Chapter Four

Chapter Four


He's real. He's real.

Hindi ko siya gawa gawa lang. Nag e-exist siya sa mundong 'to. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang kilala ko ang boses na 'yun. Boses ni Yuan 'yon.

Nag mamadali akong bumalik sa desk ko para panoorin yung video. Sabi nung babae, he goes by the name of Musikero.

"Girl, okay ka lang?" tanong ni Lyn sa akin. She looked at me with so much worry on her face.

Nag thumbs up naman ako, "oo ayos lang. Bakit?"

Sumiksik siya sa akin at bumulong, "girl nag kalat yung eye liner mo."

"Ay shit!" bigla akong napatingin sa salamin at nakita ko nga na may bakas ng itim na luha sa magkabilang pisngi ko gawa ng eye liner ko.

Note to self: I should stop wearing eyeliner sa office dahil ilang beses nang nangyari 'to sa dami nang beses kong umiyak sa trabaho.

"Shocks nakalimutan kong dalhin make up remover ko!" sabi ko habang nag hahalungkat ako sa pouch ko.

"Pahiran mo ng lotion para matanggal," sabi naman ni Lyn at inabot niya sa akin yung hand cream niya. Tinry ko yung sinabi niya at natanggal nga yung eyeliner ko.

Napayakap ako sa kanya, "buti na lang nandiyan ka. Baka matagal na akong nag quit," sabi ko rito.

She pats my head, "gaga kapit lang tayo. Ang mahalaga may trabaho. Isipin na lang natin maswerte tayo."

Napahinga ako nang malalim at hindi na lang ako umimik. Alam ko naman 'yun, eh. Maswerte ako na may trabaho ako sa magandang kompanya.

Pero bakit hindi na ako nagiging masaya?

I brushed off the thought at kinuha ko na lang ang phone ko to search for Musikero. Nakita ko agad yung Youtube page niya. It has 100K+ followers. Tapos yung mga views ng videos niya, nasa 200K+ and above.

Cinlick ko yung isang video. Again, he doesn't show his face. Nakikita lang sa screen na nakaupo siya sa isang swivel chair, hawak ang acoustic guitar niya.

The video started. Nag salita si Musikero.

"Sunday Morning by Maroon 5."

I instantly got goosebumps. Even his speaking voice sounded like Yuan.

He started strumming the guitar kasabay ng pagkanta niya.

'Sunday morning, rain is fallin

Steal some covers, share some skin.

Clouds are shrouding us in moments unforgettable

You twist to fit the mold that I am in.'

Napapikit ulit ako. Kahit anong kinig ko, alam kong si Yuan 'to. He has a unique, raspy voice. Yung way ng pagkanta niya, it's always full of emotion.

Napaisip ako habang nakikinig sa kanya. Kilala kaya niya ako sa mundo na 'to? Bakit pag nagkikita kami sa panaginip, hindi siya nag babanggit nang kahit ano na tungkol sa reality niya? Paano siya nakapunta sa panaginip ko?

O baka tulad ko, iniisip din niya na hindi ako totoo? Na isang parte lang ako ng panaginip niya? Isang babae sa panaginip niya na maraming rants sa buhay pero nakakasama niyang tumugtog at gumawa ng musika.

Kung magpapakita ba ako sa kanya ngayon, ano ang magiging reaction niya?

"Guys, update meeting daw tayo," sabi ni Faye, yung secretary ng boss namin. "Doon na lang sa conference room."

Napahinga ako nang malalim at panandaliang nawala si Yuan sa isip ko.

Yung thought na haharap na naman ako sa boss ko ngayon, nanginginig na agad ang buong katawan ko at parang hindi na naman ako makahinga.

Ayokong sumama sa meeting. Gusto ko na lang mag dahilan na masama pakiramdam ko at magpaalam na ako umuwi. Pero alam ko she wouldn't buy it. Feeling ko nga kahit nasa death bed na ako, magagalit pa rin siya sa akin dahil sa iniwan kong trabaho.

Kinuha ko yung tumbler ko na may lamang tubig at uminom ako. Dama ko ang panginginig ng kamay ko. Huminga ako nang malalim tapos kinuha ko ang planner ko atsaka ako sumunod sa mga ka-opisina ko sa conference room.

~*~

May weekly meeting kami sa office kung saan ina-update namin yung boss namin kung ano nang nangyayari sa mga projects na hawak namin. Sa harap ito ng buong team kasi usually may mga ina-announce din siya about sa department namin.

Wala ngayon si Gael dahil nasa out of town shoot sila. For some reason, I'm glad kasi lagi na lang niya ako sinasalo sa update meeting pag napapagalitan na ako. Somehow, it makes me look more incompetent nan aka depende lang sa kanya.

O baka naman incompetent talaga ako?

Habang isa isang nag u-update yung mga ka-officemates ko, napansin ko na good mood na yung boss ko. Kalmado na rin siya so mukhang magiging maayos na naman ang meeting namin. Sana?

Pero hindi ko pa rin maiwasan na kabahan nung ako na ang nag bibigay ng update ko sa kanya.

"Naka schedule na po next week yung teaser shoot ng album ni Annalise---"

"Bakit next week pa?" tanong ng boss ko. Her pitch is getting higher at nararamdaman ko na naman na nagagalit na naman siya. Nararamdaman ko rin ang pag kabog ng dibdib ko.

"Kasi po miss next week pa lang po babalik si Annalise galing sa Boracay—"

"Ano ba naman Lavender! Next week na rin supposedly ang release natin ng teaser. I cannot move the date! Kailan mo pa plano mag edit niyan?"

"The next day po after ng shoot po, diretso edit na po kami."

"Anong the next day pa? Mag start kayo ng maaga sa shoot tapos dumiretso ka na sa editing. Kesihodang hindi kayo matulog ng editor, gawin niyo yan!"

Pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko. Gusto ko nang layasan ang meeting na 'to.

Pero 'di ba dapat thankful ako na may maganda akong trabaho? Na nandito ako ngayon sa kompanya na pinangarap ko?

"Okay po miss," sagot ko sa kanya. My voice is low and weak.

I feel weak.

Pakiramdam ko isa lang akong alikabok sa hangin.

"Then sa following week po, naka schedule na rin po for magazine shoot si Annalise---"

"Make sure you triple check her schedule. Mamaya niyan mag pack up na naman tayo ha?"

"Yes po miss. Tapos po nag schedule na rin po kami ng guesting niya with the Youtubers po---"

"What?" inis niyang tanong. "anong Youtubers 'yan! I told you, mag focus na lang sa TV guesting kesa sa mga Youtubers na 'yan! I don't want this promo to look cheap! Ano ba Lavender? Kaya mo pa ba ha? Wala ka na bang ibang ma susuggest kundi ganyan ha? Use your brain for god's sake!"

I felt a stab in my chest. Pakiramdam ko na naman ang tanga tanga ko. I can't even defend yung gusto kong mangyari.

Naalala ko dati nung bago akong pasok dito, kapag binabara niya ang suggestion ko, dinedefend ko. But one thing I've learned, hindi ako pwedeng manalo sa kanya. She's the type of boss na dapat siya lang ang tama. Na dapat siya lang ang pinapakinggan. Kaya unti-unti nawalan ako ng boses dito. Hindi ko magawa ang mga ideas ko. Dapat nakasunod lang ako sa mga bagay kung saan acceptable para sa kanya.

Nakakulong sa kahon.

Nakakatawa na lagi niyang sinisigaw na para kaming de susi. Hindi niya na isip, that's exactly what she's doing to us. Ginagawa niya kaming de susi. Walang pwedeng mag isip. Siya lang lahat.

Ang hirap naman maging thankful sa ganitong working environment.

Maya maya, bumukas ang pinto ng conference room at napatayo kaming lahat nung makita naming pumasok ang CEO ng Crown Entertainment. Si Boss Gilbert.

He's a mid 50s guy. Tall and lean. He's wearing a simple clothes. Just a pair of jeans and white shirt and a stylish eyeglass.

Gilbert Tan. He used to be a great singer in the 80s. He's actually my dad's favorite singer and the reason why I applied in this company.

I look up to him so much. Ang dami niyang napasikat na career. Sometimes even the sight of him makes me more passionate.

Pero ngayon, ang empty ng feeling ko. Para na akong nauupos na kandila.

"Good afternoon boss," we greeted him in unison.

Nginitian niya naman kami, "Parang naririnig ko ang Boss Tina niyo na sumisigaw ah? Pinapainit niyo ba ulo niya?" he asked jokingly.

Natawa yung mga kasamahan ko samantalang ako napayuko na lang at parang gusto kong magpalamon sa lupa.

"Wala Boss Gilbert, pinagsasabihan ko lang sila," sabi naman ng boss ko sa kanya.

"Ganun ba? Wag mo masyadong pagalitan ang mga bata. Anyway dumaan lang ako just to congratulate you guys sa event ni Annalise last time. It was a success at ang ganda ng event. Nag trending kayo sa social media ha? Suot ni Annalise yung shirt na bigay ng mga fans. Ayos yun. Whose idea was that?"

Bigla akong napangiti. Minsan lang ako makarinig ng praises and it's so heartwarming na galing iyon sa CEO ng company.

I was about to raise my hand para sabihing idea ko yun nang biglang mag salita yung boss ko, si Miss Tina.

"Well, sinabihan ko si Lavender na gawin 'yun," she said.

"Really? Nice. Hindi pa rin kumukupas mga ideas mo, Tina."

"Thank you boss," he said while smiling widely.

Gusto kong mag mura.

"Tsaka pala, schedule a guesting for Annalise sa mga Youtubers. Mas mabilis mag promote sa social media, lalo na doon kesa sa TV. Alam mo naman mga kabataan ngayon, mas ma-internet," sabi ni Boss Gilbert.

"Actually, that's what we're discussing," sagot naman ni Miss Tina. "Suggestion ko nga na mag lagay ng guesting sa Youtube."

"Great!" masiglang sabi ni Boss Gilbert. "Kaya hindi ako namomroblema sa team mo, eh. You're always ahead of things."

Wala na akong narinig after nun. Parang biglang nag shut down ang utak ko.

Lumabas si Boss Gilbert at tinuloy namin ang meeting. May mga sinasabi pa sa akin si Miss Tina pero halos hindi ko na naiintindihan.

"Yes miss."

"Okay po miss."

Puro ayan na lang ang sinasabi ko. Paulit ulit. Parang robot.

Feeling ko sasabog na ako any moment. Wala akong narinig kundi puro ang kapalpakan ko. Pero yung mga bagay na dapat pinupuri ako, napupunta pa sa iba ang credit. Ninanakaw pa sa akin.

Dapat pa rin ba akong maging thankful?

After ng meeting, halos walang kumakausap sa akin. Even Lyn, hindi na niya siguro alam kung paano pa ako i-a-approach. Sobrang tahimik ko. Walang imik.

Umalis din ako ng maaga. Ni hindi ako nag paalam sa boss ko. Alam kong makakarinig na naman ako ng sermon sa kanya the next day for leaving early pero parang bigla ako nawalan ng pake?

Habang nakapila ako sa sakayan ng UV Express pauwi sa amin, nakita ko nag notif sa phone ko na nag l-live sa youtube si Musikero.

I instantly opened it at bumungad sa akin na tumutugtog siya ng gitara.

He's playing a sad beat from his guitar. Slow and melancholic.

"Hi," sabi nito habang tumutugtog at nagbabasa ng comments. "What's the title of the song? Ah.. hindi pa final pero naisip ko Pangarap. Own composition ko 'to," pagpapatuloy niya.

"Bakit malungkot?" sabi niya habang binabasa ang comments. "Ah.. ewan. Kasi hindi naman masaya palagi ang nagagawa ng pangarap 'di ba? Lalo na pag nadadapa tayo. Wala pang lyrics 'to, pero gusto ko sana tungkol doon ang isusulat ko. Yung pangit na bahagi ng pangarap. Yung mahihirap. Yung mga panahon na nadadapa tayo."

Huminto siya sa pag sasalita at nagbasa ulit ng comments.

"Naiiyak na agad ako," basa niya and I heard him chuckled. "Sorry kung nakakaiyak. Gusto ko lang ng karamay. Pero alam niyo, daming ganun 'no? Yung ilang beses nang nadapa dahil sa pangarap nila tapos nagkasugat sugat na sila at nahihirapan nang tumayo? Nakakapagod din naman madapa nang madapa. Minsan, aabot pa tayo sa point na iisipin natin na hindi para sa atin ang pangarap na yun. Tapos iisipin natin na hindi kasi tayo magaling. Pag umabot tayo sa point na yun, kahit mahirap, pigilin natin ang thoughts na yun at lagi nating isipin na dapat tayo ang unang maniwala sa sarili natin. Kung napapalibutan kayo ng mga taong sinasabihan kayo na hindi niyo kaya, umalis kayo doon. Hindi niyo sila kailangan sa buhay niyo."

I heard him chuckled again as he end the song he's playing. "Drama ba? Sorry I know it's easier said than done. Pero laban lang."

A tear fell in my eye. Hanggang sa hindi na lang isang patak ng luha, sunod sunod na. Hindi ko mapigilan. I have to leave the line dahil pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil ap ag iyak ko. But I can't contain myself.

I've been so burnt out. So lost. Pagod na ako.

And hearing those words gave me a different kind of courage.

Parang pakiramdam ko yung namatay na passion, bigla ulit na ignite.

I know I've done a good job. Ginalingan ko naman sa trabaho ko, eh.

Baka hindi ako ang kulang. Sadyang hindi lang sila marunong umappreciate ng effort.

Now, it's about time para maranasan nilang patakbuhin ang project nang wala ako.

Nung makauwi ako sa bahay, I draft a resignation letter and I emailed it to my boss.

After that, parang bigla na akong nakahinga nang maluwag.

~*~

When I told my mom I resigned, ang sabi niya lang sa akin ay 'it's about time.'

Tagal na rin pala niyang inaantay ang resignation ko. She knows na hindi na ako masaya sa trabaho ko. Sabi niya kahit daw hindi ako magsalita, ramdam niya na hindi ako okay. At doon ako nag breakdown sa harapan niya at kinuwento lahat nang sama ng loob ko sa trabaho.

"Lav," she said while stroking my head habang tuloy tuloy akong umiiyak. "Bakit hindi mo itry ulit—"

"Ma," pag putol ko sa sinasabi niya dahil alam ko na agad ang gusto niyang i-suggest. "Hindi ko na kaya."

"Pero ayun talaga ang gusto mong gawin 'di ba? Ayun yung pangarap mo," she said and I can see in her eyes na malungkot siya.

"Hindi na ma," sabi ko. "Iba na ang gusto kong gawin. Mag gusto ko 'tong ganitong trabaho, yung nasa behind the scene lang ako. Kailangan ko lang humanap ng bagong papasukan."

Napabuntong hininga siya and she pulled me closer to her, "sige, support na lang kita. Basta happy ang baby ko. Gusto mo kain tayo sa labas bukas? Magpa spa tayo? Or mani pedi. Treat ko."

I chuckled at parang nawala ang inis ko and I hugged her back.

"Hindi pwede ma, kailangan ko pa rin pumasok bukas. Mag uusap daw kami ng boss ko. Ayoko naman mag AWOL. Kung aalis ako sa company, aalis ako nang maayos."

"That's my girl," puri niya sa akin.

That night when I lucid dream, Yuan's nowhere to be found. Nalungkot ako kasi gusto ko talagang makausap si Yuan. Gusto kong malaman kung totoo bang nag e-exist siya sa reality. Ito yung bagay na never namin napagusapan at never kong cinonsider. Kasi pwede bang magtagpo ang dalawang tao sa loob ng isang panaginip? Parang napaka imposible naman nun.

Pero kung sabagay, ang bumalik nga gabi gabi sa isang panaginip, parang ang hirap din paniwalaan.

Nung pumasok ako kinabukasan, kinausap ako ng boss ko. Nagalit siya sa akin. Bakit daw ako mag re-resign in the middle of a project? That is so irresponsible of me. Tingin ko raw ba may kukuha sa akin kung ganito ako mag trabaho? Ang lakas naman daw ng loob kong mag resign eh hilaw na hilaw pa ako sa pag hawak ng projects. Ang ganda ng opportunity raw na ibinibigay sa akin ng company na 'to, tapos iiwan ko lang?

"Hindi ka magiging successful kung ganyan ang mindset mo!" sigaw niya sa akin. Napatayo na siya sa sobrang inis habang ako, nananatiling nakaupo sa tapat niya. Kita ko ang inis sa mga mata niya. I can't blame her, though. Biglain ko ba naman ang resignation ko sa kanya. Alam kong she can't take another resignation dahil tatlo na sa department namin ang umalis this year. Ako ang pang apat.

Napahinga siya nang malalim at napauo. Kita kong pilit niyang pinapakalma ang sarili niya.

"Lavender look, I know I tend to say hurtful things sometimes," always, correction ko sa utak ko. "Pero ginagawa ko lang yun para patatagin ang loob niyo. Sa ganiyan ako tinrain before, but look at me now. Hindi ko mararating ang posisyon na 'to kung pinanghinaan ako nang loob noon. I know you can do it too. Take my word as a challenge kesa sumuko ka."

Muntik na akong bumigay. Muntik na akong maniwala. Pero hindi talaga. Buo na ang desisyon ko. Alam ko kung kailan dapat lumaban at kung kailan dapat huminto na.

Pag nag stay pa ako sa lugar na 'to, baka ma adapt ko lang yung ganiyang nature niya ng pag t-trabaho. Baka pag ako na ang nasa posisyon na 'yan, ako na ang naninira ng confidence at pagkatao ng mga tao ko.

Ayoko. Ayokong magpalamon sa sistema.

"Sorry po Miss, decided na po akong mag resign."

Kita ko na naman ang pagpapalit ng expression ng mukha ng boss ko. Nawala yung kanina niyang mahinahon na pananalita. Nagpakita na naman ang tunay niyang kulay dahil hindi niya nakuha ang gusto niya.

"You've been warned, Miss Laxamana! Hindi ka mag su-succeed sa industriya na 'to!"

Hindi ako umimik. Hindi ako sumagot. Pero deep inside, nandito yung urge to prove her wrong.

I will succeed. At hindi ko kailangan ang tulong niya o ng kompanya na 'to.

~*~

I still finished my ongoing project bago ako tuluyang umalis sa kompanya na 'yon. Ayoko naman na masabihan nang iresponsable at nang iiwan sa ere sa gitna ng project.

Annalise's promo went well. Ang dami kong nakikitang positive feedback from the fans sa social media. They are all thanking the promo team and the events team for taking care of Annalise.

According sa sales, na achieve din ni Annalise ang highest album sales niya on her entire career. Both digital and physical sales.

Natuwa yung CEO ng company sa team namin. They all gave us bonus and he treated us to a dinner---na naging despidida party ko na rin dahil last day ko na 'yun sa trabaho. Sayang lang din at wala si Gael dahil nasa lock in shoot pa siya. Pero tsaka ko na lang siguro siya pasasalamatan pag nakabalik na siya.

"Girl, I'll miss you!" sabi ni Lyn sa akin sabay yakap. "Pag nakahanap ka ng magandang trabaho, recommend mo naman ako para makalayas na rin ako dito. Nainggit ako bigla, eh," bulong niya.

"Loka," suway ko sa kanya. "Marinig ka ni miss!" sabi ko sabay tingin sa boss namin.

She giggled, "o, magpaalam ka na sa best friend mo," pang aasar naman niya.

Huminga ako nang malalim at lumapit ako kay Miss Tina. Alam ko na ang dami kong sama nang loob sa boss ko na 'to, but still, I tried to greet her with a smile one last time.

"Miss Tina alis na po ako," sabi ko sa kanya.

Nilingon niya ako and for the first time, her eyes soften.

"Uwi ka na?"

"Babalik lang po ako sa office saglit para kuhanin yung naiwan ko pong mga gamit."

"I see," iniwas niya ang tingin niya sa akin. "Good luck," she said. And I can feel the sincerity it almost tears me up.

Tagal ko rin hinabol ang approval niya. Ngayon malaya na ako.

"Good luck din po," sabi ko sa kanya and then I leave.

I went back to our office para kuhanin yung box ng mga gamit ko.

Tinignan ko yung area ko kung saan ako nag ta-trabaho. Ilang beses din ako umiyak sa table na 'to. Ilang sama nang loob ang na-witness nito at ilang successful projects din ang nagawa ko rito.

I feel sad for some reason but at the same time, mas nakakahinga na ako nang maluwag ngayon. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin ng ilang buwan, kung may mahahanap ba akong trabaho agad or what. Pero bahala na si Batman.

I guess I'll just enjoy the adventure.

Dala dala ang box ng mga gamit ko, lumabas ako ng building namin. Pag labas ko, napansin ko doon sa may open field sa tapat ng building namin, may nag b-busking. Ang dami rin taong nanonood.

Busking area kasi ito since maraming artist agencies ang nakapalibot sa lugar na 'to. Pugad din ito ng mga managers na gustong mag discover ng new talents.

At ngayon, mukhang may bagong ma-di-discover ah? Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kalaking crowd for someone na nag b-busking.

Naintriga ako at lumapit para tignan kung sino yung kumakanta.

I saw a guy with a guitar standing in the middle. He's wearing a navy blue polo with white v-neck shirt on the inside, a black maong pants and a worn out sneakers. Pero ang kapansin pansin sa kanya ay yung mask na suot niya around his eyes. It's the type of mask people usually wear during masquerade parties. Color black ito na may ruffles na gold.

"Go Musikero!" dinig kong sigaw ng isang babae.

Musikero?!

Mas napalapit ako sa crowd. Medyo mahirap makipag siksikan dahil sa box na dala ko pero nagawa ko pa rin makasingit hanggang sa mapunta ako sa pinaka harap. Dinig ko ang inis at bulungan ng mga nasa likod ko pero hindi ko inintindi.

Si Musikero. Yuan...

I can't believe na nasa harapan ko siya ngayon.

Kahit naka mask siya, I can still recognize him. Yung tindig pa lang niya, the way na hawakan niya ang gitara, yung ngiti....

It's him. It is really him.

He started strumming the guitar. Intro pa lang alam ko na yung kanta kasi sabi ni Yuan sa akin, isa 'to sa mga una niyang natutunan tugtugin sa gitara.

The Man Who Can't Be Moved ng The Script.

Going back to the corner where I first saw you

Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move.

Got some words on cardboard, got your picture in my hand

Saying: If you see this girl, can you tell her where I am?

Napapikit ako and for some reason, I can feel my eyes brimming with tears. Alam kong narinig ko nang kumanta si Musikero sa video, pero iba yung live kong naririnig ang boses niya.

Dahil mas napatunayan ko na he is Yuan.

That raspy voice full of emotion. It is so unique that I can instantly recognize it.

'Coz if one day you wake up and find that you're missing me,

And your heart starts to wonder where on this earth I could be,

Thinking maybe you'd come back in the place that we met,

And you'll see me waiting for you on the corner of our street.

'Coz I'm not moving...

I'm not moving...

The song ended. Halos mabingi ako sa sigawan at tilian ng mga tao. Muntikan na rin akong matulak dahil lahat sila nagpuntahan sa harap para magpapicture kay Musikero.

I saw how he carefully placed his guitar on his back at pinag bigyan yung mga fans niya.

He smiled and wave at the camera. Nakikipagusap din siya sa mga fans.

Gusto kong lumapit at makausap siya.

Pero pag lumapit ba ako makikilala niya ako? Ano ang magiging reaction niya? Will he freak out na makita ang babae sa panaginip niya? Wait, iniisip din ba niya na hindi ako nag e-exist o naniniwala siya na pwedeng totoong tao rin ako?

Huminga ako nang malalim and I made my way through the crowd. Dahil siksikan at lahat gustong makuha ang atensyon niya, nahirapan na akong sumingit. Halos masira pa yung box ng mga gamit na dala dala ko.

"Musikero!" sigaw ko pero hindi siya lumingon sa pwesto ko. Pilit ako sumingit.

"Ano ba miss!" sabi nung isa na natamaan ko nung box na hawak ko.

"Sorry," sabi ko naman at patuloy pa rin ako sa pag singit hanggang sa malapitan ko siya.

"Musikero pa picture naman," sabi nung isang dalagang fan.

I saw him gave the fan a warm smile at tumabi siya rito para magpapicture.

Nagtilian ang mga tao. Ang dami nainggit.

"Ako rin Musikero! Ako rin!" dinig kong sigawan nila.

Medyo nanibago ako. Marunong mag bigay ng fanservice si Yuan? Ang pagkakakilala ko sa kanya sa panaginip, mahiyain siyang tao.

Panandalian akong napahinto at napaisip kung si Yuan ba talaga ang lalaking nasa harapan ko.

Pero imposible kasing hindi siya. Sa boses pa lang! Masyadong unique ang boses ni Yuan na kahit unang notes pa lang, alam kong siya ang kumakanta.

"Musikero!" sigaw ko but he did not look at my side kahit na halos katabi niya na ako. May kausap pa siyang isang fan.

"Yuan," I whispered, but loud enough para marinig niya.

I was not expecting him to hear that, pero bigla na lang siyang lumingon sa akin.

Our eyes met. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita niya ako.

Na-recognize ba niya 'ko?

Then suddenly, his shocked expression turned into a smile.

"Uy nandito ka na pala," sabi niya sa akin sabay kuha ng box na dala ko gamit ang kanang kamay niya at hinawakan naman niya ang braso ko gamit ang kaliwa. "Guys I'm so sorry, nandito na yung kasama ko. I have to go."

Narinig ko ang samu't saring angal ng mga fans. Pero may nagdatingan din na dalawang body guard at hinawi ang crowd. Samantalang si Yuan, nakakapit pa rin siya sa braso ko.

"Y-Yuan. Nakikilala mo k—"

"Let's go," he said, firmly. At hinatak niya ako papasok sa loob ng isang van.

To be continued...


A/N


Hi Dreamers! How's the story so far? :D

I ~ might ~ drop a surprise chapter anytime next week pag nagkatime. But for now, see you again next weekend! 

Also, I hope you can also tweet your reactions by using the hashtag #WindChimeWP. I'll retweet it <3

- Aly

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top