/12/ Before We Sleep
"Now we find
Beauty in all the pain
There's a reason for the
rainbow through the rain"
/12/ Before We Sleep
[THEODORE]
STRANGE, Juniper is not speaking for the whole time during our trip way back to Manila.
Hindi ko na rin naman tinangka na kausapin siya dahil naramdaman ko na parang ayaw niya ring makipag-usap. Maybe she's tired or exhausted from my aunt's party at naiintindihan ko naman 'yon dahil nagmistulang 'life of the party' siya kanina.
Nang makapasok kami sa loob ng unit ko ay kaagad siyang nagpunta ng banyo para mag-shower. Ako naman ay umupo sa sofa para bigyan ng belly-rub si Buddo na sobra kong na-miss.
Nang lumabas si Juniper ng banyo ay nakita kong nakasuot na siya ng maluwag na t-shirt at pajama, hindi niya kami pinansin ni Buddo at diri-diretso lang siyang humiga ng kama at nagtalukbong.
Sa totoo lang ay sanay na 'ko sa presensya niya, I mean, 'yung pakiramdam na parang ang tagal na naming magkasama kaya ganito kami ka-komportable sa isa't isa.Hininto ko 'yung ginagawa ko at lumapit sa kanya.
"Juniper?" tawag ko sa pangalan niya kahit na hindi ko alam kung gusto niya akong makausap. "Are you okay?"
I admit that I'm worried to her since we left my aunt's house. Hindi pinaliwanag sa'kin ng former student ko na si Garnet kung anong problema ang tinutukoy niya kay Juniper, hindi ko na rin natanong kay Garnet kung magkakilala ba silang dalawa. Bigla kasing nag-walk out si Juniper matapos umiyak ang bata kaya sinundan ko siya sa labas at nagyaya na siyang umuwi. I want to ask what she feels, kung ano ba'ng masakit sa kanya. It kinda hurts me to see her not well.
Biglang sumilip ang mga mata niya at mahinang nagsalita, "I'm embarrassed."
"What?" nakakunot kong tanong.
"Pinaiyak ko 'yung bata kanina."
Ilang segundo kaming nagtitigan at bigla akong tumawa, sumimangot lang siya. Para siyang bata na nakagawa ng kasalanan at pinagalitan sa itsura niya.
"Ba't ka tumatawa?" inis niyang tanong.
Ewan ko ba at nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko na 'yon lang pala 'yung problema niya kung bakit siya tahimik kanina pa. This woman is really something.
Umupo ako sa gilid ng kama habang nakaharap pa rin sa kanya, tumigil na 'ko sa pagtawa pero hindi mawala 'yung ngiti sa labi ko.
"Masaya lang ako kasi walang masakit sa'yo."
Napatitig lang siya sa'kin ng ilang segundo at kita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat.
"Bakit?" 'di ko maiwasang matanong dahil bigla akong nailang sa titig niya.
Imbis na sumagot ay bumangon si Juniper at umupo sa gilid ko. Kahit na gulu-gulo ang buhok niya'y hindi ko maitatanggi na ang ganda niya pa rin. Pang-walong araw na naming magkasama pero bakit ngayon ko lang nakikita ng malinaw kung gaano siya kaganda hindi lang sa panlabas kundi sa panloob na anyo,
Maswerte ang taong makakasama niya hanggang sa pagtanda.
"I'm dying, Theo."
Pero bakit ganito? Bakit ganito ang pakiramdam sa tuwing maalala ko ang mga salitang 'yon?
Siguro mas matutuwa pa ako kung malalaman ko na manloloko siya, na hindi totoo na may taning ang buhay niya. You're going crazy for thinking crazy thouhgts, Theo. Pero sa loob ng walong araw na magkasama kami ni Juniper, bumulong ang puso ko na isa siyang mabuting tao at hindi niya magagawang manloko.
"Theo?" narinig kong tawag niya sa'kin at napatingin ako sa kany.a Napagtanto ko kung gaano kami kalapit sa isa't isa at automatic akong umusog palapit sa kanya, dahan-dahan, palapit sa mukha niya.
Hindi siya gumalaw at hindi siya kumukurap, habang nakatingin ako sa isang direksyon---sa labi niyang naghihintay na mahagkan. Nang ilang pulgada na lang ang halos layo ko'y bigla niyang tinakpan ng kanyang dalawang daliri ang labi ko.
Bigla akong natauhan, lumayo ako sa kanya at nakita ko ang mapanukso niyang ngiti.
"Before we sleep I need to tell you something," may tila kung ano sa kanyang mga mata na hindi ko maipalawanag, parang nang-aakit at puno ng damdamin. "Sa loob ng walong araw na panghihimasok ko sa tahimik mong buhay, gusto ko lang sabihin na salamat kasi hindi mo ako sinukuan."
I don't what to say and I remained mum.
"Thank you for not giving up on me." hindi ko napaghandaan ang sumunod niyang ginawa. She cupped my face and she gently kissed me on my lips. I'm in a state of shock and I can feel my heart's pounding. I relaxed myself then I kissed her back.
Bumitiw siya 'agad pero hinagkan ko siya sa pagkakataong 'to. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa'king batok at buhok nang halikan niya ako pabalik. Hanggang sa inihiga ko siya sa kama nang hindi napapatid ang aming halik.
' This is crazy! What are you doing, Theo?! It feels like my mind is exploding right now and my heart is driving me crazy---she's driving me crazy. I can't stop.
"Woof!" parehas kaming natauhan nang marinig namin ang malakas na kahol ni Buddo. Marahan niya akong tinulak palayo at umalis ako sa ibabaw niya.
"W-we can't..." halos pabulong niyang sabi. We're both catching our breaths and I want to hide right now. What have you done, Theo?
"I'm sorry." sabi ko habang nakatalikod sa kanya, napahilamos na lang ako.
"Wala kang dapat na ihingi ng, sorry," naramdaman ko 'yung kamay niya sa balikat ko. Gusto kong alisin 'yung kamay niya dahil baka kung ano na naman ang magawa ko. "Good night, Theo."
"G-good night."
Tumayo ako at pinatay ang ilaw. Pagkatapos ay naglinis ako ng katawan saglit sa banyo, nagpalit ng pantulog at humiga sa sofa. Lumipas ang mga oras pero nakatitig lang ako sa kisame, hindi ako makatulog.
Tumingin ako sa kama at nakitang hindi na siya gumagalaw mukang tulog na siya. Napabuga ako ng hangin sa kawalan at bigla akong napangiti. Theo, you fool.
That was such a nice kiss.
What's with this feeling?
*****
"PUPUNTA tayo ng zoo! Yey!"
Where am I? Am I transported back in time? I saw myself as a kid again, excited na lumabas ng bahay at sumakay ng kotse. Then I waved at my parents standing at the porch, their vivid faces looked happy. Namalayan ko na lang na nasa zoo kami at hawak-kamay na namamasyal, tandang tanda ko pa rin ang itsura nila at ng paligid.Those were the good times.
"Theo, may ibibigay sa'yo ang tatay mo," sabi ni nanay sa'kin at tumingin ako sa katabi niya. Ngumiti lang si tatay at inabot sa'kin ang isang kwintas na may magarang susi.
"Para saan po 'to?" nakakunot kong tanong dahil hindi ko maintindihan kung para saan ba 'yon.
"Paglaki mo'y malalaman mo, anak."
Fast-forward. Kasabay ng unti-unting paglimot ko sa aking kabataan ay nakalimutan ko na rin ang tungkol sa susi. Hanggang sa tumuntong ako sa kolehiyo nang bigyan akong muli ni tatay ng bagong palaisipan.
"Theo, anak... May mahalaga akong sasabihin sa'yo. May bagay akong importanteng ibibigay sa'yo. Na kahit na wala na ako, gagabayan ka nito at ituturo sa'yo nito ang mga kasagutan kapag sinubok ka ng buhay o kapag naligaw ka ng tinahak."
Sa pagkakataong 'yon ay isang lumang kahon na may kandado naman ang binigay sa'kin ni tatay. Hindi ko naisip kaagad noong mga panahon na 'yon na maaari kong buksan ang kahon gamit ang susing binigay niya sa'kin noon dahil nang sumunod na araw ay namatay sila ni nanay dahil sa isang aksidente.
Nawala sa isip ko ang kahon, at ang susi nang mga oras na 'yon dahil sa aking pagdadalamhati subalit walang luha ang lumabas sa aking mga mata.
"Theo." bumalik ang eksena sa aking kabataan. Umiiyak ako dahil sa pagkamatay ng aking alagang aso, si Buddo The First. Limang taong gulang lamang ako noon at wala pang muwang sa mundo.
Nakita ko ang isang malaking anyo ng tao, nakayukod ito sa akin at may pinakita siyang tila kwintas na umuuguy-ugoy, may ibinulong ang nilalang at walang anu-ano'y tumigil ako sa pag-iyak, hindi ko na maalala na may ganitong nangyari sa'kin noon.
Sa isang iglap ay napunta ako sa isang lugar, nasusunog ang buong paligid habang nakagapos ako sa upuan.Sobrang init sa pakiramdam at hindi ako makahinga. It feels like I'm going to die.
"Theo!" isang pamilyar na boses ang tumawag sa'kin."Wake up!"
I see. This is just a dream.
"THEODORE!" nagising ako dahil sa isang malakas na sampal.
"Aray!" napabangon ako bigla at nakita ang bwisit kong si Frida sa gilid at nakapamewang. "Ano bang problema mo?!" naniningkit na sigaw ko sa kanya.
"Ikaw! Kanina ka pa namin ginigising diyan!" sigaw pabalik sa'kin ni Frida at napatingin ako sa may mini-kitchen kung saan nakatayo si Juniper na may pag-aalala sa kanyang mukha.
"Para kang binabangungot kaya ka namin ginigising," sabi ni Juniper at masamang tiningnan ko si Frida.
"Ikaw, ano na namang ginagawa mo rito?" naiinis pa rin ako sa pagsampal niya sa'kin.
"Maka-tanong ka ng ganyan parang hindi mo ako pinsan ah," umakto pa ito na nasaktan-kuno sa sinabi ko pero 'agad ding bumalik sa dati niyang annoying jolly face. "Dahil nagmamadali kayo kahapon hindi na kayo naambunan ng pauwing handa ni auntie. Ako na nagprisinta na idaan dito 'yung mga pagkain para naman hindi na kayo mahirapang magluto, ang sarap ng handa ni auntie, in fairness."
Napatingin ako sa orasan at nakitang halos malapit ng magtanghalian. Lately, napapansin ko na masyado akong matakaw sa tulog. Kung hindi pa nga 'ko ginigising ni Juniper ng maaga ay hindi ako babangon,
"Oh, tutal gising ka na at nakahanda na ang pagkain, kumain na tayo," yaya ni Frida at naupo na siya. Ako naman ay saglit na natulala sa kawalan, my dream is too vivid.
"Senyorito Theo, ano tulala ka lang d'yan?" si Frida at sinimangutan ko lang siya ulit. "Sungit nito."
Pagkatapos naming kumain at magligpit ay hinatid ko si Frida sa lobby. Papasok pa lang siya sa trabaho niya at habang hinihintay niya 'yung Grab na na-book niya ay nag-usap kaming dalawa at hindi ko na napigilan na i-kwento sa kanya 'yung nangyari kagabi,
"What?!" Halos marindi ako sa lakas ng boses niya. Ang OA talagang mag-react ng babaeng 'to kahit kailan. "Muntik nang may mangyari sa inyo sjkjdkajsdka."
Tinakpan ko 'yung bibig niya dahil sa ingay niya.
"Hinaan mo nga 'yung boses mo." sabi ko pagbitiw ko sa kanya.
"Grabe ka, pinsan, ang manyak mo! Hahaha!" tumawa siya ng parang demonyo. "Bakit ayaw mo pa kasing aminin sa self mo na very like mo si Juni?"
"I don't know, Frida. Nadala lang ako ng emosyon."
"Weh? Huwag na tayong maglokohan dito, Theo," dumating na 'yung Grab niya. "Oh siya, balitaan mo na lang ako sa magiging progress ng love story niyo ni Juniper."
"Baliw."
"Bye!"
Nang mawala na siya sa paningin ko'y bumalik sa unit ko pero pagdating ko ro'n ay wala si Juniper.
"Where is she?" tanong ko kay Buddo kahit na alam kong hindi naman siya sasagot. Nakita ko sa ref na may nakadikit sa ref na papel at kaagad ko 'yong tiningnan.
"Theo, I'm at the rooftop. -J."
Napatingin ako sa orasan at nakita na mag-aala una na ng hapon, napahinga na lang ako ng malalim at lumabas ng unit. Pumunta ako sa rooftop at nakita ko siya sa may shed, nakaupo siya ro'n habang nakatanaw sa mga building.
Naglakad ako palapit sa kanya at napatingin siya sa'kin nang maramdaman niya ang presensya ko. Tirik na tirik ang araw, mabuti na lang ay malakas ang hangin at may masisilungang shed.
"Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya at umupo ako sa tabi niya.
"It's our ninth day together," sabi niya habang nakatingin sa malayo. "It means I only have twenty days left."
Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil parang tinusok ng matulis na bagay ang puso ko nang marinig 'yon. Mas gugustuhin ko pang marinig sa kanya na hindi totoo 'yon, pero base sa ekspresyon ng mukha niya ay mukhang nagsasabi talaga siya ng totoo---hindi siya manloloko.
"I'm sorry if I caused too much trouble on you, Theo," tumingin siya sa'kin at may pinaghalong galak at lungkot ang mga mata niya. "I'm going to be honest with you."
Napalunok ako ng sunud-sunod nang sabihin niya 'yon. Sasabihin na ba niya na joke lang ang lahat ng 'to at isang malaking prank?
"Sa totoo lang kuntento na 'ko sa mga nangyari." Sabi niya at muling tumingin sa malayo.
"H-ha?"
Tumingin siya sa'kin ulit at sa pagkakataong 'to ay saya ang makikita sa kanyang mukha, "Kung mawawala na 'ko ngayon wala na 'kong mahihiling pa."
Kung gano'n ay seryoso talaga siya. Malapit na siyang mawala.
"Tinulungan mo 'ko kahit na alam kong hindi mo habol ang kayamanan ko. Kaya hayaan mo akong tulungan ka sa mga bagay na gusto mong gawin."
"Juniper, what are you saying?" I said with disbelief.
"Let me help you to rebuild Hema's Coffee."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top