1. Monday Morning.
Para po sayo :) Dahil sobra akong kinikilig sa TAP >.<
---------------------------------------------------------------------------------------
"Rica naman! Ang sakit na ng paa ko!"
"Shut up Mizy!"
"You shut up! Akin na ang susi ng bahay ko para makauwi na ako." Pagmamaktol ng baklang kasama ko.
"Manahimik ka nga Mizy! Baka marining tayo!" Busy kasi kami sa pagtatago sa likod ng halamanan. Sinusubaybayan ko kasi si Laurence.
Prente syang nakaupo sa labas ng coffee shop habang umiinom at nagbabasa. Actually kanina pa kami dito. Mga isang oras, ang tagal nya kasi!
"Ahhh~~" Napasigaw na ako sabay bagsak sa sahig. Bigla akong sinabunutan ni Mizy!
"Bakla ka!!! Gusto ko ng umuwi!" Sigaw nya habang sinasabunutan ako.
"Pucha kang Marco ka! Bitawan mo ang ulo ko!" Sigaw ko rin sa kanya.
Wala na akong pakialam kung may makakita pa sa amin dito!
"Hindi! Hindi kita bibitawan hangga't hindi ka pumapayag na umuwi na tayo!" Matigaa na sabi nya.
"Ah ayaw mo ah!" Agad kong tinaas ang dalawa kong kamay at hinila ang magkabilang patilya nya.
"Bakla!!!! A-Aray!!" Sya naman ang nagsisisigaw ngayon.
"Oh ano?! Hindi mo pa bibitawan buhok ko?!" Lalo ko pang hinila ang patilya nya. Akala siguro ng baklita na to magpapatalo ako sa kanya, no way!
"Bakla ka! Sabay tayo!" Sabi nya.
"Sige! Bibilang ako ng 1 to 3 tapos sabay tayong bibitaw!" Pero bago yun ay hinila ko pa ng pagkalakas-lakas ang buhok nya.
"Aray!!! S-Sige."
"1, 2, 3!!"
Pagkabitaw nya ay agad akong tumingin sa pwesto ni Laurence. Thank god at nandun pa rin sya.
Napatingin ako sa katabi ko nung tumayo sya, kaya kaagad ko syang hinila paupo.
"Baka makita tayo!" Singhal ko sa kanya.
"Bakit ka pa kasi nagtatago? Meron ka lang One week te!" Napa-isip ako sa sinabi ni Mizy.
"Alam mo minsan mapapakinabangan din pala kita." Sabi ko at confident na naglakad papalapit kay Laurence.
"Rica! Bakla!" Naririnig ko pang sigaw ni Mizy. 'Who you' muna sya dahil lalapitan ko ang pag-ibig ko.
Habang naglalakad ako, napapansin ko na naglilingunan sa akin ang mga tao at nakangiti. Well, hindi ko sila masisisi. Sa ganda ko naman bang to, imposibleng hindi ako lilingunin.
Naupo ako sa harap ni Laurence. Kaso mukhang hindi nya ako napansin dahil nakayuko pa rin sya sa libro nya.
"Ehem~" Nagkunwari pa akong naubo. Kaso wa epek!
"Ehem~!" This time medyo malakas na. Sh*t lang dahil ang sakit sa lalamunan.
Napatingin na sya sa akin. Kaso magkasalubong na ang kilay nya.
"What?" Naiinis nyang sabi.
"Ang taray mo naman."
"Can't you see? I'm reading. Kung uubo ka, pwede pakitakpan bibig mo?" Parang napahiya naman ako sa sinabi nya.
Pero sorry sya dahil matigas mukha ko.
"Anong binabasa mo?" Masayang tanong ko.
Itinaas nya lang ang cover ng libro at pinakita sa akin. Hindi ko pinasin yun dahil nakatuon ako sa mukha nya.
"Ow~ Maganda ba?" Tanong ko ulit.
Hindi na naman sya sumagot.
"Laurence, tapos na ba yung dance presentation nyo sa p.e?" Tanong ko.
Napa angat sya ng tingin. Binigyan ko sya ng matamis na ngiti. Kaso nagulat ako ng bigla syang tumayo kaya napatayo na rin ako.
"U-Uuwi ka na?" Sasabay ako sa kanya pauwi!
"Yes. At hindi ka pwedeng sumabya sa akin." Nalungkot naman ako sa sinabi nya. Pero hindi ko pinahalata yun, ngumiti lang ulit ako.
"G-Ganun ba? H-Hindi naman ako sasabay. Kasama ko si Mizy."
"Bakit ka pa lumapit sa akin? And one thing, wag kang lalapit sa akin kung ganyan ang itsura mo." Yun lang at lumakad na sya palayo.
Hindi pumapasok sa isip ko ang sinabi nya. Nahihiya ba syang kasama ako?
Napatingin ako sa paligid. Natatawa sila. B-Bakit?
May isang babae na sumenyas sa akin. Hinahawakan nya ang buhok nya.
Unti-unti kong itinaas ang kamay ko sa buhok ko.
"Sh*t!!! Arghhh~~~!!!" Nagsisisigaw na ako sa inis at pagkahiya. Wala na talaga akong pakialam sa makakakita sa akin at isiping baliw ako.
Mamaa~~ lumapit ako kay Laurence na ganito ang itusra ko! Kaya pala tinatawag ako ni Mizy kani-- Mizy!
"MIZY!!! BAKLA KA TALAGAAA~~~!!!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top