Si Mt. Fuji.

I got lost for words. Parang bigla rin nawala ang inis ko sa pag lipat namin dito. Napalitan lahat ng pagkamangha sa ganda na nakikita ko ngayon sa harapan ko.

Lumapit sa akin si Papa at ipinasan niya ako sa likod niya.

"Ayos ba?" tanong niya sa akin. "Ayan ang view natin araw araw. Ganda 'di ba?"

Tumango ako bilang sagot sa kanya dahil walang salita ang makapag explain non sa ganda ng nakikita ko sa aking harapan.

~*~

I fell in love with this house. Ayun ang naramdaman ko nung makita ko ang view ng Mt. Fuji sa garden namin. Eventually I found out na hindi lang pala sa bahay namin tanaw ang Mt. Fuji. Our way going to the supermarket, kitang kita ang Mt. Fuji. We stop at a convenience store, kita pa rin ang Mt. Fuji. Sa halos lahat ng lugar na puntahan namin sa Shizuoka City, tanaw ang Mt. Fuji.

May mga pagkakataon na nagtatago ito sa likod ng mga ulap. Bigla bigla na lang nawawala. Pero maya maya lang, lumilitaw ulit ito.

Isang araw, my dad came home with a gift for me. It's a glass wind chime with moon and stars painted on it. Isinabit namin ito sa may bintana sa garden. And when the wind blows, I heard the most beautiful sound ever.

I can't stop listening to it. Naka abang ako na humangin para marinig ko yung wind chime.

I was in awe. How come a simple wind create such beautiful sound? Ano pa ba ang mga bagay na pwedeng makagawa ng magagandang tunog? Ocean waves, the sound of my dad's footsteps, my mom's laughter. Ang daming bagay.

That's when I started falling in love with music.

Gusto ko rin makagawa ng sarili kong tunog. I started humming random song na imbento ko lang. I remember my mom calling my dad para pakinggan ako. I remember them telling me I have a talent for singing. Wala pa akong idea noon kung ano ang ibig nilang sabihin but my mom and dad kept asking me to sing. I don't mind though, because I enjoyed it.

That's my most favorite time of the day. Yung nandoon kami sa may garden, sa tapat namin kita ang Mt. Fuji kahit paminsan minsan ay nagtatago ito sa mga ulap. May gitara si papa, pinapatugtog niya iyon habang ako naman ang taga kanta at si mama ang taga cheer sa aming dalawa.

I don't mind if we stay here forever. I wish we stay here forever. I can make friends with the other kids. This is our home now and I feel so happy with this place.

But something tragic happened to our family.

Kung dati ay puro magagandang musika ang naririnig ko sa bahay na 'to, nagbago lahat sa isang iglap when I heard the most heart shattering sound.

It was my mom's wailing.

I remember a guy in a police uniform talking to her. And although I can't understand a thing he's saying, parang dinudurog ang puso ko sa iyak ng mama ko non.

Sabi raw, na car accident si papa. Death on arrival.

For an eight years old, it's very hard to process death. I can't understand why he can't come back. I can't understand why we have to leave.

Kahit ilang iyak ko, ilang tawag ko kay papa, ilang kanta ang gawin ko, hindi siya bumabalik, walang nangyayari. And my mom can't give me enough words of comfort because she's as lost as I am. Naalala ko lang yung sinabi niya sa akin dati na pag hindi ako sumama sa Japan, hindi na siya babalik. Sumama naman ako ah? Pero bakit sinasabi nila na hindi na babalik si Papa?

We went back to the Philippines. Umalis kami ng buo, bumalik kami ng kulang.

To divert our pain, naging sobrang focus ni mama sa akin. She signed me up to a vocal class. Pinag aral din niya ako ng iba't ibang instruments like guitar and piano.

Naging takbuhan ko ang musika sa malulungkot na parte ng buhay ko. Dito na lang umikot ang mundo ko. Sa pag tugtog at pagkanta. Masaya ako everytime I went up the stage and people listen to me sing and play.

But another bad thing happened that made me quit music. It's so bad that I develop a huge stage fright. I can't sing in front of an audience anymore. I can't even sing in front of my mom.

And without music, I feel so lost.

I was fifteen years old that time.

At ayun din ang panahon kung saan nagsimula akong managinip.

Doon sa panaginip ko, bumalik ako sa old tatami house sa Shizuoka. Wala si mama at papa. Tanaw ko pa rin sa garden namin ang Mt. Fuji. Nakasabit pa rin sa bintana yung glass wind chime na inuwi ni papa noon. Doon sa kwarto nila, nandoon pa rin ang lumang gitara ni papa.

In my dream, I started playing the guitar again. Then eventually, kumakanta na rin ako. Wala yung takot ko. Sa panaginip ko, nakakagawa ulit ako ng musika.

Kaya nung nagising ako, iyak ako nang iyak. Gusto ko ulit bumalik sa panaginip na yun. Gusto kong takasan ang reyalidad at manatili na lang sa loob ng panaginip ko.

A surprising thing happened. Nung natulog ako, muli akong nakabalik sa panaginip na yun. Sa old tatami house sa Shizuoka, habang hawak hawak ang lumang gitara ni papa, gumagawa ulit ako ng musika.

Sa sumunod na gabi, sa panaginip ko, nandito ulit ako. Hanggang sa gabi gabi ko na napapaniginipan ang lugar na 'to like I'm stuck in this dream without any intention to get out.

For years and years, naging takbuhan ko na ang panaginip na 'to. My sanctuary, my escape. Until one day, things started to get lonely.

Naalala ko, college na ako that time. Nagkayayaan kaming mag ba-barkada na mag outing. Sobrang excited ko noon kasi ngayon na lang ulit ako nag e-enjoy na makisama sa mga tao.

But then, may isang nag sabi na may karaoke raw doon sa resort na pupuntahan namin. At kakanta raw kami. Bawal tumanggi kasi magiging KJ ka.

Isang simpleng salita lang, but I can already feel the anxiety. Kahit katuwaan lang o kami kami lang mag t-tropa, yung thought na kakanta ako sa harap ng ibang tao gives me panic attack.

Kaya hindi ako pumunta sa outing. At ngayon, nag mumukmok ako sa loob ng panaginip ko.

I'm gently strumming the guitar with some random chords. Maya't maya, napapabuntong hininga ako at dama ko ang bigat na nararamdaman ko.

Ayoko rin naman i-isolate ang sarili ko nang ganito. Namimiss ko nang kumanta pero iniisip ko pa lang na gagawin ko siya, hindi na ako makahinga. Pwede bang magkaroon ng isang tao, kahit isa lang, na papakinggan ako sa pagkanta? Yung hindi ako matatakot sa harapan niya at hindi ko maalala yung traumatic experience na nangyari sa akin.

"Nakakalungkot tumugtog mag isa," I whispered as tear fell in my eye.

Pinunasan ko yung luha ko kasabay ng pagihip ng hangin na tumama sa mukha ko. And then, narinig ko ang pag tunog ng wind chime na nakasabit sa may itaas ko.

Napadilat ako, at nagulat nang pag tingin ko sa harapan ko ay may isang lalaking nakatayo dito at nakatingin sa akin.

He's tall. About 5'8 ang height. He has a white complexion, a set of jet black eyes and a jet black hair. He's wearing a plain black shirt and black jeans na for a second, akala ko isa siyang black angel na kukuhanin ako at dadalhin kung saan. Until I noticed the guitar case na nakasabit sa likuran niya.

"Hi," bati niya sa akin with a wide grin on his face. Lumapit siya sa patio kung saan ako naka indian seat at yumuko siya to meet my gaze. "Hindi mo naman kailangan tumugtog mag isa. Inaantay lang kita na yayain mo 'ko."

Hindi ako agad nakapag salita. Natulala lang ako sa lalaking nasa harapan ko. Sino siya at bakit nandito siya sa panaginip ko? Isa pa... tao ba siya? He can't be human.

He looks so good he can't be human.

And then, narealize ko ang sinabi niya. Hinihintay niya na yayain ko siya? Ibig sabihin ba noon ay matagal na siyang nandito sa panaginip ko? Pero bakit hindi ko siya nakikita? Isa pa.. panaginip ko 'to hindi ba? Bakit may ibang tao...?

At doon ko lang narealize ang sinabi ko. Nakakalungkot tumugtog mag isa.

That's when I realized, na yes, he can't be real, so maybe I created him. Hiniling ko na sana mayroon akong isang taong willing makinig sap ag tugtog ko. Yung hindi ako matatakot at hindi ko maalala ang traumatic experience ko.

Dumating siya. I created him. He's part of my dream.

"Ako si Yuan," pakilala niya sa akin while offering his hand for a hand shake.

Tinignan ko ang palad na nakalahad sa harapan ko. I'm still in shock na may lalaking lumitaw sa panaginip ko. And a damn good looking one, to be exact.

"Titignan mo lang kamay ko?" sabi nito na parang offended pero nangaasar din. Bigla niyang kinuha yung kamay ko at nakipag kamay sa akin. It feels...warm. Really warm.

"Ikaw si Lavender 'di ba?" sabi nito. Tumango lang ako.

Nginitian niya ako. I felt my heart melted dahil ang ganda ng ngiti niya. Parang bumalik sa akin yung pakiramdam ko nung unang beses kong makita ang Mt. Fuji at ang unang beses kong narinig ang tunog ng wind chime.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang gilid ng pisngi ko, brushing the tears away sa gilid ng mata ko. His touch is light as a feather and yet parang biglang nabuhay ang pagkatao ko. I know I'm asleep yep I feel so awake.

"Sino ang nagpaiyak sayo?" tanong nito sa akin. "Sinong aawayin natin?"

Umiling ako, "bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Hmm.. kasi malungkot ka?"

"Kilala mo ba ako?" tanong ko ulit.

He chuckled at ipinatong niya ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko, "tinawag mo kaya ako. Kaya pinuntahan kita."

I knew it. I created him.

Naupo si Yuan sa tabi ko. Inilabas niya ang gitara niya and he started playing while singing. Natulala ako. Ang ganda ng boses niya. It's probably the most beautiful voice I've ever heard.

"Kanta ka rin," he said. Umiling ako. Sabi ko makikinig lang ako. He kept on playing the guitar. Tapos yung mga tinutugtog pa niya, yung mga kantang gusto ko.

I can't help myself, I hummed quietly. I look up to him and I can see him smiling at me.

Eventually, hindi ko na talaga napigilan at napa sabay na ako ng kanta sa kanya. Hanggang sa huminto siya sa pagkanta at tumutugtog na lang siya. Hanggang sa boses ko na lang ang naririnig sa paligid.

Nung napansin ko na hindi na siya sumasabay sa akin sa pag kanta, napangiti siya.

"Mas masayang kumanta pag may nakikinig," sabi nito.

At hindi ko na rin mapigilang mapangiti.

After that incident happened, doon na lang ulit ako kumanta sa harap ng ibang tao. Sa taong parte pa ng panaginip ko.

The next night, nung bumalik ako sa panaginip ko, he's not there. Tatlong gabi, tatlong panaginip, hindi na siya bumalik.

But in the fourth night, nag pakita ulit siya.

Tumugtog ulit kami. This time siya naman ang kumanta, ako naman ang nag gi-gitara.

Palagi kaming ganoon. Salitan, pero parehong gumagawa ng musika.

Hindi siya palaging nasa panaginip ko. Pasulpot sulpot lang siya. May pagkakataon na nauuna siyang dumating, meron naman pagkakaton na ako ang una. Pero pag nagkikita kami, lagi kaming gumagawa ng musika.

Nag kukwentuhan din kami. Sa kanya ko ibinubuhos ang mga rant ko sa buhay. Sa kanya ko umiyak nung nag break kami nung first boyfriend ko. Sa kanya ko rin unang sinabi na na hire ako sa isang malaking entertainment company kung saan pangarap ko lang noon na doon mag trabaho.

Then umiyak ulit ako sa kanya nung marealize ko na working under this company is not always sunshine and rainbows. Ang daming halimaw sa kompanya na 'to. Palakasan sa taas, hilahan pababa. Maraming tao ang pagmumukhain akong walang alam. Maraming beses kong kukwestyunin ang kakayahan ko. At maraming beses din akong naiinggit sa mga tumutugtog sa entablado.

With Yuan, parang nakahanap ako ng taong mag bibigay sa akin ng comfort. Hindi na lang ang lugar na 'to ang naging sanctuary ko. He also became my safe haven. Ang ka-isa isang tao na nakakarinig sa akin tumugtog at kumanta. Ang nagiisang tao na nakakaintindi sa akin at handang makinig sa lahat ng hinanakit ko sa buhay.

But the thing is, everything is just a dream. Everything is not real.

Including him.

To be continued...


Aly's Note:

Alam ko set up pa lang ng characters 'tong first two chapters, but the real plot will begin sa chapter three. 

See you sa update next Sunday I hope you enjoyed reading <3


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top