/10/ When We Grow Up, Our Hearts Die
Lie down beside me
and let's talk
about anything
until we sleep
until the end
of our time
/10/ When We Grow Up, Our Hearts Die
[THEODORE]
"YOUR home is beautiful."
Iyon ang komento ni Juniper nang makapasok kami sa loob ng luma naming bahay. Inihatid kami ni Sam dito habang siya na ang bahala sa kotse ko mag-ayos, mukhang masyadong natuwa sa'min ni Juniper at hinayaan ko na.
"Who's living here?" tanong niya habang lumilibot ang kanyang tingin sa sala.
"'Yung caretaker lang," tinutukoy ko si Mang Toni na nagbukas ng gate sa amin kanina. "All of the rooms are upstairs."
Mabuti na lang at nagbaon siya ng damit niya, parang handa talaga siya na mangyayari 'to ngayong araw. Ako naman ay may mga lumang damit sa dati kong kwarto na pwede kong suotin.
Hindi ko rin maiwasang pagmasdan 'yung dati naming bahay. It feels like it didn't change, maliban na lang sa katotohanan na wala ng nakatira rito, paminsan-minsan kapag umuuwi ako rito sa amin ay mas madalas akong nakikitulog sa mga pinsan ko.
Napahinga ako ng malalim, parang kailan lang ay bata pa lang ako at dito ako nagkaroon ng isip. Pakiramdam ko tuloy naririnig ko ang boses nila mama at papa, pati ang lumang musika na tumutugtog tuwing Linggo. Ang nakalipas na kahapon, kay sayang balikan pero nakakalungkot na hindi na 'yon maibabalik pa.
Mabuti na lang at hindi pinababayaan ni Mang Toni ang bahay namin. Ang mga antique na furniture at ilaw ay ganoon pa rin. Regular niya kasing nililinis ang bahay at pinapalitan ang mga bumbilya, ultimo nga 'yung orasan ay umaandar pa rin.
Umakyat kami ni Juniper sa ikalawang palapag.
"Uhm..." bigla akong huminto sa harapan ng silid ko at napakamot sa aking ulo.
"What's wrong?" tanong ni Juniper at nasa likuran ko siya.
"Ano kasi, tatlong kwarto lang ang meron dito, 'yung sa parents ko at sa guest room ay ginawa ng storage room kaya 'yung kwarto ko na lang 'yung—"
"It's okay, we can share the room," sabi niya at nauna siyang pumasok sa loob ng kwarto ko. "This is amazing. Halos kasing laki nito ang unit mo ah."
She's right, malaki kasi 'yung kwarto ko na 'to kasi may sariling C.R. at medyo malaki 'yung study area na may bookshelf.
Wala akong nagawa at pumasok na lang din ako sa loob. My room still looks like the same when I leave it, hindi ko na nga matandaan kung kailan ako huling natulog dito eh. Pero na-miss ko 'yung antique na amoy, 'yung amoy probinsya.
Binuksan ni Juniper 'yung malaking capiz na bintana at pumasok kaagad ang preskong hangin. Pagkatapos ay naglakad siya palapit sa study area ko at nag-obserba, habang ako'y pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya.
"Ang dami mong libro," komento niya at kumuha siya ng isang lumang libro, pinagpagan niya 'yon dahil maalikabok. "Nabasa mo na 'to lahat?" tanong niya at tumingin sa'kin.
"Yes." Maikling sagot ko at naupo ako sa rattan na upuan malapit sa may kama.
"You're a nerd." Sabi niya sabay tawa.
"I just love to read anything, mostly about history and philosophy."
"That's interesting..."
Maya-maya pa'y kumatok si Mang Toni at sinabing nakahain na ang pagkain sa kumedor, bumaba kami ni Juniper at pagkatapos naming kumain ay muli kaming umakyat sa kwarto para matulog.
"What are you doing?" tanong niya sa'kin at huminto naman ako sa paglalatag ng banig sa kahoy na sahig.
"Nag-aayos ng hihigaan ko." Sagot ko sa kanya.
"Malamig ang sahig, Theo, baka ubuhin ka. Share na lang tayo sa kama, sobrang laki kaya nito."
Mukhang kahit pumrutesta ako sa kanya'y pagpipilitan niya pa rin 'yung gusto niya kaya sinunod ko na lang siya. Umusod siya sa kanan at ako naman ay nasa kaliwang bahagi. May malaking space sa gitna naming dalawa at nilagyan niya 'yon ng unan.
Nang patayin niya ang lampshade at namayani ang dilim sa silid at kaunting liwanag mula sa labas dahil sa bukas na bintana, hindi ako kaagad nakatulog. Nanatiling dilat 'yung mga mata ko na nakatitig sa kisame.if
Maya-maya pa'y naramdaman ko siyang gumalaw at narinig ko ang kanyang boses.
"Can't sleep?" mahina niyang saad. "What it feels like to be here... after a long time, I guess?"
"Hmm... Nostalgic," sagot ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa kisame. "Weird pero parang pakiramdam ko nandito pa rin 'yung parents ko kahit na matagal na silang patay."
"Well, according to studies, when we die our energy will still remain on the place where we're most attached, kaya nga may mga encounters sa mga spirit sa isang partikular na lugar."
"Oh, Juniper, no to horror stories please." Ani ko dahil baka pumunta pa roon ang usapan.
I heard her soft chuckle, "Are you scared of ghosts?"
"Not really," pagde-deny ko kahit na kanina ko pa iniimagine na may lumitaw na mumu sa kisame. "Sabi nga nila mas matakot ka sa buhay kesa sa patay."
"Oo, kasi may mga taong iiwan at sasaktan ka lang." napatingin ako sa gawi niya dahil bigla siyang humugot ng ganon, at nakita kong nakatagilid siya paharap sa akin, she's smiling at me. Guni-guni ko lang ba na parang nag-go-glow 'yung mukha niya?
"Katulad mo?" hindi ko napigilang basagin 'yung hugot niya kaso parang nagsisi ako nang makita kung paano naglaho ang ngiti sa kanyang bibig, pagkatapos ay tumihaya siya.
"S-sorry... I don't mean to say that." Tumihaya rin ako dahil bigla akong nahiya.
"It's okay," sagot niya. "Theo... Tell me about your family."
"Ahh..." napaisip ako at kaagad na rumehistro sa akin ang nakalipas na mga alaala sa bahay na 'to. "I grow up in a happy family, kahit na tahimik lang akong bata... There are a lot of memories in this place, my childhood..."
Naalala ko ang mga simpleng araw, noong mga panahong hindi ko pa pinoproblema ang lahat. Tuwing hapon, pagkatapos ng eskwela ay uuwi ako ng bahay para manuod ng mga anime. Tuwing bakasyon ay palagi akong naglalaro sa malawak naming bakuran, dinadayo ako ng mga kalaro ko sa amin para maglaro kami ng tagu-taguan, patintero, tumbang preso, luksong baka. Minsan naman ay naglalaban-laban kami ng pogs o text, jolens, goma, trumpo, gagamba at marami pang iba.
Lumaki ako sa era na tinatawag nilang 90s kaya kinokonsidera ko 'yung sarili ko bilang batang 90s. Maswerte ako dahil naranasan ko ang mga 'yon noong hindi pa uso ang paggamit ng teknolohiya at social media. Nakaka-miss 'yung mga panahong pipilitin ka ng nanay mo na matulog tuwing tanghali, 'yung magluluto si nanay ng Turon tuwing meryenda.
Hindi ko namalayan na nakangiti ako habang nagkukwento kay Juniper tungkol sa kabataan ko.
"That sounds really fun..." komento niya.
"Yeah... Alam mo... Na-realize ko lang na ang saya ko pala noong bata ako, iniisip ko dati na sana tumanda na ako 'agad para magawa ko 'yung mga gusto ko pero mali pala ko. I thought adults are free but I was so wrong, children have the real freedom. They are free to roam in their imagination... What happened to adults? We became bounded by limiting possibilities, andyan ang taxes, insurance, bank accounts etc. Kaya alam ko na kung bakit mas piniling mag-stay ni Peter Pan sa Neverland." Mahaba kong sabi sa kanya, nakaunan 'yung isang braso ko sa ulo ko habang nakatitig pa rin sa kisame.
"There's a quote from an 80s movie, 'When you grow up, your heart dies.'" Komento niya at pamilyar ako sa movie na binanggit niya.
"The Breakfast Club?"
"Yeah, I love that movie, Allison is my favorite character," sagot niya. "Anyway, somehow hindi ako naniniwala na totally na namamatay ang puso natin kapag tumanda na tayo."
"Why?"
"It's up to us to decide when we'll open again our hearts every time it's shattered to pieces. Our hearts may die but love will be always a greater force."
"You sound like a philosopher." Biro ko at natawa naman siya.
"Tell me more stories."
"Umm... Let's see," nag-isip ako ulit ng pwedeng ikwento sa kanya. "My father."
"What about your father?"
"Well... Siya na siguro ang pinaka-idol ko," I began to recall my father's face, his voice, and everything special about him. "If I'll describe him in one word, it will be enigmatic."
"Enigmatic?"
"Bata pa lang ako noon kaya hindi ko pa gaanong maintindihan, magmula nang bumalik si tatay galing Israel naging iba siya. I can't explain it but when he returned here, people began to flock in our house to seek help in different problems. People loved him and considered him as their 'tatay' also, may mga nag-udyok nga na tumakbo siya bilang Mayor pero ayaw niya, gusto lang talaga niyang tumulong at wala siyang ibang intensyon."
"Wow, parang napakamarangal niyang tao." Puri ni Juniper.
"Yeah. Wala akong masasabi sa kanya, para sa'kin deserve niyang ma-award-an ng Nobel Peace Prize."
"Talaga? Ganon mo siya ka-idol?" manghang sabi niya at akala niya ata ay nagbibiro lang ako.
All of the wisdom he taught me as a kid is still in me. Ang pinaka-tinuro niya sa akin ay maging isang mabuting tao at tumulong sa mga nangangailangan. Though sometimes it hurts me to see when people have taken advantage of him. May ganoon talaga, may mga nagpapanggap para makapanglamang sila ng kapwa.
But my father, he's different, kahit niloko siya at naisahan ay kaya niya pa ring magpatawad. Kaya niya pa ring tulungan 'yung mga taong tumatraydor sa kanya. Siguro iyon ang dahilan kung bakit sobra ko siyang tinitingala, dahil hindi ko kayang gawin ang ginawa niya. Hindi ko kayang magpatawad 'agad.
"Theo, anak... May mahalaga akong sasabihin sa'yo." I can still remember clearly the last day I spend with him. "May bagay akong importanteng ibibigay sa'yo. Na kahit na wala na ako, gagabayan ka nito at ituturo sa'yo nito ang mga kasagutan kapag sinubok ka ng buhay o kapag naligaw ka ng tinahak."
"Theo?" Juniper called my name when I didn't speak. "Tulog ka na ba?"
"I'm still awake... It's just that... I remembered the thing he gave me."
"What is it?"
"I... can't remember," maging ako ay naguluhan kaya napahinga ako ng malalim. "Maybe it's an effect of the therapy."
"Therapy?"
"Ah... I..." napabuntong hininga na naman ako. "My Uncle Ivan, he's a psychiatrist... Nag-patherapy ako sa kanya para... makalimutan 'yung ex ko. Kaya siguro... may mga ilang memories din ako na naapektuhan. I'm not sure."
"You... undergo to a therapy to forget your ex," nagulat ako nang bigla siyang tumawa. So, she found it funny? "Sorry, Theo. Hindi ko lang sukat akalain na may ganon pala talaga."
"I don't feel guilty for it. Ngayon lang. Kasi hindi ko na rin maalala kung ano 'yung binigay ni tatay sa'kin bago sila maaksidente."
Hindi na siya sumagot.
"Juniper?"
Wala pa ring sagot. Kaya dahan-dahan akong humarap sa kanya at nakita ang nahihimbing niyang mukha. Mukhang kanina pa siya inaantok at nakatulog na ngayon.
I smiled and I closed my eyes to sleep.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top