3. Tuesday Morning.

Ito na ang pangalawang araw ko ng OPLAN: Win him back in One week.

Ano ba ang pwede kong gawin?

Suggestion naman guys!

Naglalakad ako papunta na sa school.

Hindi pa pala nagpapakilala.

I'm Rica Galado, 20 years old, graduating na ako ng elementary. Charot! College syempre :)

"Hi Rica." Bati sa akin ng

nakasalubong ko.

"Halu~!" Wala sa wisyong sabi ko.

"Hi Ate Rica!"

"Hi."

Kilala talaga ako sa school na to.

Ang kapal kasi ng mukha ko eh.

Maloko talaga akong estudyante. Kaya nga suki na ako ng office ng school eh, pati mga guard close ko na rin.

Pero kahit naman ganun ay hindi ko napapabayaan ang pag-aaral ko.

"Halu Bakla!" Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Mizy.

"Hi there Bakla." Matamlay na sabi ko.

"Anyare sa peslalu mo? Puro ugat!" Parang nandidiri na sabi nya.

Tinignan ko lang sya ng masama.

"Ano ba problema baks?"

"Anong gagawin ko para maging kami ulit ni Laurence?"

"Ligawan mo." Agad na sagot nya.

"What?!" Napasigaw ako sa gulat.

"Desperada ka na diba? Push mo na! Makapal naman mukha mo eh."

Napa-isip ako. Kaya ko ba talagang ligawan sya?

"P-Parang hindi ko kaya."

"Edi stop! Yun lang yan bakla!"

"Baks naman eh."

"Kasi namn baks. Break na nga kayo diba?"

"Narealize ko na mali ako." Napayuko na ako.

"Huli na baks." Huli na nga ba talaga?

"Hindi pwede baks. Liligawan ko sya!" Bigla akong nabuhayan ng dugo.

"Yan ang fighting spirit bakla! Pero bago yan, tara na! Malelate na tayo!" Hinila na agad ako ni Mizy.

.

.

.

.

Pagdating sa room ay mga nakatingin sa akin ang mga classmate ko.

Mga nakangiti, may mga nagbubulungan.

Problema nila?

"Galado, astig yung post mo kagabi ah." Sabi sa akin ng isa kong classmate na lalaki.

Ginawa? Ano bang ginawa ko kagabi? Kumain lang ako at natulog na.

"Anong astig dun?" Nakakunot noong tanong ko.

"Yung sa wall ni Laurence." Sagot nya.

"Ah yun ba? Ga-- What?" Napatapik ako sa noo ko. Ginawa ko nga yun kagabi!

Nakakahiya! Bakit hindi ko naisip na pwede nilang makita yun? Minsan talaga may pagka-shunga ako eh.

Nakayukong umupo na lang ako sa upuan ko.

Napatigil naman ang lahat sa kwnetuhan nung pumasok ang pag-ibig ko.

Nagtama yung tingin naming dalawa. I give him my biggest smile, kaso tinignan nya lang ako ng masama. How sweet~~

Lumakad na sya at huminto sa gilid ko. Magkatabi kasi kami.

"Hi Laurence." Masayang bati ko. At sya? Ayun, snob.

Magkekwento muna ako habang wala pa si Prof. Ehem~ Ehem~

1 month kaming naging magkarelasyon ni Laurece hanggang sa-- Ayy! Ayoko munang ikwento yung part na yun dahil naiinis talaga ako sa sarili ko.

Ayun na nga, nakipag break ako. Hinabol nya ako ng tatlong araw, hanggang sa nagsawa na rin sya. Nagsisisi ako nun dahil nagpakipot pa ako, bawal ba? Hehe.

Nasa huli talaga ang pagsisisi. Simula nun naging masungit na sya sa akin, iniisnob nya na ako.

Nilunok ko na ang pride ko, hindi nga ako nabusog eh. Ako na ang lumalapit sa kanya at nakikipagbati, kaso sinusungitan nya lang ako.

.

.

.

.

Agad tumayo si Laurence nung uwian na. Tatayo na sana ako para habulin sya kaso bigla akong hinarang ng groupmate ko.

"Rica! May praktis tayo bukas!"

"Oo! Oo!" Agad na sagot ko, matapos lang!

"After ng class natin, sa baha tayo nila Mae!"

"Sige."

"Tapos mag--"

"Lintek na yan! Bukas pa naman yun diba? Kaya bukas mo na lang sabihin!" Sigaw ko at agad na lumabas ng room.

Excited kasi masyado!

Nilibot ko ang mata ko sa hallway, kaliwa't kanan kaso wala na sya.

Sumilip ako sa baba. Nasa second floor kasi ako.

Ayun! Naglalakad sya kasama yung mga classmate namin.

Anong gagawin ko? Dapat ko syang makausap.

"LAURENCEE~~!!" Agad akong napatakip sa bibig ko. Sumigaw ako?

Napatingin sa ang mga nasa baba. Para bang naghihintay sila ng sasabihin ko.

A-Anong gagawin ko?

Hanggang na nagsimula na rin maglakad si Laurence, ganun din ang mga tao sa paligid.

Hahh!! Kapag bumaba pa ako baka hindi ko sya makita sa dami ng tao!

"LAURENCE! WAIT!" Napalingon na naman lahat sa akin.

"KAYO BA SI LAURENCE?!" Naiinis na sigaw ko.

Nagtawanan naman ang iba.

"A-ANO.. SIMULA NGAYON... L-LILIGAWAN KITA!" Sigaw ko saka yumuko.

'Kyaahh!! Babae na manliligaw!'

'Nice one! Astig ka talaga Rica! Ako na lang ligawan mo!'

'Oo na!'

Narinig ko pang sigawan nila.

"Baks!" Nagulat naman ako ng nagsisisigaw si Mizy papalapit sa akin.

Nakatungo lang ako dahil sa hiya.

"Kapal ng peslalu natin ah! Official na ang panliligaw mo! Congrats!"

Napailing na lang ako sabay ngiti. Grabe! Nagagawa ko talaga to para sa kanya.

-----------------------------------

Maria's Note:

Feeling ko napiga ang utak ko sa chapter na 'to >.<

Say something pleaseeee..

Love yah!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top