Chapter 8

Nakarating na kami dun sa parking area nakita namin sila maam pati yung iba siguro naming kasama na nakasakay na sa van, kami na lang pala yung hinihintay.

 "nako kanina pa namin kayo hinihintay, sige na maupo na kayo dun sa seat sa likod" sabi ni maam sa amin

whaat magkatabi kami, and kaming dalawa lang talaga yung magkatabi ah. Ay nako nakakainis.huhuhu...matapos nung ginawa nya sakin kanina..huhuhu

 " nadala nyo ba yung mga gamit na kailangan ninyo?" huh anong gamit?

 "ay hindi po maam, nakalimutan po namin, sorry po"  sabi ni angelo..ano ba kasing gamit yun?

"sige okay lang yun dadaan nalang tayo sa mga bahay ninyo para makuha nyo yung mga gamit nyo"..ano ba kasing gamit?? haaayyys

 "okay po" una naming dinaaanan yung bahay ni angelo, well infairness maganda yung bahay nila, malaki and yung garden nila maganda rin. Mayaman siguro talaga sila angelo, malamansyon yung bahay nila eh. Pagbalik ni angelo pumunta na kami sa bahay namin. Malapit lang din pala yung bahay nila sa amin, mga ilang kanto lang din siguro yun. Tapos pumunta na ko sa kwarto ko para kunin yung mga damit ko and yung mga gamit na kailangan ko.

... Angela's POV...

Dumeretso na ko dun sa may gate namin tapos pinabuksan ko kay kuya guard " good morning po maam" "good morning din kuya"

 tapos pumunta ko sa kwarto ko. "o angela diba may pasok ka ngayon, wag mo sabihing nagcutting classes ka" saway kagad sakin ni mama pagpasok ko

"hindi po mama, diba po may pupuntahan po kami ngayon, eh nakalimutan ko pong dalin yung mga gamit ko" paliwanag ko a kanya

 "ah oo nga pala, oh sige ingat ka dun, oh ito baon mo oh" himala ata ah..kusa na si mama...hehe 

 " himala yata ngayon mama ah"  di na naman yun pinansin ni mama

"o sige na magimpake ka na baka hinihintay ka na nila sa labas"  "opo mama"

 nagbihis na muna ko tapos Kinuha ko na yung damit ko sa cabinet, yung iba ko pang mga kailangan tulad ng lotion, shampoo, sabon, toothbrush and toothpaste. Syempre naman malilgo naman ako dun no. tapos yung mga iba ko pang gustong dalin na kailangan ko dinala ko na rin and nilagay ko dun sa maleta at bags na dala ko. Pagkatapos kong magimpake lumabas na ko. 

" oh angela ang dami mo naman yatang dala" sabi sakin ni mama nung makita nya yung dala ko

 "hindi ma, konti pa nga yan eh iniwan ko pa nga yung iba kong damit eh"  sabi ko 

"sa lagay mong yan iniwan mo pa yun ah". Konti lang naman tong dala ko eh isang maleta lang naman and 3 travelling bags, oh diba bakasyunista lang ang peg.

 "sige na mama aalis na ko, hinihintay na nila ko dun eh" " oh sige". Nagpatulong na ko kay kuya sa pagbuhat ng mga gamit ko, siguro naman dun sa pupuntahan namin di naman siguro kami maglalakad ng mahaba no.

Sumakay ako sa van and, pagkasakay na pagkasakay ko sa bus ayun puro sermon na naman inabot ko kay angelo, sermon sya ng sermon akala nya nakalimutan ko na yung ginawa nya sakin kanina .

 " ang tagal tagal mo namang kumuha ng mga gamit mo, tapos ang dami dami mo pang Kinuha, ang sikip sikip tuloy dito, hindi mo rin naman mabibitbit mamaya nyan" tch...why do he care?

 "eh ano namang pake mo eh kailangan ko yung lahat ng yan eh"  "bahala ka nga" maka bahala ka nga siya sakin parang wala syang ginawa kanina ah "ay nako tama na yan, pupunta muna tayo sa mall para mamili ng mga susuotin nyo and para makapagpaayos kayo" saway s main ni maam.


...

Pumunta kami sa mall, and dumeretso kami ni maam and ni angelo sa boutique . "okay sige na angela mamili ka na ng damit jan, ikaw din angelo" sabi ni maam

 "ha? Bakit po ako maam?" tanong naman ni angelo halimaw..tch..

 "kasi alam mo kung anong magandang suot ng babae"sabi ni maam kaya wala nang nagawa si angelo kundi sumunod na lang

 Tapos pumili na ko ng magandang damit, hmm mukhang maganda to ah, pinili ko yung pink na cocktail dress na may mga parang glitters dun sa upper part tapos meron syang parang belt tapos may flower yun sa gitna, tapos yung sa lower part naman plain lang sya, tas pinakita ko yun kay maam.

 " maam ito po?" tanong ko

 "maganda yan iha, akin na para maisukat mo mamaya, o sige kumuha ka pa dun"

 tapos umikot ikot muna ko kasi wala akong masyadong mapili, nung nakita ko yung isang dress na yung sa itaas is white na long sleeves tapos may katerno syang red na palda, mukhang maganda pero simple, tapos nung kukunin ko yun may kumuha din nun kaya ang ending nahawakan nya yung kamay ko,

  dug dug dug dug

. Bumilis yung heartbeat ko ano ba tong nangyayari na to sakin, abnormal na yata tong puso ko, tinignan ko kung sino yung tao na nakahawak sa kamay ko,

.... si Angelo pala, napatingin ako sa mga mata nya, ngayon ko lang napansin maganda din pala yung eyes nya, tapos yung lips nya na mapula, ngayon ko lang napansin gwapo nga talaga sya.

  Dug dug dug dug

.wait, ano ba tong mga pinagsasasabi ko, angela gising gising

 " ahh sige kukuha na lang ako ng iba"sabi ko sa kanya tapos umalis na ko lumipat ako dun sa kabila, ano ba tong nangyayari sa akin, napatingin ako dun sa may salamin tapos nakita kong namumula na pala yung mukha ko, waaah ano ba to, may sakit na yata ako eh.

 "okay angela henheyl, hexheyl, hoo, okay,wala lang yun"

 tapos kumuha ako ng isang black na cocktail dress na may ribbon sa taas, mukha namang kasya sakin to pero medyo mailkli, hanggang bago magtuhod lang, pero okay lang magsusuot na lang ako ng shorts. Pumunta ko dun kay maam para ibigay uli yung napili ko 

"maa.... Whoa, maam bat ang dami naman po nyan" nagulat ako sa dami nang binili ni maam, nandun na din si angelo, na nakatayo, hmm ano kayang iniisip nun ngayon, Waaah grabe nakakahiya ako kanina, bakit ba kasi ako nagblush eh, nako nakakainis naman ako.baka....waaaah bahala na nga.

... END OF POV...

... angelo's POV...

ano kayang pipiliin ko dito?... ang dami dami namang damit dito... ( a/n:eh malamang bilihan ng damit yan) pero kung ako papipiliin(a/n:oo nga ikaw na nga pinapapili) ang gusto ko yung hindi masyadong maikli, hindi masyadong labas yung balikat o kaya yung likod, gusto ko yung simple pero maganda.

 Tapos nakita ko yung kulay white na long sleeve, tapos may ka ternong red na palda na hanggang sa tuhod, mukhang bagay din naman yun sa kanya.

 Nung kukunin ko na yun, may kumuha din dun kaya nahawakan ko yung kamay nya,

  dug dug dug dug

, bakit ba bumibilis yung heartbeat ko, abnormal na yata tong puso ko eh, tinignan ko naman kung sino yung babae, 

si angela pala, napansin kong brown pala yung kulay ng mata nya, maganda rin yung shape ng ilong nya tapos halatang maalaga sya sa mukha nya, wala syang lipstick pero mapula yung labi nya, maganda rin pala to kahit na parang megaphone yung bibig nya,

 ay sh*t ano ba tong pinagsasasabi ko, tapos napansin ko namang nag blush sya, hahaha cute din naman pla to

 " ahh sige kukuha na lang ako ng iba" sabi nya tapos lumipat sya dun sa kabila, Kinuha ko na yung dress tapos Pumunta na ko kay maam para ibigay yung napili ko, nakita ko naman si maam na may cart na at marami nang damit dun.

 "maam parang sobrang dami naman po nyang binili nyo" "okay lang yan para din naman yan sa section nyo" "ah ok po, ah maam ito na nga po pala yung napili ko" kinuha ni maam yung damit na napili ko, tapos dumating na rin si angela dala yung black na cocktail dress.

... END OF POV...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top