/17/ Unwanted Memory

If today
will be the day
that the angel
of death
will come
I'd gladly
welcome it
with open arms



/17/ Unwanted Memory

[JUNIPER]

KANINA pa 'ko urong sulong sa harapan ng building, napapakamot na nga sa ulo si manong guard dahil kanina pa niya 'ko binabati at pinagbubuksan ng pinto pero wala akong lakas ng loob na tumuloy sa loob.

"Kanina pa po nakauwi si Sir Theo, ma'am." sabi ni manong guard at wala na 'kong nagawa kundi maglakad papuntang elevator lobby.

Tumanggi akong magpahatid kay Levi at mas pinili kong maglakad ng dalawang kilometro pabalik. Kanina pa ako nakapag-isip ng mga bagay-bagay habang naglalakad at hindi ko pa rin sigurado kung may babalikan pa ako matapos ang nangyari kanina.

Huminga muna ako ng malalim bago ko pinindot ang doorbell ng unit ni Theo at maya-maya'y bumukas 'yon. Kaagad na nagtama ang paningin naming dalawa at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

"H-hey," hindi ko maiwasang matawa dahil akala mo parang sampung taon kaming hindi nagkita. Pagkatapos ng ilang sandali ay bumitaw siya sa'kin. Nakapagpalit na siya ng damit, isang puting T-shirt at itim na jogging pants.

"Akala ko hindi ka na uuwi."

My heart almost melts when I heard that. Parang gusto ko tuloy umiyak pero mabuti na lang ay malakas akong magpigil ng emosyon. I just grinned at him.

"Do you think you can easily escape from me?" biro ko sa kanya.

"Tara pasyal tayo." Hinila niya ko pagkatapos niyang isara ang pinto.

"Kahit gabi na?"

"Oo, sa labas na lang din tayo magdinner. Ayoko namang masayang 'tong araw na 'to na wala tayong ginawa."

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang magkahawak kamay kaming lumabas ng elevator.

"Good evening, ma'am and sir!" masiglang bati sa'min ni manong guard nang makita niya kaming dalawa at ngumiti lang kami ni Theo sa kanya.

"Sa Luneta."

Isa sa mga advantage ng pagiging Heartless? Dahil isa na lamang akong Consciousness na namamahay sa isang temporary body hindi ko gaano nararamdaman ang pagod as if I there's a stored energy inside this body. Binigyan ako noon ng warning ni Azrael na hindi ko 'to pwedeng abusuhin dahil maaaring makaapekto sa Host.

Isang sakay lang ng jeep mula sa kanto ang Luneta at tuluyan nang kinagat ng dilim ang liwanang nang makarating kami sa pupuntahan namin. Medyo marami-rami ang mga taong namamasyal, may mga estudyanteng naglilisawan at ang iba'y nagpapraktis ng sabayang pagbikas at sayaw para sa school, may mga pamilya naman na naka-upo sa damuhan, may mga magkasintahan na nakaupos sa bench, at marami ring mga nagtitinda. Buhay na buhay ang paligid, nakakatuwa dahil binigyan pa rin ako ng pagkakataon na masilayan ang ganitong eksena. It feels so alive.

"Ma'am, sir, picture po?" biglang may lumapit sa'min ang isang matandang photographer na may dalang karatula at DSLR camera.

"Magkano ho?" tanong ni Theo at napatingin ako sa kanya. Seryoso ba siya?

"Two-fifty lang."

Akala ko ay tatanggi si Theo dahil masyadong mahal para sa isang larawan pero mas nagulat ako nang maglabas siya ng wallet at kumuha roon ng pambayad.

Inakbayan niya 'ko at ngumiti kami parehas nang bumilang ang photographer, kumislap ng sunud-sunod ang camera at nagsabi si manong na hintayin namin 'yung picture dahil ipi-print niya lang saglit. Bumalik si manong pagkatapos ng ten minutes at binigyan kami ng tig-isang kopya.

Napangiti ako nang mahawakan ang picture dahil sa ganda ng ngiti namin parehas, Background namin 'yung makulay na fountain ng Luneta.

"Ang galante mo masyado para sa dalawang picture na 'to." Sabi ko sa kanya.

"Memories are priceless." Natigilan ako nang sabihin niya 'yon at napangiti siya sa'kin. Naramdaman ko na lang na hinila niya 'yung kamay ko at naglakad-lakad kami hanggang sa marating namin ang tanyag na dinadayo rito sa Luneta, ang monumento ni Dr. Jose Rizal.

Nagkwento si Theo tungkol sa kasaysayan at hindi na ako nagulat na marami siyang alam, mahilig kasi siyang magbasa at mag-aral. Kaya kahit narinig ko na sa kanya ang mga kwento ay hindi pa rin ako nagsasawa na pakinggan 'yon. I'm that kind of person who wants to do the talking but he taught me how to listen.

Hanggang sa naglakad kami ng walang pinag-uusapan. Siguro parehas lang naming dinadama ang kasalukuyang panahon, ang magkahawak kamay naming pagsaksi sa daloy ng buhay. I never knew that silence can be comfortable too.

Hanggang sa pumasok kami sa loob ng Chinese Garden at pumunta kami sa may Gazebo para magpalipas saglit ng oras.

"I'm sorry, Juniper." I wasn't expecting that from him. Bakit siya humihingi ng sorry sa'kin? "Sorry kung masyado akong selfish."

Umiling ako nang sunud-sunod nang sabihin niya 'yung huli.

"Wala kang dapat ihingi ng sorry sa'kin, Theo." Ako nga dapat ang humingi ng tawad sa kanya, dahil ako ang totoong selfish dito. I even used another person's body to be with him for the last time. Kahit na hindi niya ako naalala, kahit na masakit—okay lang.

Tumingin siya sa mga bulaklak 'di kalayuan, napatingin din ako roon. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago siya muling nagsalita.

"Natatakot lang ako na isipin kung paano na tayo kapag natapos na 'to? Pero natauhan ako kanina kasi wala nga palang tayo," tumingin siya sa'kin at pilit siyang ngumiti, may lungkot sa mga mata niya—alam ko. "You're just distraction of my reality, like a glitch or virus in my system that destroys my monotonous and boring life."

Sinasabi niya ba 'to sa'kin dahil tanggap niya na? Tanggap niya na mawawala ako? O baka nakakaramdam din siya na makakalimutan din niya ang mga nangyari kapag natapos na ang kontrata ko? Hindi ko na alam.

"Theo... I don't want to talk and think about the future. Can we just live now? At this moment?"

Bahagya siyang natawa at napakamot sa ulo, "Parang nakalimutan ko na nga kung ilang araw na lang ang natitira sa'ting dalawa."

Nagkatitigan kami at wala halos kumukurap sa'ming dalawa. Naiisip din niya kaya ang naiisip ko? Heto na naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"I just want to say thank you for coming into my life in a much unexpected way—" tinakpan ko ng daliri ko ang bibig niya. Ayokong marinig ang mga susunod niyang sasabihin. Ayokong marinig ng pamamaalam dahil hindi ko pa kaya.

"Please, don't say good bye yet." Sabi ko at hinawakan niya 'yung kamay ko pagkatapos.

"Sino'ng may sabi na mamamaalam ako?" nilagay niya sa ibabaw ng dibdib niya, sa may puso, ang kamay ko. "Ikaw na ang laman nito. Mahirap i-explain kung bakit gano'n kabilis kasi pakiramdam ko matagal na tayong magkasama."

"Theo..." His mind can't remember me but the memory of his heart still beats for me? All this time ako pa rin pala talaga ang mahal niya? Kung gano'n totoo nga ang sinabi nila, our hearts are powerful.

"Irerespeto ko 'yung desisyon mo na hindi sabihin sa'kin ang totoo. But I still want the truth that's why I'm not leaving you; I'm going to stay at your side until the end."

Naging tubigan ang mga mata ko nang marinig ko 'yon mula sa kanya. Hanggang sa hinayaan kong dumaloy ang luha sa pisngi ko at pinahid 'yon ng kanyang kamay. Masarap rin pala sa pakiramdam na hayaan mo 'yung sarili mo na umiyak paminsan-minsan, lalo pa't kapiling mo ang taong mahal mo.

Pinaghalong lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako dahil hindi niya ako iiwan hanggang sa matapos 'to, pero malungkot ako dahil sa oras na matapos 'to ay makakalimutan din niya ang lahat—na parang isa lamang panaginip.

Pero okay na rin siguro 'yon, at least kapag nawala na 'ko ay alam kong nasa maayos siyang lugar. Kahit na wala na 'ko ay nagawa ko pa rin siyang makasama kahit na hindi ako nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sa kanya kung bakit ko siya iniwan noon sa ere, kahit na hindi ko nakuha ang sagot kung bakit tinaboy niya ako noon sa kabila ng pagmamakaawa ko.

Ang dami kong sana at 'what-ifs'. At kung iisipin ko 'yon lahat ay mas lalo lang akong mahihirapan na umalis. Sa mga salitang naririnig ko mula sa kanya ngayon ay pakiwari ko'y tanggap na niya ang mga mangyayari—na lahat ng 'to ay magwawakas din.

We both knew the painful truth and who knows what tomorrow may bring? Hinapit niya ako at niyakap namin ang isa't isa ng mahigpit na parang walang bukas. Siguro nga ang mahalaga ngayon ay kasama ko siya.

After namin sa Chinese Garden ay napagkasunduan naming kumain sa isang restaurant sa Roxas Boulevard, naglalakad kami ni Theo nang mapansin namin na may mga taong nagkukumpulan sa gilid ng kalsada, hindi gumagalaw ang mga sasakyan at maririnig ang tunog ng sirena ng ambulansya.

Tumigil kami ni Theo para tingnan ang nangyayari. May naaksidente, nagkabanggaan ang sasakyan sa may crossing at nasa kritikal na kundisyon ang dalawang driver.

"Juniper?" namalayan ko na lang na tinawag ni Theo ang pangalan ko. "Are you okay?"

Then I realized that my whole body is trembling, he must have felt it. I gave him a faint smile and then I started to walk away.

"Do you still remember that day?" Azrael suddenly showed up in my side, umakto lang ako ng normal dahil nasa likuran ko lang si Theo.

I didn't answer his question because I don't want to remember...

Pagkatapos naming kumain ni Theo ng dinner ay umuwi kami at tumambad sa'min ang magulo niyang silid. Sinalubong kami ni Buddo at kaagad itong dumamba sa'kin, after petting him ay nilapitan ko si Theo na nakaupo sa may sofa.

"Bakit ang kalat?" tanong ko sa kanya. May nakalabas na kahon at nagkalat sa lamesita ang mga libro at mga papel.

"Ah... Noong wala ka kasi hindi ako mapakali kaya naisipan kong mag-sort out ng mga gamit na kailangan ko ng i-donate katulad ng mga libro ko."

"Wala ka lang magawa?" umuwi ako sa tabi niya at dinampot ko ang libro na nakita ko.

Pagbuklat ko ng libro ay nakita ko ang isang nakaipit na larawan, isa 'yong family picture, hinanap ko si Theo pero wala siya rito. Hanggang sa nakita ko sa larawan ang isang batang babae na buhat ng isang babae— siya 'yung nakita ko noon sa birthday party ng auntie ni Theo.

"Why?" napansin niya 'ata na nakatitig ako sa picture na hawak ko.

"Siya 'yung batang pinaiyak ko sa party," halos pabulong kong sabi. "Ano'ng pangalan niya?"

"Ah, si Rosy, apo siya ni Tito Ivan."

Natigilan ako nang marinig ko 'yon. Apo? Ang daming tanong na pumasok sa isip ko nang marinig ko 'yon. Katulad ko rin ba si Rosy? Did someone also vouched for her to enter the Project: Afterlife program? Sino? Katulad ko rin ba siya na tanging Consciousness na lamang na nagiinhabit ng isang temporary body? O katulad siya ni Levi? No... That can't be...

"I'm still curious kung bakit umiyak sa'yo 'yung bata na 'yon," narinig kong sabi ni Theo. "Naalala ko rin 'yung sinabi niya, she called you... Heartless?"

Hindi ako makapagsalita nang marinig ko 'yon mula sa kanya.

"It's just a silly game." pagpapalusot ko at tumango na lamang siya.

I was scanning the picture and then I saw the name of the book I'm holding. I saw a familiar name and my heart throbbed.

John Arlo G. Velasco

"A-Arlo..." I can't help it but utter his name.

"What?" narinig kong sabi ni Theo at natigilan din siya. "What's with Arlo?"

Naktita niya 'yung hawak kong libro at kinuha 'yon sa'kin.

"Ah, oo, this is Arlo's book, hiniram ko kasi sa kanya." nakita ko na biglang nalungkot ang mga mata niya. "Arlo is my cousin. Sa kasamaang palad ay naaksidente siya at namatay."

Kanina nakakakita kami ng aksidente at ngayon naman ay nabuksan ang usapan tungkol kay Arlo, ang pinsan ni Theo. Mukhang pinapaalala talaga sa'kin ng kapalaran kung ano ang mga karumal dumal na pangyayari ng kahapon.

Sometimes life can suck like that, 'yung tipong nag-eenjoy ka tapos bigla nitong babasagin ang happy moment na mayroon ka sa kasalukuyan. Totoo nga 'yung sinabi nila na huwag kang masyadong masaya ngayon dahil maaari kang umiyak o masaktan mamaya.

While still holding Arlo's book, I can't help but remember an unwanted memory.


*****


THERE are two kinds of pain: external and internal. External pain is more on physical, kapag nadapa ka o nagalusan, at marami pang iba. Internal pain is more on mental, 'yung mga emosyon natin at damdamin ang nasasaktan. Alin sa dalawa, hindi ko sigurado kung ano ang mas masakit because we, humans, have two primary fears in life: fear of death and fear of the unknown.

Pakiramdam ko noon para akong sinaksak ng sampung beses nang tuluyan niya akong iwanan. The pain of losing someone you love is unbearable.

"Theo please mag-usap naman tayo." pero mas dumoble lang ang sakit nang subukan kong ipaglaban noon ang isang bagay na alam kong ako na lang ang lumalaban.

I can't remember how many times I tried to talk to him but Theo pushed me away. Sabi nila kapag mahal mo ipaglaban mo pero dumating ako sa punto na sumuko ako sa kanya dahil napagod ako, napagod akong magmahal.

Iyong araw na sumuko ako ay iyong araw na nilapitan ko siya pero nagpanggap siya na hindi niya ako naalala na para bang nagkaroon siya ng amnesia. That was the time that I decided I needed to let go of him, I realized that all the love I am trying to give him made me empty, naubos ako. Umatras ako noon para tingnan ang sarili ko at nakita na wala ng pagmamahal na natitira para sa sarili ko.

So I wandered around the world to find the pieces of myself. Sabi nga nila hindi ka makakapagmahal ng totoo kung kulang ka, kaya sinikap ko na buuin ulit ang sarili ko---para sa kanya.

Two years later I came back with certainty, I knew from the bottom of my heart that he's still the one. Kaya kahit walang kasiguraduhan ay sumubok akong muli.

Hindi ko kaagad siya nilapitan, at para rin hindi ako gano'n ka masaktan ay tinanaw ko lang siya sa malayo. Nakita ko ang malaking pagbabago sa kanya, ang dating mga mata niyang puno ng kislap at pangarap ay nawala, at doon ko nga nalaman na nagsara ang coffee shop na pinagtulungan naming itayo.

Sa kabila nito'y nagkaroon ako ng kaunting pag-asa dahil nalaman ko na wala pa ring nagmamay-ari ng puso niya. Kaya ilang araw din akong humugot ng lakas ng loob para makipag-usap sa kanya na may pagbabaka sakaling magkaroon pa kami ng pag-asa.

"Theo?" biglang lumingon ang taong nakatayo sa harapan ng unit niya subalit iba ang nakita ko.

"A-Ate Juniper."

"Arlo? Bakit nandito ka sa labas?"

Si Arlo, malapit na pinsan ni Theo. Madalas siyang pumunta noon sa unit ni Theo para makipagpalitan ng libro kaya nakilala ko siya. Theo and Arlo are close to each other because they have one thing in common, the love of knowledge. Arlo is a warm-hearted teenager and there's always a genuine smile in his innocent face, siguro masasabi ko na isa siya sa pinakamabait na taong nakilala ko dahil madalas niya kaming yayain noon ni Theo na mag-volunteer sa mga charity organization na kinabibilangan niya.

But that day, there's grim in Arlo's face as if he saw death.

"I need somebody's help." bakas sa kanyang boses noon ang panginginig at dahan-dahan siyang lumapit sa'kin. "Kanina ko pa hinihintay si Kuya Theo pero hindi pa rin siya umuuwi."

Nagulat ako noon nang bigla siyang lumuha sa'king harapan.

"Arlo, what's wrong? What can I help?"

"M-may nalaman ako na hindi ko dapat malaman."

"What do you mean?"

"I-I'll tell you once we saved them."

"Save who?"

"'Yung mga bata!"

Binitawan ko noon saglit kung anong dinadala ko noon tungkol sa'ming dalawa ni Theo para tulungan si Arlo. Gamit ang sasakyan ni Arlo ay nagtungo kami sa kung saan.

Namalayan ko na lang na huminto ang sasakyan sa isang hindi pamilyar na village. Nag-park si Arlo sa isang bakanteng lote at naglakad kami papasok sa isang private property na may mababaw na fence. Hanggang sa narating namin ang likurang bahagi ang isang warehouse na may malaki at magarang bahay 'di kalayuan.

"Arlo, what's going on?" kinabahan ako noon pero huli na para umatras at determinado akong tulungan si Arlo sa problema niya. My faith remained strong so that I can protect him from harm, Arlo's like a little brother to me and Theo.

Huminga muna ng malalim si Arlo bago pinilit magsalita ng diretso, "M-may mga batang na-kidnap sa loob ng warehouse na 'yan. N-nakita mismo ng dalawang mga mata ko kung anong mangyayari sa kanila."

Nanlaki ang mga mata ko noong marinig ko 'yon sa kanya, "Arlo, this is serious, we need to call the police!" akma kong babalikan ang cellphone ko sa kotse pero pinigilan niya ko.

"N-no!" he exclaimed and he whispered those words. "Y-you can't. Hindi mga pangkaraniwang tao ang nasa likuran nito. The police are puppets too! This is our only chance to save them while they're gone doing their ritual."

"Ritual? Anong ritual?"

Instead of answering me, Arlo rushed inside the warehouse and I got no choice but to follow him. We sneaked inside and Arlo's right, walang ibang tao sa warehouse maliban sa isang kaawa-awang eksena na natagpuan namin.

May isang maliit na selda at nasa loob nito ang tatlong musmos na humihikbi. Narinig ko mula kay Arlo na mas marami ang nakita niya noon kaya wala kaming ibang magagawa kundi iligtas ang mga natitirang bata.

Subalit biglang may isang dumating na nilalang, isang lalaki na nakasuot ng itim, hindi kita ang mukha niya dahil nakasuot din ito ng itim na maskara pero kitang kita ko ang ahas niyang tattoo sa braso hanggang kamay.

Natatandaan ko pa rin kung anong sinabi ko noon kay Arlo.

"Run with the children." dahil nakita kong akmang iraradyo ng lalaki ang nasaksihan niya'y kaagad akong umatake, nalaglag sa sahig ang radyo at sinipa ko 'yon palayo. "Run!" sigaw ko kay Arlo at kaagad silang umalis.

Naiwan kami ng lalaki at dahil may kaalaman ako sa martial arts ay nagawa ko siyang bigyan ng sunud-sunod na sipa. But he's also well-trained and we exchanged punches and blows. Until he overpowered me and I wasn't able to dodge his unexpected attack with a knife.

Bumagsak ako sa sahig nang masaksak niya ako sa tagiliran, nakita ko siya na iika-ikang naglakad papunta sa radyo 'di kalayuan. Hindi nila pwedeng mahabol sila Arlo. Sinamantala ko ang pagkakataon, kinuha ko ang isang nakakalat na tubo sa'king tabi at buong lakas na bumangon at naglakad papunta sa lalaki. Saktong lumingon siya sa'kin at hinataw ko siya ng tubo. Bumagsak siya sa sahig, walang malay.

"M-mama, p-papa..." nakarinig ako ng boses ng isang bata at napalingon ako. Nakita ko mula sa isang lumang cabinet ay lumabas ang nagtatagong paslit na nasa pitong taong gulang.

"Hey, halika... 'wag kang matakot."

Pilit kong ininda ang sakit at lumabas kami ng premihiso, hawak-hawak ko ang kamay ng bata at kahit hindi ko alam kung saan kami hihingi ng tulong dahil tila nasa gitna kami ng kawalan sa isang hindi pamilyar na probinsya.

Hanggang sa hinang hina na bumagsak ako sa lupa.

"T-tumakbo ka lang, magiging...okay din ang lahat." nakangiting sabi ko sa bata at tumango siya nang sunud-sunod, umiiyak man ay tumakbo siya palayo at naiwan ako sa gilid ng kalsada. Tanaw ko ang langit at rinig ko ang huni ng mga ibon.

Alam ko noong mga oras na 'yon na katapusan ko na, at sinong mag-aakala ng dahil sa pagtulong ay ganito ang kahihinatnan ko, alam ko na kung may makakakita man sa'kin ngayon ay huli na para iligtas nila ako.

If helping Arlo is bound to happen according to God's will then I made the right choice. A dying question popped up in my head: what do I regret?

Ang tanging pinagsisisihan ko lang ay hindi ko nagawang makausap si Theo, hindi ko man lang nasabi sa kanya na hindi ko naman talaga siya iniwan at mahal ko pa rin siya.


*****


"OPEN your eyes."

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko noong marinig ko ang boses ni Azrael.

"From now on Galilee's body will be yours temporary for thirty days."

I can feel my body so I stood up. I saw an unfamiliar room, at napansin ko 'agad na maraming art decorations. Nakita ko sa bintana na madilim na sa labas at pasado ala sais na ng gabi. I walked around the room and I was shocked to see myself in the mirror. This isn't me. Nasa katawan na ako ni Galilee.

"Hello, Juniper," mas nagulat ako nang sumulpot sa kanan ang isang lalaki. "Don't panic, I'm just a hologram embedded in your consciousness, I'm Azrael 21, your hologram guide at ikaw lang ang nakakakita sa'kin."

"Hologram guide?"

"Just think of it like a 'guardian angel'. Don't worry because Galilee lives alone in this condo." ngumiti siya sa'kin at muli akong bumaling sa salamin.

Hindi ako makapaniwala na totoo ang lahat ng 'to, ang buong akala ko'y nag-iilusyon lang ako, totoo talaga ang Project: Afterlife.

"I need to remind you again that your heart will be transferred to Galilee after the contract."

"Ilang araw na ang lumipas nang mamatay ako?" I asked.

"It's been six days."

"S-six days? Alam na ba nila na patay ako?"

"No, the announcement of your death is postponed until the contract ends." tumayo si Azrael.

Napaisip ako saglit nang marinig ko 'yon. Kung gano'n... hindi pa alam ni Theo na wala ako?

"Besides, they won't remember you as Maria Juniper Lee, dahil habang nasa program ka ay hindi ka nila maalala dahil isa 'yon sa kasunduan sa Project: Afterlife. So even if you have a temporary body, hindi mo masasabi sa ibang tao na ikaw si Juniper. Kaya nga violation na ibulgar ang tungkol sa program na 'to."

Ibig sabihin kahit pala lapitan ko si Theo ay wala pa rin akong magagawa na ipaalala sa kanya at ipaliwanag kung anong nangyari noon sa kasal namin?

"W-what happened to Arlo?" I can't help but to ask that question.

"He died the same day you died."

"A-ano?" hindi ako makapaniwala nang marinig ko 'yon.

"Car accident."

"'Yung mga bata na kasama niya?"

"Wala siyang mga batang kasama." It's a good thing that Arlo managed to save the children but it still saddens me to hear about his death.

Malakas ang kutob ko na parehas kami ng naging sanhi ng kamatayan ni Arlo, we both died due to saving those children, the people behind that crime is yet to be unveiled, hindi pa alam ng mundo ang tungkol sa pagkamatay ko.

"So, ngayong meron kang thirty days sa mundong 'to gamit ang katawan ng ibang tao, anong balak mo? Babalikan mo ba ang taong pumatay sa'yo?" tanong ni Azrael.

Umiling ako nang sunud-sunod.

"I came back not for justice, but for the man I love."

Pumalapakpak si Azrael nang marinig niya ang sagot ko.

"Kung mayroon mang langit sa tingin ko deserve mong mapunta roon. Ang selfless mo rin eh, una, tinulugnan mo si Arlo at nagparaya ka na naging sanhi ng pagkamatay mo. Ngayon, wala ka man lang remorse sa taong pumatay sa'yo?"

"I firmly believe that the law is not in my hands, and it can't be helped, patay na 'ko, wala na 'kong magagawa. Ilalaan ko na lang 'yung oras ko para sa taong mahal ko kaysa mapuno ako ng galit para sa katarungan."

"Impressive."

Parehas kaming natahimik pagkatapos. Napatingin ako sa picture frame na nakapatong sa console table, larawan 'yon ni Galilee.

"I'll borrow you for a while. I'm sorry and thank you. It won't be that long; I just want to spend my last hours with him."


*****


"JUNIPER?"

I came back to my senses when I heard Theo's voice. I realized that I was staring blankly at Arlo's book.

"Okay ka lang?"

"Y-yeah." Sinara ko 'yung libro at pinatong ulit 'yon sa lamesita. Biglang tumunog 'yung phone ni Theo at binasa niya ang natanggap na mensahe.

"Nag-pm si Frida, pinapapunta tayo ni Ate Rosa sa bahay nila."

"Bakit daw?" tanong ko at hinintay ni Theo ang reply sa kanya ni Frida.

"Birthday ni Rosy." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top