5. Wednesday Morning.

"Good Morning Philippines!" Masayang sabi ko pagkagising na pagkagising ko.

Nakangiti akong nagligpit ng hinigaan ko, pagkatapos ay nag ayos na ako para sa pagpasok.

.

.

.

"Good Morning Rica!"

"Hello! Good Morning din!" Lahat ng makakasalubong ko ay nginingitian ko ng wagas.

Kaunti pa lang naman ang tao sa school dahil maaga pa naman. Excited kasi akong pumasok at makita ang pag-ibig ko.

Nang makarating ako ay room ay lalong gumanda ang araw ko.

Tahimik akong napadaop palad sabay sabing "Lord maraming salamat sa umaga na 'to."

Paanong hindi ako matutuwa? Nakita ko kasi si Laurence sa upuan nya at tahimik na nagbabasa. At ito pa! Kaming dalawa pa lang ang nandito.

Agad akong umupo sa katabi nya.

"Good Morning Launrence~" Masayang bati ko sa kanya.

Nag-angat naman sya ng mukha at sinalubong ko 'yun ng isang ngiti.

Inirapan nya lang ako at binalik ang tingin sa binabasa.

"Ang cute." Mahinang bulong ko.

Nakapangalumbaba lang ako habang titig na titig sa kanya. Kinakabisado ang pagmumukha nya.

Napaka seryoso nya talaga kaya hindi ako magtataka kung isa sya sa pinaka matalino sa school namin.

Magaling pa sya pagdating sa mga sports. Active din sya sa mga club. Napaka hardworking nya. Napapa ngiti na lang ako.

"Hanggang kailan mo ako balak titigan?" Sabi nya sabay tingin sa akin.

"Ang gwapo mo talaga." Sabi ko ng nakangiti. Bakit pa-- Wait. Anong sabi ko.

"What?!" Sabi nya ng nakakunot noo.

Napaupo naman ako ng diretso. A-Ano..

"H-Ha?!" Natataranta na ako.

"May sinabi ka."

"A-Ako? Wala! Wala!" Pailing iling pa ako at nagsimula ng kutkutin ang kuko ko.

Natetense talaga ako kapag nagsisinungaling ako. I'm not a good liar talaga.

"May sinabi ka!" Pagbabanta nya sa akin.

"W-Wala! Wala akong si-sinabi!" Napapataas na ang tono ng boses ko.

"Yes you have." Panghahamon nya sabay pinaghiwalay nya ang dalawang kamay ko. "You can't lie Rica."

Napakagat labi na lang ako sabay yuko. Binitawan na nya ang kamay ko.

"And please. Don't disturb me while I'm reading." Sabi nya saka lumabas ng classroom.

"Nakaka inis naman! Minsan nga magpapaturo ako kay Mizy para magsinungaling!" Naiinis na usal ko sa sarili.

.

.

.

.

Nagsimula ng magsitayuan ang mga kaklase ko dahil lunch break na. Nakita ko na rin si Laurence na nagreready ng tumayo.

Agad akong lumapit sa kanya.

"Laurence sabay tayong maglunch!" Sabi ko sa kanya sabay ngiti.

Tinignan nya lang ako. Sabay irap.

Ibigsabihin Oo. Haha!

Sinenyasan ko si Mizy na sumunod sa akin.

.

.

.

.

Kainis lang! Kasama nya pala 'yung mga kaibigan nya maglunch. Hindi ko sya masosolo.

Pumili na kami para umorder ng pagkain.

"Anong kakainin mo Laurence?"

"Kahit ano."

Medyo matagal kaming pumila. At nung kami na ay agad akong nagsalita.

"Miss meron ba kayong kahit ano?" Tanong ko sa tindera.

"Ha?" Naguguluhang tanong ng tindera.

"Kung meron po kayong kahit ano!" Medyo nilakasan ko pa para marinig nya, may pagka bingi kasi si Ate.

Narinig ko naman na nagtawanan 'yung mga nasa pila. Anong nakakatawa?

"Stop it Rica!" Napatingin ako nung sigawan ako ni Laurence. "Stupid." Narinig ko pang bulong nya.

Ako ba 'yung stupid o si ate?

"Miss wala kaming kahit ano dito. Try mo sa labas baka meron." Sabi pa nung tindera na syang kinatawa ng mga nakarinig.

Tinignan ko naman si Laurence, pero hindi nya ako pinansin.

Minabuti ko na lang na umalis na sa canteen.

Saan ako pupunta?

Maghahanap ng pagkain na kahit ano. Joke!

Syempre ayoko na dun!

Pinagtatawanan lang ako eh. Malay ko bang wala naman palang pagkain na kahit ano. Malay ko bang bagong menu ng canteen 'yun.

Hayy..

Tahimik na lang akong naglakad hanggang sa makarating ako sa garden ng school at naupo sa bench.

Nawalan na ako ng ganang kumain.

Parang hindi ko matanggap na napahiya ako at wala manlang nagawa si Laurence para ipagtanggol ako.

Nagbabandya ng tumulo ang luha ko kaya tumingala ako para pigilan.

Sumalubong sa mukha ang ang iilang sikat ng araw na syang hinaharangan ng mga dahon ng katabi kong puno.

Nakakarelax.

"Titingala ka na lang ba dyan?" Sa gulat ko ay bigla akong napatayo. Napatingin ako sa nagsalita.

"B-Bakit ka nandito?"

"Ganyan ka ba sa nililigawan mo? Bigla mo na lang iiwanan sa canteen?" Sabi nya sabay tingin sa akin.

Dahan-dahan naman akong napaupo sa tabi nya.

"S-Sorry. Kasi--"

"Nagugutom na ako." Sabi nya at binuksan ang dala nyang pagkain.

Manghang napatingin ako sa kanya. Sinundan nya ako? Lihim akong napangiti.

Inabot nya sa akin ang isang box ng pagkain.

"Kain na." Sabi nya ng nakatungo.

Napayakap naman ako sa kanya sa sobrang tuwa.

"Akala ko--"

"Stop Rica!" May pagbabanta sa boses nya.

Lumayo naman ako pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko.

"Let's eat." Sabi nya.

Sinunod ko naman sya at kumain na rin ako.

Akala ko hindi magtutuloy-tuloy ang magandang pagyayari sa akin ngayon araw na 'to. Napabuti pa yata ang pagkapahiya ko kanina.

Sana lagi na lang ako mapahiya :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top