/9/ Sweet Disposition

It won't be so bad
if I let my heart to decide
what it wants
no matter the cost


/9/ Sweet Disposition

[THEODORE]


"WAKE Up, sleepy head."

I was just having a long dream and for a second it popped out gone, I quickly forgot what it was when I tried to open my eyes.

"Teddy, wake up," dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tumambad sa'kin ang mala-anghel niyang mukha. She was few inches close to me and I when I got a clear view of her face I suddenly moved my head and our foreheads bumped. "Ouch!"

Parehas kaming nasaktan at mas nagising ako nang maramdaman ang sakit.

"That hurts!" reklamo niya habang hinihimas ang noo. Nakasampa pa rin siya sa'kin habang kinapa ko ang eyeglasses ko sa side table.

"What are you doing?!" I hysterically asked as I shoved her to my side.

"Waking you up, ano pa ba?" nakatawa niyang sagot. I looked stupid for sure.

Sumulyap ako sa orasan at nakita na mag-aalasiete na ng umaga. Maaga pa at gusto ko pang matulog. Dumapa ako at nagtalukbong pero naramdaman ko na niyugyog niya ang balikat ko.

"Hoy, gising! May pupuntahan tayo ngayong araw!"

I just groaned and tried to ignore her but she's persistent. Sinipa-sipa niya 'ko hanggang sa mahulog ako sa kama.

"Aray ko..." daing ko nang bumagsak ako sa sahig. "Ano bang problema mo?"

"Bakit ba ang sungit mo?" balik tanong niya sa'kin at wala akong nagawa kundi bumangon.

"Dalian mo na at maligo ka na!" sunud-sunod niya 'kong binato ng unan kaya wala akong nagawa kundi salagin 'yon.

"Juniper!" saway ko sa kanya pero hindi siya tumigil. Nang maubusan siya ng unan ay tinulak-tulak niya 'ko papasok sa loob ng banyo at sinara niya ang pinto.

Napatingin ako sa salamin at nakita kung gaano kagulo ang buhok ko, mas lumaki 'ata ang eyebags ko at mas kumapal ang balbas ko. I looked like a mess.

I'm sure na hindi na ako nananaginip, that's Jupiter who pushed me here. Parang kahapon lang ay nakita ko sa kauna-unahang pagkakataon na malungkot siya at ngayon naman ay parang walang nangyari, bumalik siya sa usual self niya na mataas ang energy.

Pagkatapos ng kalahating oras ay lumabas ako sa banyo ng nakatapis, sakto na pagbukas ko ng pinto'y binato sa'kin ni Juniper ang mga damit ko.

"Don't even try to seduce me," nakatawang saad niya nang mahagis ang damit sa'kin.

Sinimangutan ko siya, pinulot ko ang mga damit at muli akong pumasok sa loob ng banyo. The nerve of that woman, minsan iniisip ko na gusto ko siyang hilahin palabas ng unit ko pero hindi ko naman magawa.

Pagkabihis ko'y muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin, weird but I can see myself smiling like a fool for no reason. I just sighed and decided to make some changes.

I shaved my beard after a long time.

"What happened to Teddy-beard?" iyon ang reaksyon niya nang makita akong lumabas ng banyo.

"Stop calling me that," medyo naiirita ako sa pang-aasar na 'yon.

"Ang sungit mo talaga, meron ka ba?" biro niya sa'kin at napansin ko na tulad ko'y nakagayak na rin siya. She's wearing a simple white dress and a summer floppy hat; I can say that it's simple but elegant.

"So, what now?" tanong ko sa kanya at imbis na sumagot ay kumindat lang siya sa'kin.


*****


SEVENTH day with Juniper, she wants to go somewhere and she insists to drive. Medyo nagduda pa ako noong una dahil hindi ko alam na marunong siyang magmaneho ng sasakyan. At hindi niya sinabi sa'kin kung saang lugar kami pupunta.

"Hey, where are we really going?" naalarma ako nang pumasok na kami sa Expressway, parang balak niyang pumunta sa isang probinsya somewhere North.

"Just sit back and relax," sagot niya habang nakatutok ang mga mata sa kalsada.

She's a smooth driver, mabilis siyang magmaneho pero with a caution. Kung ikukumpara sa'kin ay hindi hamak na mas mabagal akong magmaneho dahil mas pinipili kong maging maingat sa kalsada, minsan hinahayaan ko na lang na masingitan ako sa lane basta huwag lang madisgrasya. Ibahin mo si Juniper, kaya niyang magpalipat-lipat ng lane ng walang kahirap-hirap. She's doing it effortlessly.

Binuksan niya ang radyo pagkatapos niyang magbayad ng Toll fee. A loud old music is playing on the background, she put her sunglasses and she's so relaxed. Wala siyang sinasabing kahit na ano, habang ako naman ay hindi mapakali at pasulyap-sulyap sa kanya.

"Hey," tawag ko sa kanya pero hindi niya 'ko sinagot dahil siguro malakas ang radyo. Hininaan ko 'yon. "Juniper."

"Pupunta tayo sa Malolos." Wika niya at medyo nagulat ako roon.

"Malolos?" that's my hometown, doon nakatira ang mga kamag-anak ko. "Anong gagawin natin sa Malolos?"

"Look at the back." Utos niya at sinunod ko naman siya.

Nang tingnan ko ang likuran ng kotse'y nakita ko ang tatlong naglalakihang kahon, bakit hindi ko 'yon napansin kanina? Inabot ko 'yon upang buksan at nakita na puno 'yon ng mga stuffed toy at iba pang mga laruan.

"Saan galing 'to?" takang taka na tanong ko sa kanya.

She smiled and answered, "Secret. It's magic."

"Anong magic ka diyan."

"Pupunta tayo sa Arms of Love Orphanage sa Malolos. I just want to make some children happy by giving them those toys."

Hindi na ako nakasagot. Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko at tumingin sa daan. I never knew that she'll do something like this.

She is really something.


*****


ARMS of Love Orphanage.

Makalipas ang halos dalawang oras ay narating namin ang aming destinasyon.

I've never been in an orphanage before. First time kong makapunta sa ganitong klaseng institusyon at hindi ko maiwasang ma-curious kung anong pakiramdam.

Lumabas kami ng sasakyan at bitbit ko ang dalawang box ng mga laruan. Juniper leads the way at halata sa kanyang galaw na hindi na ito ang unang pagkakataon na bumisita siya rito dahil alam na alam niya ang kanyang pupuntahan. Una kaming nagtungo sa office ng admin, at si Juniper ang kumausap sa mga officials.

Maya-maya pa'y nakapasok na kami sa pinakaloob ng institusyon at bumungad sa amin ang maluwag at maaliwalas na open-field ng orphanage. Maraming mga bata ang nagkalat ditto.

Nang makita nila kami'y kaagad silang kumaway sa'min. Napatingin ako kay Juniper at nakitang kumaway siya pabalik. Wala pang isang minuto at pinagkaguluhan kami ng mga bata.

"Hello po, Ate ganda!" tawag ng mga bata kay Juniper.

"Hi, kids! Kamusta kayo?" masiglang bati ni Juniper pabalik sa mga bata.

"Okay naman po!" halos sabay-sabay na sagot ng mga 'to.

"Meron kaming gift para sa inyo, but first kailangan behave muna kayo para mabigyan lahat, okay ba?"

"Opo! Yey!"

Tumingin sa'kin si Juniper at ngumiti lang siya sa'kin. Wala siyang sinabi pero parang nakuha ko kung anong nasa isip niya, I just needed to let go and enjoy this moment, like always what she's doing.

Sumunod lang ako sa agos, hindi ko namalayan ang pagtakbo ng oras habang isa-isang pinamimigay ang mga laruang dala namin sa mga bata. I admit that the feeling of making these children happy is incomprehensible, masaya ka na sapat lang 'yung pakiramdam. 'Yung kahit na pagod ka ay mapapawi 'yon sa bawat ngiti at pasasalamat na kanilang binibigay.

The nuns are just happily watching to us. I got this weird na somehow parang hindi na bago 'tong pakiramdam na 'to sa'kin. Parang... ginawa ko na 'to dati pero first time. Parang 'yung tinatawag nilang dejavu?

Nang maipamigay na ang lahat ng mga laruan ay nakipaglaro naman si Juniper sa mga bata, habang ako'y napaupo sa isang bench dahil sa pagod. Pinanood ko lang sila sa gitna ng field habang masayang naglalaro at nagtatawanan.

I remembered Juniper told me that she has no more living relatives. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na siguro she can connect with these kids because she knows the feeling of having no more parents. At pumasok din bigla sa isip ko na ako rin pala ay nawalan ng mga magulang, iyon ang pagkakaparehas naming dalawa.

Pero hanga ako sa mga taong katulad ni Juniper, na kahit na mag-isa na lang sa buhay ay kaya niya pa ring magbigay ng kasiyahan sa ibang tao. Lalo pa't mayroon na lang siyang natitirang ilang araw sa mundong 'to.

Weird. Ayan na naman 'yung parang tumutusok sa dibdib ko kapag naiisip ko ang bagay na 'yon.

"You're lucky to have her," nagulat ako nang may magsalita sa gilid ko at nakita ang isang lalaki na naka-fedora white hat, kahit na nakasuot siya ng pormal ay mukha siyang teen-ager. Tumingin ang lalaki bigla sa'kin. "Don't you think?"

The boy's eyes have a peculiar color, para 'yong kulay usok. Maybe he's a foreigner?

"I'm not... her..." bigla akong nautal at nablangko kung paano ipapaliwanag sa kanya na walang namamagitang relasyon sa amin ni Juniper.

"Okay lang, bro, huwag kang defensive," nagulat na naman ako nang marinig ko siyang magsalita ng Tagalog, so he's not a foreigner. Tinapik-tapik niya pa ako sa balikat. "Kung hindi kayo, sa tingin mo kaya mong mahulog sa kanya?"

"A-ano?" who the hell is this weird boy? Siguro isa siya sa mga bata rito sa orphanage?

"Uyyy, 'di makasagot," Panunukso pa nito sa'kin sabay tawa. Hindi ko na siya pinansin pero mukhang hindi pa rin niya ako lulubayan. "Tignan mo siyang maigi, bro."

Umakbay siya sa'kin at ang isang kamay niya'y hinawakan ang ulo ko para itapat sa direksyon ni Juniper.

"Siyempre ang una mong mapapansin maganda siya, check na check. Pangalawa, hindi lang siya maganda sa panlabas kundi sa kalooban din, super check tayo riyan. Pangatlo..."

"Hey, stop it. Leave me alone, please," kumawala ako sa kanya pero hindi pa rin ako nilubayan nito.

"Ang gusto ko lang naman ipunto... Even though your eyes are open you can't still see the truth if your heart is closed. Open your heart, bro, and the rest shall be added."

Napakunot ako nang marinig 'yon. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon, maraming aspiring philosopher at akala mo alam na alam na nila ang buhay. Tumingin ako kay Juniper at nakita na masaya pa rin siyang nakikipaglaro sa mga bata.

That kid is right, she's beautiful inside and out. 'Yung tipong wala ka ng hihilingin pa. Saktong tumingin si Juniper sa'kin at nakangiti siya, nahawa tuloy ako.

Tumingin ako sa tabi ko at nakitang wala na 'yung teen-ager boy. Where did he go?


*****


JUNIPER's tired. Kaya ako na ang nagmaneho pauwi. Kaso nasa kalsada kami at pakagat na ang dilim nang unti-unting bumabagal ang sasakyan hanggang sa tumirik ito sa gitna.

"Hmm... What happened?" tanong ni Juniper nang maalipungatan.

"I don't know," bumaba ako para tingnan ang problema.

Nasa gitna kami ng kalsada kung saan napapaligiran kami ng talahiban, walang dumadaan na ibang sasakyan at may ilaw ng poste na naghihingalo sa sobrang hina.

Bumalik ako sa loob ng sasakyan para subukang buhayin ang makina pero ayaw talaga. Bakit sa dinami-rami ng pagkakataon na pwedeng masiraan ng sasakyan ngayon pa't nasa malayong probinsya kami?

"Theo?" Juniper called.

"I'll call for some help."

Wala akong choice kundi tumawag ng isang tao na alam kong maaasahan sa mga ganitong sitwasyon. Habang nagriring ang kabilang linya'y napatingin ako sa katabi ko, nakatingin din siya sa'kin at kita ko sa kanyang mukha ang pagod. I want to handle this matter.

"Hello, paps Teddy! Napatawag ka 'ata!" sumagot na 'yung tinatawagan ko.

"Sam? Umm... I need your help."

Pinapunta ko si Sam sa kinaroroonan namin para tulungan kami at wala pang isang oras nang dumating ito. Malapit lang kasi siya rito.

"Paps—holy shet ka," reaksyon niya nang makita si Juniper. "Walangya ka! Hindi ka man lang nagsasabi sa'kin!"

"Sam, si... Juniper nga pala."

"Hi, Sam," inabot ni Juniper ang kamay niya para makipagkamay.

"Juniper, si Sam, kaibigan ko."

"Totoo pala ng tsismis ni Frida! May girlfriend ka na!" bulalas ni Sam at nagkatinginan kami ni Juniper.

For a second I just shrugged and faced him, "Yeah."

"Congrats, paps! Big news to, hahaha! Sawakas!"

Tumingin ako ulit kay Juniper at nakita ko ang pagtataka sa kanyang itsura. Ewan ko, nagsasawa na rin ako na magpaliwanag palagi sa ibang tao. Siguro mas okay din minsan na hayaan sila na isipin kung anong gusto nilang isipin.

It's not that bad if we'll pretend for a while, as long as she's also fine with it.

Naghihintay ako ng violent reaction from her pero katulad ko ay mukhang mas pinili na lang din niyang umayon sa iniisip ng ibang tao—na magkasintahan kaming dalawa.

"Lumalalim na ang gabi, paps, saan niyo balak pumunta? Sure kayong balik pa kayong Manila?" tanong ni Sam habang tsinetsek ang kotse ko.

"No, I think uuwi na lang kami sa bahay." Sagot ko.

"Sa bahay?" tumingin si Sam sa'kin.

"Sa ancestral house namin." Sabi ko at muling sumulyap sa kanya.

Juniper is smiling at me. 

-xxx-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top