8. Wednesday Night Part Three.
"Ba't mo ba kasi kami sinundan?" Sermon sa akin ni Carl nung makaupo na kami sa pwesto nila.
"Hindi ikaw. Si Laurence." Sagot ko sa kanya na syang ikinatawa nila.
"Kung hindi dumating si Laurence, panigurado pinagpiyestahan ka na nung dalawa." Sabi nung isang kasama nila.
Pero wala talaga sa kanila ang atensyon ko, na kay Laurence na nakatingin sa dance floor. Nabitin ba sya sa pagsayaw kanina?
"Haist! Maiwan muna namin kayo." Sabi ni Carl at niyaya nya ang mga kasama nya.
Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Laurence ang nasa table.
"L-Laurence? Salamat kanina." Sabi ko na syang ikinatingin nya. Tinging masama, kumbaga nakakamatay!
"Why are you doing this? You don't have to follow me!" Napa atras ako sa sigaw nya.
Galit sya. Sobra.
"A-Ano.. Kasi--" Ano bang sasabihin ko?
"Hindi nga ako pumayag na sumama ka diba? Pero ano? Sumunod ka pa rin! Ang tigas ng ulo mo!" Sigaw nya ulit.
Grabe naman sya makasigaw. Masama ba sumunod? Tsk!
"Hey Honey. Bakit mo naman ako iniwan kanina?" Napa angat ako ng tingin ng may nagsalita. "Let's continue." Ha? Landi!
Lumipat ang tingin ko kay Laurence. Nakatingin lang din sya sa akin. Yes! Hindi sya nakikinig dun sa babae. Sasamahan nya ako di--
Nagulat ako nung tumayo sya. Balak ko sanang hilain ang kamay nya para pigilan kaso--
"Umuwi ka na." Malamig na sabi nya sa akin.
"Sino sya?" Sabi nung babae habang nakatingin sa akin.
Ano kayang sasabihin nya? Dapat ko na bang ihanda ang sarili ko para sa kilig o para masaktan?
"Don't mind her. She's nothing." Sabi nya habang nakatitig sa akin.
Hindi pa pumapasok sa isip ko ang sinabi nya ng bigla silang umalis sa harap ko.
"Don't mind her. She's nothing."
"Don't mind her. She's nothing."
"Don't mind her. She's nothing."
"Don't mind her. She's nothing."
Kailangan paulit-ulit? Masakit ah.
Nagsimula ng tumulo ang luha ko. Wala lang ako para sa kanya?
Ibigsabihin ba nito basted na ako? May 4 days pa naman ako bago mag One week diba? Pero basted na agad.
Bumaling ang paningin ko sa mga alak na nasa mesa. Walang pasabi na tinungga ko 'yun.
Effective daw kasi 'yun para mawala ang sakit.
Gumuhit sa lalamunan ko 'yung alak.
"Pwe~ Ang pait! Ampalaya ba flavor nito?" Kausap ko sa sarili ko.
Hindi pa rin tumitigil ang luha ko kaya ininom ko lahat ng maabot ng kamay ko.
Nagsisimula ng umikot ang paligid ko.
"Rica? Hey! Bakit mo ininom yan?" May nagsalita.
"S-Sino ka?" Sabi ko kasabay ng pag-iyak. Nanlalabo na mga mata ko.
"Si Carl 'to!"
"Carl? (Sobs) W-Wala akong kilala na Carl! Shoo~" Pagtataboy ko sabay inom ulit.
Sana mawala na 'tong sakit.
"Don't mind her. She's nothing."
"Don't mind her. She's nothing."
"Don't mind her. She's nothing."
Sh*t naman Author! Copy paste ka ng Copy paste! Tamad!
"Hey tama na yan!" May humablot sa kamay ko at pilit akong itinayo.
Inaanig ko ang mukha nya, kaso hadyang hilo na talaga ako.
"Sino ka? (Sobs) Isusumbong kita sa Mama ko!!" Sigaw ko sa pagitan ng pag-iyak.
----------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top