/2/ Game of Questions
I don't believe
that we only have one mind
because
our heart
has a mind
of its own
/2/ Game of Questions
[THEODORE]
WE stared for seconds when she asked that odd question. I repeated it inside my mind, will you cry when I die? I focused on her again and I saw a sheer determination in her eyes. Is this woman drunk? Or I'm the one who's drunk?
"Do I really need to answer that?" finally I said with a slightly amused smile.
"Yes." She replied without blinking. Parang obligado ako na sagutin ang kakaibang tanong mula sa kanya.
Napakamot ako sa batok, kinuha ko ang shot glass at ininom muna 'yon. I rarely talk to strangers but this one's the weirdest so far. Tumingin ako ulit sa kanya habang gumuguhit ang tequila sa lalamunan ko, nakatingin pa rin siya sa akin at seryosong hinihintay ang sagot ko.
"You're asking me," tinuro ko 'yung sarili ko. "If I'll cry when you die?" tumango lang siya at hindi ko na napigilang matawa ng kaunti.
Tumaas 'yung kilay niya nang tumawa ako at kaagad naman akong huminto, "Why?"
Gusto kong matawa lalo nang tanungin niya pa kung bakit. God, where this woman come from?
"Why? Really?" I said in an amused face, pero kahit na ipamukha ko sa kanya na walang sense ang tanong na 'yon ay hindi pa rin siya natitinag. "Okay, first, lady-"
"My name is Juniper Lee. Just call me Juni."
"Okay, Juni, you see, I'm not that kind of person who can cry easily. Noong mamatay nga 'yung parents ko hindi ako umiyak, ikaw pa kaya iiyakan ko?" tumawa ulit ako at hinampas ko pa 'yung counter, feeling ko I cracked the most hilarious joke in my entire life.
The woman, Juniper, didn't even smile or embarrassed. Is it only in my imagination that I can see pity in her eyes? Bakit naman siya naaawa sa'kin?
"I'm sorry about your parents," iyon lang ang sinabi niya at hindi pa rin maalis ang titig niya sa'kin.
"No, don't be sorry," another round of drinks came. My friends are nowhere and if they'll see me right now talking with this beautiful woman, I'm sure katakut takot na asar ang makukuha ko sa kanila. "Now, ako naman ang magtatanong." I must be drunk because I'm starting to be talkative, which I'm not really.
"Sure." She smiled and she asked the bartender for a drink.
"Bakit mo naman tinanong sa'kin na iiyakan kita kapag namatay ka? Who do you think you are?" I pointed her and she chuckled.
"I'm..." natigilan siya bigla at napahinga ng malalim. "I'm just a stranger, I know."
"Alam mo naman pala." Sabi ko at muling ininom ang nasa shot glass.
"Consider me as someone who is philosophical, I tend to overthink things and contemplate about life."
"So do I." ngumiti ako sa kanya dahil sa pagkakaparehas naming dalawa.
"Like for example... What if we're something..."
"What?"
"Paano kung mahal mo ako, tapos namatay ako, iiyakan mo ba ako?" okay, this discussion is getting weirder but I can't explain this kind of force... she's pulling me inside her world. "Sige, ibahin ko na lang," kaagad niyang sabi nang mapansing nawirdohan ako sa tanong na 'yon. "What if there is someone you love, teka... meron ba?"
Smooth. I must be hallucinating if she's really hitting on me. Samuel, Brooks, and Keith will be jealous for sure. Juniper is ten times prettier than their possessive girlfriends.
Umiling ako sa kanya, "Wala, I'm not in a relationship right now, but before I had a girlfriend."
"What she's like?"
Naningkit 'yung mga mata ko, she's getting inquisitive but I'm going to admit that is one of the things that I like, curiosity.
"She's..." I tried to recall but I don't see anything in my mind. "She's..." napapikit pa 'ko para alalahanin pero wala talaga, atsaka ko naalala-pinilit ko nga pala siyang kalimutan dahil sa sakit na binigay niya sa puso ko. "Honestly, I don't want to remember. Sasagutin ko pa rin 'yung tanong mo... Siguro kung ikaw, kunwari kung mahal kita..."
Umusog siya palapit sa'kin para mas marinig ng malinaw ang mga sasabihin ko. Hindi ko napansin kung gaano kalapit, pero parang isa o dalawang dangkal na lang magkalapit na 'yung mga mukha namin. Hindi naman siguro 'to panaginip, kitang kita ko ang kagandahan niya na mas maliwanag pa sa buwan.
"Sa tingin ko... hindi pa rin ako iiyak."
"Dahil hindi ka marunong umiyak?" sabi niya na halos pabulong.
"Ikaw? Iiyakan mo ba 'ko? I mean... kung kunwari mahal mo ko tapos namatay ako, iiyakan mo ba 'ko?"
Siya naman ang biglang tumawa, pakiramdam ko ako na 'yung nagmumukhang mas wirdo sa aming dalawa.
"You're getting talkative, Teddy," biglang nanlaki 'yung mga mata ko nang banggitin niya ang pangalan ko. How did she know my name?
"How did you-" she suddenly cupped my face, sobrang lapit na niya sa'kin at kaunting usog na lang ay dadampi na 'yung labi naming dalawa.
"Kung mahal kita, at namatay ka, iiyak ako... kasi mahal kita." Binitawan niya ako at lumayo siya. Hindi maalis 'yung tingin ko sa kanya, nawala 'ata 'yung tama ko dahil sobrang lakas ng tibok ng puso ko. I wasn't prepared for that, I thought she's going to kiss me. But that's absurd, hindi totoo ang love at first sight, sa fairy tale lang 'yon nangyayari-It's impossible to feel love in someone you just met.
"What do you want from me?"
"Teddy!" biglang may humampas ng malakas sa likod ko kaya muntikan na kong mahulog sa kinauupuan ko. "Nakakarami ka na ah!"
"Sam?" nakita ko siya.
"Party night is over, paps," inakbayan niya 'ko pero pagtingin ko sa tabi ko ay wala na siya-wala na si Juniper. Saan siya nagpunta? Hindi ko pa nalalaman kung paano niya nakuha 'yung pangalan ko. "Hahatid na kita, mukhang may amats ka na."
Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na hindi nakita ni Sam si Juniper dahil siguradong hindi niya ako tatantanan ng pang-aasar, "Nasaan sila Brooks?"
"Nasa parking lot, kailangan ng umuwi ng mga ladies-"
"I can go by myself, Sam, si Rosie ang ihatid mo."
"I made a promise with my best bud, si Rosie kanina ko pa hinatid, okay?" tumayo ako at nakaakbay pa rin sa'kin si Sam, medyo umiikot na nga 'yung paningin ko.
Ginala ko 'yung tingin sa paligid, at ayun nakita ko siyang naglalakad palabas-hindi na lumingon pa sa kinaroroonan ko.
I somehow had fun talking with that beautiful stranger.
*****
"YOUR final exam will be next week. I already uploaded the power points in the Facebook group made by your class president-"
Saktong nag-ring ang bell at nagsitayuan ang mga estudyante ko. 'Yung iba ay nagpaalam ng maayos bago lumabas at may iba naman na walang pake at diri-diretsong lumabas ng classroom. I appreciate those students who appreciates my subject kahit na minor lang at mababa ang units, I don't give a damn to those who don't care, pero hindi ibig sabihin nito'y hindi na ako nambabagsak.
Marami na akong nabagsak, nabigyan ng drop at ng singko. 'Yung mga estudyanteng hindi marunong magbigay ng respeto at sumunod sa mga requirements. Porque dumaan ako sa pagiging estudyante ay hindi na ako magiging Hudas sa mga tamad.
There's this term from Buddhist philosophy, Dharma, it comes from the word dhri which means 'to hold', 'to maintain', or 'to preserve'. Basically, Dharma refers to the idea of a law governing the universe. Dharma's concepts are duty and service to others. For example, ang Dharma ng sundalo ay protektahan at makipaglaban para sa kanyang bayan.
The teachers' or professors' Dharma are to teach and to educate. The students Dharma is to study and to pass the subject.
If we fail to do our Dharma, we will suffer in life.
Iyan ang prinsipyo ko sa pambabagsak ng mga estuydanteng binabasura ang minor subjects katulad ng Philosophy.
I guess that's it, magtatapos na naman ang semester at school year. Next stop, summer classes.
"Theo?" nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang nakasilip mula sa cubicle niya. "I'm sorry kung hindi ako nakaabot sa libing ni Arlo." It's Nadia, my co-professor, kasing edad ko lang siya, nakasalamin at palaging naka-suot ng kulay Green, paborito niyang kulay. Si Nadia ang pinakakasundo ko sa department namin, well, dahil kaming dalawa lang naman ang magkasing edad.
"How's your research presentation in Hongkong?"
"Okay naman," medyo hininaan niya 'yung boses niya. "Now that I'm back here kung anu-ano na naman ang pinagagawa sa'kin."
Napailing na lang ako at napatingin sa nakatambak na papel sa gilid ng aking mesa. Parte 'to ng sistema sa university, kung saan aalilain ka ng mga senior niyo sa research nila. Nasanay na rin naman ako.
"Mabuti ka pa nga't kaunti lang ang pinagagawa sa'yo," bulong pa ni Nadia at sinisigurong walang makakarinig sa kanya.
"Thanks to my Tito Ivan," nakangiti kong sabi. Si Tito Ivan kasi ang Dean ng college ng department naming kaya hindi ako totally 'slave' ng mga matatandang professor.
"Mamaya pala may 'session' daw ulit."
Halos umikot mga mata ko nang marinig ko 'yon mula sa kanya. Kakagaling ko lang sa inuman noong isang gabi tapos... 'Session' ang tawag namin sa after work inuman sa District, wala kaming choice kundi sumama sa mga senior namin at pakisamahan sila buong gabi.
Minsan nagsasawa na ako sa paulit-ulit na routine ng buhay ko, gigising sa umaga, papasok sa trabaho, makikisama sa mga seniors mo, uuwi, matutulog, at repeat cycle. Kaya pinilit kong gawing stable job ang trabaho ko rito sa university dahil pagtuturo na lang ng kaalaman sa mga estudyante ang hindi nakakasawang bagay na gawin para sa akin.
I can still remember my excitement after graduation, pagkatapos kong makatanggap ng mataas na honor at awards ay nasabik ako sa pagtatrabaho. Lumipas ang mga taon, paulit-ulit ang ginagawa ko, ginagapang ang akinse at katapusan para kumita ng pera.
Ganito na lang ba talaga ang kapalaran ng mga tao? Pagkatapos magtapos ng pag-aaral, humanap ng stable job, bumuo ng pamilya, magbayad ng tax at bills hanggang sa mamamatay?
Is there more in this life?
Minsan habang naglalakad at tinitingnan ko ang mga estudyanteng bawat makasalubong ko'y hindi ko maiwasang maisip: Ang sarap palang mag-aral at sana estudyante na lang ulit ako.
Sumapit ang 'session' time namin sa District. Kumpleto ang faculty members at present din ang head. The only good thing in this 'session' is sagot ng head palagi ang gastos. The reason why everyone here is so eager is in order to please the Head prof, para may tsansang sila ang ma-promote. Parang politics lang.
Pagkatapos nito, uuwi na naman ako sa condo. Matutulog, at kinabukasan balik ulit sa trabaho. Nakakasawa na.
"Wala na tayong yelo," sabi ng isang senior ko at sumulyap siya sa'kin.
"Sige, ako na po kukuha," kinuha ko 'yung ice bucket na walang laman.
"Naku, nakakahiya naman sa'yo, ito na lang si Nadia," pero hindi ko binitawan 'yung bucket at tumayo na 'ko at kaagad lumabas ng silid. Bago ko lumabas ay tumingin ako kay Nadia at tumango lang siya sa'kin. We're the one who's slave here, but it's okay, if that pleases our senior. Ayoko lang ng conflict.
"Ang bait talaga nitong pamangkin ni Dr. Ivan!" dinig ko pang kantyaw nila bago ako lumabas.
Maingay sa may labas dahil sa live band. Lumapit ako sa counter at inabot sa staff 'yung ice bucket.
"Boss, yelo naman," kinuha naman nito sa'kin at iniwanan ako.
"I forgot to ask another question," that voice... Kaagad akong lumingon at nakta ko siya. What the hell is she doing here? How did she find me? Is she stalking me?
"Juniper?" iyon ang unang lumabas sa aking bibig.
"I'm glad that you can still remember me." Nakangiti niyang sabi.
"Anong-"
"I need your help, Theo."
"Teka, teka!" tinaas ko 'yung dalawang kamay ko at umatras palayo sa kanya. "How the hell did you know my name?"
"Sumama ka muna sa'kin bago ko sagutin 'yang tanong mo." She didn't even ask at basta na lang niya ako hinila papuntang labas. Nawala na sa isip ko 'yung yelo at mga seniors ko, all I'm thinking about right now is this eccentric woman.
She's wearing again her leather jacket, na may black striped shirt sa loob. Her hair is the same noong huli ko siyang makita, it's a messy bun hair. Nakatingin ako sa pagkakahawak ng kamay niya sa'kin, mahigpit 'yon. Para na naman akong nasa ilalim ng mahika at nagpahila sa kanya hanggang sa kabilang kalsada nang pilit kong bumitaw.
"Teka lang! This is crazy!" I said as I removed her hand from mine. Huminto kaming dalawa at humarap siya sa'kin. "I'm not going with you, I don't know you."
"Theo-"
Dali-dali ko siyang iniwanan at tumawid ako sa kabilang kalsada, hindi siya kaagad nakasunod dahil sa sasakyang dumaan. Papasok pa lang ako sa loob ng gusali nang lingunin ko siya-nakatayo lang siya at nakatingin sa akin.
Tatalikuran ko na siya ulit pero natigilan ako nang biglang may humintong van sa gilid niya at lumabas doon ang tatlong nakamaskarang lalaki at sapilitan siyang isinakay sa van, kita ko ang pagpupumiglas niya pero hindi pa rin siya nakakawala.
Sa isang iglap, umandar ang van palayo at naiwan akong nakatulala sa mga pangyayari.
Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko, sino ba talaga ang babaeng 'yon? Bakit niya alam ang pangalan ko? Kailangan niya raw ng tulong ko? At bigla siyang na-kidnap?
"Fuck."
Iyon lang ang nabulong ko. At sa kabila gumugulo kong isip na parang sasabog, may binulong ang puso ko-kailangan ko siyang iligtas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top