/23/ The Sleeping Handsome
Prepare your heart
for nothing
is certain
between life
and death
love is the
only way
/23/ The Sleeping Handsome
[JUNIPER]
"N-NADIA?"
Hindi pa rin ako makapaniwala na narito siya ngayon at hinihiwa ang makapal na lubid para mapakawalan ako. Paano? Ano'ng ginagawa niya rito? Just right after I prayed, an answer immediately came. Is this what they call a miracle? Then I remembered the fact that I'm using Galilee's body is already a miracle.
"Stay still, Juniper!"
"Y-you're here? P-paanong---"
"Tumatakbo ang oras!" tumigil siya saglit at tumitig sa'kin. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya, katulad ko'y nakasuot din siya ng pormal, isa rin siya sa dumalo sa party ng Heartless Society? Hindi ko lubos na maisip kung paano siya naging kasapi ng grupong 'yon.
Muli niyang binalik ang atensyon sa ginagawa at nagsalita, "Nasa pinakadulong silid si Theo, kailangan mo siyang mailikas bago tuluyang makuha ni Ivan ang katawan niya."
"M-may alam ka?"
"Oo, matagal ko nang alam, at ngayong si Theo na ang magiging biktima hindi ko na maaatim na gagawin 'yon ni Ivan sa sarili niyang kadugo!" lumuwag ang pagkakatali sa'kin ng lubid at dali-dali akong hinila ni Nadia palabas.
Tumambad sa'min ang mahabang hallway na animo'y isang dungeon sa dilim, tanging mga kandila na nakasabit sa pader ang nagsisilbing ilaw, mas malamig dito kung ikukumpara sa pinanggalingan namin.
"Where are we?" hindi ko maiwasang matanong habang hila-hila pa rin ako ni Nadia. Umaalingaw-ngaw ang tunog ng mga takong namin sa paligid.
"We're still at Villa Roma's mansion, ito ang basement kung saan nila sinasagawa ang tinatawag nilang ritual."
"Ritual?"
"It's the process of obtaining someone's consciousness and putting a new consciousness inside a new body. It's like a devil's work they're doing here."
Mas lalo kong binilisan ang paglalakad kahit na nahihirapan ako sa pamamanhid ng mga paa ko dahil sa higpit ng pagkakatali sa'kin kanina. Nasa pinakadulo ng hallway ang silid na kinaroroonan ni Theo pero parang walang katapusan ang pagtakbo namin ni Nadia.
"Quick!" hindi niya pa rin ako binibitawan. Kahit na napakaraming tumatakbong tanong sa isip ko sa kanya ay hindi ko magawa. Ang importante ngayon ay ang kaligtasan ni Theo. At higit sa lahat ay ang natitira kong tatlong oras at kalahati bago sumapit ang alas dose ng madaling araw.
Subalit may natanaw kaming pigura 'di kalayuan, nakatayo ito at nakahalukipkip. Nang maaninag namin kung sino 'yon ay sabay kaming huminto ni Nadia sa pagtakbo at habul-habol namin ang aming hininga dahil sa hingal.
"Ano'ng katrayduran ang ginagawa mo, Nadia?!" sigaw ng lalaki at dahan-dahang naglakad palapit sa'min. Awtomatikong napaatras kami ni Nadia. Nagkuyom ang mga palad ko nang mas makita ko ng mabuti ang lalaki.
"Kuya Raul! Itigil mo na 'to! Itigil na natin 'to!" gulat na napatingin ako kay Nadia dahil kilala niya ang taong 'to? Kapatid niya ang taong pumatay sa'kin? "Tama na ang paggamit sa'yo ni Ivan! Raul, makinig ka sa'kin parang awa mo na!"
"Manahimik ka!" humakbang ulit 'to palapit at muli akong hinawakan ni Nadia sa braso, mas mahigpit sa pagkakataong 'to dahil biglang naglabas ng baril si Raul at tinutok sa'min. "Kapag hindi mo ibinalik ang babaeng 'yan sa silid na pinanggalingan niya'y ikaw ang mapapatay ko, Nadia."
"Kuya! Ano bang nangyayari sa'yo?! Bakit ka naging ganyan? Hindi ko mamamatay tao! Kuya Raul parang awa mo na!" umiiyak na pagmamakaawa ni Nadia.
Sa mga sandaling ito'y alam kong wala ng pag-asa si Raul. Kung may kakayahan si Ivan na kumontrol ng tao ay tiyak na ginawa niya 'yon kay Raul. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang mga mata ng isang mamamatay tao, katulad noon... katulad noong araw na pinatay niya.
Naramdaman ko ang panginginig ni Nadia, nanghihina siya at nawawalan ng loob. Tumatakbo ang oras at kapag wala akong ginawa'y mahuhuli ang lahat para iligtas si Theo.
"Kuya..." bumitaw sa'kin si Nadia at dahan-dahang naglakad palapit kay Raul.
"Nadia!" tawag ko sa kanya at mas nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Bigla niyang inatake si Raul dahilan para mabitawan nito ang baril na hawak, sumirit ang dugo mula sa braso nito at naghihiyaw. Sinipa palayo ni Nadia ang baril.
"Juniper, tumakbo ka na!" sigaw ni Nadia sa'kin at dali-dali ko siyang sinunod.
"Nadiaaaaa! Papatayin kitaaaaa!" umalingawngaw ang boses ni Raul at hindi ko mapigilang huminto para lumingon. Nakita ko na sakal-sakal ngayon ni Raul si Nadia.
"T-takbo... J-Juniper..." nahihirapang sabi ni Nadia at nakita ko na buong lakas niyang tinuhod si Raul. "Juniper!" sumigaw siya ulit nang makita akong nakatulalam tinuro niya ang paanan ko at nakita ko ang baril sa sahig.
Nanginginig man ang kalooban ko'y pinulot ko ang baril at muli akong tumakbo, sa pagkakataong 'to ay hindi ako lumingon sa kanila kahit na narinig ko ang hiyaw at sigaw nilang magkapatid.
Pinakadulong silid? Huminto ako sa pagtakbo nang marating ko ang dead-end, nakita ko ang nag-iisang pintuan doon. Nasa loob ng silid na 'yon si Theo at doon isasagawa ang ritual na tinatawag nila.
Wala akong ideya kung ano'ng itsura ng loob, hindi ko alam kung may mga armadong tao na nagbabantay sa loob. Naroon si Theo... Isa lang ang pinanghahawakan ko ngayon: pag-ibig.
Dahils sa pag-ibig kaya ko 'to gagawin, kahit pa malagay sa alanganin ang buhay ng taong hiniraman ko ng katawan, si Galilee. Pumikit ako saglit at muling umusal ng panalangin.
Isa lang ang mahihiling ko bago ako pumunta sa piling Mo, gusto kong... gusto kong mailigtas ang taong mahal ko. At sana... sana'y protektahan mo ang katawan na pinahiram mo sa'kin.
Muli akong dumilat at huminga ng malalim. Tila napuno ng katapangan ang kalooban ko matapos ko 'yong gawin. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at buong pwersang binuksan ko ang pinto.
"T-Theo!" sigaw ko nang makita ko siyang nakahiga sa isang marmol na higaan. Natigilan ang mga tao sa loob.
Naroon si Ivan, may dalawang matandang doktor ang nasa likuran niya. Mas nagimbal ako nang mapagmasdan ko ng maigi ang silid. Para 'yong operating room sa ospital, at ang kaibahan ay mas moderno ang mga aparato. Napatingala ako at nakita na may orchestral area kung saan naroon ang ibang miyembro nng Heartless Society na nanunuod. Ito ba ang tinatawag nilang ritual nila?
"Juniper, hija---" kaagad kong tinaas ang baril at tinutok kay Ivan. Natigilan ito subalit hindi nagpakita ng anumang takot. Narinig ko ang mga kuru-kuro ng mga taong nanunuod sa itaas. "Everyone, the party's over." sabi ni Ivan pagtingin niya sa mga ka-miyembro niya at sumunod naman ang mga 'to sa kanya. Nawala na ang mga manunuod, maging ang mga matatandang doktor ay lumabas, hindi ko pa rin binababa ang pagtutok ko ng baril kay Ivan.
"That's really dangerous, Juniper, I suggest you put it down." kalmado niyang utos sa'kin.
"No, I won't, hangga't hindi kami nakakaalis ni Theo rito."
"Gano'n ba?" humakbang siya habang hawak-hawak pa rin ang tungkod niya. Nanginginig 'yung mga kamay ko habang hawak ang baril. "If you pull the trigger and kill me, you will just make Galilee a criminal. Gusto mo ba 'yon?"
Galilee? Make her a criminal? Napaisip ako sa sinabi niyang 'yon. No, Juniper. Don't listen to that man, he's just trying to deceive you!
"Shut up!" sigaw ko sa kanya. "Stay back!"
"Alright, alright." itinaas ni Ivan ang isa niyang kamay at umatras, subalit hindi ko napaghandaan ang sumunod niyang ginawa. Gamit ang tungkod niya'y hinampas niya ang kamay ko, nabitawan ko ang baril at nakita ko ang pagpatak ng dugo.
M-may hiwa 'yung braso ko! Nakita ko nang malinaw ang tungkod ni Ivan at isa pala 'yong mahabang patalim!
"Don't move, hija," sa pagkakataong 'to ay nakatutok sa leeg ko ang dulo ng tungkod niya na may mahabang patalim. Sinipa niya palabas 'yung baril at hindi na ako makagalaw dahil naramdaman ko ang dulo ng talim sa'king leeg.
"You're a tough one, aren't you? I see, ito ang malaking kaibahan ninyo ni Galilee. Matigas ang ulo mo, hija." may bakas ng pamumuri ang tinig niya sa huli niyang mga sinabi.
Tagaktak 'yung pawis ko sa noon, damang dama ko ang hapdi ng hiwa sa'king braso at ang tuluy-tuloy na paglabas ng dugo. Bigla akong pinanghinaan ng lakas.
"Well, you gave me no choice, hija. Ayoko sanang idamay si Galilee rito pero dahil s katigasan mo'y wala na akong magagawa. Looks like I need to kill Galilee's body."
"N-no..." halos pabulong kong sabi kasabay ng pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. Sinulyapan ko si Theo at nakitang wala pa rin siyang malay, animo'y natutulog lamang ng mahimbing.
"Good bye, hija---ugh!" nagulat na lang ako nang biglang bumulagta si Ivan sa sahig at naglawa ang dugo sa sahig. Nabaril si Ivan sa dibdib!
"B-bakit?" gulat na gulat na sambit ni Ivan na may dugo sa kanyang bibig. "N-Nadia..."
Napalingon ako sa pinto at nakita ko ang duguang si Nadia, siya ang bumaril kay Ivan! Parang nawalan ako ng boses sa sobrang pagkabigla. Pumasok sa loob ng silid si Nadia at tinuturo siya ni Ivan, nagpakawala ulit si Nadia ng bala sa dibdib ni Ivan.
"N-Nadia..." naghihingalong sambit ni Ivan. Tumitig siya sa kisame habang dilat na dilat ang mga mata. Hindi na siya gumalaw. Patay na siya.
"Maraming salamat sa lahat ng mga ginawa mo para sa'ming magkapatid, Doctor Gomez." iyon ang narinig kong sinabi ni Nadia at napaupo siya sa sahig.
Hindi ko na inaksaya ang pagkakataon at kaagad kong nilapitan ang nahihimbing na si Theo. Hindi ko inalintana ang hapdi at sakit ng injury ko, hindi ko na napigilang lumuha ng marami nang makakapit sa kanya.
"T-Theo..." tawag ko sa kanya.
Maraming nakakabit na mga aparto sa kanya kung kaya't isa-isa ko 'yong tinanggal. Huli kong inalis ang tila helmet na nakasuot sa kanya. Hinawakan ko siya sa pisngi at sa kabila ng hirap ay ngumiti ako.
"I'm here, Theo. You're safe now," mahina kong sabi at hinalikan ko siya sa pisngi. Niyakap ko siya at naramdaman ko na kumibot ang kanyang kamay. "Theo?"
Tiningnan ko siya at nakita ang dahan-dahang pagmulat niya ng mga mata.
"Theo!" sabik kong tawag sa kanya.
"J-Juniper?" iyon ang una niyang sinabi at nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Hindi na mapigil ang luha ko sa sobrang galak.
"Hello, sleeping handsome."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top