4. Tuesday Night.

6pm. Kakauwi ko pa lang sa bahay! Gutom na gutom na ako. 5:30 naman talaga at out ko. Eh kaso nga lang, sa ginawa ko kanina, kinailangan ko pang mag stay muna sa labas ng room.

Samu't saring ingay ang naririnig ko. Kesyo ang tapang ko daw, ang astig daw, ang sweet ko daw. Hayy.. Hindi ba nila alam na halos malusaw na ako sa sobrang kahihiyan?

Pagkatapos kong kumain at magpalit ng damit ay diretso computer na ako at nag log in na sa fb ko.

"OMG~ UGHH~~!! Halos maputol na ang litid ko sa kakasigaw.

"Rica!! Manahimik ka na nga! Gabi na!" Narinig kong sigaw ni mama.

Haahh~ Bakit nila to ginawa sa akin! Kakasuhan ko sila!

Nagtataka ba kayo kung bakit ako nagkakaganito? Simple lang naman, napaka simple.

May nag tag lang naman sa akin ng video ko kanina nung sumigaw ako mula second floor.

May 3k+ na likes at 500+ na comments!

Binasa ko yung iba.

'O my! Nakakahiya yung ginawa nya!'

'Astig! Ako na lang ligawan mo ate!'

'Ew. Babae pa manliligaw?'

Ugh! Sabi na nga ba dapat hindi ko ginawa yun eh. Nakakahiya!

Ano pang mukha ang ihaharap ko bukas?

Paano na ako?

Binisita ko ang wall ni Laurence.

Naka tag din sya sa video, at kahit isa, wala syang reaksyon. Naka o.l naman sya kaso nahihiya akong i-chat sya.

Itutuloy ko pa ba ang panliligaw ko sa kanya?

Makapal na naman ang mukha ko eh, ipupush ko na to.

I-chachat ko na lang si Laurence.

Me: Hi.

Laurence: What do you want?

"Hmn. Sungit! Parang akala mo hindi ako minahal. Hihi." Nagsimula na ulit akong mag type.

Me: Magsisimula na akong ligawan ka ah?

Laurence: Do what you want. The hell I care.

"Wow ah. Ang sweet." Sarkastikong sabi ko sa sarili.

Me: Sabi mo yan ah?

Laurence: Tss.

Magrereply pa sana ako kaso naka off line na sya.

Palihim akong napangiti, atleast hindi nya ako inisnob diba? Ayiee~~

May ngiti ako sa labi ng dalawin ng antok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top