Chapter Eight
Chapter Eight
I remember the first song Yuan played nung unang beses siyang dumalaw sa panaginip ko. It's Champagne Supernova ng Oasis.
'How many special people change?
How many lives are livin' strange?
Where were you while we were getting high?'
The moment I heard this voice, there's legit tears in my eyes because of two reasons.
First, his voice is beautiful. Probably the most beautiful voice I've ever heard.
Second is because of the song he's playing. It reminds me of my dad. Many years ago, in this exact spot, my dad sang that song to me and my mom.
'Slowly walkin' down the hall
Faster than a cannonball
Where were you while we were getting high?'
Napapikit ako habang pinapakinggan ko siyang kumanta. My heart is about to burst. I'm full of emotions that I can't even explain.
Then I felt the wind blew at tumunog yung wind chime. Napahinto si Yuan sa pag tugtog ng gitara at napatingin sa nakasabit na wind chime sa itaas namin.
"That's my favorite sound," he told me.
"Bakit?" tanong ko naman.
Nagkibit balikat siya. "I dunno. I just love that sound."
The wind blew again at tumunog na naman ang wind chime.
"Me too," sabi ko. "Favorite ko rin yung tunog ng wind chime."
"Bakit?" balik na tanong niya sa'kin.
Napatingin ako sa Mt. Fuji na nasa harapan namin.
"It sounded like a dream," I told him
Hindi siya umimik, instead, he started strumming the guitar again.
"Kanta ka," sabi niya sa akin.
Napalingon ako sa kanya and I saw him smiling at me. The kind of smile that encourages me to sing.
Umiling ako, "makikinig lang ako."
"Bakit?" tanong ulit nito.
"Basta," sabi ko.
Ngumiti ulit 'to—an inviting smile---as he started singing again.
'Someday you will find me
Caught beneath the landslide
In a Champagne Supernova in the sky.'
Napapikit ako. Napahinga nang malalim.
And I found myself singing with him.
'Someday you will find me
Caught beneath the landslide
In a champagne supernova
A champagne supernova in the sky..'
Huminto si Yuan sa pag tugtog. Napadilat ako at napatingin sa kanya. He's staring at me with a smile that melts my heart.
"Lavender," tawag niya sa akin. "Let's play music together."
~*~
Wind Chime Records.
The first time I heard the company's name, I felt goosebumps all over my body. I'm already curious kung sino ang may ari ng kompanya na 'to at bakit ayan ang naisipan niyang pangalan. I know it has nothing to do with me nor my dreams or Yuan, but still, I already felt a certain connection doon sa company.
That day, I researched about the company at... wala ako halos nakitang information. Pinaliwanag naman sa akin nung taga Melody Records na starting company pa lang ang Wind Chime Records, pero hindi ko inakala na sobrang kakaumpisa pa lang talaga nila. Like, dalawang buwan pa lang ang kompanya na 'to.
I found their Facebook page. Doon sa profile picture nila, yung company logo. It's a brush stroked glass wind chime with music notes shape chimes. Nung una inisip ko kung ito ba talaga yung official page nila? Kasi wala pang kalaman laman tapos sampung tao lang ang naka like doon sa page. Pero nakita ko sa info na same address siya doon sa binigay sa akin nung taga Melody Records so baka ito nga yung page.
Sinearch ko rin sila sa Google. Wala ring info aside sa date kung kailan nag start yung company—which is two months ago lang. Wala ring list nung kung sino ang mga handle nilang artists.
Sa totoo lang ang daming red flag. Mamaya scam 'to? Mamaya hindi naman pala taga Melody Records yung babaeng naka usap ko kundi myembro ng sindikato tapos pag dating ko doon sa binigay nilang address, kidnapin nila ako tapos ibenta ang laman ko.
Pero kahit may ganung possibility, ang lakas ng gut feel ko na dapat akong pumunta. Kaya naman on the day of my interview, I wore my most presentable clothes. I tied my hair into a pony tail para neat looking. Light make up lang din. May eye liner pero hindi ko ginawang winged para kind looking ang itsura. Nude lipstick. A little bit of cheek tint then sunscreen.
"Good luck sa interview!" sabi ni mama nung nakita na niya akong palabas ng bahay. "Ano nga ulit name nung company?"
"Ah..." pag aalangan ko. "Wind Chime Records."
Napaisip naman si mama, "parang ngayon ko lang narinig yan? Ano na yung mga songs na na produce nila?"
"Ma nandyan na yung Grab ko mamaya na lang tayo mag usap!" pag dadahilan ko naman at dire-diretso na akong lumabas. Pag sinagot ko na starting pa lang ang kompanya na 'yun for sure hahaba pa ang uapan namin ni Mama. Isa pa naman din yung mapaghinala. Sa kanya ko namana 'to eh.
Sakto lang din dahil pag labas ko sa gate namin, nandoon na yung Grab na binook ko. Agad akong pumasok sa loob.
According sa Waze, the company is just a thirty-minute drive from our home. Since hindi ko kabisado yung lugar at kung paano ako mag co-commute, naisipan ko na lang mag Grab to be safe at para hindi ako ma-late sa interview.
Sa totoo lang, kinakabahan ako. I really want to do well with the interview. Tsaka parang ang saya non. Magiging isa ako sa mga pioneers ng kompanya. Paano kung years from now lumago sila? Edi tataas din position ko? Yayaman din ako? May maipagmamayabang na ako sa ex boss ko?
I'm excited.
If this went well, kayang kaya ko na talagang sabihin na worth it ang pag re-resign ko.
Alam kong nakahinga ako nang maluwag nung nag resign ako. But from time to time, hindi ko maiwasan na mag alala para sa future ko. Minsan nag d-doubt ako sa sarili ko na baka nga walang tumanggap sa akin. Baka tama ang dati kong boss. Hindi naman talaga ako magaling.
That's why I want to make this work. Ayoko nang malunod sa overthinking at self doubt. Gusto ko nang makakawala sa emotional damage na ginawa sa akin ng dating pinagtrabahuhan ko.
I am really excited.
Pero yung excitement ko, napalitan bigla ng anxiousness nung biglang dumaan sa masisikip na eskinita yung Grab driver.
"Kuya, tama po ba tayo ng daan?" tanong ko sa kanya.
"Ma'am dito po tayo tinuturo ni Waze, eh. Nakapunta na po ba kayo rito?" tanong niya sa akin.
"Hindi rin po kuya, eh."
Tumingin ako sa labas ng bintana. Nakita ko may mga batang nag lalaro sa labas. Ilan sa kanila, naka salawal lang. Then may mga asong pagala gala sa paligid. Meron pa kaming nadaanan na grupo ng mga lalaking nag sasabong.
Tama ba ang na-pin kong location?!
As I was double checking my Grab app at yung sinend sa akin na location, napansin kong pumasok kami sa isang compound.
"Ma'am, dito na po ata," sabi ni kuya Grab driver at huminto siya sa isang maliit na first storey house.
Medyo may bakbak na pintura yung bahay. Kahit yung gawa sa yero na bubong ay medyo luma na. Nag aalangan ako bumaba kasi baka mali yung lugar, pero nakita ko yung maliit na signage sa labas ng pinto na may nakasulat na "Wind Chime Record." Sa ilalim nun ay yung logo nila.
Nag bayad ako sa Grab driver at bumaba ng sasakyan. Alangan akong nag lakad doon sa bahay. Wala nang bakuran, diretso pinto na agad. Sa pinto, may door bell. Pinindot ko 'to.
After a few seconds, bumukas ang pinto.
I was greeted by a petite girl with short hair and bright eyes. She looks young. Maybe around mid twenties.
"Hi," bati ko. "I'm scheduled for a job interview today."
"Oh! Lavender Laxamana?" she asked brightly while pointing at me. Lumitaw yung dimple niya sa right cheek nung nag smile siya. "Come in!" she said excitedly and lead me inside the house—or office---or kung ano man ang lugar na 'to.
Pag pasok namin sa loob, inilibot ko agad ang paningin ko. Isa nga 'tong bahay na minakeshift into an office. Una mong makikita yung sala—na parang ginawa nilang lobby area. May sofa, wodden table, at may TV sa harap. Sa ibabaw ng wooden table, nakita kong may mga nakakalat na pinagkainan ng cup noodles at empty bottles of softdrinks.
"Sorry ha medyo makalat," sabi nung babae sa akin at madali niyang iniligpit yung mga cup noodles. "Ang aga mo for your schedule! But I like that!" she said excitedly. "Oh by the way, I haven't introduced myself yet, I'm Reese, I'm the owner of this company," she said with a giggle.
Bigla akong napatayo nang maayos dahil sa gulat.
Siya ang owner?! But she looked so young!
"Hi po!" sabi ko at muli akong nakipag shake hands sa kanya.
"Tara doon tayo," sabi niya at itinuro niya ako sa isang room—which is parang conference room nila or meeting room. May long table kasi na may tig-tatlong swivel chairs on both side. Sa harap ay may white board.
Naupo siya sa chair behind the table at ako naman sa tapat niya.
"Actually I won't ask you any questions anymore. I've read your resume and I've seen your works sa previous company mo and I'm impressed," she said. "Also, we're just a starting record label. Choosy pa ba ako sa mag a-apply?" she said with a laugh. After that, may inilabas siyang contract at inabot sa akin.
"But yeah, since starting pa lang din kami, hindi ko matataasan yung previous salary mo. Ang mabibigay ko lang is same sa salary mo dati, naka indicate diyan yung mga benefits, and also, I promise you, mag e-enjoy ka sa pagtatrabaho dito because you'll be surrounded by good-natured people. Ayaw namin ng stress kasi nakaka ugly so fun fun lang!" masigla na naman niyang sabi. "Isa pa, everyone here, including me, enjoys music. Well kaya nga itinayo ko itong kompanya na 'to. I want to produce music I truly enjoy and help talented artists na i-release ang music nila. Ayun siguro ang pinaka core value ng company na 'to. It's all about helping those artists reach their dreams. Ang dami kasi diyan na magagaling, pero hindi napapansin. Ang daming deserve ng spotlight, pero hindi nabibigyan ng chance. So, most likely, starting artists ang kukuhanin ko. Hindi sila ganoong ka-sikat tulad ng mga artists na naka work mo na. Pero mabibigyan ka rin ng chance na tulungan sila. If bet mo ang mga ganon, mag e-enjoy ka dito."
Napangiti ako and suddenly I feel a much deeper connection sa company na 'to. Keber na kahit lumang bahay ang office, or situated ito sa gitna ng urban poor community. Sobrang gaan agad ng loob ko kay Ms. Reese. Kasi habang ineexplain niya sa akin kung ano ang company na 'to, naramdaman ko ang puso at pagmamahal. Naramdaman ko ang passion.
"May question lang po ako," sabi ko dito.
"Sure! Gora! Ano 'yon?"
"May artist na po ba tayong i-po-produce?"
Napangiti siya.
"I knew you're going to ask that. But don't worry, may isa na tayo, at very promising siya."
"Sino po?"
And right on cue, I heard the door opened.
A tall guy wearing a black cap and black mask entered the room.
"Aki!" tawag ni Reese---I mean, ni Ms. Reese dito.
Lumapit naman siya sa amin. And as he approaches us, na recognize ko bigla kung sino 'to.
"He's Aki," pakilala ni Reese dito. "He's known as Musikero in social media world, and kaka sign lang niya ng contract sa amin last week," sabi ni Reese. "Aki, meet Lavender. If she agreed to work with us, siya ang makakatrabaho mo sa album na irerelease natin."
Musikero—I mean Aki looked at me. His mouth's covered with mask but I can see him smiling because of his eyes.
"Hi miss," he said. "We meet again."
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top