/19/ What a Dead Woman Can Do?


Love,
it conquers 
everything
even the dead
will come back
to save you
my love

/19/ What Can a Dead Woman Do?

[JUNIPER]

THEY say that time heals wound but I don't believe it...because when you're dead it will never heal at all.

The movements of my surroundings turned slowly. Hema's Coffee is burning but my body suddenly feels cold. Hindi ako nagkakamali, ang taong kaharap ko ngayon ay ang taong pumatay sa'kin, I may not have seen his face but the tattoo in his arms is still clear in my mind.

I remembered Azrael's question before, if I'll get vengeance but I firmly said no. Pero iba pala sa pakiramdam kapag kaharap mo na 'to, halu-halong emosyon: galit, takot, pangamba. Parang biglang bumalik 'yung sakit kahit matagal nang nangyari.

I looked back at Theo and I saw him struggling to help the firemen to extinguish the fire, but then something's pulling me to follow the man who killed me. In the end, the urge of curiosity is stronger, I didn't stay. Sinundan ko ang lalaki at bahala na kung saan ako maaaring dalhin nito.

Pumasok ang lalaki sa isang eskinita kung saan ay may residential area, dikit-dikit ang mga up and down na bahay at may kakarampot na ilaw galing sa ilang poste. Hindi 'to nalalayo sa Hema's Coffee, ang mga residente ay nasa labas ng bahay at inuusisa ang sunog na nangyayari.

Hindi ako napansin ng lalaki na sumusunod ako sa kanya, hanggang sa lumiko pa siya sa mas maliit na eskinita, wala ng kailaw-ilaw doon pero tumuloy pa rin ako. Tumitingin sa'kin ang mga nakakasalubong ko pero hindi ako nagpakita ng anumang takot, nakatuon ang atensyon ko sa taong sinusundan ko.

Pumasok ang lalaki sa isang maliit na bahay na ang mga pader ay halos matuklap na tinatagpian na lang ito ng yero. Sa puntong 'to ay hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko.

What now?

Iniwan ko si Theo at heto para akong tuod na nakatayo sa loob ng bahay.

It feels like my head is exploding, there are too many things running on my mind: the day when Arlo asked for help, the kidnapped children, the truth about Rosy, and Hema's Coffee's situation. Pagkatapos ito? Nakita ko lang naman sa eksena ng sunog kanina ang lalaking may tattoo na pumatay sa'kin.

What now?

"Are you seriously doing this?" nagulat ako nang lumitaw bigla si Azrael sa gilid ko. "Akala ko ba hindi ka maghihiganti?"

"No, I'm not."

"Then why did you follow him?"

Hindi ako nakasagot 'agad sa tanong niya at natulala lang ako sa kawalan. It's hard but I'm going to admit that I'm scared, mas nangibabaw ang takot sa puso ko dahil...

"Sa tingin ko may kinalaman siya sa sunog."

"Do you have an evidence?" tanong ulit sa'kin ni Azrael nang sabihin ko ang kutob kong 'yon.

Sunud-sunod akong umiling pero ayokong baliwalain ang kutob ko.

"Don't tell me, Juniper, this is just another hunch of yours?" at nahulaan niya nga ang nasa isip ko. "Ilang beses mo na bang sinundan ang kutob mo na minsan ay kinakapahamak mo?"

"Ilang beses na rin akong naging tama sa mga kutob ko."

"So, ano'ng gagawin mo?" tanong niya ulit.

Imbis na sumagot ay tumalikod ako at dali-daling nilisan ang lugar na 'yon. This can't be a coincidence. Nararamdaman ko na nasa panganib din ang buhay ni Theo dahil sa nangyaring sunog. At ang lalaking 'yon, ang lalaking pumatay sa'kin... malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman siya dito.

Napahinto ako saglit nang may maalala ako.

"...I get what I want; you might not like what will happen in the future."

Levi. Ikaw lang ang maaaring gumawa nito.


*****


IT'S already midnight when we returned to Theo's unit. Tumagal din ng ilang oras bago mapatay ang apoy, kinausap din ng mga awtordidad si Theo at iniimbestigahan pa ang naging sanhi ng sunog, and my intution still firmly believes the possibility of arson.

Nakatulala lang si Theo nang umupo siya sa sofa, Buddho sat down beside him and he gave him a belly rub.

"Hey," I called him and he looked at me, he's tired and I can feel his despair but he managed to give me a smile. "I don't want to ask if you're okay because it clearly isn't."

"Well... Life sometimes sucks, mali pala, my life really sucks."

"Theo..." umupo ako sa tabi niya at huminga ako nang malalim, ayokong magpatumpik-tumpik pa pero napansin kong natuon ang atensyon niya sa phone. Maya-maya'y nilapag niya ang phone sa center table, pagkatapos ay pumangalumbaba siya at napahilamos sa mukha.

"I don't know what to do, Juniper," sabi niya habang nakatakip pa rin ng mga kamay ang mukha niya. "I caused too much trouble."

"Theo hindi mo kasalanan ang nangyari."

"H-hindi ko kayang sabihin kay Tito Ivan, I just got his text that he's inviting me to his birthday party on Thursday."

"Another party?" halos pabulong kong sabi. "Theo... Look at me," hinawakan ko 'yung mga kamay niya para makita ko ang mukha niya "I think... hindi lang aksidente ang sunog."

Natigilan siya nang marinig 'yon.

"What do you mean?"

"Someone sets it on fire," tinitigan niya lang ako at hinintay ang mga susunod kong sasabihin. "You're not safe here."

"What?"

"Let's move out."

"Teka lang, Juniper, naguguluhan ako."

"It's Levi!" I can't help but to blurt it, huminahon din ako kaagad. "Sa tingin ko may kinalaman siya rito dahil ayaw mong ibenta ang lote ng lupa ng Hema's Coffee. Pinagbantaan niya ako noon na kapag hindi kita nakumbinsi ay baka may magawa siyang hindi maganda."

After being confused, Theo's eyes widened when he heard what I said.

"L-Levi Ching?"

"Alam ko wala akong pruweba at naguguluhan din ako, pero malakas ang kutob ko, Theo. Natatakot ako na baka saktan ka niya," hinawakan ng dalawang kamay ko ang magkabilang pisngi niya. "Let's move out for a while, let's go somewhere safe."

"Saan tayo pupunta?"

Napahinga ako ng malalim at nakita ko na lumitaw si Azrael sa harapan namin na nakahalukipkip.

"Don't tell me you'll take him there?" tanong ni Azrael at tama siya.


*****

"THIS is your home?" iyon ang unang sinabi niya pagkapasok namin sa loob ng bahay ni Galilee. "You're an artist?" tanong niya ulit at nilapag ang bag niya sa lamesita, pagkatapos ay pinakawalan niya si Buddho mula sa pagkakatali.

"Y-yeah," sagot ko na lang.

Dito ko napiling dalhin si Theo dahil malayo 'to mula sa condo niya at sa palagay ko'y makakaatulong ang mga arts ni Galilee para mabaling ang atensyon niya sa kasalukuyan niyang kalagayan. Mas lalo akong hindi mapalagay dahil kanina pa sumusunod sa'min si Azrael, he didn't vanish since we got here, kanina pa tumatahol si Buddho at mabuti't tumigil na 'to.

"Hey, get away from me." Azrael shooed Buddho.

"Hindi mo naman na-kwento sa'kin na nagpe-papaint ka pala at gumagawa ng sculptures."

"Ahm... It's nothing." sabi ko at binuksan ang AC.

"Nothing? How could you not share to me your talent?" may himig ng pagtatampo ang boses niya.

Dahil nga sa maraming kulurete ang bahay ni Galilee ay hindi mapigilan ni Theo na maglibot, hanggang sa tumigil ito nang makita ang graduation portrait sa may dingding.

"Sa UP ka nag-aral?!" bulalas ni Theo at hindi maitago ang kanyang pagkamangha. Alanganin akong tumango, hindi ko sukat akalain na magiging matanong siya rito. "Kung gano'n ay mas matalino ka pala sa'kin."

I didn't held myself to laugh. Nakita ko si Theo na parang naghihintay na magkwento ako tungkol sa college life pero sadly wala akong maibibigay sa kanya, hindi ko alam ang kwento ng buhay ni Galilee kaya lumapit ako sa kanya.

"Kung sa UP ka nag-aral ibig sabihin---" tinakpan ko ng daliri ko 'yung bibig niya atsaka ako nagsalita.

"Theo... Everything will be alright." tinitingan ko siya sa mga mata. "Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa'yo."

I hugged him and it took seconds before he hugged me back. Alam ko kahit na hindi niya sabihin, na gusto na niyang sumuko at nawawalan siya ng loob na magpatuloy. Nandito lang ako, nandito lang ako para sa kanya.

Everything happens for a reason, siguro kaya rin ako bumalik gamit ang katawan ng ibang tao para protektahan siya. Now, I have much more reason to make my remaining days to be worthwhile, I will protect Theo from harm at all cost.

Nang bumitiw ako sa kanya'y hinagkan ko siya. I started to unbutton his shirt when he stopped my hands.

"Juniper?" there's hesitation in his eyes when he called me.

"Just let me ease your pain for a while." and then we kissed again.


*****


THEO's still peacefully sleeping when I woke up the next morning. It's our eighteenth day together. Maingat akong kumilos para hindi siya magising, si Buddho ay mahimbing din na natutulog sa may pintuan. Nasulyapan ko ang orasan sa sidetable at nakitang pasado ala sais na ng umaga.

Kinuha ko ang pantalon ni Theo sa may upuan at kinuha mula roon ang wallet niya, hinanap ko roon ang calling card na binigay noon ng tauhan ni Levi. Sunod ko namang kinuha ang phone niya at tinawagan ko ang numero sa calling card. Akala ko walang sasagot pero pagkaraan ng ilang sandali'y narinig ko ang boses ng lalaki.

"Hody speaking."

"Tell your boss that I want to talk to him, this is Juniper Lee."

"Very well."

Hody arranged my appointment with his boss, pinapapunta ako nito sa office nila mamayang alas otso ng umaga. Nang ibaba ko ang tawag ay napatingin akong muli kay Theo na nahihimbing pa rin. I let out of sigh and I glanced at Galilee's portrait. Alam kong patay na ako pero malaki ang utang na loob ko sa'yo, Gal.

Bago ako umalis ay nag-iwan ako ng note para kay Theo.


*****


"I'M sorry for what happened." iyon ang binungad ni Levi pagpasok ko sa loob ng opisina niya.

As expected, the office's design is elegant for the CEO of the Raven Realty, black and white ang tema nito at may pagkaminimalistic.

"How thoughtful of you." mukhang marami siyang mga mata sa paligid at alam niya kaagad kung ano'ng nangyari. As expected from him.

"Have a seat, Juniper." Tumayo siya at lumapit sa may lounge area, sabay kaming umupo sa sofa at magkaharapan kaming dalawa.

"Levi, I'll get straight to the point, what have you done?" may diin na sabi ko habang direktang nakatingin sa kanya.

"Me? Ano'ng ginawa ko?" umakto pa siyang inosente at hindi ko 'yon nagustuhan. Walang kumukurap sa'ming dalawa.

"You're do one who did it! Pinasunog mo ang coffee shop ni Theo." saglit siyang hindi nakapagsalita hanggang sa napuno ng halakhak niya ang silid.

"Stop laughing." tumigil naman siya nang sabihin ko 'yon.

"My, my, my, Juniper. Wala akong kinalaman sa mga pinaparatang mo sa'kin."

My jaw clenched when I heard his denial, he devilishly smirked and I can feel that he knew something about the incident. Kilala ko si Levi, he will do whatever it takes to get what he want, he's merciless.

"I wonder how your lover will able to take it? Hmm..." nilagay pa niya ang hintuturo sa baba at animo'y nag-isip. "Tatanggapin na kaya niya ang susunod kong offer?"

"L-Levi, please..." labag man sa kalooban ko pero makikiusap ako sa kanya. "Huwag mo lang sasaktan sa Theo dahil kung hindi---"

"Kung hindi, ano? What a dead woman can do?"


*****


WHAT a dead woman can do?

There's still time for me to do something—at least. Hindi porque wala akong makuhang katibayan na si Levi ang nasa likuran ng sunog ay titigil na ako sa paghahanap ng mga kasagutan.

Azrael didn't show up and without a concrete plan, after talking to Levi; I went back to the place where the guy with snake tattoo lives—my killer. Sinasabi ng kutob ko na kailangan kong mag-imbestiga at may mga kasagutang naghihintay sa'kin.

Nagtago ako sa likuran ng poste habang pasimpleng sinisilip ang bahay ng lalaki, mukhang hindi pa siya lumalabas ng bahay. I wondered if Theo woke up already, lagpas alas nueve na rin kasi ng umaga.

Naalarma ako nang bumukas ang pinto ng bahay at lumabas doon ang taong inaabangan ko, susundan ko palang ang lalaki nang may humila sa'kin. Tinakpan nito ang bibig ko at laking gulat ko sa aking nakita.


*****


[THEODORE]

WALA si Juniper paggising ko.

Kanina pa 'ko gising at nakatulala sa kawalan, hindi panaginip ang mga nangyari, nandito ako sa bahay ni Juniper at naalala ko ang nangyari kagabi. Juniper made me forget my problem for a while, pero naalala ko ang katotohanan... Nasunog ang Hema's Coffee.

Bakit kaya gano'n? Kung kailan binubuo mo ang pangarap mo ay bigla na lang ito guguho. Hindi ko na alam kung paano ulit magsisimula, nakakasawang umasa na may tsansa pa 'kong manalo sa buhay.

Parang ayoko na.

Nakita ko ang larawan ni Juniper sa may console table, she is smiling brightly in that portrait and I can't help but to smile. And then there's another reality slap, hindi pala kami pwedeng magtagal, kasi sabi niya ay hindi na siya magtatagal.

Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.

Tumayo ako at lumapit sa larawan, at nakita ko ang nakapatong na papel sa console table. Isang note galing kay Juniper.

"I'll be back, please stay and rest for a while. I love you. –Juni."

She loves me?

Minsan hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng nangyari, pero wala namang batayan ang pag-ibig. Aaminin ko na hindi ko maipapaliwanag kung bakit, basta mahal ko rin siya.

I let out a sigh. Mukhang kailangan ko na lang muna magpahinga.

Ang bagal ng oras kapag wala si Juniper, lumipas ang mga oras at hindi pa rin siya bumabalik. Nakilatis ko na 'ata lahat ng artworks niya na naka-display, pati ang mga libro niya sa shelf, nagwalis ako sa bahay at nagpunas-punas, ang kapal kasi ng alikabok at halatang matagal hindi nalinis.

Sumapit ang hapon pero hindi pa rin siya umuuwi. Nagsimula na akong mag-alala, kinuha ko 'yung phone ko para tawagan siya atsaka ko biglang naalala na wala nga pala siyang cellphone. Umupo ako sa sofa at tumitig sa orasan.

Narinig ko bigla ang tahol ni Buddho sa may kwarto ni Juniper, sunud-sunod 'yon at ayaw tumigil. Kaya tumayo ako para lapitan si Buddho para patahimikin siya, mas lalo akong nate-tense sa tahol niya.

"Buddho, stop—ano'ng ginagawa mo?" nakita ko na may tinatahulan siya sa ilalim ng kama ni Juniper.

Bigla akong kinabahan. May nakikita ba si Buddho na hindi ko nakikita? Multo?

Winasiwas ko ang mga bagay na 'yon sa isip ko, it can't be. Ghosts are not real.

"Buddho?" may dagang maliit ang tumakbo palabas, nakahinga ako nang maluwag dahil 'yon lang pala 'yung tiantahulan niya.

Akala ko titigil na si Buddho pero hindi pa pala. Sumuot siya bigla sa ilalim ng kama ni Juniper at maya-maya'y lumabas din siya roon na may kagat-kagat na kahon.

"Buddho!" saway ko sa kanya dahil maninira siya ng gamit. Yumukod ako para kuhanin sa kanya ang kahon, pero ayaw niya 'yong bitawan kaya sa huli'y napunit ang kahon at sumabog sa sahig ang laman nito.

Maraming papel ang nagkalat, umalis na si Buddho nang makuha niya ang piraso ng kahon at sinimulan 'yong lurayrayin 'di kalayuan. Ako naman ay pinulot ang mga nagkalat, napailing na lang ako.

"What the..." natigilan ako nang makita ang isang larawan.

It's a Polaroid photo. Tinitigan ko 'yong mabuti at sinigurong hindi ako pinaglalaruan ng paningin ko.

"Impossible." the driving guy in the photo... is me?

May napulot pa akong isang larawan at mas lalo akong naguluhan. It's another Polaroid photo of me and Juniper, mayroong nakasulat sa ibaba:

Theo and Galilee's first date @ Azure Dining

When was this photo taken? Why I can't remember this day? Kilala ko na noon si Juniper? Pero... bakit Galilee?

Who is Galilee?



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top