Final Chapter: /27/ The Perfect Timing
"I feel that I have walked alone
But now that you're here with me
There'll always be
a place that I can go"
/27/ The Perfect Timing
[THEODORE]
"THEO, anak... May mahalaga akong sasabihin sa'yo. May bagay akong importanteng ibibigay sa'yo.Na kahit na wala na ako, gagabayan ka nito at ituturo sa'yo nito ang mga kasagutan kapag sinubok ka ng buhay o kapag naligaw ka ng tinahak."
"Ano po 'yan, 'tay?"
"Naniniwala ako na ito ang nagbigay sa'kin ng kapangyarihan upang tumulong sa aking kapwa. Isang kapangyarihan na tila himala."
"Parang magic?"
"Kahit na ano'ng mangyari, huwag mong iwawala ang bagay na 'to, dahil babasbasan ka nito balang araw."
"Opo ,'tay."
THE elevator was out of order and I used the stairs to climb at the rooftop. Habol ko ang aking hininga nang marating ko ang pinakaitaas subalit wala akong ibang nadatnan doon. Tumingala ako sa langit at nakita ko ang buwan na unti-unti nang natatakpan ng mga ulap.
"Very well," may biglang pumalapakpak at nakita ko 'di kalayuan si Levi na galling sa loob ng penthouse.
"Where's Galilee?!"
"Relax, Theo, nasa loob lang siya," tinuro pa ni Levi ang penthouse at muling bumaling sa'kin. Hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko sa kanya. At base rin sa itsura niya'y tila wala siya sa katinuan dahil ang lalam ng mga mata niya, namumutla siya at gulu-gulo ang buhok.
"Why are you doing this? Ano ba talagang kailangan mo sa'kin? 'Yung property ko?" kung buhay na ang nakasalalay dito baka mawalan na ako ng ibang pagpipilian at hahayaan ko na mapunta sa kanya ang lupa ng Hema's Coffee.
"Well, I don't give a damn about that property anymore," nakapamulsa siya at nagpalakad-lakad. "You know what I want, Theo. I want the 'secret'."
"M-my father's..."
"Yes," huminto siya at muling humarap sa'kin. "Matagal din kaming nagkasama ng uncle mo sa Heartless Society. One time he told me this story, about his hatred towards his older brother and he also told me about you, that he's been trying to hypnotize you to tell him where that secret is. I believe that Ivan is not that delusional to be obsessed about it, and now that he's gone, I want to have that secret. Your memories returned right? "
"How did you know?"
"Oh, your aunt, Lara, she and her husband are also part of Project: Afterlife. It was that easy for me to notice when you recognized Galilee."
"Why are you doing this?"
He frowned, "So many stupid questions." And then he laughed. Nababaliw na 'ata ang taong 'to.
"I just received the most terrible news today and before I finally die I wanted to see what Ivan is desperately trying to get from you for years."
Ano bang sinasabi niya? Anong mamamatay? Siya?
"Okay, ibibigay ko sa'yo pero ibigay mo rin sa'kin si Galilee," mahinahon kong sabi sa kanya dahil pakiramdam ko'y anumang sandali ay para siyang pipitik.
Pumunta siya sa penthouse at mula roon ay hinila niya palabas si Galilee. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang hindi siya nasaktan. Kaagad kong kinuha mula sa bag ko ang isang libro, lumapit ako at inabot ko 'yon kay Levi.
Pagkakuha ni Levi ng libro ay tinulak niya si Galilee sa'kin na napasubsob sa'king dibdib. Mabuti na lang ay naalalayan ko siya at kaagad kaming lumayo kay Levi.
"Finally, the secret is in my hands," kitang kita ko sa mukha niya ang pagkasakim at kinailangan pa niyang ikutin ang taling nakapulupot sa libro.
"Are you alright?" bulong ko kay Galilee habang hawak pa rin siya.
"Theo, we need to get out here, that man... is insane," pabulong na sabi ni Galilee sa'kin at sabay kaming napatingin kay Levi nang sumigaw ito.
"Is this a stupid joke?!" nanlilisik ang mga mata nito at bigla na namang tumawa na parang baliw—hindi, baliw na talaga siya. "Don't fuck with me! A Bible?!" itinaas niya ang librong binigay ko sa kanya at binato 'yon sa sahig at tinapaktapakan.
"Ito ba 'yong bagay na patay na patay makuha ni Ivan?! Walang kwenta!"
Nagkuyom ang kamay ko sa nakita, gusto ko siyang sugurin dahil totoong iyon ang bagay na binigay sa'kin noon ni tatay na nagbigay sa kanya ng 'kapangyarihang' tumulong sa tao at himala. At sa buong pagkakataong 'to ay nakatambak lang sa bookshelf ko ang sikretong 'yon nang hindi ko naalala.
"How do we run?" bulong sa'kin ni Galilee at dama ko ang panginginig ng buo niyang katawan. Subalit parehas kaming napaatras ni Galilee nang huminto at humarap si Levi sa amin. Tinutukan kami nito ng baril, all this time he has a gun with him.
"Levi, please put that down," I raised my hand, hoping to convince him. Pero sa kalagayan ngayon ay wala nang makakapigil sa kanya. He lost his mind and if I didn't do anything right now we'll be doomed.
"Too late, boy, you pissed me," Levi devilishly grinned. "If it wasn't for you hindi magkakaroon ng leak ang Heartless Society sa outsiders dahil sa kapalpakan ni Ivan! Hindi sana magsa-shut down ang Project: Afterlife nang dahil sa inyo!"
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at kaagad ko siyang nilusob. I heard Galilee's scream as I struggle to disarm Levi but he's holding the gun tightly. I tried to push away his hands and suddenly a loud noise came and Galilee screamed again.
"Theo!" I saw blood in my clothes. And then I realized... I was shot. Levi kicked me away and Galilee quickly rushed by my side.
"Oh my god, Theo!" she's crying terribly and my body suddenly felt numb, I feel cold.
"G-Galilee, leave me. Save yourself," nakita ko si Levi na muling tinutok ang baril sa'min at sinubukan kong itulak si Galilee subalit ayaw niyang tumayo.
"It wasn't fair if both of you are going to live," Levi said while pointing the gun at us. "You don't deserve that heart, Galilee. You don't deserve to have Juniper's heart! Kung isa-shut down ang Project: Afterlife, dapat ding bawiin sa iyo ang puso na 'yan!"
"Galilee, please!" pakiusap ko sa kanya pero umiling siya. "You'll be dead if you don't..."
"He'll kill us," sabi ni Galilee sa'kin at mukhang natanggap na rin niya ang katotohanan na maaaring dito na magtapos ang buhay naming dalawa, sa kamay ng isang haliamaw.
Napapikit ako saglit at mayroong isang alaala mula sa nakaraang ang biglang pumasok sa aking isipan. It's a distant memory with a 'stranger' woman.
"Do you believe in God?" that was Juniper's first question.
Hindi ako sigurado kung kalian ako huling naniwala sa Diyos pero nang maalala ko ang tanong na 'yon ay napaisip ako. Nagmulat ako at tumingin kay Galilee.
"Do you believe in God, Galilee?" tumitig lang sa'kin si Galilee at sabay kaming napatingin kay Levi na dahan-dahang humahakbang palapit. He's ready to pull the trigger.
Mahigpit na magkahawak ang kamay namin ni Galilee, hindi alintana ang dugo na unti-unting nawawala sa'king katawan.
"Hello, Levi," pare-parehas kaming nagulat nang lumitaw sa aming gitna ang isang hindi pamilyar na nilalang. Base sa itsura nito'y mukha lang naman siyang normal na tao na nakasuot ng pormal, maliban na lang na para siyang nakalutang sa sahig. He's a human hologram.
Nabitawan ni Levi ang baril. Ang kaninang nababaliw na anyo ay napalitan ngayon ng takot.
"It's time to unplug you, Levi," nagsalita muli ang hologram.
"N-no, it can't be! This body is mine!" Levi screamed.
"Our creator, Azrael, launched a self-destruct program to Project: Afterlife. All of the remaining Heartless will be unplugged from their host," boses robot na sabi ng hologram.
"Damn that Azrael! Self-destruct?! No!" tinakpan ni Levi ang tainga at paulit-ulit na umiling. "I'm going to live forever! My business empire is going to rule the world! I'm a member of Heartless Society, we're immortals! You can't kill me!"
"That body is not yours, Levi. Your soul can't stay in this world any longer."
"This body is mine! Only mine! I won't let you have it!"
What Levi did next took our breath away. He ran towards the railings and he jumped from there. And like that, he was gone. The hologram faced us.
"This is the end for Project: Afterlife and Heartless Society. Live well, Galilee," at bigla 'yong naglaho na parang bula.
Namayani ang katahimikan nang naiwan kaming dalawa ni Galilee. At bigla kong napagtanto, nabaril nga pala ako sa tagiliran.
"Theo, stay with me, I'm calling for help."
Damang-dama ko ang panghihina nang buo kong katawan. I don't know if I can still hang on. I heard Galilee's voice but I'm slowly losing my consciousness.
"Theo!"
Is this what dying feels like?
"Theo, wake up."
One second later I opened my eyes and I'm in a different place. Everything's white and the pain was suddenly gone. I feel lighter, and the feeling is eternally peaceful.
Am I dead? Is this already heaven?
"Hey," someone from my side called me and then I saw a familiar woman smiling widely at me. At first, I can't believe that it's her... It's Juniper.
"Wake up, sleepyhead."
"Juniper?"
"Hello, Teddy." Inalalayan niya 'kong makatayo at mas napagmasdan ko siyang maigi. She's wearing a long white dress and her face is glowing. She's beautiful than ever—the woman I love so much. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit.
"It's you... It's really you," naramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa aking llikuran. Nang bumitaw ako sa kanya'y hinawakan ko ang kanyang mga kamay.
"W-where are we?" parehas kaming napangiti.
"We're at the boundary between eternity and the living."
"E-eternity?" napatingin ako sa paligid at nakita ang walang hanggang liwanag. Parang langit na nga ang lugar na 'to. I can't believe this... So, heaven do really exist?
"I came here to see you because I don't want to go," Juniper said, "without saying goodbye."
"G-good bye?" what does she mean? I'm not still dead? I'm not here to go with her? "I... don't understand... I thought... I thought I'm going with you?"
Umiling nang sunud-sunod si Juniper.
"No, Theo. You have to live, you need to live your life," umiling din ako nang sabihin niya' yon.
"I want to go with you. Without you I can't live, Juniper. A-anong gagawin ko pag wala ka? Kaya sasama na lang ako sa'yo, please," tears fell down in my cheeks and she was surprised and sad to see it. "Please, I want to be with you. Ang dami kong kasalanan sa'yo, hayaan mo akong...hayaan mo akong makabawi sa'yo kahit hanggang langit. Please, Juniper."
"No, you can't go with me," pinahid niya ang luha sa'king mga mata. "You'll be fine without me. Trust me, Theo, God has better plans for you. God will always take care of you."
"I don't need God. I need you, Juniper!"
Tumawa siya at bahagya niya akong hinampas sa dibdib, "You silly. Don't say that." She leaned to kiss me tenderly and how I wish this moment won't end. Nang magbitiw kami'y huminga siya ng malalim.
"Mahal na mahal kita, Theo. Pero kailangan ko nang umalis," sinabi niya habang umiiyak pero nakuha niya pa ring ngumiti ng ubod ng tamis.
"Please—"
"You will live well and you will love again for me, okay?"
"Okay."
Wala akong nagawa nang unti-unti siyang lumayo sa'kin at sumama sa mga liwanag na tila hinihigop ng isang lagusang patungo sa walang hanggan.
"I love you, Juniper."
*****
I took a deep breath before I entered the room. It's noisy, like the usual, everything seems like a mess and jungle. Pero sa loob ng halos dalawang buwan ay nasanay na rin ako sa ganitong senaryo tuwing umaga.
"Uy, andyan na si sir!" sumigaw ang class president at nagsiayusan silang lahat na parang mga bulate na natalsikan ng asin. Maingay pa rin sila kahit na nakabalik na sa kani-kanilang mga pwesto.
Tumikhim ako at kinuha ang chalk para magsulat sa blackboard pero bago 'yon ay binati ko muna ang klase.
"Good morning, class!"
"Good morniiiiing, Sir Gomez!" they all greeted in chorus.
"Before we start our discussion we'll have a short activity. Get one whole sheet of yellow pad and answer these questions," tumalikod ako sa kanila para magsulat. Dinig na dinig ko ang ingay nila, karamihan ay nanghihingi ng papel sa mga kaklase. Ano pa ba ang aasahan ko sa mga tipikal na highschool students, napailing na lang ako.
Humarap ako sa kanila matapos kong isulat ang mga tanong.
1. DO YOU BELIEVE IN GOD?
2. DO YOU BELIEVE IN AFTERLIFE?
3. DO YOU BELIEVE IN FATE?
I felt the whole class' confusion when they saw the questions. I gave them a few minutes to answer the questions. Pagkatapos ay pinasa nila sa akin ang mga papel at tiningnan ko saglit ang mga sagot nila. Some are serious, some are amusing, iba't ibang pananaw ng mga kabataan.
"You might be wondering why did I ask you these questions," sabi ko sa kanila at nagpalakad-lakad ako sa buong classroom. "There's no particular reason, gusto ko lang na mapaisip kayo. Sa panahon kasi ngayon, ang mga tao, lalo na ang mga kabataan ay sobrang engrossed sa technology. Everything's so easy to reach these days even if you're on the other side of the globe, you can still buy things without leaving your house. And because of that, we forgot to ponder on simple things like those questions. We are so obsessed to get likes and shares but we don't know who we are and we forgot the meaning of our existence."
Huminto ako saglit at tiningnan silang lahat.
"Do you believe in God? I was agnostic but two years ago, I escaped death two times, and honestly, it was deus ex machina. God saved me."
The whole class stared at one another when they heard my revelation.
"Do you believe in afterlife? Like in the movies, I never knew that 'the other side' exists, near-death experience kung tawagin nila, nasulyapan ko ang ilang piraso ng langit."
Mas umugong ang bulungan ng mga estudyante pero nagpatuloy ako.
"Do you believe in fate? It will be absurd to think that fate doesn't exist because it's fate that brought all of us here together. And in fate, we meet that someone special that gave meaning in our life."
"Ayiee, lumalab layp si sir," the jester student cracked and some of the students teased me as well.
"I advise you, class, to take more time to ponder on questions like these. Some you might be losing the will to live, the will to continue, the will to love, but the meaning of our existence is not empty. We're here because we need to live the life that has been set for us by God."
Bumalik ako sa harapan at muli silang tiningnan lahat. Teaching these high school students wasn't an easy decision. They're like animals that you need to tame before they can listen, and for the two months of 'taming', it was worth it to gain their respect. Na-realize ko na isang malaking pribilehiyo ang humulma ng isip ng mga kabataan.
"I know this isn't a Theology class at ang subject talaga natin ay Araling Panlipunan," some of them laughed. "And one more thing."
May sinulat ulit ako sa blackboard.
D H A R M A
"And in order to live your life, you have to remember your Dharma. Our Dharma as human beings is to live well, to find beauty and meaning in all aspects—"
"Excuse me, Mr. Gomez?" nakita ko si Aunt Feliz, ang principal ng eskwelahang 'to, sa may pintuan. "Can I talk to you for a second?"
"Good morniiiing, Mrs. Pelaez!" my students greeted.
Lumabas ako para kausapin si Auntie.
"I need you to relieve for Mr. Sucgang's class, aabsent kasi siya tomorrow," sabi ni Auntie.
"Ah, sure, Auntie, wala namang conflict sa schedule."
"That's good to hear. Bueno, you can go back to your class," ngumiti si Auntie at tinapik niya ako bago umalis.
Bago ako pumasok sa loob ng classroom ay muli akong tumingin kay Auntie na naglalakad palayo. Miracles do exist. I guess Diyos na siguro ang gumawa ng paraan para magkaayos ang mga kamag-anak ko. Two years ago I almost lost everything; pero totoo nga ang sinabi nila na kapag may nawala sa'yo, may paparating na bago.
Mabilis na tumakbo ang oras at sumapit ang tanghalian. Naka-half day ako ngayon, wala na akong klase mamayang hapon. Pagsakay ko ng kotse ay saktong tumawag si Frida.
"Hello?"
"Pinsan! Nasaan ka na?! Malapit na kaming matapos dito!" as usual ay masakit pa rin sa tainga ang boses ni Frida.
"Mas excited ka pa sa'kin ah? Papunta pa lang ako."
"Aba, siyempre! This is your moment! And the whole family's on the way too! Si Auntie Feliz sasabay mo ba?"
"May meeting si Auntie sa Department of Education kaya hindi siya makakapunta."
"Sayang nemen! Anyway, bilisan mo na't baka magsimula kami ng wala ka!"
Napailing na lang ako at napangiti nang ibaba ko ang tawag. One and a half hour ang biyahe from Bulacan to Manila. Mabuti't walang traffic gaano at mabilis lang akong nakarating. Pagkapark at pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko kaagad na crowded sa labas.
"Omg, ayan na siya!" sigaw ni Frida nang makita ako. Nakita ko 'yung iba ko pang mga pinsan, tito, at tita, lumapit ako sa kanila at kaagad akong lumapit.
"Saktong sakto ka sa ribbon cutting ha," sabi ni Frida sa'kin at inabot sa'kin ang literal na gunting. Tinawanan ko siya at may hinanap ang aking paningin.
"Where's my baby?" pagkatanong ko no'n kay Friday ay may narinig kaming sigaw.
"Daddy!" sinulubong ko ng yakap ang isang batang babae na papalapit sa'kin. Kinarga ko ito at hinalikan sa pisngi.
"Hello, baby girl, I missed you!"
"Alright, let's begin the ribbon-cutting ceremony!" anunsyo ni Frida dahil siya ang host.
Hema's Coffee is now open again. After two years of hardwork and faith, ito ang bunga ng lahat ng pinaghirapan ko. But I'm not alone, sa loob ng dalawang taon na 'yon ay hindi ko sukat na akalaing makakahanap ako ng mga taong muling tutulong sa'kin, what's more the surprise? Ang dating iniisip kong mga kamag-anak na walang pakialam sa akin ay malapit na sa'kin ngayon.
Two years ago my life was the most fucked up life in the history and now I regain again my will to live my life to the fullest. Nagsimula 'yon nang bumalik ako sa Bulacan, sa ancestral home namin, sa tulong ng mga locals ay natuto akong magtanim ng palay. Nang magkaayos ang aking pamilya, Aunt Feliz beg for forgiveness and offered me a teaching position in her school. One by one, my relatives went to our house to offer something and some are also seeking help from me.
Ang dati naming bahay na wala nang nakatira ay muling nagkaroon ng buhay. At masasabi kong ang desisyon na pag-uwi at pag-settle ko sa Bulacan ang naging blessing in disguise sa buhay ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob para muling buksan ang namatay kong pangarap, ang pagbangon ng Hema's Coffee na may bago na ngayong pangalan: Dharma Café.
What did I do? Anong klaseng investment ang nilabas ko para makuha ko ang lahat ng 'to
Well. I studied my father's Bible. Seryoso. During my first months ay nagkulong lang ako sa bahay at nag-seek ng mga bagay-bagay. Philosophy won't work for me, I needed true guidance and I found it in the Bible. God's words provided me strength and it transformed every fiber of my being.
Next, I offered help to people around me, nagsimula ako sa mga kapitbahay. Tinutulungan ko sila sa mga maliliit na bagay mula sa pagsisibak ng kahoy hanggang sa pagbuhat ng mga bagay-bagay. Hanggang sa unti-unti, para akong nagign magnet, naging malapit sila sa'kin. Tuwing Biyernes ng gabi ay may pagtitipon sa bahay at nagkaroon kami ng Bible study and sharing, nakakatuwa kasi nababahagi mo sa iba 'yung mga kaalaman mo.
Service to others. Iyan ang isa sa pangunahing aral sa Bibliya na isinabuhay at sinapuso ko. Naiintindihan ko na si tatay. Wala talaga siyang mahika na ginamit, kundi sinseridad na pagtulong lang sa kapwa. That's my father's real powers. And what he said came true, the secret will also bless me and it did.
At oo nga pala, ang aso kong si Buddho? Ayon nasa Bulacan at malayang nakakatakbo sa malawak naming bakuran. Masaya siya kasi maraming nag-aalaga sa kanya roon at maraming bata ang nakikipaglaro sa kanya.
Pagkatapos ng ribbon cutting ay official nang binuksan ang bago kong coffee shop sa publiko. Saktong five pm at uwian ng mga tao ay dinagsa ang Dharma Café sa opening nito. Sa tulong ni Garnet, na co-teacher ko, ay binigyan niya ng bagong disenyo ang coffee shop, mas lumaki rin ang espasyo nito dahil dinagdagan ko ng isa pang floor.
Okay na sana ang lahat, pero parang may kulang pa rin.
"Excuse me, hiramin ko lang 'yung pinsan 'ko," bigla akong hinila ni Frida at dinala niya ako sa may sulok.
"Frida, bakit? Hindi ba makakapunta asawa mo?" tanong ko sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na mas nauna pa siyang makapag-asawa kaysa sa'kin.
"Hindi, alam mo naman 'yon, busy."
"Mabuti't hindi mo naiisipang hiwalayan 'yang si Yano," biro ko sa kanya at sinimangutan niya ako. Sinong mag-aakala na silang dalawa ang magkakatuluyan sa huli?
"Tse! Anyway! Hinila na kita kasi may bisita ka."
"Bisita? Sino?"
"Kakarating lang niya, wait mo," sabay kaming napatingin sa pintuan at naktia roon ang isang babae na kakapasok lang sa loob. "I invited her."
"Y-you did? Why?" hinampas niya 'ko bigla sa balikat.
"Anong 'why'? Huwag ka ngang slow diyan! Dali lapitan mo!" tinulak niya ako at wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Nag-alangan ako pero sa huli'y namayani ang lakas ng loob. Lumapit ako sa kanya at natigilan kami parehas nang makita namin ang isa't isa. It's been two years since I last saw her. Walang nagbago sa kanya maliban sa buhok niya na hanggang balikat na lang ngayon. Napakaganda pa rin niya.
"H-hi." Sabay pa naming bati sa isa't isa at nagkangitian kami.
"I received an email from your cousin. This place..." nilibot niya ang tingin sa paligid. "...is beautiful. Congratulations."
"T-thanks," biglang naumid 'yung dila ko at hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin. "Kamusta—"
"Daddy!" biglang yumakap sa binti ko si Tuesday. "Daddy, up! Up!" at kinarga ko siya.
"Ang cute naman ng anak mo," sabi ni Galilee at akma niyang hahawakan sa pisngi si Tuesday.
"Ay hindi!" biglang sumulpot si Frida sa gitna namin. "Sorry, hehe, anak ko 'to, nakasanayang tawaging daddy si Theo. Missing in action kasi lagi ang tatay." Kinuha ni Frida sa'kin si Tuesday. "Baka naman gusto mong alukin ng coffee si Galilee, pinsan!" kumindat si Frida sa'kin. "Sige, ha, maiwan na namin kayo." Atsaka siya umalis at iniwan niya kami.
"Ah, yes, ano'ng gusto mo?" natatarantang tanong ko sa kanya. "Kaso..." tiningnan ko 'yung mga mesa at halos lahat occupied na.
"Anything will do. Okay lang kahit for to go." Nakangiting sabi sa'kin ni Galilee at mabilis akong kumilos para ikuha siya ng maiinom. Pagbalik ko'y inabot ko sa kanya ang cup. "Thank you."
"Uhm... Can we... can we go somewhere?" 'di ko rin alam kung saan nanggaling 'yon pero hindi ko na mababawi pa. Tumango si Galilee.
"I know a place where we can go." Sabi niya.
LUNETA.
Kanina pa kami palakad-lakad at walang inuusal na kahit na ano. Sumulyap ako sa kanya at saktong napatingin din siya sa'kin kaya sabay kaming huminto.
"Gusto ko lang itanong..." simula ko. "kung bakit wala ka sa ospital noong magising ako." Matapos ang insidente kay Levi ay hindi ko na siya nakita pa. That's why seeing her after two years... is just too surreal. Naalala ko bigla lahat ng nangyari noon.
"Everything's messed up during those times." Sagot niya at napatingin kami sa nagsasayawang makukulay na fountain.
"You're right."
Namayani ulit ang katahimikan at maya-maya'y bigla siyang nagsalita ulit.
"Noong panahon na 'yon naisip ko na kailangan kitang palayain sa puso ko. Dahil alam kong mahal mo siya," napatingin ako sa kanya at siya naman ay nakatingin pa rin sa fountain.
I was at the verge of death during that time. Pero binigyan ako ng diyos ng pagkakataon para mabuhay sa dahilang may mga mangyayari pang maganda sa buhay ko. Sa kabila ng mga nangyari'y hindi pa rin ako pinabayaan ng Diyos.
"God has better plans for you. God will always take care of you."
Pero naisip ko ngayon lang... Paano kung... paano kung namatay ako noong araw na 'yon?
"Galilee," tawag ko sa kanya at tumingin siya sa'kin. Ilang segundo kaming nagtitigan at napagtanto ko na minsan ko rin pala siyang minahal bago dumating si Juniper sa buhay ko. ''Will you cry when I die? Mali... Would you cry if I died that day?"
Halatang napaisip din siya sa bigla kong tanong na 'yon.
"Yes. I will cry."
Isang oras din kaming tumambay para manuod ng dancing fountain at nang magpasya kaming umuwi'y hinatid ko siya sa sakayan ng taxi.
"Thanks for the coffee," akma siyang papasok sa loob ng kotse nang pigilan ko siya sa braso.
"Y-you owe me."
"Huh?"
"...your number." Natawa siya nang marinig 'yon. Mula sa wallet niya'y kinuha niya ang isang calling card at binigay sa'kin.
"Good night, Theo," sumakay na siya at naiwanan ako habang nakatanaw sa sasakyan niya.
Ngayon, napagtanto ko kung ano ang kulang sa buhay ko. Ang umibig muli. Dalawang taon na ang nakalipas pero ngayon ko lang ulit naramdaman 'yung ganito sa puso ko nang makita ko si Galilee.
Dali-dali kong kinuha ang phone ko para tawagan siya.
"Hello, Galilee?"
"Yes, Theo, why?" halatang gulat siya sa pagtawag ko.
"Can we see each other again? "ilang segundo siyang hindi nakasagot, marahil ay nagulat siya.
"I'd love to catch up with our lives." Napangiti ako sa sinagot niya.
"Are you free tomorrow? Same place?"
"Sure. See you then."
Fate is not that really cruel and everything happens for a certain reason. You just got to trust God's perfect timing and everything will fall into the right place. Na-realize ko na nangyari noon ang mga bagay na 'yon para pagtagpuin kami ni Galilee ngayon.
Juniper words rang in my mind,
"You will live well and you will love again for me, okay?"
After all, God gives a second chance for everyone. Even in love.
xTHE ENDx
https://youtu.be/-OjP4z3zpwI
WYCWID Playlist on Spotify!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top