2. Monday Night.

"Haist~~!"

Hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari kaninang umaga. Nakakahiya talaga.

Nakauwi na ako pero yun pa rin nasa isip ko.

Isipin nyo ba naman. Kampante akong naglakad papunta sa pag-ibig ko na ganun ang itsura ko?! Turn off na yun panigurado! Pero para saan pa't pinangalanan akong Rica Galado kung susuko naman ako kaagad. Connect? Haha!

"Rica! Bumaba ka na dyan! Kakain na!" Sigaw ng kuya ko sa baba, nandito kasi ako sa kwarto.

"Oo na!" Sigaw ko rin sa kanya.

Pagbaba ko naabutan ko na silang kumakain, kaya naupo na rin ako.

Dalawa kaming magkapatid ni kuya. Masaya ang pamilya ko. May mabait akong mama, at may mapera akong papa! Haha!

Mabait kasi si Papa, binibigay nya kung ano ang hilingin namin.

"Akala ko ba dito kakain si Mizy?" Tanong ni mama.

"Ay ma hindi na daw po. Masama daw kasi pakiramdam nya." Agad kong sagot.

Tumango-tango lang si mama.

Hindi talaga sya pwedeng kumain dito. Ito ang flashback!!

* FLASHBACK *

"MIZY!!" Sigaw ko habang papalapit ako sa tinaguan naming halamanan kanina.

At ayun ang bakla! Nakatago.

"Hoy! Tumayo ka dyan!" Utos ko sa kanya.

Dahan-dahan naman syang tumayo.

"A-Ano baks--"

"Loko kang bakla ka!" Sigaw ko sabay hampas sa braso nya.

"Aray naman baks!!"

"Bakit hindi mo ako inawat kanina maglakad?!" Nanggagalaiti kong sigaw sa kanya.

"Aba! Tinatawag kita pero hindi mo ako pinapansin!"

"Sh*t naman eh! Dapat kinaladkad mo ako!"

"As if naman magpakaladkad ka! Baka magsabunutan lang tayo sa daan! Edi dinamay mo pa ako sa kahihiyan mo!" Mahabang litanya nya.

"Kaibigan ba talaga kita?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Oo naman baks! Pero pagdating sa kahihiyan, kaya mo na yan!"

"Wag kang pupunta sa bahay!"

"What?!!"

**End of flashback**

Nung natapos na kaming kumain at agad akong umakyat sa kwarto at ng facebook.

Stalker ako kaya tinignan ko ang wall ng pag-ibig ko.

At dahil makapal ang mukha ko ay nagpost ako sa wall nya.

'Laurence my love, kumain ka na ba? Take care 'coz I care. Mwahh mwahh Tsup Tsup :*'

Yan ang pinost ko.

Maya-maya lang ay may 137 Likes na at 101 comments! Binasa ko yung iba.

'Hanep Laurence! Ikaw na talaga ang maraming chicks!'

'Idol na talaga kita Rica!'

'Gagayahin kita.'

Ilan lang yan sa mga comment. Napangiti ako ng bongga. Kailangan ko talagang ipakita sa kanya na sincere ako.

Naka online si Laurence, pero bakit wala manlang syang comment? Nakakainis. Isa pa nga.

'Laurence my love, goodnight! Sweet dreams! Dream of me para mas sweet :))'

Kakapost ko pa lang, ang dami na agad likes at comments, kaso wala manlang syang reaksyon.

Natulog ako ng malungkot ang pakiramdam.

-------------------------------------------

Update! Update!

Comment. Vote. Share :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top