/8/ My Heart Aches

We are all liars
We made lies
To protect
Ourselves
our loved ones
From pain

/8/ My Heart Aches

[THEODORE]


"AND the best cupcake award goes to... Juniper and Theo!" nagpalakpakan ang mga tao at maging siya'y pumalakpak na parang bata.

"We won?" hindi pa niya makapaniwalang sinabi habang nagniningning ang kanyang mga mata. Ngumiti na lang ako ng alanganin sa kanya habang nakatingin sa amin ang ibang tao na kasama namin ngayon sa baking workshop.

Day three na magkasama kami ni Juniper, naisipan niya kaninang umaga na pumunta sa isang baking workshop na nakita niya sa internet, hiniram niya kasi 'yung laptop ko para mag-search at natagpuan niya 'yung website na Lizzie's Kitchen.

Umalis kami ng condo na walang agahan dahil 9 am ang simula ng workshop. Kanina pa nga ako nagugutom at natatakam habang gumagawa kami ng cupcakes. Pagkatapos meron palang awarding na best cupcake award at akalain mo't kaming magpartner pa ang nanalo.

Guess what design we did? Unicorn cupcakes.

After we wrapped up, we received our price, dalawang dosenang cupcakes. I guess its hello Diabetes.

"Where should we eat?" tanong ni Juniper habang naglalakad kami palabas ng gusali.

"Excuse me?" napahinto kami parehas nang tawagin kami ng isang babae. Lumapit ito sa'ming dalawa. "Are you the owner of Hema's Coffee?"

Nagkatinginan kami ni Juniper. I looked at the woman again and I actually don't know what to say, then I felt Juniper's hand tapping my shoulder.

"Ah... Yes," napatingin ako sa sahig. 'But it's closed now."

"I know," may bakas ng simpatya ang boses ng babae. "Namukhaan kita kanina at mukhang hindi mo na 'ko naalala. I'm Lizzie, frequent customer ako at ng mga friends ko sa coffee shop mo, I remembered that we almost agreed into a partnership."

"Partnership?" napaisip ako saglit dahil wala akong maalala na ganon. "I'm sorry... pero wala akong maalala na ganon."

"Well, it's been two years, you might not remember it kasi verbal agreement lang naman."

After that short talk, habang naglalakad kami papunta sa malapit na mall ay hindi mawala sa isip ko 'yung sinabi ng babae kanina. I might not remember that I almost had a partnership with the owner of Lizzie's Kitchen due to the therapy, pero weird pa ring coincidence dahil nagkita kami ngayong araw.

"Why don't you consider it again?" biglang nagsalita si Juniper at napatingin ako sa kanya.

"What?"

"That partnership," kumunot 'yung noo ko sa tinuran niya. "It might help you to revive your coffee shop."

"Impossible." Bulong ko at bigla ba naman niya akong hinampas. "Aray!"

"Ganyan ka ba ka-skeptic, alam mo bang walang imposible?"

"Juniper, don't start with a philosophical debate, gutom ako."

"Bakit, kasi alam mong matatalo ka sa'kin." Mayabang niyang sabi atsaka humalukipkip.

"It's easy for you to say that but you know nothing about me."

Ilang segundo ang lumipas pero hindi na siya sumagot, mukhang nakuha naman siya sa sinabi ko.

"You're wrong," narinig kong bumulong siya. "I know everything about you."

"Anong sabi mo?"

"Wala, sabi ko bingi ka." Pagkatapos ay mabilis siyang naglakad palayo.


*****


TIME flies fast. Hindi ko namalayan na halos isang linggo na kaming magkasama ni Juniper. The only good thing is because of her I'm distracted to think about my current situation. Hindi ako nag-ooverthink sa nangyaring eskandalo sa university. I can't tell if she's a blessing in disguise dahil kung wala siya ay malamang nagkukulong lang ako sa condo.

Last time we went to a mountain just to conquer a fear—fear of heights, though hindi ko sinabi sa kanya kung ano talaga 'yung totoong takot ko. Noong isang araw naman ay naisipan niyang magpaligsahan kaming dalawa—stay awake for twenty-four hours at ang unang sumuko para matulog ay talo. At siyempre, natalo ako sa kanya.

At ngayon naman ay nagmu-movie marathon kaming dalawa. Nakaupo kami sa sofa habang si Buddo ay binibigyan niya ng snacks. I've been slothful these past few days, I don't know what to do and now it feels like I'm stuck with her for month.

Hindi ko na nga naiisip kung con artist lang ba siya o kung totoo ba talaga bang may sakit siya at malapit na siyang mawala. She's been very energetic every day or maybe because she's spending her last days to the fullest.

I don't know. Para lang akong patay na isda na nagpapadala sa agos sa ilog, kung saan man ako dalhin ng desisyong papasukin siya sa buhay ko, bahala na.

Nag-vibrate 'yung phone ko at nakita ang isang message galing sa pinsan kong si Frida.

'Insan, busy kayo? Nasa baba ako, baka kasi nakakaabala ako bwahahahaha.'

Loko-loko talaga 'tong babaeng 'to kahit kailan.

"Uhm... May bibilhin lang ako sa convenience store sa baba... wala ng Cheetos." Pagdadahilan ko kay Juniper at tumango lang siya.

Dali-dali akong pumunta sa lobby kung saan naghihintay si Frida at nagulat siya nang makita ako.

"Oh? Theo—"

"Frida there's something I want to ask you." Hindi ko na siya pinatapos magsalita at kaagad kong pinakita sa kanya ang isang larawan.

"Ano 'to?" tanong niya habang tinitingnan 'yung picture na inabot ko sa kanya. "Si Juniper ba 'to?" tiningnan niya 'yon ng mabuti at binalik niya sa'kin.

"I don't know," hinila ko siya sa may sofa at umupo kami roon habang nagtataka pa rin siya. "Look, makinig ka sa'kin Frida Mae, promise me na hindi mo ipagkakalat 'tong sasabihin ko."

"Ako pa ba, kailan ako naging madaldal—"

"Frida Mae." Seryoso kong tawag sa kanya.

"Promise," tinaas pa niya ang kanang kamay. "Cross my heart 'till I die."

"Okay, to be honest..." huminga muna ako ng malalim. "Hindi ko talaga kilala si Juniper, bigla na lang siyang sumulpot sa buhay ko out of nowhere."

"Ha? Anong sumulpot? Eh kung makaasta kayo para kayong jowang magkalive-in?" napahilamos ako sa mukha, ganon pala tingin niya sa'ming dalawa. Sinenyasan ko siya na hinaan niya lang 'yung boses niya. "Sorry, sorry."

"She offered me something... She wants me to be her companion for a short period of time dahil sabi niya malapit na siyang mamatay."

"HUWAT?!" halos marinidi ako sa boses niya at kaagad din naman siyang napatakip sa bibig. "Totoo ba?! OMG? Anong sakit?! Bakit?!"

"Frida Mae!" saway ko sa kanya at kaagad naman siyang kumalma. "I don't if that's true dahil wala naman siyang pinakitang pruweba sa'kin, well, hindi ako sigurado kung maselan ba or what."

"Wow, pinsan, parang Korean drama lang peg!" gusto kong mag-face palm sa pinagsasasabi nitong ni Frida. "Ano naman ang kapalit sa pagpayag mo sa gusto niya? OMG don't tell me? Katawan mo?!"

"Hindi! Frida ano ka ba!" tapos ay tinawanan niya 'ko. Naiinis na 'ko sa kanya dahil hindi niya 'ko sineseryoso. "She said that she'll give me her entire fortune kapag namatay na siya."

"Wait teka, ganito pagkakaintidi ko ha," binagalan pa ni Frida ang pagsasalita habang kumukumpas ang kamay niya. "So si Juniper ay mayaman na may sakit, tapos gusto niyang makasama ka sa loob ng ilang araw at pagkatapos gagantimpalaan ka niya ng kayamanan niya?"

"Parang... ganon na nga."

"What? Eh mukhang pang-plot nga sa Korean drama 'yan eh. Seryoso ka ba?"

"Mukha ba 'kong nagbibiro? Atsaka tigilan mo nga ako sa kaka-Korean drama mo diyan."

"Kasi naman, pinsan! Bakit ikaw? Bakit ikaw ang napili niyang makasama sa natitira niyang araw at bakit ikaw ang gusto niyang pamanahan?"

"Akala mo ba hindi ko naisip 'yan? Tinanong ko na rin sa kanya 'yan pero naguguluhan pa rin ako."

Natahimik kami parehas ni Frida at tinapik-tapik na lang niya 'ko sa balikat.

"Sa totoo lang, pinsan, magaan loob ko kay Juniper, hindi ko alam kung bakit. Tingin ko hindi naman siya masamang tao. Ikaw ba, anong nararamdaman ng puso mo?"

"Puso talaga?" hindi ko maiwasang mag-react sa sinabi niyang 'yon.

"Ayiee, trigger naman siya 'agad." Pang-aasar niya sa'kin.

"Ewan. Nagpapadala lang ako sa agos. Tutal suspended ako sa trabaho, hinahayaan ko na lang 'yung trip niya. Pero lately kasi hindi ko maiwasang ma-bother."

"Ma-bother saan?" tanong ni Frida.

"Sa mga coincidence, una 'yang picture na 'yan na nakita kong nakaipit sa files ng coffee shop ko at speaking of coffee shop... nang pumasok si Juniper sa buhay ko bigla na lang ulit pinaalala sa'kin ang failure kong 'yon." Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga.

"Anong balak mo ngayon?"

"Hindi ko talaga alam, Frida. Natatakot ako na pagsisihan ko 'yung desisyon kong pumayag sa gusto niya, kasi baka pinaglalaruan niya lang ako."

"Edi paglaruan mo lang din siya," napatingin ako kay Frida, parang hindi seryoso 'yung pagkakasabi niya pero may sense ng kaunti. "Huwag kang masyadong ma-stress, pinsan. Eto naman ang tanong ko sa'yo, paano kung totoo nga na mamamatay siya? Anong gagawin mo?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya na 'yon. All this time iniisip ko na baka hindi naman talaga totoo 'yon, na hindi naman talaga mamamatay si Juniper, at trip lang niya lahat 'to. Never kong inisip ang posibilidad na 'yon at kung anong gagawin ko kung sakaling dumating ang araw na mawala siya.

As of now, gusto kong isipin na pinaglalaruan lang niya ako. Frida's right, if she's really toying with me then I'll just play along with her game and see how it ends. I must play and win.

"I trust you, Frida."

"I know. I promise I won't tell anyone."

"Just one more favor."

"Ano 'yon?"

Muli kong inabot sa kanya ang larawan.


*****


PAGBALIK ko sa unit ay nadatnan ko roon na wala si Juniper, naiwan si Buddo na natutulog sa may sofa. Kaagad ko siyang hinanap, wala siya sa CR at wala rin siya sa balcony. Iisa lang naman ang exit nitong condo at imposibleng lumabas siya ng building dahil hindi ko siya nakita kanina sa lobby.

Napaupo ako sa sofa saglit. Hindi ako mapakali kaya dali-dali akong lumabas ng unit. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin kaya pinindot ko 'yung rooftop button sa elevator. Paglabas ko'y kaagad ko siyang hinagilap.

"You don't need to remind me every day that my time is running out." Napapitlag ako nang marinig ko ang pamilyar na boses. It's her voice! "I just... need to be with him."

"Juniper?" tawag ko sa kanya nang makita ko siya malapit sa may water tank area.

Gulat na gulat siyang lumingon sa'kin.

"T-theo?"

"Anong ginagawa mo rito?" lumapit ako sa kanya at napansing namumutla siya.

"I just needed some air and I need to... take an important call."

"Call? Hindi ba't sinabi mo na wala kang phone?" naniningkit kong sabi sa kanya.

She nervously laughed, "Wala ba akong kapasidad bumili ng phone? I'm rich."

Ramdam ko 'yung pagkabog ng dibdib ko, tinalikuran ko siya at naglakad ako papuntang elevator.

"Theo!" I stopped walking when she called me. "I know you doubt me, like always."

Lumingon ako sa kanya at nakita siyang malungkot pero pinilit niyang ngumiti. Guni-guni ko lang ban a nakita ko siyang umiiyak?

"It's just... I can't believe that you tried to find me," pinunasan niya ang luha sa pisngi. "Sa mga nakalipas na araw na kasama kita. Salamat kasi... Hindi mo ako sinukuan."

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Tumatama sa'min ang sinag ng papalubog na araw, walang ibang tao rito kung hindi kaming dalawa lang. Ngayon ko lang siya nakitang ganito dahil sa mga nakalipas na araw na kasama ko siya ay palagi siyang masaya, palagi siyang masigla. Hindi ko sukat akalain na ganito ang epekto sa'kin na makita siyang umiiyak.

"Remember the question I asked you?" tanong niya pero hindi ako sumagot. "Will you cry when I die?"

Umiling ako sa kanya, "I... don't cry for anyone."

Sa 'di malaman na dahilan ay marahan siyang natawa.

"Juniper, are you really... going to die?" I just feel like I needed to ask that directly to her.

"Yeah." Kampante niyang sagot. "Huwag kang mag-alala, kapag nawala na ako...magiging malaya ka na ulit."

Weird. Hearing that from her makes my heart aches. 



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top